Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

60.7M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 384
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 378

139K 5K 4.7K
By eatmore2behappy


A/N: Kitakits sa MIBF . . . Tapos ipon na kayo pambili AMNSE DS or Book 2 (New Books)

Remove

Jay-Jay's POV

Tahimik kaming lahat na nakatingin kay Drew. Kahit hindi nila sabihin alam kong hinihintay nilang bawiin niya ang mga sinabi niya o kaya naman ay durugtungan niya ng 'joke lang' ang mga huling salita niya.

Sabihin mong joker ka lang please.

Pero wala siyang sinabi o dinugtong. Ilang minutor din kaming naghintay hanggang sa sunod-sunod ng nagmura ang pinsan ko at ang mga Ulupong.

"Putangina mo Drew! Hindi ka nakakatuwa!" Galit na sigaw ni Blaster bago siya lapitan at itulak.

Pati sana ibang Ulupong susugod na rin sa kanya kundi lang gumitna at humarang si David.

"Tumigil muna kayo! Let him explain himself!"

"Explain? Eh putangina tinraydor na nga tayo!" sagot ni Mayo.

"Ano pa bang magiging dahilan niya? Eh perang-pera na naman 'yan!" Galit na sabi ni Eren habang dinuduro si Drew.

"Kaya pala panay ang hiram mo ng cellphone sa 'kin? Kasi kinukuha mo na pala ang mga picture sa phone ko. Puntangina ipapahamak mo pa si Grace." Mahinahong sabi ni Denzel pero kitang kita pa rin na gusto niyang saktan si Drew.

Tahimik lang akong pinapanood sila. Hindi ko kasi matanggap na meron ngang nag-traydor sa 'min. Meron nga talagang gumawa.

Bakit? Hindi ko maintindihan.

Ang yabang ko pang sabihin na sa dami ng pinagdaanan namin malabong maisipan nilang gawin 'yon pero ito na nga siya harapan namin. Nahihirapan akong tignan niya, hindi dahil sa ginawa niya kundi dahil sa kung paano siya pagtulungan ng mga kaibigan namin. 

May karapatan akong magalit sa kanya kasi ang sakit ng ginawa niya pero pakiramdam ko sapat na galit ng mga kaibigan namin. Hindi na niya kailangang makarinig mula sa 'kin. 

"Putangina presyo lang pala katapat ng buhay namin sa 'yo!" Galit na sigaw ni Calix. "Kilala mo naman si Ram, papatay 'yon para lang masiyahan siya!"

"Kumalma nga muna kayo!" Awat ni Rory pero siya naman ang pinagbuntunan.

"Tangina mo! Isa ka pa! May alam ka rin!" Bwelta sa kanya ni Felix.

"Makinig muna nga kasi kayo! Hindi matatapos 'tong usapan kung uunahin niyo galit niyo!" sigaw ni Edrix na pumagitna na rin.

"Isa ka pang may alam!" sita sa kanya ni Kit. "Hindi niyo man lang inisip si Jay-Jay!"

Nanlalambot akong makitang ganito sila. Mabigat sa loob na panoorin silang nagtatalo-talo. Ganito rin sila no'n ng mag-away-away sila dahil sa pagtatalo ni Yuri at Keifer, nang lumabas ang totoo tungkol sa plano nila tapos ngayon dahil sa nagtraydor.

Ang hirap na makitang ganito sila. 

Napabuntong hininga ako. Sa isang iglap ang kaninang sumbatan at murahan napalitan ng hiyawan. Sinubukang lumapit ni Kuya Angelo kay Drew at dahil alam na nila ang magiging action niya, karamihan sa kanila kahit galit kay Drew agad na pinigilan siya.

"You son of a btch! You better give me a good reason for risking my cousin's life!" Galit na sabi niya. 

Pati si Ma'am Cindy at Sir Alvin umawat na rin. Sa dami nila halos matangay sila ni Kuya sa paghakbang niya. 

"Speak up Drew!" Utos ni Yuri na halatang awang-awa sa kanya.

Ayaw pa rin sanang magsalita ni Drew pero nang magsalubong ang tingin namin parang gusto niyang manghingi ng tulong. Ilang beses siyang napabuntong hininga pero napaiyak pa rin siya ng makita niyang pinupunasan ko rin ang mga mata ko.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko ulit bumalik sa higaan para humiga pero baka hindi ko na gustohing bumangon. 

"Kailangan ko ng pera eh. Wala na kong malapitan sa inyo," sabi niya at sunod-sunod ang natanggap niyang mura.

"Putangina naman! Kung seryoso pangangailangan mo, malamang tutulungan ka namin!" sagot ni Blaster.

Inis na tumawa si Drew. "Ilang beses akong lumapit sa inyong lahat. Pati kay Keifer, kay David, Eman, Rory. Halos lahat kayo nilapitan ko na."

"Hindi kita pinahiram dahil hindi ka nagsasabi ng totoo," sabi ni Keifer. "Gusto ko lang malaman kung saan mo dadalhin ang pera."

"Same reason. Meron kang tinatago sa 'min," sabi ni David.

Napabuntong hininga si Eman. "Anong malay ko kung sa pasugalan mo lang dadalhin ang pera?"

Nasabunutan ni Drew ang sarili. Ramdam kong hirap siya pero hindi pa rin niya magawang sabihin ang totoo kung saan ba talaga napupunta ang pera niya at kung bakit parang lalong dumarami ang utang niya.

Sana nga hindi sugal ang dahilan.

"May utang ako sa panibagong shark loan, akala ko maayos ang usapan namin. Ginipit niya ko, pinang-blackmail pa niya ang kapatid ko. Walang wala na ko." Pilit niyang pinunasan ang mga luha sa muka. "Sabi niya kung hirap akong makabayad, ihahanap niya ko ng sideline. Inalapit niya ko kay Ram. Ayoko talaga pero ang laki ng ibabawas niya sa utang ko kung maayos ang trabaho. Sabi pa niya tatanggalin nila ang interest at hahabaan ang deadline."

Kita ko ang pagka-frustrate ng mga kasama namin. Pati si Ma'am Cindy halatang naapektuhan din sa mga narinig niya. Walang reaksyon si Sir pero galit na galit pa rin ang pinsan ko.

Pero paano siya nagkaroon ng panibagong utang? Saan niya ginamit ang pera? Wala akong alam na nangangailangan sa pamilya niya. 

"Natakot ako, desperado na ko. Sangkot sa s3x trafficking ang shark loan na 'yon. Paano kung may gawin sila kay Marianne? Paano ang kapatid ko?"

Napaupo na siya sa sahig. Natakot siya. 'Yon ang malinaw na dahilan niya at hindi lang dahil sa pera. Sana sinabi niya ang totoo o kaya sa 'kin siya lumapit. Kahit wala akong pera gagawan ko ng paraan. Para sana hindi ganitong nagsinungaling siya sa 'min.

"Pero maniwala kayo, hindi ko ibinibigay lahat ng details na hinihingi niya. Yung alam ko lang na ma-s-satisfied siya. Akala ko matagal pa gagawin ni Ram ang plano niya dahil kulang siya sa tao at kalalabas lang niya ng ospital."

"Kaya kampante kang i-send ang location ng bahay ko?" tanong ni Sir Alvin.

Hindi na nakasagot si Drew, hindi rin niya magawang tumingin kay Ma'am at Sir. Alam ko rin namang nahihiya siya dahil pati ang mag-asawa naabala namin.

Mukang mapipilitan na silang lumipat ng bahay.

"Anong assurance namin na 'yon nga lang ang mga binibigay mong details?" tanong ni Josh.

Alam kong naniniguro lang din siya pero parang nang-aakusa ang tono niya.

"Alam namin, nakikita ko ang mga pinapadala niya," sagot ni Edrix.

Galit na dinuro-duro sila ni Felix. "May alam nga kayong dalawa, tapos wala man lang kayong sinabi sa 'min? Kahit kay Keifer hindi niyo sinabi?" 

Tinignan ko si Keifer. Kalmado siya, oo, pero kita ko sa paraan ng pagtingin niya kay Drew na kanina niya pa gustong manakit. Malamang na sobra-sobrang pagpipigil sa sarili ang ginagawa niya.

"Dahil kinailangan pa naming siguraduhin ang balak ni Ram. Kung sasabihin namin kay Keifer malamang na kumilos siya at mahalata ni Ram ang ginagawa ni Drew. Biglaan lang talaga ang plano niya," paliwanag ni Rory.

Ilang beses na nagbuntong hininga ang pinsan ko. Hindi na siya hawak ng mga umaawat sa kanya pero nakapaligid pa rin sila kung sakaling na maisipan niyang sumugod na naman.

"These kids manage to find Ram before we do?" tanong ni Sir kay Kuya. "I don't know if I should be amazed or disappointed."

Naalala ko na hinahanap nga rin pala nila Kuya Angelo si Ram pero wala naman yata silang makuhang maayos na location. Lagi siyang nawawala tuwing meron na silang information.

Ma-disappoint ka Sir. Mahina taga-hanap niyo. 

"Biglaan o hindi dapat naisip niyo pa rin na susugod at susugod siya. Tignan mo ang nangyari ngayon. Jay, had a panic attacked and now a high fever, her cousin almost died, at na-exposed ang bahay nila Sir." Kalmadong sabi ni David habang tinuturo kami. "Your irresponsible decision all causes us trouble."

"Sige nandon na kami sa desperado si Drew at nangangailangan pero hindi ba niya kayang humingi ng tulong sa tamang tao, sa Kuya ni Jay-Jay, kay David, o kaya Sir Alvin?" sabi ni Yuri na halatang pilit iniintindi ang stiwasyon ng kaibigan.

"Risky nga! Hindi natin masasabi ang pwedeng mangyari. Ano na lang ang gagawin o sasabihin ni Ram sa shark loan kung tinraydor siya ni Drew?" Pagtatanggol ni Rory.

Hindi ko maiwasang isipin na mali rin sina Rory at Edrix. Pinangunahan nila ang sitwasyon at piniling wag sabihin sa 'min ang nangyayari. 

Nasuklay ni Calix ang buhok. "Pero sa gagawin ni Ram, sigurado kayo sa mangyayari? Eh ito na nga, biglaan na nga silang sumugod ng hindi niyo alam o nahulaan."

"Sigurado kami no'ng una. Kaya naging kampante kaming makabuo ng plano bago sabihin kay Keifer," sagot ni Edrix.

"Eh asan na ang plano niyo? Wala na di ba? Tangina kasi, gamitin niyo naman ng maayos utak niyo! Galing na galing kasi kayo sa sarili niyo na akala niyo kontrolado niyo na ang sitwasyon!" Galit na sabi ni Eren.

Sunod-sunod na sumbat at mura pa ang natanggap nila sa mga kapwa nila Ulupong. Muntik pang makipagsuntukan si Rory.

"THAT'S ENOUGH!" sigaw ni Kuya Angelo na nag-echo sa buong bahay. 

Tumahimik naman ang mga Ulupong. Nakaupo sa sahig si Drew at nakayuko.

Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong marinig ng maayos and dahilan niya at ang iniisip niya. Masakit sa 'kin ang ginawa niya pero mas nasasaktan ako kapag naiisip kong nasira na pagka-kaibigan namin at baka hindi na maayos.

Kailangan ko si Bob the builder baka maayos pa.

"Anong gagawin mo sa mga kaibigan mo na 'to?" tanong ni Kuya kay Keifer.

Malalim siyang nagbuntong hininga. Tumingin pa siya sa 'kin na para bang iniisip niya kung magiging okay lang ako sa decision niya. Kalmado siya pero naghahalo ang galit at lungkot sa muka niya. Gusto kong sabihin na kausapin niya muna si Drew at pag-isipan muna niyang mabuti ang magiging desisyon.

Pero mukang may nabuo na siyang desisyon.

"I want him to stay away from Jay-Jay," sabi niya at ang sunod niyang sinabi ang nagpabigla sa 'ming lahat. "I want him out of Section E."

"S-Sandali Keifer. . ." tawag ko sa kanya pero mukang hindi niya narinig dahil sa sunod-sunod na pagsasalita ng mga Ulupong.

"Pinapaalis mo si Drew?" tanong ni Edrix.

"Sandali lang. Ang bilis mo namang magdesisyon," pigil sa kanya ni Yuri.

"Ganon na lang 'yon? Hindi ba valid ang dahilan niya?" tanong ni Rory.

"Don't you think that's too harsh?" tanong ni David na halatang hindi sang-ayon sa desisyon niya.

Naguluhan ang ibang kaibigan namin. Nabigla sila at hindi inaasahan ang desisyon ng Hari nila. Hindi ko rin makitang sumasang-ayon sila pero hindi rin sila makatanggi dahil alam naman kung bakit gano'n ang kinahinatnan.

Alam kong ayaw din nila kahit galit sila sa kanya.

"P-Paano ang exam? Ang graduation?" tanong ni Blaster.

"He can talk to Sir Alvin and arrange a schedule for the exam and set up for his graduation. I don't want to see him close to Jay-Jay," sagot ni Keifer at naglakad palapit sa 'kin.

"Sandali lang, pag-isipan mong mabuti," pakiusap ko sa kanya.

Kaunti na lang g-graduate na kami. Bakit kailangan niya pang paalisin si Drew? Pwede naman niyang parusahan sa ibang paraan. 

Bunutin niya kilay isa-isa, gano'n.

"My decision is final. I want him to leave our section, classroom, and friendship."

Hindi ko mapigilang maiyak. Tinignan ko si Drew pero nakayuko pa rin siya at umiiyak habang tinitiis ang lahat ng masasakit na salita. Alam kong nasasaktan siya sa desisyon ni Keifer. 

"Keifer, baka naman pwedeng pag-isipan mo ulit?" Pagpipilit ni Rory at tinignan siya ng masama ng Hari.

"Kakausapin ko kayong dalawa. For now, I don't trust the two of you. Your loyalty to me and in this group is in question."

Hinarap ako ulit ni Keifer at inalalayan. "Kailangan mo ng bumalik sa kwarto, namumutla ka na."

Sinubukan kong magpumiglas pero dahil sa sakit ko at panlalambot hindi ako nakalaban. Hindi ko inalis ang tingin kay Drew. Sandali pang nagsalubong ang mga mata namin at para siyang humihingi ng tawad.

Sandali lang kasi!

Nakabalik kami sa kwarto at inalalayan niya kong makahiga sa kama. Kinuha niya ulit ang mangkok ng lugaw.

"Kainin mo na 'to para makainom ka ng gamot."

Umiling ako. "Bakit gano'n ang desisyon mo?"

"Let's not talk about it."

Dahil sa ginawa kong pagbangon kanina, mukang lalong lumalala ang lagnat ko. Idagdag pang nakakasama ng loob ang pag-amin ni Drew at ang desisyon na paalisin siya. Ayaw tumigil ng luha ko sa pagbagsak. 

"Please eat."

Umiling ulit ako. "Gusto ko ng matulog."

Hindi ko mapigilang magtampo sa kanya. Para kasi talagang hindi niya pinag-isipan ang ginawa niya.

Mukang ramdam din niya ang sama ng loob ko.

"Come on Jay. Tingin mo hahayaan ko siyang mapalapit pa rin sa 'yo? Anong kasiguraduhan ko na wala na siyang ibang kinakausap na kaaway natin?"

Hindi ako nakasagot. Napahagulgol ako ng iyak. Naiinis ako kasi tama siya. Mahirap ng pagkatiwalaan si Drew pero sobra pa rin na paalisin siya. 

Binaba ni Keifer ang hawak at agad na lumapit sa 'kin para yakapin ako pero tinalikuran ko siya. Niyakap ko ang kumot na gamit ko hanggang dibdib.

"Kaibigan natin 'yun." Umiiyak an sabi ko. "Kaibigan natin."

Kaibigan pa rin natin kahit nagtraydor sa 'tin.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak. Hindi ko rin namalayan na nakatulog na ko. Naramdaman ko na lang ang pagkilos ng mga tao sa paligid ko kaya ako nagising.

Pagdilat ng mga mata ko, si Kuya Angelo ang una kong nakita. Mukang napansin niya na gising na ko pero hindi pa rin niya sinabi sa kausap niya.

"Are you serious with your decision?" 

"Of course I am serious. Ikaw? Anong magiging decision mo sa ginawa ni Drew?" Boses ni Keifer ang sumagot. 

"Probably, termination of his existence," sagot ng pinsan ko at naalarma ako.

Bwisit! Ano ba akala niya sa buhay ni Drew? Parang anay na kailangang i-terminate?

"Kuya!" tawag ko sa kanya na may tonong pagbabanta pero natabunan 'yon ng paos na boses ko.

Agad na tumawa ang pinsan ko at lumapit naman sa 'kin si Keifer. 

"Hey, do you feel better now?"

Tumango ako at sinubukang bumangon. Sumakit kagad ang ulo ko pero sinantabi ko 'yon dahil gusto kong sitahin ang pinsan kong nagpapanggap na anghel. 

Lakas ng loob. Kuwari matapang.

"Ayos na ko. Ano bang pinag-uusapan niyong dalawa? At anong termination?" Unti-unting bumalik sa 'kin ang mga nangyari kanina bago ako makatulog.

"Kung maganda na pakiramdam mo, pwede na tayong umalis. Sa bahay ka na magpahinga," sabi ng pinsan ko at tinalikuran na kami.

Hinarap ko ulit ang Hari. "Anong pinag-uusapan niyo?"

"Random things, and also my decision to kick out Drew."

Nanlumo na naman ako. Sa tagal ng tinulog ko hindi man lang niya sinubukang kausapin si Drew or pag-isipan man lang ulit ang decision niya.

"Gusto kong makausap si Drew," sabi ko at akmang tatayo pero pinigilan niya ko.

"Wala na si Drew, umalis na siya kasama ni Rory at Edrix. Hinatid sila ni David kanina habang natutulog ka. And the others goes home."

Napabuntong hininga ako. Balak ko pa sanang makipagtalo sa kanya kundi ko lang naramdaman ang hapdi ng sikmura ko. Hindi pa ko kumakain mula kaninang umaga. Hindi ako makakapag-isip ng maayos kung ganito. Wala rin akong lakas makipagbardagulan.

Kailangan kong kumain.

Hinawakan ko ang tyan ko. "Gusto kong kumain."

Mukang naisip na rin niya na maghahanap akong pagkain pagkagising ko. Tinulungan niya kong mag-ayos. Pati pagsusuklay ng buhok ko siya rin ang gumawa, nahiya nga lang ako ng halos sumama na ang anit ko sa bawat suklay niya. Ngayon ako nagsisi na hindi ako masipag magsuklay.

Nang matapos, inalalayan niya kong bumaba at dumiretso ng kusina kung saan nakaupo si Yuri at Sir Alvin, habang nakatayo naman si Ma'am Cindy. Para silang may pinag-uusapan.

 Mabilis tumayo si Yuri at inalok sa 'kin ang upuan niya. "Jay, do you feel better now?"

"Ipaghahain kita. Malamang nagugutom ka na," sabi ni Ma'am at agad na kumilos.

Tumayo si Sir Alvin at iniwan kami. Mukang hahanapin niya ang pinsan ko.

Tumabi sa 'kin ang magkaibigan. Napadukdok ako sa lamesa. 

"Sumasakit pa rin ang ulo ko," sabi ko pero alam kong wala na kong lagnat. 

Nanlalambot pa rin ako pero hindi na kagaya kanina. Sumasakit din ang mga buto ko. Napatingin ako sa wall clock. 12:48 AM na pala pero ngayon pa lang ako kakain. 

Nakakapanghina ang walang kain maghapon. Buti buhay pa ko.

Binaba ni Ma'am ang hinain niya para sa 'kin. Nagpasalamat naman ako. Si Yuri ang kumuha ng inumin para sa 'kin ang Hari naman ang umaalalay sa 'kin kapag nahihirapan akong itataas ang braso ko. 

Bigla na lang akong nainis kasi para akong imbalido at itong dalawa ang mga nurse ko.

"Tigilan niyo nga ako. Gusto kong kumain ng maayos!" Inis na sabi ko.

Natawa si Yuri pero walang naging sagot si Keifer. Hinayaan naman nila akong kumain, patapos na ko ng marinig ko si Sir Alvin at Kuya Angelo na nag-uusap. Papasok sila pareho ng kusina.

"Tumira kayo sa ilalim ng lupa para hindi kayo mahanap," sabi ng pinsan ko at muntik ng magmura si Sir pero napigilan niya ng makita kami.

"I know a safe house, pwede tayo do'n kung nahihirapan pa rin kayong mag-decide," suhestyon ni Yuri.

Sandali, lilipat sila?

"Masyadong malayo, mahihirapan tayo sa pag-travel papuntang school," sagot ni Ma'am.

"You can all move to my house, I don't mind," sabi ni Keifer at napatingin ako sa kanya.

"And Keigan? What do you think he will say about us being there?" tanong ni Yuri.

"I think he would understand."

"I think he would NOT understand. Baka ma-trigger din ang symptoms niya because of us."

Napabalik-balik ang tingin ko sa kanilang magkaibigan. Pakiramdam ko magkaka-stiff neck ako kakalingon sa kanilang dalawa na nasa magkabilang tabi ko.

Pero totoo nga na kailangan ng lumipat nila Ma'am, dahil kaya sa pagkaka-expose ng bahay nila? Natatakot ba silang mahanap ng mga inaanak nila?

"Bakit kayo lilipat? May masamang nangyari ba?" tanong kay Yuri.

Umiling siya. "Wala naman. Hindi na kasi safe rito para sa 'ming tatlo."

"Dahil ba sa pagdating ni Ram?"

Tumingin si Yuri kay Ma'am Cindy kaya napatingin din ako sa kanya. Umiwas lang siya ng tingin na para bang ayaw niyang kumpirmahin na 'yon nga ang dahilan. Naiintindihan ko naman, ayaw lang siguro niyang masisi ulit si Drew.

Hindi ko maiwasang masaktan sa ginawa niya pero naaawa rin ako dahil naiipit siya pero bakit nga kaya nagkaroon na naman siya ng panibagong utang. 

Sugal lang talaga naiisip ko.

"Are you done eating?" tanong ni Kuya sa 'kin.

Tipid akong tumango. Tinignan niya ang oras sa wall clock. 

"Ayusin mo na ang gamit mo, uuwi na tayo." Utos niya sa 'kin.

Akmang tatayo na ko ng pigilan ako ng Hari. "Ako na, stay here."

Tumayo siya at dumiretso sa kwartong tinuluyan ko. Wala naman akong dalang maraming gamit kaya hindi siya mahihirapang ayusin ang mga 'yon.

Patuloy pa rin sa pag-uusap sina Sir at ang pinsan ko. 

"Bukas, tutulungan ko kayong maghanap ng bahay. Kahit kweba pa 'yan."

"Sige, ihanap mo kami ng bahay sa ilalim ng dagat." Sarcastic na sagot ni Ma'am.

"Kapag naihanap kita, wag ka ng aahon mula sa dagat. Tutal, shokoy ka naman," sagot ni Kuya Angelo at mahinang natawa si Sir pero mabilis siyang naging seryoso ng makitang nakatingin ng masama sa kanya ang asawa niya.

Understanding naman pala.

Hindi nagtagal ng bumalik si Keifer dala ang mga gamit ko. Pina-double check pa niya sa 'kin kung meron siyang naiwan. Nilinaw ko naman na nakuha niya lahat ng gamit ko.

Dahil nakakain na ko meron na kong lakas. Hinatid nila kami hanggang sa makasakay kami sa kotse.

"Hey, text me when you get home," sabi ni Keifer at mabilis akong hinalikan sa ulo.

Napatingin ako kay Yuri na nasa likod niya. Ngumiti siya at kumaway sa 'kin. Kumaway din ako sa kanilang lahat at nagpaalam.

Habang nasa byahe panay ang inda ni Kuya sa mga sugat niya. Hindi na lang ako nagsalita dahil baka magalit siya. Muka rin kasing hindi maganda ang mood niya.

Buong akala ko didiretso kami sa bahay pero bigla na lang siyang lumiko sa pinakamalapit na ospital na nadaanan namin. 

Mukang hindi makatiis sa sakit ng mga sugat.

"Both of us need to be check," sabi pa niya pagka-park ng kotse.

Sumunod na lang ako sa kanya kahit sa totoo lang alam ko namang siya lang ang dahilan kaya kami napadaan dito. 

Pagdating sa ER kakaunti lang ang nurse at wala rin mga pasyente. Siguro dahil maliit na ospital lang 'to o wala talagang masyadong nagpupunta rito. Meron namang available na lalaking Doctor na siyang unang lumapit sa pinsan ko.

Nag-usap sila sandali at dinala si Kuya sa isa sa mga kama, hinawi niya ang kurtina sa gilid bago ituro sa 'kin ang kabilang kama.

"Stay there please," sabi ng Doctor sa 'kin.

Naupo naman ako at pinanood lang sila. Tinanggal ng pinsan ko ang damit niya at lumitaw ang mga sugat niya na may tahi. Ngayon lang naging malinaw sa 'kin na marami pala siyang tama. Mukang mababaw ang haramihan pero hindi nakaligtas ang mga tinahing sugat.

Kayalang bakit gano'n ang tahi ng sugat niya?

Unang tinignan ng Doctor ang tahi sa leeg ni Kuya Angelo. Tinanggal niya ang bandage at nanguha ng gunting at isa pang gunting pero walang talim sa dulo, forceps yata ang tawag sa gano'n. Tinanggal din niya ang mga tahi-tahi sa sugat.

Kita ko ang pagtataka at pagkamangha ni Doc sa sugat ng pinsan ko. 

"Sino po ang tumahi ng sugat niyo? Parang nanahi lang ng damit," sabi pa niya.

May nurse na lumapit sa kanila habang may dalang tray ng panibagong sinulid at karayom. Binaba niya 'yon sa tabi ni Kuya at napansin ko agad ang pagtingin niya sa katawan nitong isa. Hindi ko alam kung ang mga sugat ba niya ang tinitignan o ang mga muscle.

Ate, huli kita.

"Kung sino man ang sumaksak sa 'yo mukang takot din siya. Hindin malalim ang sugat at hindi rin tinamaan ang external jugular vein." Matapos tahiin ang sugat ng pinsan ko sa tamang paraan binaba niya ang hawak. "It's here. Your vein," sabi niya sabay turo sa parte ng leeg ni Kuya malapit sa sugat. "Just few centimetres away, kaunting galaw malamang na pinaglalamayan ka na."

Bahagyang tumawa ang nagpapanggap na anghel. "I know where it is. Kaya nga hindi tinamaan, I manage to move my neck in a second before he could stab my neck."

Napairap ako sa kayabangan nitong pinsan ko. Sa saksak sa ugat niya nakaiwas pero sa banat ni Keifer hindi. Nawalan pa nga ng malay.

Patuloy ang Doctor sa pagsasalita habang pinapalitan ng bandage ang ibang sugat. Habang abala sila, may lumapit na babaeng nurse sa 'kin at kinausap ako.

"Anong nararamdaman nyo?" tanong niya.

"Ay, hindi po ako—."

"She suffered with high fever this morning until afternoon. Kanina lang naging normal ang tempt niya." Putol ng Kamatayan sa sagot ko.

Daig pa niya personal na Doctor ko sa pagsasalita niya. Kulang na lang ikwento niya ang medical history ko.

Nag-aaral sigurong maging Doctor 'tong pinsa ko. Doctor kwak-kwak.

Nanguha ng thermometer ang nurse at tinapat sa noo ko. Akala ko babarilin niya ko kaya bahagya akong umiwas. 

"Okay na ko di ba? Na-stress lang kasi ako kaninang umaga kaya ako nilagnat," palusot ko habang sinisilip ang result.

 Pero totoo naman na na-stress ako. Hindi kinaya ng katawan ko ang mga nangyari.

Sunod niyang kinuha ang pang-BP pero bago pa man siya makapag-simula umalis na ko sa kama.  

"Jay . . ." sita sa 'kin ng pinsan ko.

"Okay na po talaga ako. Siya lang ang may kailangan ng tulong," sabi ko sabay turo sa pinsan ko.

Ramdam ko ang masamang tingin ng Kamatayan sa 'kin. "Let her do her job."

Hindi ko siya pinansin at nagpasalamat na lang sa nurse bago umalis at lumabas ng ER. Tinawag pa ko ni Kuya pero malalaki ang hakbang ko. Hindi siya makakaalis agad para habulin ako dahil hindi pa tapos si Doc sa paggamot sa kanya.

Gusto ko lang huminga. Nagsisimula na kong hindi maging kumportable sa amoy ng ospital.

Pero hindi talaga ako makahinga kapag bumabalik sa 'kin ang mga nakita ko at ang nangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...
120K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
192K 17.2K 3
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...