The Rare Ones

By EvasiveSpecter

118K 3.5K 73

||COMPLETED|| Death was supposed to be the end - or so she thought. But when one young girl awakens in the bo... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Epilogue

Kabanata 30

1.8K 54 0
By EvasiveSpecter

Kabanata 30. Birthday Party

Luna's Point of View.

*Kinabukasan*

Bumukas ang pintuan ng silid na tinutuluyan ko. Nakita ko na pumasok doon si Sally.

"Miss Abi, what are you doing?"

"Nagliligpit, malamang." Sagot ko sa kaniya.

Maayos na kasi ang pakiramdam ko kaya naisipan ko ng magligpit. Wala na rin naman akong magagawa rito kaya uuwi na lang ako sa bahay.

"Hindi pa po kayo pwedeng lumabas. Bawal pa po," sabi niya na inagaw pa ang mga niligpit kong gamit.

Mariin ko naman siyang tiningnan. "Sally, magaling na ako. Tsaka, ano pa bang gagawin ko rito bukod sa humiga? Wala diba? Kaya uuwi na lang ako sa bahay."

Bigla naman na nag beep ang phone ko kaya nahinto ako at tiningnan ko ito. Nag pop-up naman sa screen ang pangalan ni Olivia.

From Olivia:
Hi, Luna! I just wanted to ask if you have some time today. You're invited to my party. I know na hindi mo pa natatandaan but It's my birthday today. (⁠✿⁠^⁠‿⁠^⁠)

"Sino 'yan?"

"Sally, kaarawan pala ngayon ni Olivia?" tanong ko sa kanya.

Nakita naman na nagdalawang-isip pa siya. "Uhm… y-yes Miss Abi. Pero bawal pa po k—"

Pinutol ko ang sinasabi niya. "Anong bawal? Kaibigan ko 'yon, Sally. Ayoko na wala ako sa kaarawan niya. I'll go to her party today." I insist.

Mabilis naman siyang umiling. "Hindi pa po kayo magaling, Miss Abi. Also, Olivia didn't know that you had been shot." Pagpipigil niya pa sa'kin.

"Then that's great! That way hindi ay hindi siya mag-aalala sa'kin."

Inis naman niya akong tiningnan. "Hindi mo kasi naiintindihan, Miss Abi. Kabilin-bilinan ng mga magulang mo sa'kin na huwag muna kayong lumabas kasi hindi alam ng lolo at lola mo na nabaril ka. Just wait until your wound heal." Sabi niya.

Hinawi ko naman ang damit ko sa dibdib at tsaka lumapit sa kanya para ipakita ito.

"Look, it's already okay, Sally. And when I say I'm okay, I am really okay. Do you get it? Huh?" Pagkukumbinsi ko pa sa kanya.

Nang hindi niya ako sinagot ay mabilis akong nagtipa ng sagot sa text ni Olivia sa'kin.

To Olivia:
Happy Birthday, Olivia! Sorry at hindi ko kaagad nalaman. Hindi pa talaga kasi bumabalik ng buo ang ala-ala ko e. Pupunta ako sa party mo. Just send me the venue.

Atsaka sinend ko na ito. Inagaw naman kaagad ni Sally ang phone ko kaya inis ko siyang tiningnan. Buti nga at na sent ko muna bago niya nakuha ang phone.

"At kapag sinabi ko naman po sa inyo na bawal ay bawal po. Sinabi ko na sa inyo, ayoko na nakikita kayong nakahiga na naman sa kama dito sa hospital, Miss Abi. Hindi niyo po naiintindihan 'yun?" Sabi niya sa'kin. Bakas sa tono ng boses niya ang galit.

"Sally, alam ko kung anong ginagawa mo at naiintindihan ko rin ang pinupunto mo. Hindi naman ako tatakas e. I'll tell Mom and Dad. Sally, okay na talaga ako. Malakas kaya 'to." Biro ko pa sa kanya.

Ayoko na ma-stress siya dahil sa'kin. Malaki na ako at naiintindihan ko ang trabaho niya at nirerespeto ko iyon.

Napabuntong hininga naman siya sa sinabi ko. Nginitian ko naman siya ng tingnan niya ako ng masama.

–––

*At Olivia's House*

"Good evening Mr. & Mrs. Quinn. I am very glad that you came to my daughter's birthday party." Pagbati ng ama ni Olivia sa'min.

Sumama kasi sina Mom at Dad kasi matagal-tagal na raw kasi nilang hindi nakakausap ang ama ni Olivia na kaibigan slash business partner nila magpahanggang ngayon. That explains why Olivia and I are close friends.

Binalingan naman niya ako. "Hello, Luna. How are you?" nakangiting tanong niya.

Ngumiti naman ako. "O-Okay lang naman po, Tito…" I prolonged my words kasi hindi ko matandaan ang pangalan niya.

Natawa naman siya ng mahina sa sinabi ko. "Tito Enrique. I see hindi mo pa ako naaalala. That's okay, Luna. Nando'n sa kusina si Olivia, kanina ka pa nila hinihintay." Sabi niya sa'kin.

Tiningnan ko naman si Mom at Dad. Napansin ko naman si Arabella na nandoon na at nakikipag halubilo sa mga ka-edad niya na imbitado rin sa pa-birthday party ni Olivia.

"You can go. Wag kang magpakalasing, a!" Bilin sa'kin ni Mom.

Tumango naman ako sa sinabi niya at bahagyang ngumiti. Nagtungo na nga ako sa kusina. Hindi ko alam pero mukhang kabisado ng katawan ko ang daan papunta sa kusina nila Olivia. Masasabi ko na malapit talaga siguro ang pamilya ko at ang pamilya ni Olivia. Siguro ay maraming beses na akong nakapunta rito sa bahay nila. Pamilyar kasi sa'kin e.

Nang makarating ako doon ay nagulat ako sa sumalubong sa akin na tao.

"Gianna! Hali ka na! Kanina ka pa namin hinihintay." Hinila niya ako papunta sa mesa.

"Shamil? Hindi ko alam na nandito rin pala kayo."

"Oh! Gianna!" -Miles

"Gianna! You look gorgeous." Napalunok ako sa sinabi ni Elleanor sa'kin.

Oo nga pala, party ang pinuntahan namin so medyo nag-ayos ako ng kaunti pero hindi ko pa rin naman tinanggal ang salamin ko sa mata and I also wear a contact lenses para doble ingat na rin. Tinatanggal ko lang kasi ang lenses ko kapag sumasabak ako sa sariling misyon ko.

Sumalubong naman sa'kin si Olivia na naka-dress din. She's wearing a color red fitted dress na may slit sa kanan na nagpalitaw sa napakakinis niyang hita. Nagningning naman ang mga mata niya nang makita rin niya ang suot ko.

Pareho kami ng suot. 'Yung sa'kin nga lang ay kulay itim. Kaagad siyang lumapit sa'kin at niyakap ako. Tumugon naman ako sa yakap niya. Kaagad kong binigay sa kanya ang bitbit kong regalo na para sa kaniya.

Habang inaabot ko ang regalo sa kanya ay binati ko naman siya. "Happy Birthday! Goodbye to teenage life." Masaya kong bati.

"Thank you. Halika upo ka rito." Nang tuluyan akong makapasok sa dining hall nila ay doon tumambad sa paningin ko ang iba pa naming kaklase na hindi ko napansin na nandito rin pala.

"Gianna! Buti nakarating ka. Akala ko hindi ka na tutuloy e." Sambit ni Ellesse.

Dumako naman ang mata ko sa iba pa naming kaklase. Nandito si Mirra na nagsasandok ng kanin, si Matt at Zyriex na may niluluto at si Damonn at 'yong isang lalaki na hindi ko kilala ay namimili ng wine sa wine area.

Binigyan naman ako ng makakain ni Elleanor habang may nginunguya siya sa bibig niya. "Kain ka na. Inom tayo mamaya. Hihi!" Sabi niya sa'kin na bakas ang pagkasabik sa mukha.

Nginitian ko naman siya at inagaw ang serving spoon sa kaniya para ako na ang magsandok ng ulam.

"Ako na niyan," nakangiti kong wika.

Tumabi naman sa'kin si Olivia.

"Psst… Why didn't you tell me na imbitado pala sila? Tsaka, bakit andito 'yung tatlong lalaki na 'yun? Kailan ka pa naging close sa kanila?" Sunod-sunod kong tanong kay Olivia.

"Si Mirra lang naman 'yung inimbita ko e. Tapos inimbita niya si Miles, ayun at dinala niya ang dalawa pa nating kaklase."

"E, 'yung isa naman. Sino 'yun?"

Hindi pa nga nakasagot si Olivia nang makita ko na lumapit ang lalaki na iyon kay Elleanor.

"Yin! Look at this."

May pinakita siya na wine kay Elleanor.

"Yang naman! Maaga pa para diyaan. Isauli mo 'yan doon. 'Ba naman 'to, nakakahiya kay Olivia, kumukuha ka na lang ng walang pahintulot." Sambit ni Elleanor sa lalaki.

Yin Yang? Is that their call sign with each other?

"No, It's okay Lea." Sabi naman ni Olivia.

Lumapit naman siya sa tenga ko atsaka bumulong, "Boyfriend ni Lea 'yan. Masahol rin sa alak." Natatawa niyang wika sa'kin.

"Ah… kaya naman pala."

"H-Hi, G-Gianna."

Napalingon ako sa nagsalita. Bahagya ko naman siyang nginitian. "Hello, Ms. Pres." Bati ko rin sa kanya.

Ngumiti naman siya tsaka siya umupo sa tabi ko, "Ang ganda mo." Bulalas niya.

"Ikaw rin," balik kong papuri sa kanya.

Pumalakpak naman si Shamil at naagaw naman ang lahat ng atensyon namin.

"Guys, let's now celebrate the birthday of Olivia. Where's the cake, Mirra?"

Tumama naman ang paningin ko kay Zyriex na mabilis ko namang inilihis ngunit nahagip naman ng paningin ko si Damonn na nakatingin rin pala sa'kin kaya bumalik ang tingin ko sa direksyon niya.

Siya naman ang unang nag-iwas ng tingin. Tumayo naman sila kaya tumayo na rin ako at kinantahan na nga namin si Olivia.

Nakangiti naman siya habang sumabay sa kanta namin. She then close her eyes and then she blew out the candle. Kanina pa pala nagsimula ang party at nahuli na pala kami sa pa-welcome message nila.

"Yehey!" masayang wika ni Shamil.

"Thank you, guys. Kain na kay—"

Naputol naman ang sinabi ni Olivia nang sumabat si Elleanor.

"Anong kain? Kanina pa tayo kumakain. Inom na tayo."

"Better," nakangiting sagot ni Matt at kinuha pa ang wine na kaagad naman na inagaw ni Miles.

"Ako na, expert ako rito, haha!" Pagyayabang naman ni Miles.

Nagsalin na sila ng wine sa kani-kanilang wine glass. Nagsi-upo na rin ang ibang mga lalaki sa natitirang upuan.

Masaya kaming nag-uusap ngayon and I just thought, hindi ko inakala na may mga tao akong makakasundo rito sa mundong 'to. Nasasanay na rin ako sa buhay na meron ako ngayon at ang dapat ko na lang gawin ay ang tanggapin ang kapalaran ko at suklian ang sakripisyo na ginawa sa'kin ni Gianna, ang great grandmother ko.

Nakailang inom na rin ako ng wine kaya medyo may epekto na ito sa'kin.

Habang nagkakatuwaan sila ay nagpaalam ako kay Olivia. "Cr muna ako Olivia. Saan ba?"

Tinuro naman niya sa'kin ang daan kaya tumayo na ako at naglakad papunta doon.

"Saan ka pupunta Gianna?" napalingon ako ng tanungin ako ni Miles.

"Cr," maikli kong sagot.

Tumango naman siya at bumalik na uli sa ginagawa niya. Nahagip na naman ng mga mata ko ang titig ni Damonn sa'kin. Kanina pa siya titig nang titig sa'kin.

Nang makaalis ako ay narinig ko pa ang sinabi ni Elleanor, "Les naman, huwag ka masyadong magpakalasing."

Narating ko na nga ang Cr. Matapos kong mag-cr ay sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin. Medyo namumula na ang mukha ko dahil tinamaan na ako ng alak na iniinom namin. Inayos ko na lang ang salamin ko sa mata at nagtungo na sa labas.

Paglabas ko naman ay nabigla ako dahil may marahas na humila sa'kin. Bigla niya akong sinandal sa dingding kung kaya't bahagya akong napapikit sa sakit na dulot nito.

When I opened my eyes, I saw Damonn. He's looking at me intently. Napakalapit lang ng mukha niya sa mukha ko. Naamoy ko rin ang alak sa bawat paghinga niya.

Napalunok ako. "Anong ginagawa mo?" Malamig kong tanong sa kaniya.

But still, he just looked at me in my eyes with no response to my question. Napansin ko naman ang kulay ng mga mata niya. Those eyes… I think I've seen those before.

"Are you listening Mr. Damonn?" I ask again in annoyance.

"P-Please, stop pretending." His voice cracked.

Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya kaya nalukot ang mukha ko sa sinabi niya.

"What are you talking about?"

"H-Hindi mo ba ako maalala o nagpapanggap ka lang? A-Are you mad at me? P-Please, tell me." His voice cracked as if any minute he would cry.

Itinulak ko siya papalayo sa'kin. "Lasing ka lang, Damonn." Salita ko sa kaniya.

"No, I'm not," malamig niyang wika sa'kin.

He then glared at me. "Sabihin mo na lang na ayaw mo na sa'kin kaysa magpanggap ka na ganiyan, Gianna!"

"Hindi talaga kita—"

My eyes widen in shock. He suddenly kissed me on my lips. As if he's hungry. Wala sa sarili ko siyang naitulak gamit ang kapangyarihan ko. Tumilapon naman siya at tumama ang likod niya sa dingding.

Masama ko siyang tiningnan habang mariin na pinupunasan ang bibig ko na hinalikan niya. Tang*ina sino ba siya? Hindi ko naman siya kilala. At kung kilala man siya ng dating Luna ay hindi rin niya malalaman kasi naka-disguise naman ako. Nagkamali lang ata siya dahil nga lasing siya.

Tumayo naman siya na para bang wala lang sa kaniya ang ginawa ko. Nanlaki pa ang mata niya sa ginawa ko. Tiningnan niya ako ng may pangungulila sa mga mata niya. Kusang bumagsak ang mga luha niya. Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin para hindi ko makita ang mga luha niya ngunit saglit ko naman itong nakita.

"I'm sorry, I think I mistaken you for someone I know."

Matapos niya 'yung sabihin ay naglakad na siya paalis ng hindi man lang ako nilingon. Nakakagulat naman siya. Putrag*s ninakawan pa ako ng halik. Gag* pala mga lalaki dito e, nagnanakaw lang ng halik ng wala man lang pahintulot.

Kung may kutsilyo pa ako ay baka nasaksak ko na siya sa inis. Tsk!

Bumalik na ako sa dining hall nila Olivia. Pagpasok ko do'n ay bagsak na ang iilan sa kanila. Napansin ko rin na wala na si Shamil at Miles. Si Ellesse naman ay inalalayan ni Damonn dahil lasing na ito. Tumingin ako kay Damonn ngunit nang dumaan ako sa harapan nila ay hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin kaya hindi ko na rin siya pinansin pa.

"Oh, Abigail…" tawag sa'kin ni Olivia. Medyo lasing na siya kaya 'yung pananalita niya ay kakaiba na rin.

"Lasing ka na babe, let's go to your room." Ang sabi ni Kuya Roy na ngayon ko lang napansin na nandito pala.

"You guys can spend the night here. May inihanda na akong mga kwarto nandon sa second floor lahat." Ang sabi pa ni Olivia.

May kalakihan din ang bahay nila Olivia kaya hindi na ako nagtaka pa na hinandaan niya kami ng mga kwarto.

"Let's go, and you, Abigail. Matulog ka na rin." Sabi ni Kuya Roy nang mapansin niya ako. Pagkatapos non ay umalis na sila.

"Hindi ka pa ba matutulog, Luna. Lasing ka na rin e." Natulala ako bigla sa itinawag na pangalan sa'kin ni Mirra.

Hindi ko alam kung namali lang ba ako ng pandinig o dala lang to ng alak.

"Huh?" Sambit ko.

"Pumasok ka na rin sa kwarto, Gianna. Pumasok na ang iba doon." Sabi pa niya ngunit sa pagkakataon na ito ay tama na ang binanggit niyang pangalan.

Napailing na lang ako. Akala ko ay tinawag niya akong Luna. Lasing na ata ako. Lumakad na rin si Elleanor at 'yung boyfriend niya na panay harutan pa sa isa't isa. 

Sumabay na lang kaming dalawa ni Mirra kina Elleanor. Nang mapansin ako ni Elleanor ay bigla niya akong pinakilala sa nobyo niya.

"Gianna, meet my boyfriend Auilliam. Liam for short." Bahagya ko naman na nginitian ang nobyo niyang si Liam.

"Nice to meet you, Gianna." Seryoso niyang sabi sa'kin.

Narating na namin ang kaniya-kaniya naming kwarto kaya nagsipasok na kami doon. Pagod na rin naman ako at mukhang inaantok na rin ako kaya kaagad na akong humiga sa kama.






Leave a vote and comment(⁠^⁠^⁠)

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.7K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
HYEORAEK By Bern

Fanfiction

23.6K 1.5K 76
What will happen if a serious woman, Alice Claire Gordon, who has PTSD, and Ali Madrigal, who has two personalities, cross paths during the Apocalyps...
47K 1.3K 49
We all have Dark Secrets, We all have Bad sides, We all did mistakes. In the Dimension where magic and powers Exist, Everything is posible. Could yo...
Die Arthia By Lucilfer

General Fiction

321K 13.7K 100
[ P a r a l l e l U n i v e r s e ] "Die Arthia!" The last words I heard from my father, he shouted it with so much anger. "F-father." I said as...