may gusto akong aminin,
sira ako
gusto kitang mahalin
pero pagod na ang puso ko
kahit ilang beses kong sabihin
na kaya ko pa rin
may puwang sa gitna;
ikaw ang pupuna
inaayos ko ang sarili ko
pero kahit na sabihin mo
na ayusin ko para sa sarili ko,
aaminin ko;
binubuo ko rin ang sarili ko para sa'yo
para mahalin ka nang husto
kasi hindi kita pwedeng mahalin
kung sira ako