029

1 0 0
                                    

hindi man mawari
kung sino ang minimithi
kung sino ang tinatangi
kung ano ang sinasabi ng labi

hindi ko kontrolado
kahit na sinasabi kong maayos ako
na kung maging masaya ka sa iba
ay tatanggapin ko nang maligaya

hindi ko mawari
na kung bakit ganito ang sinasabi
mas mabuti na rin
kahit hindi,

umiikot na ako
hindi na sa'yo, siguro
ngunit sa sarili ko
kasama ang mga bakas mo

himig ng ibong malaya
tangis ng mga maharlikang mata
isip ng isang hiraya
puso na handang magparaya

Tatlumpu't LimaWhere stories live. Discover now