032

1 0 0
                                    

nakamasid sa kawalan
nakatitig sa hangganan
hindi man sa akin ang tingin
hindi aalis ang mata, hindi aalisin

paunti-unti

may sakit na hindi maikakaila
may mga luha na pumapatak pababa
hindi man maamin
ayaw ko ngunit kailangang tanggapin

marahil hindi sinasabi kung mayroon
hindi inaamin ang katagang pumaparoon
iiwanan sa kahapon
hindi na tatanaw pabalik doon

hindi mawari
hindi masabi
hindi man ikaw ang sinasabi
tanggap ko na, hindi ka akin

Tatlumpu't LimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon