buhay pa ba?
mainit pa ba ang kandila?
umaagos pa ba ang ilog?
bumabagabag pa rin ang kulog
humahangin kung minsan
lumalalim ang sanlibutan
dumidilim ang takipsilim
umaawit ang mga bituin
isang upuan, sa kawalan
isang ilaw, sa karagatan
isang abo na sinusundan
ang bawat piyesa na kinamamalayan
hinahanap ka ng bisig ko
hinahanap ka ng labi ko
bawat organismo na bumubuo sa'yo
nangungulila ako nang husto