One Last Dance With You

By Savie_07

728 138 0

Nagtagpo, nagmahalan, ngunit kailan man hindi pwedeng magkatuluyan. In the name of love they are willing to s... More

OLDWY -1
OLDWY -2
OLDWY -3
OLDWY -4
OLDWY -5
OLDWY-6
OLDWY-7
OLDWY-8
OLDWY-9
OLDWY-10
OLDWY-11
OLDWY-12
OLDWY -13
OLDWY-14
OLDWY -15
OLDWY-16
OLDWY-17
OLDWY-18
OLDWY-19
OLDWY-20
OLDWY-21
OLDWY-22
OLDWY-23
OLDWY-24
EPILOGUE:

Prologue

148 6 0
By Savie_07

Enero 18,1789
Hacienda De Guerrero
Love story of Señora Yurah and Ichiro
Play back

Nakatulala kong pinapanood ang mga paru-paru sa hardin, matagal-tagal narin simula nung ako y nakalabas dito sa'ming hacienda, napakaganda pala ng pakiramdam ng isang malaya, malayang gawin ang mga bagay na gugustuhin mo.

"Señora Yurah, malalim yata ang iyong iniisip, hindi ba dapat ika'y maging masaya sapagkat sa wakas pinayagan ka na rin ni Señor na lumabas ng mansion" Saad ng aking katulong na si Angelika, matagal na itong naninilbihan samin at medyo nalalapit narin ang loob ko sakanya,

"Iniisip ko lang kung gaano kaya kaganda ang labas, ano kaya kung pupunta tayo sa sinasabi nilang mall, Angelika" sambit ko sa kanya na parang batang nakikiusap bilhan ng isang cotton candy.

"Hindi ho maaari Yan Señora, lalo na kung wala po tayong pahintulot ng iyong ama" Saad niya.

"Nakakalungkot naman, pero ayos lang alam ko na balang araw, magagawa ko rin iyon na parang normal na tao"masaya kung saad sa kabila ng kalungkutan, napatango naman si Angelika tila sumasang-ayon saking pinapahiwatig.

"Halikana, Señora pinapatawag ka pala ng iyong ama" anyaya sakin ni Angelika.

"Susunod ako Angelika" Saad ko at muling tinanaw ang tanawin na dati ay natanaw ko lang mula saking silid.

Hahakbang na sana ako pabalik sa loob ng mansion ng may narinig akong parang nasasaktan, dali dali ko namang tinungo kung saan ito nanggaling at nakita kong may isang lalaki na tila kumakawala sa sa pagkagapos pero wala akong nakita na nakagapos sa kanya, nilapitan ko ito at tinanong,

"Anong ginagawa mo rito sa'ming hacienda Ginoo? usisa ko sa lalaking gulat na nakatingin sakin, napatitig ito ng ilang segundo sakin bago sumagot,

"Nakikita mo ako?" tanong nito pabalik, naguluhan naman ako sa kanyang sinabi ngunit sa kabila nun ay nagawa ko paring ngumiti.

"Naguguluhan ako sa iyong sinabi Ginoo, pero maaari bang malaman ang iyong pangalan?" Ani ko sa kanya.

"Ako si Ichiro" sagot nito, napangiti naman ako bigla.

"Napakaganda ng iyong pangalan, may lahi ka bang hapones" ngiting ani ko.

"Nakakatuwa ka Binibini, ang daldal mo tanong ka ng tanong, maaari bang ang tanong ko naman ang iyong sasagutin, Sino ka? at Paano mo ako nakita? hindi normal sa isang ordinaryong tao na tulad mo ang makakita ng isang kagaya ko" Sabi nito sakin.

"Ako si Yurah Guerrero,ang nagiisang anak ng nagmamay ari nitong hacienda na iyong tinatapakan, at hindi ko alam kung anong ibig mong iparating basta't ang alam ko lang ay narinig ko ang iyong boses na namimilipit sa sakit kaya nilapitan kita at nakitang pilit kang kumawala sa pagkagapos ngunit wala namang kahit ano na nakakasakit sa iyo" mahaba kong paliwanag.

Magsasalita pa sana siya ng tawagin ako ni Angelika sa di kalayuan, kaya iniwan ko muna ang estrangherong lalaki na nagpakilala bilang Ichiro baká rin ay naligaw lamang iyon at pinagloloko ako.

"Señora, ano ba ang ginawa mo doon sa punong akasya?" tanong nito sakin sa halip na sagutin ko ito ay ngumiti lang ako, nang makapasok kami sa silid ay agarang akong tinawag ng aking ama.

"C'mon, prinsesa kumain na tayo, bakit napakatagal mong bumalik sa silid at ako y nagaalala na sa iyo" Saad ng aking ama sabay halik saking pisngi.

"Wala dapat kayong ipag alala ama sapagkat ako y nasa paligid lamang" Saad ko at yumuko bahagya bilang paggalang, tanging kaming dalawa na lamang ng aking ama sapagkat matagal ng yumao ang aking Ina, dahil pinaslang siya ng kalaban sa negosyo ni ama kaya ganoon nalang mabahala sakin si ama dahil ayaw nitong pati ako ay maglaho kagaya ni Ina.

"Basta wag kang lalayo at lalabas sa hacienda Iha" bilin nito sakin.

"Masusunod ama" Ani ko.

Makalipas ang ilang buwan simula nung nakausap ko ang isang estrangherong lalaki ay palagi ko na itong dinalaw sa bawat pag tunog ng orasang gawa sa kahoy ay babangon ako saking silid at pupunta sa bakuran upang magtungo sa kanya halos kada hating Gabi ay ganon palagi ang aking ginawa,walang nakaka alam nito tanging ako lang, palihim akong lumabas sa pintuan bandang likod upang walang maka-alam.

"Magandang gabi Ginoong Ichiro" bati ko sa nakatalikod na lalaki sa ilalim ng punong akasya.

"Magandang Gabi rin sa iyo binibining Yurah" Ani nito sabay abot sakin ng tatlong pirasong rosas na kulay puti nakangiti ko naman itong tinanggap.

"Matagal narin tayong nagkakilala Yurah at batid mo kung ano ang totoong ako pero sa kabila noon ay tinanggap mo ako,siguro nga dahil wala kang masyadong kausap sa loob ng inyong masion hindi ba? nakakawalang silbi talaga pag nakakulong di mo man lang masilayan ang labas" Saad nito habang nakatitig parin sa buwan.

"Siguro dahil yun nga pero, alam mo kaso naiintindihan ko ang sitwasyon mo siguro batid ko talagang pinagtagpo tayo ng tadhana dahil pareha tayo ng pinagdaanan kagaya mo nakakulong rin ako, simula noong pinaslang si Ina ay kinulong ako sa mansion ni ama noong una ay kinamumuhian ko siya pero kalaunan ay naiintindihan ko na, kung bakit niya iyon ginawa katulad mo nakakulong ka ngayon dahil sa isang dahilan at alam ko na balang araw maiintindihan mo rin kung bakit,sabi nga sa nabasa kong libro, "Everything happens for a reason". Kaya kahit nakakulong ka ay hindi ibig sabihin na wala ka nang silbi ang dami mo ngang naitulong sakin e, minsan kasi hindi natin mapapansin ang ating mga nagawa dahil nakulong ang ating isipan sa sitwasyon na mayroon tayo." Saad ko sakanya habang nakangiti.

"Salamat, sana dumating ang sinabi mong balang araw nayan" Saad nito.

"Oo at kung darating man iyon sabay tayong lalabas sa lugar na ito" dugtong ko.

"Pangako mo iyan ha!" Ani niya.

"Oo naman pangako Ginoong Ichiro" Saad ko at sabay kaming nagtawanan, at hindi na namin namalayan na malapit na palang magbukang liwayway.

"Paano ba yan Binibini hanggang sa susunod na gabi" Saad nito sakin, tumayo naman ito at nagsimula nang namilipit sa sakit.

"Arghhhhh" sigaw nito ng tumama ang liwanag ng araw sakanya, tumutulo ang pawis nito sa noo at maging sa buong katawan, kita ko ang sakit sa kanyang mukha na parang pinag lalatigo ng lubid ng paulit ulit, umiiyak naman akong pinanood siya gaya ng dati ay wala akong magagawa upang matulungan siya sa kanyang sitwasyon,

"Binibini, umalis kana at wag kang umiyak magkikita pa tayo ngayong gabi, sisiw lang ito para sakin" nanghihinang saad nito sakin at pilit na ngumiti,

"Dalawin mo ulit ako dito ha, binibining Yurah, hihintayin kita" Saad nito bago tuluyang naglaho.

Pangako Ginoong Ichiro,

"Señora, anong ginawa niyo ng ganito ka aga sa Hardin?" Tanong ng aming hardinero na si Tanyong.

"Nagpapahangin lang ako Manong Tanyong, at gusto ko ring masilayan ang ang pag bukang liwayway" paliwanag ko sabay punas sa mga luhang kumawala sakin kanina,

"Ikaw ba y umiiyak Señora?" usisa nito sa akin.

"Sadyang nangungulila lang ako sa aking mahal na ina manong, wag niyo ho akong pansinin" Saad ko totoo naman nangungulila rin ako saking ina pero mas naiiyak ako sitwasyon ni Ichiro kung sana may paraan upang makalaya siya sa kadiliman ay gagawin ko upang matulungan siya.

"Señora, mukha yatang nagustuhan mong tumambay rito upang salubungin ang bukang liwayway" saad ni Angelika saking tabi.

"Sa tingin mo Ange,ano ang mas maganda ang bukang liwayway o takip silim" Tanong ko habang nakatingin sa paparating na araw.

"Sa tingin ko ho Señora ay ang bukang liwayway, sapagkat ang bukang liwayway ay may ibig sabihin" Saad nito saakin.

"Ano ang ibig mong iparating Ange" Tanong ko.

"Kasi po sa tuwing magbukang liwayway ay panibagong araw nanaman ang iyong sisimulan ibig sabihin ay panibagong araw, panibagong buhay maaaring ang lahat ng pinagdaanan mo kahapon ay iyong baguhin sa pamamagitan ng bagong simula" paliwanag nito panibagong araw, panibagong simula.

"Maaari namang kapag mag takip silim ay matatapos ang araw kasabay ng pagtapos ng suliranin at maghihintay kana lang ng panibagong umaga upang makapag simula ulit, kaya malaki rin ang tulong ng takip silim dahil kung walang takip silim ay walang katapusan ang isang suliranin at walang panibagong simula" Saad ko na ikinatulala ni Angelika.

"Ang dami niyo na pong natutunan Señora, parang kahapon lang ay isa kapang paslit na nakakulong sa iyong silid pero ngayon ang laki mo na" manghang Sabi nito sa akin, napangiti naman ako ng maalala ang dating ako tama nga ang sinabi ni Ange ang laki ng pagbabago ko, at dahil ito sa tulong ni Ginoong Ichiro, hindi ako naniniwala na wala siyang silbi sa ngayon hahanap muna ako ng paraan na makakatulong sa kanya,

"Halikana Ange, ako y nagugutom na"Ani ko at agad naman siyang tumalima.

Pagkatapos naming kumain ay agad akong nagtungo sa lumang silid aklatan ng aking yumaong Ina, nagbabasakali na may mahanap akong impormasyon na makakatulong Kay Ichiro,

°°°°°

Ano nga ba ang dapat kuhanin sa mga libro na ito.

The Sun Rise, Midst of Darkness, New life, The Continent of Love, bakit halos lahat ng nandito ay mga nobelang nakasulat sa Wikang Ingles, sa pagkaka alam ko ay hindi mahilig si Ina magbasa ng ganito.

"Princésa, bakit ka narito" laking gulat ko ng nandito si Ama.

"Amá, hindi ko sinasadyang pumasok sa silid aklatan ng wala ang iyong pahintulot, patawad" saad ko sa aking ama ngunit tinawanan lang ako nito napansin ko namang hawak niya ang nobelang The Continent of Love.

"Kung ganoon ay ikaw ang nakahiligang magbasa niyan amá" tanong ko sa kanya.

"Haha, oo naman wala naman sigurong masama kung magbasa ako nito, hindi ba? noon pa man ay nakahiligan ko ng magbasa at hindi lang iyan pati ang pagsulat ng nobela ay ginawa ko rin" Saad nito saakin.

"Nais mo bang makita ang mga gawa ko, aking princésa halika at sumunod" anyaya niya sakin napatango naman ako bago sumunod sa kanya sa pangalawang palapag.

"Heto aking anak, ang mga gawa ko" pagmamalaki niya sakin sa mga librong nakahilera sa isang estante, hindi ko naman mapigilang mamangha marami nga ang aklat na kanyang nailimbag,

"Lahat ba ito y sa iyo amá" tanong ko.

"Oo, sa tuwing wala akong ginagawa ay nagsusulat ako" ani nito at inilibot ko naman ang aking mata sa mga aklat.

"Amá anong aklat ito" saad ko sa hawak kong aklat na kulay itim at may kalumaan na, kasing kapal din nito ang isang encyclopedia.

"Iyan ba, hindi sa akin yan kundi sa kapatid ng iyong Ina" saad nito saakin.

"Ibig niyo bang sabihin ay kay Tiya Agatha" napatango naman ito,sinimulan ko ng buklatin ang aklat at unang pahina palang ay bigla na akong nanghina.

"Ayos kalang anak?" alalang tanong nito sakin.

"Maayos lang ako ama, maaari ko ba itong basahin" hinging permiso ko

"Oo naman, lahat ng narito dito ngayon ay maaari mong basahin" Sabi nito.

"Kinagagalak ko iyon amá" agad akong nagtungo sa aking silid dala dala ang librong nagdulot ng kaaguluhan ng aking isipan, bakit narito ang litrato ni Ichiro, kahit guhit kamay ito ay alam kong si Ichiro ito, anong kinalaman ni Tiya Agatha sa kanya?

Binuklat ko ang librong may kalumaan na at agad kong binasa ang pangalawang pahina,

"Alam kong balang araw ay mangyayari ang trahedyang ito kaya nais kung magbigay ng babala.



Sa oras na makita mo ang binatang nakagapos sa kadiliman ay wag mong lalapitan, sa oras na magtagpo kayong dalawa at magtama ang iyong mga mata ay wala ka ng kawala,

Kung binasa mo ito ngayon ay alam ko kung anong nais mo ang matulungan siyang makalaya,ito lang ang masasabi ko hindi madali ang paglaya niya kung gagawin mo ang pag aalay hindi lahat ng bagay ay may kasiguraduhan at mayroon ring kapalit, walang libre sa mundong ito."

Nobyembre 01,1210

-Agatha Hezuera



Anong ibig sabihin ni Tiya, kung ganoon ay matagal nang nakakulong si Ichiro ngunit bakit anong dahilan, walang libre sa mundong ito may kinalaman ba ito sa paglaya niya kung ganon ay ano ang kapalit.

"Ange" tawagi ko saking katulong habang kaharap parin ang aklat.

"Ano po, Señora?" Saad nito habang nagpunas kamay pa.

"Naisturbo ba kita?" Tanong ko

"Hindi po patapos narin ako" ani niya

"Ange kwentuhan mo nga ako ukol kay Tiya Agatha" Sabi ko ng makaharap siya.

"Si Señora Agatha, mabait na tao po iyon at matulungin, tahimik lang siya pero may mabuting kalooban, napakaganda rin niya at gaya mo nakahiligan rin niya ang takip silim, mandalas din iyong tumambay sa ilalim ng punong akasya" nakangiting kwento nito, kung ganon ay kilala niya nga si Ichiro.

"Ano po ang dahilan ng kamatayan niya?" usisa kong tanong.

"Ang alam ko po Señora ay inatake siya sa puso, noon pa man kasi ay may sakit na ito, nung nalaman niya na pinaslang ang kanyang kapatid o iyong ina ay nag aagaw siya" sagot niya, kung ganon walang kinalaman si Ichiro sa pamamaalam niya.

"Maaari ko bang malamn kung bakit kayo nag usisa tungkol sa iyong Tiya, Señora?" Ani nito

"Gusto ko lang siyang makilala,hindi ko kasi siya lubos na makausap" sagot ko.

"Salamat sa iyong impormasyon Ange, maaari ka nang magpatuloy sa iyong gawain" Ani ko.

"Walang anuman Señora, mauna na po ako" paalam nito.





°°°°°°°





Nang sumapit ang gabi ay balisa akong lumabas ng bahay, hindi parin nawala sa isip ko ang mga nalaman ko tungkol sa binatang nakakulong sa kadiliman, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko ka parin lubos malaman kung anong dahilan ng pagkakulong niya,

"Binibini, ikaw ba'y ayos lang,napansin kung kanina ka pa tulala" tanong ni Ichiro kaya napatingin ako sa kanya, sobrang lapit na pala namin sa isat isa at pansin ko ang napakagandang pares ng mga mata nito, ang matangos niyang ilong at mapupula niyang mga labi,

Bigla naman siyang humagikhik ng makitang nakatulala ako sa kanya,

"Talaga bang nakakabighani ang aking mukha binibini?" pilyong tanong nito,namula naman ang aking pisngi at umiwas ng tingin.

"Binibini, ako'y sagutin mo" pang asar nito sa kin, hindi ko naman napigilang mapatayo at akmang aalis ngunit nahawakan niya Ang aking braso.

"Saan mo naman balak pumunta binibini, hindi bat pinangako mong ika y hindi lilisan" Ani nito.

"Magpapahangin lang ako" mahina kung sambit

"Haha, nakakahalata ka na binibini,ako ba y pinagnanasaan mo" Saad nito, mas lalo naman akong namula

"Paki usap Ginoong Ichiro, tumigil kana, nakakahiya ang iyong pinaggagawa" Saad ko

"O Sige, ako'y titigil na" natatawang saad nito at tumayo, naguguluhan naman ako ng ilahad niya sakin ang kanyang makinis na palad.

"Maaari ba kitang maisayaw binibini" ngiteng saad nito, napatango naman ako at tinggap ang kanyang palad,

"Pakinggan mo lang ang awit ng hangin at pakiramdaman ang lamig ng Gabi pagkatapos ay sumabay sa akin, tayo y magsayaw na tila walang katapusan aking Señorita" bulong niya sakin at nagsimula na sa paggalaw.

"Tila eksperto ka nito aking Señorito, ikaw ba y galing sa magarbong pamilya noon?" tanong ko.

"Wala akong maalala, tanging pangalan ko lamang ang aking nalalaman" sagot nito na bahid na kalungkutan,

"Nakakatuwa gaya nga ng sinabi nila maaari mong kalimutan ang lahat, wag lang ang iyong pangalan, Ikaw yan Ichiro" tuwa kong bigkas.

"Bakit tuwang tuwa ka?" nakasimangot na ani nito.

"Wala naman,wag ka nang magtampo" Ani ko.

"Ichiro, gusto mo bang makalaya sa sitwasyon mo ngayon" bigla kong tanong maski ako ay nagulat rin sa salitang lumabas saking bibig,

"Kung alam mo lang Binibini, kung gaano ko kagusto, pero wala akong magagawa walang paraan at kung meron man ay walang kasiguraduhan" Saad nito na may bahid na kalungkutan.

"Gusto mo ba talagang makalaya?" tanong ko ulit.

"Oo, gustong gusto" Saad niya,napangiti naman ako, buo narin ang aking desisyon na tulungan siya.

"Kung sakali mang may gagawin ako Ginoo, sana hindi mo sisihin ang iyong sarili" Saad ko kita ko naman sa kanyang mga mata ang kaguluhan.

"Ano ang iyong pinaplano Binibini" aniya.

"Malaman mo rin" Saad.

"Paano ba yan mag bukang liwayway na naman, Paalam aking Señorito" Ani ko at unti unti naman siyang naglaho.

°°°°°

"Señora Yurah ang iyong ama" hingal na Saad ni Ange.

"Anong nangyayari at Ikaw ay tila hinahabol ng sampung liyon" agaran kong tanong.

"Si Señor Gustavo ay hindi na humihinga" Saad nito at humagulhol ng iyak, tila natuod naman ako saking kinatatayuan sa narinig,

"Anong nangyayari?" tanong ko sa mga gwardiya sibil na nandirito ngayon sa mansyon.

"Señorita De Guerrero, ang iyong ama ay kasalukuyang iniimbistigahan ng isang manggagamot sa loob" Saad nito, at tama namang lumabas ang manggagamot galing sa silid ni amá.

"Kumusta ang aking amá" tanong ko nito

"Ang iyong ama ay may hindi kilalang sakit Señora, at sa kasamaang palad ay wala na akong nagawa dahil talagang hindi namin batid ito," sagot nito, wala naman akong nagawa kundi ang umiyak, nawalan ako ng Ina at ngayon naman ang aking ama.

"Señora, maging matatag po kayo, makakaya niyo po ito" Saad ni Angelika sakin.

Ilang araw ang lumipas matapos ilibing ang aking ama ay unti unti namang nagsi alisan ang aming mga katulong tanging ako at si Angelika nalang ang nandito sa mansyon, ilang gabi nating hindi ko dinalaw si Ichiro, palagi akong wala sa sarili at tulala tila wala akong lakas na mabuhay ulit.

"Señora Yurah, kumain kana" saad ni Ange saakin at kasalukuyan kaming narito saking silid.

"Ilagay mo lang iyan sa lamesa Ange, mamaya na ako kakain" Ani ko, sinunod naman niya ang aking utos at lumabas na,

Nang sumapit ang gabi ay agad akong nagtungo sa punong Akasya,agad ko namang nakita si Ichiro na nakatalikod ng upo at nakaharap sa buwan na tila may hinintay, napangiti naman ako at agad siyang tinawag.

"Ginoong Ichiro," agaw pansin ko sa kanya,agad naman itong lumingon at tumakbong lumapit saakin.

"Binibini, Ikaw ba iyan?" tanong niya na tila hindi makapaniwala

"Patawad kong ngayon lang ako, alam mo na man ang nangyari hindi ba" hinging paumanhin ko,nagulat naman ako ng yakapin ako nito.

"Kinagagalak kung makita ka ulit" Saad niya.

Nagkwentuhan lang kami boung magdamag hanggang sa unti unting sumapit ang araw, agad naman akong napatayo at inilabas ang isang patalim na nakita kong nakalagay sa dulo ng libro, kakaiba ito sapagkat may kulay asul na bilog sa gitna, Patawad Angelika mukhang maiiwan kita.

"Ano ang iyong gagawin sa patalim na iyan Binibini, ibaba mo iyan 'pagkat maaari lang masugatan" alalang Sabi ni Ichiro ngunit ngumiti lang ako.

"Sana pagkatapos nito ay maging malaya kana, masaya akong makilala ka, aking Señorito" nakangiting saad ko at unti unting binaon ang patalim saking dibdib, Ange patawad.

"Hindi, wag mong gagawin iyan"sigaw ni Ichiro ngunit huli na naibaon ko na sa bandang puso ko, Paalam Ichiro.

"Hindi maaari, bakit mo iyon ginawa," Saad nito at unti unting tumulo ang kanyang mga luha.

"Aking Señorito, ako y lubos lang na nagmamahal sa iyo, nais kong Ikaw ay makalaya sa kadiliman, wag mong sisihin ang iyong sarili pagkat ninais ko ito" nahihirapang kong saad.

"Hindi" sigaw niya ng unti unti akong naglaho.

TE AMO Señorito Ichiro, bulong ko at sa huling sandali ay muli ko siyang nasilayan, bago ko pinikit ang aking mga mata ay nakita ko ang pagbabago ng kulay ng mga rosas sa hardin ang dating puting kulay ay naging itim,

"Magandang umaga aking Señorita" aniya nito at sa unang pagkakataong ay hinagkan niya ako saking labi,

Sa ilim ng punong akasya,

Ako y hihimlay na,

Kasama siya sa tuluyang pagpikit ng mga mata,

Sa huling sandali nahagkan kung siyang muli,

Hindi pinagsisihan kailan man,

Kahit walang kasiguraduhan,aasa parin na balang araw, ika y makalaya

Kahit sa araw na iyon, ay hindi mo na ako makikita,

Masakit na iwan ka,mga pangakong hindi na matutupad kasama ka,

Pero ginawa ko ito, sa kadahilanang nais kung makalaya ka,

Sa kadiliman tayo y nagkakilala,

Saksi ang buwan sa pagmamahalan nating dalawa

At sa mga luha na nasayang sa mga pait na naranasan

Mahal ko, hanggang sa susunod nating pagtagpo

Kung papalarin man, sana sa pagkakataong ito malaya na tayong magmahalan,

At maging masaya kailan man.

Paalam,











A/N:

The photo I used is not mine.

Credit to the rightful owner.

Continue Reading

You'll Also Like

207K 8K 30
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK🌝🌚
3.3K 894 101
May isang babae na nagngangalang Bea Jane Alonzo. She's a sweet beautiful girl, she have an angelic voice. Sya ay may lihim na pagtingin sa isang lal...
2M 99.1K 37
Presenting the story of ISHIKA MEHRA Whose innocence made the king bow down to her AND ABHIRAJ SINGH RATHORE Whose presence is enough to make the per...
74.7K 1.7K 11
~Short Story~ When Taehyung meets a girl when she suddenly fainted. Will they continue talking or was it a one time thing?? Started: November 16, 201...