A Contract with a Billionaire...

Par SkyAzules

7.8K 146 2

Lahat ginagawa ni Tzaliyah para sa kaniyang kapatid‚ nagawa niya ngang makipagkontrata sa isang bilyonaryo up... Plus

Disclaimer
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Epilogue
A Contract with a Billionaire

Chapter 12

174 3 0
Par SkyAzules

Tila ba binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig galing sa reporter. Kasabay nang pag-upo ko sa sahig ay siya ring pag-tulo ng aking luha.

Bakit ito nangyari? Bakit nag-dru-druga si papa? Matagal na ba siyang gumagamit ng druga? No’ng nabubuhay pa si mama gumagamit naba niya no’n? Kaya ba naging sakim sila sa pera at muntik na kaming ibinta dahil rin iyon sa druga? Mga katanungan sa aking isipan na hindi ko kayang sagutin‚ tanging si papa lang ang makakasagot. Ngunit ang mga tanong ko ay hindi na masasagutan dahil wala na si papa.

Wala na ang kinaiinisan ko. Wala na ang taong nagpahirap sa amin ng husto ni Tristan‚ lalong-lalo na kay Mama. Wala na ang taong unang minahal ko. Wala na ang taong nagdadala ng sakit sa ulo ko. Wala na ang taong magpapasakit sa aking dibdib. At higit sa lahat‚ wala na si papa.

“Ate‚” niyakap ko ang aking kapatid nang magsimula itong umiyak. “Wala na si papa.” dugtong niya.

Marahan kong tinapik-tapik ang likod nito at tahimik na umiiyak. Ngayon nasagot na ang tanong ko kung bakit siya humingi ng tawad sa akin kahapon‚ dahil mawawala na siya. Sa muling pagkakataon‚ humarap ako sa tv screen at sinabing‚

“Pinapatawad na kita‚ papa.”

“TRISTAN‚ papatawarin mo ba ang isang taong puro sakit lang ang ibinigay sa’yo? Papatawarin mo ba siya kahit iniwan ka niya? Papatawarin mo ba siya kahit pinerahan ka niya?” tanong ko sa aking kapatid.

Tumingin siya sa akin at marahang tumanggo‚ “Oo. Sabi nila di’ba‚ masama ang magtanim ng galit?”

Napangiti ako sa sagot ng kapatid ko‚ “Ibig sabihin ba niyan pinapatawad mo na si papa? Dahil ako Tristan‚ pinapatawad ko na siya.”

Nakangiting tumanggo siya sa tanong ko‚ napangiti rin ako at niyakap siya. Sabay kaming tumingin sa puntod ni papa. Magkatabi ang puntod ni mama at ni papa. Kaagad naming ipinalibing si papa. Si Rosa naman ay kinuha ng kamag-anak niya‚ dinala sa probinsiya.

Hinawakan ko ang puntod nina mama’t papa‚ “Ma‚ pinatawad na namin si papa. Sana mapatawad niyo na rin siya.”

Hindi ko namalayan ang pag-tulo ng aking luha kaya hinayaan ko na lang ito. Ilang oras kaming nanatili ni Tristan sa harap ng puntod nila papa’t mama. Marahan kong hinaplos ang buhok ni Tristan‚ ngayon ay natutulog na siya sa aking bisig.

“Tanya‚” napatingin ako sa kamay na nasa aking balikat “Let’s go?” marahan akong tumanggo sa tanong ng binata at dahan-dahang tumayo.

Inalayan akong tumayo ni Edmund habang karga-karga ko si Tristan. Nagpasalamat ako sa kaniya nang makatayo ako ng tuluyan.

Nang makarating sa kotse ay pumasok kaagad ako at umupo‚ pinaupo ko si Tristan sa aking kandungan. Mahimbing pa rin ang tulog nito.

“Do you know Tanya that your father using a illegal drugs?” napatingin ako sa binata ng magtanong ito habang nagmamaneho.

Marahan akong umiling‚ “Hindi ko alam. Gulat na gulat nga ako no’ng nalaman kong namatay siya dahil sa druga at gumagamit siya.”

“Di’ba siya iyong nakabangga mo lately?”

Biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari noong nakaraang araw. Iyon na pala ang huli‚ ang huli naming pagkikita ni papa. Kaya pala siya tumatakbo at hinahabol ng mga pulis noong araw na iyon dahil gumagamit pala si Drugs. Anong pumasok sa isip niya at nag-druga siya? Sila ni Rosa? Talaga bang sakim na sila sa pera? Dahil ang druga ay nakakarami ng pera.

Marahan akong tumanggo sa tanong ni Edmund at iniwas ang aking paningin sa kaniya. Hindi na siya muling nagtanong pa kaya natahimik ang paligid. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa mansiyon. Kaagad akong umakyat sa kwarto namin ni Tristan at marahan siyang inilapag sa kama.

Lumapit ako sa may bintana ang isinara ito‚ pagkatapos ang kurtina naman.

Gabi na pala‚ hindi ko namalayan.

Lumapit ako sa kama at umupo sa tabi ni Tristan. Marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok. Tumitig ako sa maamo niyang mukha. Habang nakatitig sa kapatid ko‚ hindi ko maiwasang lumuha.

Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si papa at gumagamit siya ng druga. Parang kahapon lang si mama ang namatay‚ tapos ngayon si papa naman. Kahit pa gaano kasama si papa‚ mahal na mahal ko pa rin siya. Ama ko siya eh. Kung hindi dahil sa kaniya wala sana ako sa mundong ito.

Sumandal ako at inangat ang paningin sa kesame‚ hinayaan kong magpatuloy sa pag-agos ang aking luha.

Ngayong dalawa nalang kami ni Tristan sa buhay‚ pangako hindi ko siya pababayaan. Ako ang tatayong ina’t ama niya.

KINABUKASAN maaga akong nagising‚ pero ang totoo niyan‚ wala akong tulog. Hindi kasi ako nakatulog. Pagkatapos kong maligo at mag-bihis humarap ako sa salamin at tiningnan ang mukha ko.

Mabuti naman at hindi na masyadong namamaga ang aking mata dahil nakaligo ako.

Sinulyapan ko muna si Tristan na ngayon ay mahimbing pa na natutulog bago lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay siya ring paglabas ng binata sa kaniyang kwarto. Nagtama ang aming paningin. Napaiwas ako ng tingin ng magsimulang kumabog ang dibdib ko.

Marahan akong yumuko‚ “G-good morning‚ Mr. Señorito.” palihim na napahawak ako sa aking leeg dahil muntik na akong nawalan ng boses. Dahil siguro ito sa kakaiyak ko ka-gabi.

“Are you okay‚ Tanya?” tanong niya habang papalapit sa akin.

“Ayos lang ako.” sabi ko at ngumiti.

“I think you need some rest‚ Tanya. Tingnan mo nga‚ namamaga ang mga mata mo. At ang tamlay mo pa‚ hindi ka rin kumain ka-gabi. Huwag ka munang pumasok sa trabaho ngayon.”

“Huwag na. Kaya ko namang pumasok eh.”

“No but’s Tanya. I know you need a rest. Huwag kang mag-alala hindi ko kakaltasan ang sweldo mo.”

Naiangat ko ang aking paningin sa binata‚ “Thank you‚ Edmund.”

“Your welcome.”

Ngumiti ako sa binata bago bumalik sa loob ng kwarto. Nang nasa loob na ako ng kwarto‚ kaagad akong umupo sa tapat ng salamin at tiningnan ang mukha ko. Napahawak ako sa aking pisngi dahil namumula ito.

Hindi ko alam pero nang dahil sa inasta ng binata kanina sa harap ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Tila ba nabunutan ako ng tinik dahilan upang gumaan ang pakiramdam ko.

Katulad nang sinabi ng binata‚ nagpahinga ako.

Nagising ako nang may naramdamang may nakatitig sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at sa hindi inaasahan‚ nagtama ang aming paningin. Ang taong nasa harapan ko ngayon ay ang taong unang nagustuhan ko. Sinabayan ko ang kaniyang malamig na titig sa akin.

Kung dati’y natatakot ako sa mga mata nitong ang lamig kung tumitig‚ ngayon‚ gusto ko nang palagi siyang nakatitig sa akin‚ gusto ko nang sabayan ang kaniyang malamig na titig.

“Ate‚” sabay kaming napaiwas ng tingin ng magsalita ang kapatid ko. Tumingin ako sa gawi niya‚ ngayon ko lang napansin na nandito pala siya‚ naka-upo sa tabi ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umayos ng upo‚ pagkatapos ay tumingin sa binata.

“Anong ginagawa niyo dito‚ Mr. Señorito?” ang tanong ko sa binata.

Umiwas siya ng tingin‚ “Just checking you if you’re resting.”

Napatanggo ako sa sagot ng binata at iniwas ang paningin sa kaniya. Siguro gusto na ako ni Mr. Señorito. Char!

“And I guess now you are okay.” muli akong napatanggo sa idinugtong ng binata.

“Ahm‚ Tanya...” muli akong napatingin sa binata nang magsalita ito.

“Bakit?”

“I suggest na lumabas tayo kasama si Tristan. Maganda ‘yon. Nakakagaan lalo ng loob.” suhestion ng binata. Tumingin ako sa binata at napatitig‚ napaiwas lang ako ng tingin ng magsalita si Tristan.

“Gusto ko ‘yan‚ kuya!” excited na sabi ni Tristan at tumalon-talon pa sa kama‚ pagkatapos‚ nang mapagod umupo siya sa aking tabi at tumingin sa akin. “Ate‚ lalabas tayo di’ba?”

Napatawa ako ng biglang umiba ang mukha ni Tristan. At dahil nadala ako sa pag-pa-cute ni Tristan ay pumayag akong lumabas kami.

“KUYA‚ gusto kong sa Jollibee tayo kakain. Kahit kailan hindi pa kasi ako nakakain do’n. Masarap daw ang mga pagkain sa Jollibee kuya. May ano daw do’n‚ fried chicken‚ hamburger‚ mayroon ring spaghetti. At marami pa po‚ sabi doon sa advertisement.” tumalon-talon si Tristan habang naka-upo nang nasa loob na kami ng sasakyan ng binata.

“Tristan‚ behave‚” tumigil naman siya sa kaniyang ginagawa at umayos ng upo.

“Jollibee?” kunot noong tanong ng binata.

“Jollibee kuya‚ hindi mo alam ‘yan?” kunot noong tanong rin ni Tristan sa binata.

“Is that a restaurant‚ Tristan? Hindi pa ako nakakain diyan sa sinasabi mong Jollibee‚ Tristan.”

Nanlaki ang mga mata ni Tristan dahil sa sinabi ni Edmund‚ “Ang yaman-yaman mo kuya tapos hindi pa kayo nakakain sa Jollibee?”

“I only eat in restaurant‚ Tristan.”

Pareho kaming namangha ni Tristan dahil sa sinabi ni Edmund. Talagang ang yaman niya‚ dahil sa restaurant siya palaging kumakain. Hindi niya rin alam ang Jollibee. Ang Jollibee ay para lang naman talaga sa may kaya‚ at ang katulad niyang isang bilyonaryo ay pang-restuarant talaga.

“Basta kuya doon tayo kakain. Dream ko talaga ang kumain do’n.”

Ngumiti ang binata sa kapatid ko at nag okay sign‚ “Alright‚ Tristan.”

Pansin ko lang‚ napadalas na ang pag-ngiti ng binata. At sa bawat ngiti niya‚ mas lalo siyang gumagwapo‚ at mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya...

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

232K 5.6K 42
Samantha Llaine Martinez isang simpleng babae galing sa isang kilalang pamilya, may kaya sila at Hindi na din kataka-taka kung siya ay ipagkakasundo...
310K 16.7K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
91K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
251K 5K 14
//SHORT STORY// "Bigyan mo ako ng dalawang buwan Zarah. Papatunayan ko na nag bago na ako. Papatunayan ko sainyo ng anak natin na nag bago na ako, pl...