Rewrite The Star. Book 2

By annneo6

10.3K 155 2

Five years later, scar and calex meet again. but what could fate have planned for them again? Will scar conti... More

Rewrite The Star
Chapter 1: Back
Chapter 2: Selos
Chapter 3: Two rounds?
Chapter 4: Mad
Chapter 5: Email
Chapter 7: Tagaytay
Chapter 8: Goodbye
Chapter 9: My Baby
Epilogue

Chapter 6: Mall

522 11 0
By annneo6

"Thank you po, doc" napangiti na lang ako sa pasyente ko, lumabas na ako sa room na iyon at naglakad na papuntang ER.

"You pervert!" Sigaw ni calex sa gitna ng hallway.

"Calex, stop!" Pigil ni angel ng akma na namang susuntukin ni calex ang lalaking nakahandalusay sa sahig.

"Sinadya niyang hawakan ang hita mo! At hindi ko hahayaan na may bumastos sayo! Ako ngang boyfriend mo, hindi ko magaya yun kasi nirerespeto kita. Tapos siya gaganun-ganunin ka niya lang?!" Galit na sabi ni calex dahilan upang sumakit ang dibdib ko. So, he's disrespecting me? Sabagay, bakit naman niya ako iingatan, diba? Una pa lang naman, ang hilig na niya akong saktan. Bakit ba ako nagpapakatanga sa lalaking ito? He will never love me, and I need to accept that.

"Lou" bulong ni kyrex. "Why are you crying?"

"I'm not, naisip ko lang yung pasyente ko" umupo ako sa bench kaya umupo siya sa tabi ko. "What if, hindi tayo pinadala dito? Magiging maayos pa din ba ang lahat?"

"Of course, maayos naman tayo ngayon, ah?" Napa-ayos ako ng upo at pinunasan ang luha ko.

"I need to go, may next operation pa ako"

"Mm, see you around" tumango na lang ako att umalis na.

Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni calex, balita ko binabantayan niya si angel dahil natatakot daw si calex na baka maulit daw ang pag-harass kay angel. Unti-unti na din kaming bumabalik ni kyrex sa dati, sa tuwing out na namin inaaya niya akong magdate bago ako ihatid sa condo ko.

Bumaba ako sa kotse ni kyrex at agad din siyang bumaba, nagulat ako ng isandal ako ni kyrex sa kotse niya.

"Maaari ko na bang marinig ang matamis mong oo?" Napangiti ako kay kyrex at pinatong ang braso ko sa balikat niya.

"Kyrex, ang gwapo-gwapo mo talaga, hehe" yes, I'm drunk. "Ano ulit yung tanong mo? Mm?"

"Lou, kailan mo ba ako sasagutin?"

"Sasagutin? Wala namang tumatawag, ah?" Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at wala naman talagang tumatawag.

"Ash! You're really drunk!"

Inalalayan ako ni kyrex papasok sa loob ng condo ko at pina-upo niya agad ako sa sofa.

"Ang cute talaga ng ky-ky ko" sabay pisil ko sa pisngi niya.

"I need to go home, take some rest"

"Hmp! Don't leave me!" Sabay yakap ko sa kaniya. Don't leave me, calex.

"Sshh, don't cry. Yes, I won't leave you" sumandal ako sa sofa at napahawak sa ulo.

"Argh! I hate this!" Umiyak na ako ng umiyak habang sinasabi kong 'i won't cry anymore!'

"Sleep now, lou " sumandal ako sa balikat niya habang patuloy akong umiiyak, inakbayan niya ako at pinakalma ako.

"Argh" napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit nito, lumabas ako sa kwarto ko at agad kong nakita si kyrex na mahimbing na natutulog sa sofa. Lumapit ako sa kaniya para kumutan siya at pumunta na ako sa kusina upang uminom ng tubig.

Habang umiinom ako, may biglang nagdoorbell kaya lumapit agad ako sa pinto. 1:23AM na pero bakit may nagdodoorbell pa din? Agad kong binuksan ang pinto at agad kong nakita si calex, seryoso ang mukha niya lalo na ng makita niya si kyrex na mahimbing na natutulog sa sofa.

"Anong ginagawa niya dito? Gabi-gabi na ba siyang natutulog dito? Don't tell me may nangyayari din sa inyo? Hindi ka na ba makatiis kaya naghanap ka ng bagong magpapaligaya sayo?" Parang tumagos lahat ng sinabi niya sa puso ko, ang sakit ng mga sinabi niya.

"Ganiyan na ba kadumi ang isip mo? Sa tingin mo ganun ako kahaliparot? Pumunta ka ba dito para sabihin lang iyan?"

"Then, anong ginagawa niya diito?"

"Ikaw ang dapat kong tanungin! What are you doing here?! And please, leave us alone!"

"Why? Naudlot ba ang loving-loving niyo?"

"Shut up! Or else, magtatawag ako ng security!"

"Really? Ipapahuli mo ako because of him?"

"Kung pumunta ka dito para manggulo! Pwes, oo"

"Tsk" inirapan niya ako at pumasok siya sa loob.

"Calex!" Mahinang sabi ko baka kasi magising si kyrex. "Get out"

"It's nice to sleep here" pumasok siya sa kwarto ko kaya mabilis ko siyang sinundan.

"Calex! I said, get out!" Humiga siya sa kama ko na akala mo ay kaniya.

"Kung siya kaya ang paalisin mo?" Lumapit ako sa kaniya at hinila siya patayo ngunit mabilis niya akong hinila dahilan upang mapahiga ako sa dibdib niya. Tatayo na sana ako ng yakapin niya ako. "Hmm, I can smell the beer in your shirt. No wonder, kung may nangyari--"

"Shut up! Walang nangyari samin! At kung meron man baka ipagpasalamat ko pa!"

"What?!"

"Let me go!" Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. "Calex, please"

"No!" Tinulak niya ako sa kama at agad siyang pumatong sakin. "Is he better than me?" Sabay halik niya sa labi ko.

"Wala pang nangyayari sa amin kaya hindi ko alam, at kung meron man baka oo! He's better than you!" Hinigpitan niya ang hawak sa dalawa kong kamay at mabilis akong hinalikan.

"Really?" Dahan-dahan bumaba ang kamay niya ngunit agad din iyon tataas, he's teasing me! Para na akong mababaliw sa ginagawa niyang pabitin-bitin kaya mabilis ko na siyang hinalikan ngunit hindi niya ako hinahalikan pabalik. "Not so fast!" Pababa na ng pababa ang hawak niya ngunit agad niyang binibitin iyon sa tuwing malapit na iyon sa ibaba ko. "Is he better than me? Mm? Answer me---"

"No! Please.."

"Please, what?"

"Please, do whatever you want to me!" Ngumisi siya at agad akong hinalikan.

"Yes, I'm better than him. You're only scream my name, and no one else" hindi ko na siya pinakinggan dahil para na akong mababaliw sa mga halik niya.

Paggising ko wala na si calex sa tabi ko, it's like a dream. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, lumabas na ako sa kwarto ko at naamoy ko agad ang mabangong ulam na nanggagaling sa kusina.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko si kyrex na nagluluto.

"Good morning, how's your sleep?" Tanong niya, umupo ako sa upuan at tumingin sa kaniya.

"Good. Ahm, may nakita ka bang tao dito kanina?"

"Tao? May bisita ka bang inaabangan?"

"Ah? Wala naman, natanong ko lang" tumango siya at hinanda na ang pagkain namin sa mesa.

Habang kumakain kami may biglang nagtext sa akin, it was calex.

From: Calex

Did he already left?

To: Calex

No, we're both having breakfast.

From: Calex

Tsk..

Papatayin ko na sana ang cellphone ko ng mag-ring ito. Tumatawag siya kaya napatingin ako kay kyrex na naguguluhan na sa inaasal ko.

"Excuse me, tumatawag yung friend ko" tumango siya kaya madali akong pumunta sa veranda at sinagot ang tawag. "What do you think your doing?"

"I miss you, babe"

"Tsk! Calex, I'm not joking! Papatayin ko na itong tawag--"

"Wait a minute! Don't you miss me? Hmp! Nakaka-lumgkot naman" napabuga ako ng hangin.

"We need to go" pinatay ko na ang tawag at napasandal sa pader. "Of course, I miss you too. I always do"

Pumasok na ako sa loob at nakita ko siya na nagliligpit na.

"Are you done?" Tumango siya at ngumiti, tumango din ako at kinuha na ang tote bag ko.

Habang nagmamaneho si kyrex hindi ko maiwasang mag-alala. Did he heard something? Sinundan niya ba ako?

"What's on your mind?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Nothing"

"I see. Lou, pwede ko bang malaman kung sino ang kaibigan mo?"

"Ah? S-Si pearl"

"Pearl? Your friend since college?"

"Yes" umiwas ako ng tingin at inayos ang sarili, ang dami ko ng kasalanan kay kyrex.

Nang makarating kami sa alpha hospital, dumeretso agad kami sa loob. Tulad ng inaasahan maraming pasyente sa ER. Tinawag na din ako ng doctor sa OR at prenepared ako sa susunod na operation na gagawin ko. Habang naghahanda ako may biglang sumulpot sa gilid ko.

"Calex, I'm busy" ngumisi siya at niyakap ako sa likod.

"You're busy? And I'm your distracted?"

"I'm not saying that!"

"Don't be shout, are you really mad at me? Because of what I did?" Humarap ako sa kaniya at lumayo ako sa kaniya.

"No. I'm just busy, calex. May ooperahan ako sa OR"

"Okay, okay! And don't forget na bukas na ang outing natin"

"Yah, I get it"

Pumunta na ako sa OR at inasikaso agad ako ng dalawang nurse. Nang maayusan na ako, lumapit na ako sa pasyente at sinimulan siyang operahan.

"Scalpel" inabot sa akin yung ng ka co-doctor ko kaya hiniwa ko na ang ibabang dibdib ng lalaki.

Habang nag-oopera ako, hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni calex. Bukas na ang outing? Why so fast? Magiging maganda kaya ang pagbabakasyon ko?

Pagkatapos kong operahan ang pasyente ko, napadaan ako sa waiting area at nakita ko doon sila calex na nagtatawanan.

"Lou!" Hinila ako ni megan papalapit sa kanila. "Pupunta kami sa mall mamaya, gusto mo bang sumama?"

"No, I have a lot---"

"Yes! Guys, pumayag siya!"

"Megan!" Ngumiti lang siya at kinindatan ako. Argh! "I need to go"

"Why so fast?" Napakunot noo ako kay calex, what he's trying to do? "We're having fun here, why don't you joined us? Right guys?"

"Yes! You're megan's friend. So, I think mas mabuti pang ayusin natin ang gulo sa pagitan nating lahat. We're not young anymore" lumapit sa akin si kristine. "I'm kristine Jose, and this is Paola, Carla, and Alexa" napatingin sa akin sila calex, hinihintay ang susunod kong gagawin. Napatikhim ako at tumango.

"I'm Scarlet"

"Yan! Ganiyan lang dapat! Masaya tayong lahat!" Sabay kapit sa akin ni megan, tumingin ako kay angel na ngumiti sa akin.

Pagkatapos ng duty namin, dumeretso kami sa mall. Well, I still feel awkward lalo na nandidito ang anim na walang ginawa kundi bantayan ang kilos ko.

"Girls! Tara sa boutique shop!" Aya ni paola at hinila niya sila megan.

"Lou, restroom lang ako" bulong ni kyrex kaya tumango ako.

Umalis na si kyrex kaya gumilid ako para makadaan ang anim.

"Go inside!" Inis na sabi ko ng titigan pa nila ako.

"Let's go inside!" Madiing sabi ni calex.

"No, I'll wait for him"

"He can manage himself"

"And I can manage myself too" tumingin ako sa kanila. "Your girlfriend's already calling you"

"Tsk" suplado nilang singhal at pumasok na. Argh! Hindi ko na alam kung paano sila papakisamahan! Everything's already change.

Nang maka-uwi ako sa condo ko, hindi ko maiwasang mainis kay calex. Habang nanonood kasi kami ng cinema, tumabi sa akin si calex at napakulit ng kamay niya. Sa tuwing nagkwe-kwentuhan sila ni angel, palihim na hinahawakan ni calex ang hita ko. What a pervert! Buti na lang at masyadong naka-focus si kyrex sa panood. Argh!

Maaga akong nagising dahil pupunta na kami sa tagaytay ngayong araw, naka-impake na ako. Isang linggo kasi kami sa tagaytay kaya alam kong sulit ang bakasyon. Nakaka-stress na din kasi minsan sa hospital dahil hindi na kami nakakapag-pahinga sa daming gawain. Ala singko pa lang ng umaga ng i-text ako ni megan na aalis na daw kami.

Hinintay ko sila megan sa parking lot dahil susunduin daw nila ako. Maya-maya may huminto ng van sa harap ko kaya binuksan ko na ang pinto at bumungad sila megan sa akin.

"Girl! Kanina ka pa ba nag-aantay?" Tanong ni megan at pinasok ang maleta ko sa compartment ng van. Napatingin ako sa van na kakadating lang. "Bali dalawang van pala ang gagamitin, since hindi na kasya sa loob. Hm, saan mo gustong sumabay? Sa van nila calex o sa van ko?"

"Say--"

"Dito na siya!" Sigaw ni calex mula sa driver seat, kunot noo ko siyang tinignan.

"Girl, doon ka na daw kay calex" ngumiti sakin si megan. "See you later, girl" pumasok na siya sa loob at nakita ko si kyrex na mahimbing na natutulog sa passenger seat ng van ni megan.

Napabuga ako ng hangin at pumasok sa van ni calex. Bali lima kami sa loob ng van ni calex. Katabi ni calex si angel sa harap at nasa likod naman si dark at kristine na tulog. Pinikit ko ang mata ko ng paandarin na ni calex ang van.

"Are you going to sleep?" Tinignan ko si calex sa rear mirror, kausap niya si angel. "You should, hon. Mahaba pa ang byahe" hinawakan ni calex ang buhok ni angel kaya iniwas ko na ang tingin ko sa kanila.

Continue Reading

You'll Also Like

21.5K 255 15
She is scarlet and she loves calex so much, she almost chases him and begs him not to leave her. But how long will she stop chasing the man who can n...
TOO LATE By eyynis

Short Story

119K 2.1K 16
"I DON'T LOVE YOU AND I WILL NEVER LOVE YOU!" Bakit naman nya mamahalin ang babaeng gumulo at naging dahilan ng paghihiwalay nila ng taong mahal nya...
185K 2K 12
Taste of Sky, the story of Behati Azalea Monzanto and Rylandrien Peter Armstrong. Both of them and the rest of their team were addressed as heroes. A...
9.1K 326 16
Book 2 of That Fatty Girl! Marami ang nalungkot sa naganap na trahedya. marami din ang nasawi at nasangkot na doon ang Tatay ni Cole, kaibigan niyan...