The Lost Billionaire (His Pro...

By Shadow_Lady04

101K 2.7K 312

(COMPLETED ✅) "Puro nalang kamalasan ang nangyari sa buhay ko mag mula ng dumating sya." Azelya, isang si... More

WARNING!
DISCLAIMER
PROLOGUE
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
NEXT

Kabanata 22

1.7K 51 5
By Shadow_Lady04

Dedicated to Asingjimenez

"Mag iingat kayo... Ross pare, alagaan mong mabuti itong si Azelya at kong may oras kayong mag asawa ay bumisita kayong muli dito sa nayon ng Trinidad."

Yakap yakap ko si Lola habang hinahaplos naman nya ang buhok ko.

Ngayon ang araw na nagpasya kami ni Ross na bumalik na sa bayan at sa bukang liwayway namin naisipang bumyahe pababa dahil sa mainit na masyado mamaya pag sikat ng araw, naging masaya ang ilang araw naming pananatili sa nayon ng trinidad.

"Magbalik ka dito muli apo ko.. Hihintayin ka ni Lola." sumisinghot singhot ako tumango tango saka niyakap din si Tiya.

"Para namang hindi kana babalik kong makaiyak ka.. Ikaw na bata ka.. Alagaan mo ang sarili mo at bumalik ka ulit dito.. Nandito lang kami palagi at maghihintay sa pagbabalik mo.." malambing na usal nito saka hinalikan ang buhok ko.

"Babalik po ako dito.. Pangako." sumpa ko saka sila niyakap ni Lola.

Ng kumalas ako sakanila ay saka ako lumuhod sa harap ni Jiro na nakatingala saakin.

"Babalik si Ate dito... Magkikita pa tayo ulit sa bayan... Pagbutihin mo ang pag aaral." nakangiti kong pinaghahalikan ang mukha ng bata.

"Balik ka po ah.." niyakap nya ako kaya tumango ako sakanya.

"Ikaw na bulilit ka.. Papakabait ka sa tatay mo magkikita din tayo pag magaaral kana.. Naiintindigan mo ba?" malambing na pangaral ko sakanya saka ko paulit ulit na hinalikan ang matambok nitong pisngi.

Nilingon ko si Ross na binubuhat ang mga pabaong ube at saging saamin nila kuya Jano saka yon nilalagay sa kalesa ng kalabaw na naghihintay saamin para ihatid kami sa bayan.

"Ikaw na ang bahalang ikamusta ako kay Ara.. Sabihin mong magpakalakas sya at magkikita pa kami." mahinang bulong saakin ni Lola tumango tango ako sakanya.

"Segi na at baka mas mainit ang panahon ngayong araw..." nginitian ko si Tiya, sya ang ate ni Nanay at maramdaman ko ang magkaroon ng isang ina sa piling nya.

Muli ko syang mahigpitna niyakap saka nangilid ang mga luha sa mga mata ko.
Siguro.. Hindi naman ako ganoon kasamang tao kong lumaki akong may isang ina.

Aaminin kong napunan naman talaga lahat ni Lola ang lahat lahat saakin pero may mga pagkakataong mahapdi parin sa puso ko kapag naiisip kong sa oras na iwan ako ni Lika ay wala na akong pamilya sa mundo.

"Shh.. Wag ng umiyak... Nay oh.. Si Azelya umiiyak.. Jano.." napasinghot ako at sumubsob kay Tiya.

"Parang bata naman to e may asawa na... Babalik din naman kayo dito oyy.." narinig kong asar saakin ni Kuya Jano.
Agad akong kumalas kay Tiya at sinugod ng yakap si kuya Jano.

Tatawa tawa nyang hinaplos ang buhok ko.

"Ang drama.. Babalik nga kayo dito." naramdaman ko ang marahan nitong paghalik sabuhok ko.

"Alagaan mong mabuti ang sarili mo Azelya.. O mang pagsubok sa buhay ay may solusyon.."

Ng kumalas si kuya ay nginitian nya ako.

"Segi na baka butan kayo ng mataasa sikat ng araw." tumago tango saakin si Kuya.

Nilingon ko si Ross na niyakap si Lola atnakangiting nakikipag usap kay Tiya.
Nang makitang nakatingin ako ay agad syang nag paalam sakanika saka lumapit saakin at hinapit ako sa baywang.

"We have to leave now wife.."

"Mag iingat kayo sa byahe.. Bumaba kayo sa nayon ng Lumina at doon mananghalian." biling ni Tiya.

"Maraming salamat po.." paalam sakanila ni Ross.

Nang makasakay kami sa kalesa ay marahan lang ang andar non dahil nga sa kalabaw lang naman iyon at kutsero.

"Don't be sad.. We will visit here again." mahinang bulong nya kaya nilingon ko ulit ang nayon ng Trinidad kong saan ang mga ilaw nalang ng kubo ang nakikita ko.

Lumapit saakin si Ross saka ako pimahilig sa malapad nyang dibdib.

"Matulog ka muna.. Hindi ka nakatulog ng maayos gigisingin nalang kita." marahang usal nya saka marahang hinaplos ang buhok ko.

"Ano ng plano natin pagbalik sa bayan?" marahang tanong ko habang yakap ang baywang nya.
Dinig na dinig ang pagsasalpukan ng mga bato na nadadaanan ng gulong ng kalesa.

"We will start a life as a real husband and wife."

Ilang sandali din yata akong nakatulog at ng gisingin ako ni Ross ay mataas na ang araw kaya bumaba kami sa nayon ng Lumina kong saan ang paanan nito ay ang Centro mismo ng bayan ng Alumna.

"Iyan napang saka palamig." turo ko sa isang tinapay .
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ross at umiling.

"No.. You will eat rice." seryusong sabi nya saka ako hinila sa isang maliit na karenderya.

Sandali kong sinusulyapan ang mga tao na nililingon kami lalo na ang mga kababaihang may mga dalang balabal.
Mayroong mukang mayaman na magarbo ang kasuotan at mayroon namang iyong pangkaraniwan lang.

May mag asawang nag uusap at nagtatawanan habang nagsusubuan. May ilang kadalagahan at kabinataan na mukang nag uusap habang may mga hawak na papel.

Inirapan ko ang isang babae na nakangiting pinagmamasdan si Ross.
Muka naman hondi iyon napansin ni Ross at seryuso lang na naghahanap g mauupuan namin.

Hinawakan ko ang kamay nya saka pinagsalikop ang mga daliri namin kaya napatunghay saakin.
Bahagya syang ngumiti at ginulo ang buhok ko.

"Silly, are you that angry? I foumd a vacant table.. Lets go." aya nya saakin saka ako hinila sa pinakadulo at naupo sa kawayang upuan k9ng saan may mga pampalasa at lagayan ng tubig pati marin planggana.

"Wait here.. I will get us some food." tumayo sya agad kaya napatingala ako sakanya.

Ang tangkad!

Pumunta sya sa mga pagkain na nakadisplay sa malaking lamesa.
Nakita kong may pinagtuturo syang kong ano.

Pinagmamasdan ko sya mula sa malayo at nilingon din ang ilang mga kalalakihan at kababaihan na napapalingon sakanya.

Napangiti ako.

Siguro kong hindi ako ang asawa nya at ibang babae marahil ay kagaya ko din ang mga babae na ito na humahanga sakanya mula sa malayo, dahil bukod sa napakagwapo, matangkad ay talagang nasa tindig nya ang Autoridad na mukang hindi pweding biruin pag seryoso pero sobrang baliw kapag nanunukso.

Napailing nalang ako.

"What?" taas kilay na tanong nya ng makita iiling iling ako.
Pailalim ko syang tinignan.

"Naisip ko lang..." mas tumaas ang kilay nya kaya nilingon ko ang ibang mga babae sa bawat table at ngumuso.

"Siguro kong hindi ako ang asawa mo ay kagaya nila patingin tingin nalang din ako sayo mula sa malayo.." nagkibit balikat kaya napatitig sya saakin.

"Why did you ever thought of that?" mahinang tanong nya saka kumingon din sa paligid namin.

Nginitian ko ang babaeng naghatid ng pagkain namin, walang ginagamit na ko Plato dito at karaniwan lamang ito sa mga kainan sa Lumina.
Ang gamit nila ay pinausukang dahon ng saging para hindi na masyadong malaki ang oras na igugugol sa paghuhugas ng pinggan.

Isa pa ay mas nagpapasarap iyon sa kanin dahil kumakapitang halimuyak nito sa kanin.

"Totoo yon.." nilapag ko sa harap nya angpagkain nya kong saan ang ulam non ay manok.

(Kong pamilyar kayo sa karaniwang pagkain na tinatawag na PASTEL ay iyon yon.)

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi nya ng makaupo ako kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Your becoming too homest to your feelings huh?" napaismid ako.

"Wagmo kong simulan ah? Tatadyakan kita lumalaki na naman yang ulo mo.. Parang sinasabi pang e." inis na sabi ko nakita kong natawa ito saka naghugas ng kamay na syang ginaya ko din.

Nagsimula kaming maghimay manok.

"Try this one.. You become so thin." kunot noong usal nya saka inumang ang kamay nyang may pagkain sa harap ko.
Agad akong sumubo sa kamay nya, napangisi ako ng may maisip na kalukuhan.
Marahan kong pinasadahan ng dila ang daliri nyang nasa loob ng bibig ko. Nakita ko kong paano sya natigilan at tinitigan ako pero inosente ko lang syang nginitian.
Ilang sandali pa ay nag tiim bagang ito at bumaba ang tingin nya sa mga labi ko saka mariing napailing.

"Stop teasing me Baby.. You will regret it.. We only have weeks before your birthday and im telling you it's not good to tease a Lion with food that he had been wanting so bad for long..." madiin at seryusong sabi nya kaya natigilan ako at napamaang.

"Biro lang naman.." nakangiwing usal ko, nakakatakot namang biruin ang bwesit nato.
Inismiran nya ako kaya ginaya ko rin.

"The impact of your joke can lost my sanity.."

"KAILANGAN TALAGA NG LALAKI NG ANAK DAHIL MAS nagtatagal ang pagsasama nilang mag asawa kong sakali man.."

"Syang tunay mare... Hindi naman masisisi ni Coren si Kiko kong maghanap ito ng iba dahil hindi sila mag kaanak anak.."

"Nakita ko ngang nahimatay iyon kahapon dahil nakita nya mismo ang asawa na may kalaguyong iba."

"Balita ko nga ay marami na silang napuntahang hilot para lang magbuntis pero hindi nga daw.. Mukang napagod narin si Kiko kakahintay kaya naghahanap nalang ng makapagbibigay ng anak sakanya."

"Kawawa naman."

Napalunok ako habnag namimili ng gulay sa palengke dahil sa mga narinig.

"Ineng kukunin mo ba iyan kanina kapa dyan ah?" napukaw ako ng mag salita ang tindero ng binibili kong gulay.

"A-ah? Opo.. Magkano?"

"10 nalang."

Agad akong nagbayad at sandaling namili ng mga pampalasa.

Balak kong magluto ng masarap na tinula para kay Ross.
Mula ng makabalik kami sa centro ay napansin ko ang sobrang pagbabago nya mas naging malambing ito saakin gaya ng mga inaasahan ko sa asawang lalaki madalas kaming lumabas at mamasyal paghapon.

Bumalik sya sa trabaho nya sa konstraksyon sa bayan samantalang ako ay nag iiwan lnag ng gamot sa tindahan ni Lola.
Nagpaalam saakin si Lola na bibisita muna sa bayan ng Trinidad na malugod namang hinatid ni Ross nong nakaraang linggo.

Alas otso palang ng umaga ng magpasya akong mamalengke para dalhan sya ng makakakain nya.

Pag uwi sa bahay ay agad na akong nagluto.
Ang alam ko ay abala sila ngayon dahil ang mga kagamitan na gagamitin sa konstraksyon ay kailangan pang puntahan sa bayan ng Sta. Laura.

Nag ayos ako ng sarili at nagsuot lang ng dilaw na saya at puting damit, tinali ko din ang mahaba kong buhok ng dilaw ding panyo,naglagay ako ng konting kolorete sa mukha.

Napanguso ako ng makita ang ilang baunang dala ko kaya naghanap ako ng maliit na basket na pweding paglagayan non.

Mataas ang sikat ng araw pero mahangin naman kaya presko akong naglakad patungong konstraksyon.

Kagaya ng nakagawian ay hindi kona pinapamsin ang mga taong napapatingin saakin.

"Himala at naputol ang sungay."

"Ang ganda nya lalo diba?"

"Gago may Asawa na iyan.. Respeto!"

"Hindi naman iyon ang iniisip ko.. Bawal bang mamuri ng babae?"

Napangiti ako sa sinasabi nila kaya mas lalong gumanda ang araw ko.
Ilang araw nadin kasing pagod sya kong umuwi pero hindi naman nagpapapigil sa pagtratrabaho.

Banayad na tinatangay ng hangin ang saya ko habang hawak ko ang maliit na basket.

Bahagya akong lumilingon sa paligid ko.
May nagpapaypay ngpapenda nilang barbeque ang iba naman ay magdidikdik ng halamang gamot.

Nilingon ko ang mag asawa na nagtatawanan habang nakapasan ang anak nila sa balikat ng ama nya.

May kumiliti sa puso ko habang nakikita sila na masayang nagtatawanan.

Kami kaya ni Ross? Ganyan parin kaya kami kasaya paglipas ng ilang taon?
Napangiti ako sa naisip ko, nakikita kona ang magiging buhay naming mag asawa, magkasamang tatanda at magkakaroon ng mga anak mabubuhay kaming masaya at kompleto.

Nang makarating sa konstraksyon site nila ay nag dire diretso akong pumasok doon at bahagya lang nginitian ang nag babantay sa gate at ng mga tagalinis doon.

Ng makapasok sa konstraksyon site ay narinig ko ang maiingay na pagbagsak ng bakal at ilang turnilyo.

Sinisilip ko ang bawat sulok at ng makitang walang tao ay nilingon ko ang isang ale sa tabi na inaayos ang mga bakal

"Ah? Nasaan po ang ilang trabahador?" magalang na tanong ko kaya pinasadahan ako ng tingin ng matanda.

"Ah.. Ikaw ang asawa ni Ross? Nasa may likod sila hija." tumango ako.

"Maraming salamat ho.."
Dumiretso ako sa labas at hinanap sila.

Ilang sandali pa ng pagpapalakad lakad ko ay may narinig akong nagtatawanan.

"Kong magkakatuluyan kayong dalawa ay paniguradong magiging maganda at gwapo ang mga anak ninyo."

"Syang tunay... Ross pakasalan muna.. Mataas na nga ang katayuan sa buhay ay galing pasa magandang lahi."

Agad na nag init ang dugo ko ng makita na naman ang babaeng iyon.

Pesti talaga!

Nagtatawanan sila habang mukha namang walang pakialam si Ross at tinatapik tapik lang ang mga daliri sa table habang nakangisi.

"Bagay na bagay.. Pag naging mag asawa kayo ay imbitahin nyo ako."

"Hindi mangyayari yon.."

Nakita kong natigilan sila ng marinig ang galit kong boses kaya napatingin sila saakin.
Nakita kong tumayo si Ross at pinasadahan ako ng tingin kaya agad akong lumapit at nilapag ang basket sa table.
Nilingon ko sila at ang babaeng iyon na nakita kong napapahiyang napatungo.

"Diba binalaan na kita? Tigilan mo ang asawa ko!"
Nilingon ko naman ang mga kaibigan nila Ross na agad natahimik.

"Rumespeto kayo.. Alam ninyong may asawa na sya pero nirereto nyo pa sa iba? Hindi nyo ako binibigyan ng kahihiyan?"

Nakita long napahiya sila kaya kumapit ako sa braso ni Ross at tinignan sila.

"Tigilan nyo na ang kakatukso sakanya.. Dahil magkakaanak na kami!"

°°°°

Enjoy Reading Guys ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

1M 57.8K 58
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
2.9M 54.5K 17
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
239K 5.3K 46
(COMPLETED✅) Naive, Selfless and merciful Taliya Domingo agreed to be Married to Doctor Yttrius Montiverde, a Billionaire doctor. She's a complete...
367K 5K 32
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...