Ignoring The Father Of My Baby

By vexarin

73K 1.6K 167

He initially disliked her, treating her as desperate and unworthy woman. However, when her cousin entered the... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
AUTHOR'S NOTE!
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42

CHAPTER 26

1.3K 51 5
By vexarin

Nag-re-ready ako ngayon para sa 'introduction portion' ni Deron mamaya bilang Ama ng Baby ko. I texted Papa kanina and invited him sa isang restaurant, pati na rin si Deron at sina Kuya.

“Are you really sure about your plan?” tanong ni Asi habang maingat na sinusuklay ang buhok ko. Nakatingin siya sa akin mula sa salamin. Tumango at ngumiti ako ng tipid sa kaniya

“Si Deron naman talaga ang Ama, kaya dapat lang na siya ang ipakilala ko kay Papa” sagot ko. Hindi naman kasi ako kagaya ng iba diyan na kapag nasa ganitong sitwasyon ay gagawa ng katangahan. Porke galit sa Ama ng baby nila ay iba na ang ipapakilalang Ama doon sa family or gagawa pa ng kwento na malayo sa katotohanan.

Honestly, one of the things that I really hate the mose is making fake stories. Ayoko sa mga gumagawa ng kwento just to hide their wrong and mistakes.


I looked at Asi when he heaved a sigh

“What if your Dad change his mind? What if he asks you of marrying Deron instead? What will you do?”

“Kailan ko ba sinunod ang gusto ni Papa, Asi?” balik kong tanong sa kaniya.

“Uhm, you never followed any of his command nga pala” sagot nito saka nagkamot sa kaniyang kilay. Akala ko pa naman kilalang kilala niya na ako. tsk!

But yes, kahit noong bata pa ako ay marami ng ipinapagawa sa akin si Papa, pero dahil nga independent child ako, ni isa ay wala akong sinunod. Ang sabi ko pa nga noon ay Papa ko lang siya sa dugo at hindi sa aktwal kasi nga absent siya sa lahat ng mga magagandang event na nangyayari sa buhay ko. Gaya ng birthday, graduation at iba pa. Honestly kahit na alam kong may Papa ako, I never acted like I have one. Mula bata pa ako ang inilagay ko sa isip ko ay wala akong totoong magulang. He's here yes, but I never feel his existence.

“Whatever your decision is, I am always here to support you Aca” Saad nito. He bend down and hug me from behind. Napangiti na lang ako

“I know, kaya nga napaka-swerte ko dahil narito ka palagi sa tabi ko” saad ko na nakapag-pangiti din sa kaniya


Pagkatapos kong nagbihis ay nagpahatid na ako sa kaniya doon sa Restaurant. Nag-text pa sa akin si Deron na susunduin niya daw ako pero tumanggi na ako, sinabi ko na dumiretso na siya sa restaurant kung ayaw niyang magbago ang isip ko. Mukhang natakot naman dahil hindi siya pumunta dito sa apartment ko.


Pasado alas siete ng gabi ng makarating ako sa isang Italian restaurant dito sa Makati. Pagpasok ko pa lang sa restaurant ay napansin ko na kaagad ang ilang mga lalaking naka-itim na nagkalat sa paligid. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Bakit may mga lalaking naka-itim ang nasa paligid? Tauhan ba sila ni Papa?


Saka ko lang naintindihan kung bakit may mga lalaking naka-itim ang nag-kalat sa paligid ng mapansin ko ang lalaking kasama nila Papa sa table nila. Ang lalaking kulay pula ang buhok.


Bakit narito din siya? Inimbitahan ba siya ni Papa?

Bigla tuloy akong nag-dalawang isip na tumuloy.

Inabot ng ilang minuto akong nakatayo sa entrance ng Restaurant bago ako nagpasyang maglakad patungo sa kinaroroonan nila Papa.


Napag-isip-isip ko na tama na rin sigurong narito din ang lalaking 'yan para isang paliwanagan na lang. Baka kapag nalaman niyang magkaka-baby na ako ay siya na mismo ang mag-cancell ng engagement na iyon. Wala naman sigurong matinong lalaki ang magpapakasal sa babaeng buntis na, 'di ba?

“Anak, you're here” bati Papa ng makalapit ako sa kanila. Ngumiti ako ng peke sa kaniya. Papa ko siya pero ang hirap makitungo ng tama sa kaniya. Mabilis naman na bumaling ng tingin sa akin yung lalaki na inirapan ko ng bongga. I don't like him na kaagad kahit na gwapo siya.

Lumapit ako sa dalawang kuya ko para makipag-beso, pagkatapos ay umupo ako sa tabi ni Kuya Zaire. Pang-six people ang pinili nilang table. Wala pa si Deron. Talagang nagpa-late pa ang j*rk tsk!


“Where is he?” tanong ni Papa patukoy kay Deron


“Mukhang male-late po. Hintayin na lang po natin” sagot ko sa kaniya. Biglang dumapo ang mga mata ko doon sa lalaki. Peke akong ngumiti sa kaniya kasabay ng lihim kong pag-irap

Subukan lang talaga ni Deron na hindi sumipot. Malilintikan talaga siya sa akin! Dito ko malalaman kung talagang seryoso siya sa mga pinagsasabi niya. If he comes, then I will give him siguro a second chance, if not, edi bahala na siya sa buhay niya.


DERON'S POV


Kanina pa ako hindi mapakali. I don't know what clothes I should wear. Dati naman ay ayos lang sa akin kahit anong isuot ko, it didn't bother me, pero ngayon—Haist!


I'm excited but nervous at the same time. I need to be look nice and presentable tonight. Ayoko namang mapahiya sa harap ng Magulang ng babaeng pakakasalan ko in the future.


I can't decide between my two pairs of tuxedo. What should I wear? The grey one or the navy blue one?

“Where are you going, Anak?”


I looked at Mom when she entered my room. Her face has a confused expression

“Which one is better?” I asked showing her my tuxedos


“The grey one. What for Anak? May lakad ba kayo ng Daddy mo?” She asked confusedly. Actually, Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tungkol sa panliligaw ko kay Acacia.


“I'm meeting Acacia's Dad tonight” I simply said then faced my full-length mirror. Itinapat ko ang grey na tuxedo sa katawan ko. I smiled. Mom's right

“Acacia's Dad?”

“Yes”

“She want me to introduce to her Dad as her baby's father” I said. I secretly smiled. Sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya kaninang umaga ay hindi ko maiwasang ngumiti. She hates me at ramdam ko iyon pero gusto niya pa rin akong ipakilala sa Papa niya. I'm delighted.


“Are you two okay na ba? Did you confessed?” she excitedly asked. I heaved a sigh before nodding my head


“Yes. I actually started courting her”


“Oh my gosh!” gulat niyang naging reaksiyon. She even covered her mouth with her hand

“But she already get over me. She doesn't love me anymore and she hates me a lot” I said then heaved a sigh again.

“Don't worry Anak, she will soon forgive you”


Isang tipid na ngiti na lang ang ibinigay ko sa kaniya. I hope so

“You're meeting her father, right?” she asked. I just nod my head

“Then, your father and I will go with you. I also want to meet Acacia's, Dad”


ACACIA'S POV

Kanina pa ako naaalibadbaran sa pagtitig ng lalaking nasa harapan ko. Honestly habang tumatagal ay parang naiinis na ako sa kaniya. He's giving me a bad vibes.

“Pwede bang pakialis yang tingin mo sa akin. Naaalibadbaran ako. Tusikin ko na mamaya ng stick 'yang mga mata mo e” pagtataray ko na sinamahan ko pa ng matinding pag-irap. Imbes na mainis dahil sa sinabi ko ay ngumiti pa ng bahagya ang loko

“You're really different” mahinang usal niya na narinig ko naman. Inirapan ko na lang siya

Bakit ba kasi narito ang lalaking 'yan?  May iba pa bang plano si Papa?

Tinignan ko ang suot kong wristwatch. Almost 20 minutes ng late ang an*mal na j*rk na 'yon. Sisipot ba 'yon o hindi?

Gusto ko sana siyang tawagan kaya lang wag na lang. Pumunta siya o hindi, bahala siya sa buhay niya!

“Is he coming or not?” Napatingin ako kay Papa. Mukhang naiinip na rin siyang maghintay. Mukhang yung pagiging mainipin niya ang namana ko mula sa kaniya.


“Sino bang hinihintay natin, Mr. Dela Paz?”

Bahagyang napataas ang kaliwang kilay ko ng magsalita ng tagalog yung lalaki. Mukhang hindi siya sanay at pinipilit niya lang dahil slang ang pagkakatagalog niya, may accent kumbaga. Halata naman kasing hindi siya Pinoy dahil sa kulay ocean blue niyang mga mata. Mukha siyang Amerikano

“Tatay ng baby ko” ako na ang sumagot sa tanong niya. Mabilis na bumaling sa akin ang mga mata niya at base sa naging reaksiyon ng kaniyang Mukha ay mukhang nagulat siya sa narinig niya

“Shocked? Hindi pa ba nasabi sa iyo ni Papa ang tungkol sa kalagayan ko? If not, ako na ang magsasabi..”
tumitig ako ng diretso sa mga mata niya

“Acacia!” si Papa na mukhang gusto akong patigilin. But no! Nobody can stop me

“I am pregnant, so you better cancelled that engagement party dahil hindi na 'yon matutuloy” pagtuloy ko. I know I was being rude infront of him and my Dad, but who cares? This is what I really am. Ito ang totoong ako. Siguro kung ibang babae pa ako, baka naglulupasay na ako dahil syempre, sino ba namang babae ang tatanggi kung grasya na ang lalapit. This guy is a good looking, Mukha ring mayaman at mabango. Ang kaso, Hindi ko gusto yung vibes niya


Ilang minutong naging tahimik yung lalaki pati na din si Papa. Sina Kuya ay kanina pa namang tahimik ang mga yan. Nakikinig lang sila sa usapan.

“Baka po, pwedeng um-order na muna tayo ng pagkain habang hinihintay natin si Deron. Gutom na po kasi yung baby ko” Baling ko kay Papa. Kanina pa rin kasi ako nagugutom. Papa sighed


“Okay....waiter!”


Habang nag-oorder sina Papa ay pasekreto kong sinulyapan yung lalaki. Ramdam ko kasi yung mga titig niya, at hindi nga ako nagkamali. I caught him looking at me intently. Ano bang problema niya? Masiyado ba siyang nagagandahan sa akin?

“Stop staring at my gorgeous face, will you?” pagtataray ko sa kaniya. He chuckled softly saka nag-iwas ng tingin sa akin. Napairap na lang ako

Mga ilang minuto lang ay dumating na yung order namin. Kumuha kaagad ako ng pag-kain ko at ready na sana akong kumain ng biglang tumahimik lahat ng tao dito sa loob ng restaurant. Inilibot ko ang paningin ko para tignan kung anong meron and all of them are looking at only one direction, sa entrance ng cafeteria. Sinundan ko ng tingin ang tinititigan nila at halos ngumanga ang bibig ko ng makita ko ang ilang tao na pumasok na siyang agaw atensiyon


What the h*ck!


Am I seeing them right? Are they really with him? Talagang sinama pa sila ni Deron, gosh!

Anong paandar ito Deron?

“Those people seems very important to get everyone's attention, huh!” Rinig kong komento ni Kuya Zaire. He's right. Nakuha talaga ng pamilya Escoffier ang atensiyon ng lahat.

'Is that Mr. Wazerline Escoffier of Escoffier Empire?'
'Oo nga noh! What is he and his family doing here?'
'Maybe business matters'

Umugong ang mahihinang bulongan ng mga tao na narito sa Restaurant. Mukhang sikat talaga si Tito Waze sa larangan ng negosyo. Alam kong kilala ang apelyidong Escoffier not only here in Philippines, maging pati na rin sa iba't ibang sulok ng mga bansa.

Escoffier? Sounds familiar” Napatingin ako kay Papa. Nakatingin siya kina Deron partikular na kay Tito Waze na parang kinikilatis niya ito. Bahagya pang kumunot ang kaniyang noo

“I think, I know one of them. If I am not mistaken, the guy with a glasses is the famous chef in Asia. Draviz Escoffier?”

Saglit akong napatingin kay Kuya Tailor. Titig na titig siya kay Kuya Draviz.

Chef? Chef pala Si Kuya Draviz? Bakit Hindi ko alam 'yon?


Hanggang sa makalapit sa amin sina Deron ay hindi naalis ang atensiyon ng lahat sa kanila


“Sorry we're late” Saad ni Tito Waze. Nakakapit naman sa braso nito si Tita Denice na ngumiti sa akin. Ngumiti na lang din ako. Nabaling ang tingin ko sa apat na magkakapatid na pare-pareho ang ekspresyon ng mga Mukha. Mga naka-foker face. Sabay sabay ding lumanding ang mga tingin nila kay red hair guy na seryoso ding nakatingin sa kanila. Napansin kong bumulong si Kuya Dwight kay Deron, tapos yung naging reaksiyon ni Deron ay parang nainis. What's with them?

Mabilis akong napairap ng bumaling sa akin ang mga mata ni j*rk.

“You must be Acacia's Dad. I am Wazerline Escoffier by the way. It's a pleasure to finally meet you, Kumpadre” Ani Tito saka inilahad ang kamay nito para makipag-kamay. Saglit 'yong tinitigan ni Papa saka siya tumayo at kinuha ang kamay ni Tito at nakipag-shake hands din

Wait, anong itinawag ni Tito kay Papa? Kumpadre?

“Nice meeting you too, Mr. Escoffier” pormal na bati  pabalik ni Papa. Seryosong seryoso ang Mukha nitong bumaling sa akin sandali saka muling bumaling kina Tito

Bakit bigla yata aking kinabahan

“Anyway, this gorgeous lady beside me is my wife” nakangiti nitong pakilala kay Tita

Ngumiti si Tita kay Papa. Tumango lang naman si Papa. Hindi man lang ngumiti tsk! Ngayon alam ko na kung kanino ko namana ang pagiging ma-attitude ko minsan


“And your sons?” tukoy ni Papa kina Kuya Dwight. Isa isa niyang pinasadahan ng tingin ang apat na lalaki

“Yes, we are.” Singit naman ni Kuya Dwight na bahagyang ngumiti kay Papa. Why are they look so cool tonight?

“Which one is my daughter's—” Hindi na naituloy pa ni Papa ang sasabihin ng kaagad na sumingit si Deron

“I am your daughter's boyfriend” Saad nito. Saglit akong natigilan sa sinabi niya, at kalauna'y napaawang na lang ang bibig ko ng mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya

He's my boyfriend? What? At kailan ko pa siya sinagot?

Continue Reading

You'll Also Like

277K 4K 49
The Billionaire's Heiress_ _Ice Alcantara is a normal working student. Has this bitter boss, expressionless professor, talkative classmate and a craz...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
35K 1.7K 40
Yes,I have all the material things and money that i want. But i cant decided on my own. Like my own happiness. My friends. My Studies. My Image. My f...