Girl From Nowhere - Pablo's S...

AthenaScarlett17

17.6K 1.2K 1.4K

A Girl From Nowhere Na Bibihag Sa Puso Ng MAHALIMA/SB19. Pero bakit tuwing nakikita nila si Bebe Girl ay hind... Еще

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
PART 27
PART 28
PART 29
PART 30
Part 31
PART 32
PART 33
PART 34
Part 35
PART 36
PART 37
PART 38
PART 39
PART 40
PART 41

Part 7

393 32 9
AthenaScarlett17

STELL'S POV

One week na ang nakakalipas simula nong last na sleep over ni Pau sa bahay. Medyo nalungkot ako kasi need ko syang iwasan. Need ko kasing gawin yun kasi natatakot na ko sa feelings ko. Baka masira lang yung friendship namin pag nagkataon.

During practice naman namin ay nag uusap kami. Di ko naman dinadamay ang work sa problema ko. Pero syempre hangga't maaari ay iniiwasan ko talaga sya. Kahit sa mga lives and guestings namin ay sila Josh at Ken ang kasama ko. Minsan naman ay di rin maiiwasan na magkalapit kami. Syempre para di rin mapansin ng A'TIN na may ilangan samin ni Pablo. Ay ako lang pala.

Tsk..... kahit nakikita ko sya araw araw ay namimiss ko pa din sya. Nakakaboring din pala pag di ko sya masyadong nakukulit. 😮‍💨

Napag isipan kong mag stroll muna tutal maaga pa naman, para naman kahit papano ay mabawasan ang Stress ko.

Pumunta ko sa park na lagi naming tinatambayan ni Pau pag naiisip naming mag stroll. Kunti lang kasi tao dun pag gabi. Nag suot na lang ako ng mask para kahit papano ay di ako mapansin ng tao. Mahirap na.

Pagdating ko dun sa favorite spot namin ni Pau ay may nakita akong babae. Don mismo sa bench na paburito naming upuan ni Pablo. Sino kaya sya?

Sayang naman. Maganda pa naman yung Spot na yun. Kita mo yung City Lights.

Aalis na sana ako nong biglang mag sideview yung babae.

Teka, si Pablo ba yun?

Mali...si Athena., Anong ginagawa nya dito?

Lumapit ako sa kanya at bahagya syang nagulat nong makita ako. Bakit kaya pakalat-kalat tong babaeng to. Kanina ay nakita din sya ni Jah, ngayon naman ay ako.

Wait? Nakilala nya ba ko agad.?

"Sinusundan ba ako ng grupo nyo?" Tanong nya sakin. Oo nga, kilala nya ko kahit may takip n muka ko.

Nagtataka ba sya na andito ako? Ang feeling naman nya, pwerket maganda sya kelangan sundan na namin?

"Bakit naman kita susundan, wag ka ngang feeling." Teka, ang suplado ko pala masyado.

"Eh anong ginagawa mo dito?"

"Tambayan namin to ng friend ko. Bakit sayo to?" Bat ganun, Parang si Pablo lang kausap ko. Ayan nanaman ako sa Pablo na yan. Wala na nga sya, sya pa din hanap ko.

"Ok, alis na lang ako." Sabi nya at aalis na sana sya nong pigilan ko sya.

"Wag ka nang umalis. Samahan mo muna ko. Nakakalungkot kaya mag isa dito."

"Eh di sana niyaya mo yung friend mo."

"Sino si Pablo?"

"Si Paulo lang ba ang Friends mo?"

"Hindi." Oo nga no. Bat ba Pablo ako ng Pablo.

"Miss mo?" Huh? Pinagsasasabi ng babaeng to.

"Sinasabi mo dyan."

"Miss ka rin non."

"Hala sya, shipper ka. Paladisisyon na to." Bigla naman syang natawa sa sinabi ko. Hindi ko rin maiwasang matawa na rin. Nakakahawa kasi yung tawa nya eh.

"Oo nga pala, bakit ka andito? Asan si Pablo?" Tanong ko sa kanya. Medyo naiintriga kasi ako sa kanila. Totoo kayang Friends lang sila si Pau.!!

"Umuwi ng Cavite."

"So sa condo ka ulit ni Pablo matutulog?"

"Uhm, yep."

"Close ba kayo ni Pau?"

"Ahm... Oo?"

"Bat parang di ka sure?"

"Ang daldal mo pala talaga, totoo nga sabi ni Pablo." Sabi nya sabay tawa ng pilit.

"Sinabi nya yun? Loko yun ah. Pinapahiya ako." Oo nga pala. Alam ng mundo na madaldal ako 😅. "Pano kayo nagkakilala ni Pau? Matagal na kaming magkasama ni Pablo at halos lahat ng friends nya kilala ko na. Bat ikaw ngayon lang kita nakilala?"

"Ahm, bihira lang kasi kami magkita ni Pau."

"Taga saan ka ba?"

"Baguio?.... Oo tama, Baguio."

"Bat parang di ka sure sa mga sagot mo."

"Eh ikaw, bat ka Puro Pablo?" Walangya tong babaeng to, iniiba topic.

"Curious lang bakit, masama?" 😒

"Bombastic side eye." -Athena

"Pinagsasasabi mo." 🙄😒

"Criminal offensive side eye."

"Hoy Athena, ako'y tigil tigilan mo dyan. Para kang si Ken.

"Ken."

"Oo si Ken, lagi din nya kong inaasar."

"Pero ang alam ko ikaw ang pinaka mapang asar sa grupo."

"High bloodin kamo. Pero mas Chona si Pau."

Nag kwentuhan lang kami ni Athena ng kung ano ano. Sa totoo lang, masarap syang kausap. Wala syang arte sa katawan. Hindi nya alintana if ginugulo ng hangin ang buhok nya. Nakakatuwa nga eh dahil may pagka isip bata sya. Tapos pag natutuwa sya masyado syang mapanakit. 😒, Bigwasan ko kaya to.

Hindi ko na rin namalayan yung oras. Inabot na kami ng madaling araw sa pag kuwentuhan. Napaka gaan ng loob ko sa kanya. How i wish na di na matapos tong gabing to.

Hindi ko alam pero may something sa babaeng to. Lalo na pag tinititigan ko sya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong humanga sa ganda nya.

Dug dug 💗

Dug dug 💗

Fuck.....

May crush na ba ko sa kanya?

Hinatid ko na sya sa condo ni Pau kasi sabi nya dun daw sya matutulog. Ano nga kaya ang meron sa kanila ni Pau. Bat hinahayaan ni Pau na gamitin ng babaeng to ang bahay nya. Pero if meron something sa kanila, eh di sana andito din si Pablo. Never ko naman silang nakitang magkasama.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Athena sakin.

"Bakit, sawa ka na bang kausapin ako?" Andito kasi kami ngayon sa Condo ni Pau, tumambay muna ako. Hindi ko alam pero hindi ako makaalis. Ang lakas kasi ng hatak ng babaeng to eh. Naguguluhan na tuloy ako. Pero one thing for sure. I'm not gay. Dahil nagkakagusto pa rin ako sa babae. Siguro nga humahanga lang ako kay Pau. Hindi ko na sya dapat iwasan kasi alam ko sa sarili ko. May crush na ko sa babaeng to. Dapat pala makipag close lalo ako kay Pablo para makilala ko pa ng lubos si Athena.🤭

Kaya ko siguro napanaginipan si Athena. Si Pablo talaga ang totoong epal sa panaginip ko.

Ayieee...kenekeleg ako pusa...

"Hindi naman sa ganon. Pero diba may rehearsal pa kayo mamaya." Oo nga pala. Maaga pa kami mamaya.

"10 am pa naman yun eh, makakapagpahinga pa naman ako."

"Ahm, 3am na kasi. Medyo inaantok na ko."

"Hehe, ganon ba. Sige matulog ka na. Okay lang ako dito."

"Huh?"

"Haha joke lang. Uuwi na ko. Pero picture muna tayo ☺️."

"O...okay."

Yes, buti naman pumayag sya.🤭

Kinuha ko na yung phone ko saka kami nag picture. Dinamihan ko na para marami akong pang inggit kay Jah. Ano sya sinuswerte. Sya lang may pic ni Athena 😒.

After non ay nagpaalam na rin ako sa kanya. Kahit ayaw ko man umuwi dahil natutuwa pa kong kasama sya eh umuwi na ko. Nakakahiya naman, inaantok na bebe ko.

Pagdating ko sa condo ko ay nagwash muna ako bago ko humiga sa kama ko. Pagkahiga ko ay di ko maiwasang mapangiti.

Ang ganda nya talaga. Di sya nakakasawang titigan. Yung mapungay nyang mata. Maamo na muka. Mapupulang labi at Matangos na ilong ☺️, hindi mawala sa isip ko. Pati na rin yung matamis nyang ngiti. Napakasarap pagmasdan. Kinuha ko yung phone ko saka ko tiningnan yung mga pictures nya.

Athena

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako ng nakangiti.

Kinaumagahan ay maaga pa rin akong nagising. Pakiramdam ko ay sapat pa rin ang tulog ko kahit halos 3 hours lang ako natulog. Inggitin ko nga yung mga gago 😁.

Aba't ang bilis magsipag reply ah. Pero si Pablo di nag seseen.

Parang tanga talaga tong si Ken. Gentle man kaya ako.

Hala si Pablo, nag seen. 😣

Wait bat bigla akong kinabahan. Eh ano naman kung makita nya na kasama ko si Athena kagabi. Paki ba nya.

Haysst.... nawalan na tuloy ako ng gana mag bida bida. Excited pa naman ako kanina. Si Pablo kasi eh.

*******

PABLO'S POV

Natatawa ako sa mga nababasa ko sa Group Chat namin.

Grabe, ang hyper nila.

Kung alam lang nila na ako rin yung babaeng binibida ni Jah at Stell, siguradong laglag ang panga ng mga yun.

Pero kagabi, subrang saya ko nong kasama ko si Stell. Namiss ko tuloy bigla sya. Alam ko naman na iniiwasan nya ko this past few days, siguro dahil dun sa accident na nahulog sya sa ibabaw ko. Nakakailang nga talaga yun. Tapos di pa kami agad nakaalis sa pwesto namin dahil nagkatitigan pa kamin. Tapos, tinangka ko pa syang halikan nong tulog sya.

Ikaw kasi Pablo eh. Bakit padalos-dalos ka kasi ng kilos.

Haysst......

Napabuntong hininga na lang ako.

Naalala ko bigla yung kagabi. Gentleman naman pala talaga ang loko. Hindi sya nag-take advantage sakin kahit hinawakan ko sya pag natutuwa ako sa mga banat nya.

Nagugustuhan ko na nga ba talaga sya? Am I gay? Pero nagka girlfriend na ko. Never naman ako nagkagusto sa lalake maliban kay Stell. Nako naman. Ano ba tong nararamdaman ko.

"Wazup Pinuno." Bati ni Ken sakin. Ang aga yata ng isang to. Kakadating ko lang kasi sa Studio namin at andito na kaagad si Ken. Anong masamang hangin ang nahithit nito at maaga yatang pumasok?

"Aga mo ah, wala pa yung iba?"

"Wala pa eh. Ay teka....sino yung chiks na kasama ni Ste---" Biglang naputol ang sasabihin sana ni Ken nang dumating si Josh.

"Good morning to our Poging Pinuno." Haysst..... Parang alam ko na ang mangyayari.

"Oh , ang aga nyo yata." Sabi naman ni Jah na kakadating lang kasunod naman nito si Stell.

Di naman ako tinapunan ng tingin ni Stell at agad pumunta sa rest area ng Studio. Problema non. Kagabi lang eh ang saya saya nya.

Bahala sya.

*****

KEN'S POV

Mag gagabi na nong matapos kami sa practice namin. Grabe sa grabe na ang ganap. Papalapit kasi ng papalapit ang concert namin. Halos lahat ay busy, lalo na si Pablo. Sya kasi ang pinaka hands-on samin talaga. Di lang dahil sya yung leader namin kundi sya talaga ang utak ng group namin. Kumbaga pag kinompara mo kami sa kanya. Display lang kaming apat. Subra ang paghanga ko sa kanya. Di lang sa galing nya sa paglikha ng kanta pati na rin sa pagiging genius nya. Basta di ko ma-explain.

Pero may isa lang akong napapansin sa kanya pag magga-gabi na. Ang hilig nya kasing bantayan ang oras. Dati kahit abutin kami ng madaling araw sa practice ay ok lang. Pero ngayon, hindi na kami umaabot ng alas otso. Bakit kaya? Tapos, palagi na lang syang nawawala ng walang pasabi. Bakit kaya?

"Pack up na tayo guys. Magpahinga na kayo." Sabi ni Pau samin.

"Yun oh." Natuwa naman si Josh dahil maagang natapos yung practice namin. Nakipag apir pa to kay Jah na tuwang tuwa din.

Si Stell naman ay nag ayos na kaagad ng mga gamit nya at nag ready na rin pauwi. Napansin kong may ilangan sa pagitan nilang dalawa ni Pablo. Hindi to maganda dahil baka makaapekto pa to sa concert namin. Kakausapin ko na lang si Pablo mamaya pag alis ni Stell. Si Stell kasi ayaw magsalita eh. Baka si Pablo, umamin.

Nauna nang umuwi sila Stell, Josh at Jah, kaya ako at si Pablo na lang ang naiwan. Medyo busy si Pablo kaya di nya siguro ako napansin.

"Pisssst Pau...Hindi ka pa ba uuwi?" Di nya yata alam na may kasama pa sya dito sa 1Z kaya nong kinalabit ko sya ay nagulat sya.

"Shit......Gago ka Ken, ginulat mo ko. Bakit andito ka pa?"

"Hehe, kakausapin sana kita about kay Stell."

"Bukas na tayo mag usap, umuwi ka na. Mag 8pm na kaya saka wala na rin sila dito."

"Ano naman, saka maaga pa ang 8pm ano ka ba? 2am ka nga natutulog."

"Pwes, kung ayaw mong umuwi. Ako na lang uuwi." Isa isa nang inayos ni Pablo yung mga gamit nya. Nong kukunin na ni Pablo yung jacket nya ay natigilan ito.

Anyare dito?

"I---ikaw na mag----mag sara ng office." Nahihirapang sabi nya.

"Okay ka lang ba pre? Anong nangyayari sayo?" Bigla kasi syang namutla.

"Damn." Mura nya. Hinawakan ko sya sa braso at nagulat ako dahil subrang init nya.

"Dammmmn." Napamura din tuloy ako. Pero ang maslalong nagpa gulat sakin ay ang kanyang braso. Bat parang braso ng babae. Tapos wala na yung balbon nya. Nag wax ba to.

"Aaaaaaaaahh." Nagulat ako sa ginawang pagsigaw ni Pablo. Parang hirap na hirap sya. Napaluhod pa ito.

"Pau anong nangyayari sayo? Hinawakan lang naman kita ah. Masakit ba hawak ko. Napa diin ba? Masakit ba yung pag wax sayo kaya mahapdi pag nahawakan?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Patuloy lang sa pagdaing sa sakit si Pablo. Di ko tuloy alam gagawin ko. Gago kasi. Alam na balbon sya nagpa-wax pa. Mas ok nga na balbon sya eh para di sya lalong magmukhang babae.

"Stay away from me." Ano ba yan. Galit ba to. Sorry naman. Di ko naman alam eh.

"Sorry na. Di ko naman alam eh." Pilit nya kong tinutulak palayo.

Ano ba yan Pins, kinakabahan na ko sayo.

"Aaahhhkkkk.... Shit...." Bat ang ganda magmura ni Pau? Pag galing sa kanya parang ang sarap sa ears...

Biglang napahiga si Pablo sa sahig. Ganon ba talaga kasakit. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Pusang ina ka Pablo." Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko kung paanong unti unting naging babae si Pablo. Humaba lalo ang buhok nya. Kuminis ang balat. Lumiit ang muka at...

At kamuka na nya yung babaeng kasama ni Stell at Justin sa picture. Naging si Athena sya.

Anak ng tipaklong, kalahi ba to ni Naruto? Kelan pa sya natutong magpalit anyo? Baka sa susunod, kage bunshin technique naman gawin nito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakahiga lang si Athena esti Pablo. Athena? Pablo? Ay ambot, di ko na alam itatawag ko sa kanya.

Teka, tutulungan ko ba sya? Ambot. Nakahiga pa din sya. Natatakot akong hawakan sya. Pero grabe. Ang ganda pla nya talaga.

No Ken, Focus. Si Pablo yan. Leader nyo. Kaibigan mo.

Lumapit ako sa kanya at tinulungan ko syang makatayo. Mukang nanghihina sya. Dahil di sya makatayo ng maayos kaya napayakap sya sakin.

Dammmmmmmn, ang lambot naman ng taong to.

Biglang bumukas ang pinto at si Josh ang niluwa.

"Anong ginagawa nyo?" Tanong ni Josh nang makita nya kami.

Shit. Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba? Sa panic ko ay nabitawan ko si Pablo, este si Athena, ay si Pablo pala na naging si Athena. 🤯

Dammmmmmn., Sabog ang utak ko.

Hala si Pau.

Tinulungan ko ulit makatayo si Pablo tapos pinaupo ko sya sa sofa.

"Teka, ikaw yung friend ni Pablo diba?" Tanong ni Josh. "Anong ginagawa mo dito? Asan si Pablo? Bakit magkasama kayo ni Ken."

Tumingin sakin si Pablo.

"Oo ako nga. Pinapunta ako dito ni Pau para kunin kay Ken yung susi ng condo nya. Nag mamadali daw kasing umuwi si Pau eh. May lakad yata. Kaya kay Ken na lang iniwan yung susi nya. Diba Ken." Paliwanag ni Pablo. Namumutla pa rin sya.

"Ah o....o? Hehe." Napakamot na lang ako sa ulo ko. Mukang duda pa din si Josh kaya tinitigan nya talaga ako.

"Ahm, ako nga pala si Josh." Lumapit ito kay Pablo saka nagpakilala.

"Athena." Nag shake hands naman sila.

Nako Josh, kung kilala mo lang kung sino kaharap mo.

"Teka bat namumutla ka? May ginawa ba sayo si Ken? Sabihin mo lang at isusumbong ko sya kay Pablo." Hala sya. Sisihin ba ko.

"Wala, tinulungan pa nga ako ni Ken eh. Medyo nahilo kasi ako." Sagot naman ni Pablo. Tumingin sya sakin na parang humihingi ng tulong para makaalis na sya dito.

"Ahm, Athena. Halika na, sabi ni Pablo ihatid daw kita." Sabi ko na lang. Marami din akong tanong kay Pablo. Need nya magpaliwanag.

"Aalis na kayo kaagad?" -Josh

"Oo, ihahatid ko pa kasi sya." Sagot ko kay Josh. Tumayo naman kaagad si Pablo at nag paalam kay Josh. "Ikaw na magsarado ng Studio ah. Alis na kami."

Kinuha ko na yung mga gamit ko saka gamit ni Pablo. Ako na nagdala. Mukang nanghihina pa kasi si Pablo eh.

Iniwan na namin si Josh na nakatulala.

Nang makalabas na kami ay dumeretso na agad kami sa Parking. Dahil nakamotor si Pablo ay kotse ko na lang ang gagamitin namin. Sa condo na lang ni Pablo kami dumeretso kasi yun yung gusto niya. Hindi muna ko nagtanong. Buong byahe ay tahimik lang kami.

Nang makarating na kami sa condo nya ay pinapasuk muna ako ni Pau.

"I know na naguguluhan ka pa sa nangyari." Panimula ni Pablo.

"Ano ba talagang nangyayari sayo? Bat nagiging babae ka? Kaya ba bigla bigla kang nawawala kasi dahil nag tatransform ka bilang si Athena? Kelan pa to? Bat di mo sinasabi samin? Hindi ka naman dating ganyan ah." Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Kalma, isa isa lang." Tumayo si Pablo saka pumunta ng kitchen. Pag balik nya ay may dala na syang coffee.

Hehe, alam nya talagang paborito ko ang kape.

"Nag start yung transformation ko after nong WYAT Tour natin. Nong nag home coming tayo. Hindi ko alam kung pano pero ang natatandaan ko ay may babaeng lumapit sakin tapos yumakap sakin. May binulong sya na di ko maintindihan . After non ay unti-unting nag-transform ako. Hinanap ko yung babae pero di ko na sya makita. Kaya every 8am or 8pm nagtatrasform ako. Dati one's a week lang, pero ngayon mas dumadalas na at di ko mapigilan. Wala akong masabihan. Walang ibang nakakaalam, ikaw pa lang. Kaya tuwing mag babago ako ay kaylangan ko pang magtago. Hirap na hirap na din ako Ken. Di ko na alam gagawin ko. Natatakot ako na baka isang araw hindi na ko bumalik sa pagiging si Pablo. Pano na ang pamilya ko? Pano na kayo?" Unti unting tumulo ang luha ni Pablo, siguradong hirap na hirap sya sa sitwasyon nya. Naawa ako sa kanya.

Niyakap ko sya ng mahigpit at umiyak lang sya ng umiyak sa balikat ko. Subra subra ang paghanga ko kay Pablo. Para sakin ay walang imposible para sa kanya. Lahat ay kaya nyang gawin. Pero ngayon. Ano na ang gagawin nya.

Nung medyo kumalma na sya ay saka ko lang sya pinakawalan.

"Grabe, ikaw pa naman lagi ang pinag uusapan namin sa GC tapos malalaman kung ikaw at si Athena pala ay iisa." Bahagyang tumawa si Pablo. Buti naman kahit papano ay napasaya ko sya.

"Ano na itatawag ko sayo ngayon?" Tanong ko sa kanya. Parang ang pangit kasi pag tinawag ko syang Pablo eh ang ganda pa naman nya.

"Syempre pag babae ako, Athena." Oo nga naman.

"Ok Athena. Ano nang Plano mo?"

Продолжить чтение

Вам также понравится

Fate v xxxiri v

Короткий рассказ

12.6K 877 9
A story of a young boy Vishnu who lives along with his cold brothers in India, wishing to be taken care and loved by them
4.4K 89 5
5 scary stories that will make you scream for your life🙂 Read to find out......
58.6K 1.2K 19
This is my first story so feedback (both negative and positive) is welcome. This story starts when the Crystal Gems find an abandoned Gem science fac...
31.5K 2.3K 31
« ហឹក អ្ហឹក ៗ ខ្ញុំមិនចង់បានបែបនិងទេ ខ្ញុំចង់ឲ្យប៉ាស្រឡាញ់ខ្ញុំក្នុងនាមស្នេហាមិនមែនរវាងប៉ាកូន » « រវាងយើងទៅមិនរួចទេជុងគុក ប៉ាមិនបានគិតលើឯងលើសពីចំណងប៉...