Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

60.6M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 384
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 375

169K 6.3K 4.3K
By eatmore2behappy

A/N: Congratulations to all Tropa. I'm so proud of you guys! 🥹😊 May honor man o wala. You work hard and that's enough to earn a very sweet and proud congratulations 👏🎉.




sorry sa tpo and wrong grammar.

.
Vs Ram

Jay-Jay's POV

"Yabang mo!" Pang-asar na sabi ni Ci sa 'kin. 

Sinipa ko siya pero hindi umabot ang paa ko. Ang hirap talaga kapag maikli ang mga binti.

"Math pa lang ba napa-check mo?" tanong ni Yuri.

Umiling ako bago ilapit ang hawak kong stick na may marshmallow sa dulo para tignan. Gumagawa ako ng s'mores kaso ang liit lang ng apoy sa loob ng lata ang gamit namin sa gitna. Sa dami naming may nakaabang na marshmallow hindi maluto ng maayos ang iba.

"Na-check-an na rin niya ang iba. Maganda naman score ko pero mas proud ako sa Math."

"Great job. Tuloy mo lang 'yan baka ikaw pa maging higshest sa 'min," sabi ni David. 

"Malabo," bulong ni Ci kaya hinampas ko sa kanya ang stick na hawak ko. 

Ay shunga, 'yung marshmallow.

Nawala sa isip ko na may nakasaksak sa dulo ng stick na hawak ko. Dumikit sa buhok niya ang marshmallow. Nataranta naman ako at agad na kinuha 'yon mula sa buhok niya. 

"Ay, ang marshmallow ko!"

"Kadiri naman! Buti nga." Pang-aasar pa ng batang kumag. 

Agad ko siyang tinignan ng masama. Kukuha na naman akong marshmallow, e ang hirap ngang idarang sa apoy. Ang dami ko kahati sa kakarampot na apoy sa lata.

Kainis. Kasalanan 'to ng pasaway na bata.

Napalingon ako kay David ng iabot niya sa 'kin ang stick na hawak niya. "You can have this."

Mabilis akong umiling. "Wag na, sa 'yo 'yan eh. Mag-iinit na lang akong bago."

Tinapon ko ang hawak ko.

"It's okay, hindi rin naman ako mahilig sa s'mores." Pagpipilit ni David. 

Tinanggap ko na lang kaysa magkulitan pa kami. Kumuha agad akong graham cracker at chocolate na coffee table sa gitna rin namin. Natuwa naman ako ng makabuo ako ng maayos na s'mores. 

Hinarap ko si Ci at ininggit siya sa hawak ko. Sa kanya kasi hindi pa rin lumalambot ang marshmallow. Inirapan naman niya ko.

Hehe mainggit ka batang kumag.

"Ang liit naman kasi ng apoy natin, kailan pa matapos 'to?" Reklamo ni Mayo.

"Pagtyagaan mo na, bawal ang bonfire kina Sir," paliwanag ni Kit.

"Mabilis namang lumambot ang marshmallow," sabi ni Denzel na pini-picturan ang ginagawa niya.

Balak niya sigurong isend kay Grace 'yon. 

"Malamang mabilis sa 'yo, sakupin mo ba naman lahat ng apoy." Inis na sabi ni Rory.

Hindi naman siya pinansin ni Denzel dahil abala siyang picturan ang gawa niyang s'mores. Para siyang bata na dino-document ang ginagawa. Sabagay, ayaw siguro niyang ma-left out si Grace kasi hindi pa pwedeng mamasyal ang mag-ina. 

Miss ko na si Baby Grazel.

After nito, pupuntahan ko sila. Bibisita lang tapos magdadala na rin siguro akong regalo tapos makikikain na rin ako sa kanila. 

"Gusto mo pa?" Alok sa 'kin ni Yuri sa hawak niyang stick na may marshmallow.

Umiling ako. "Bakit ba binibigay niyo sa 'kin ang hawak niyo?"

Tumawa siya. "Para mabilis kang makagawa ng s'mores. Mauubusan ka kung mag-iinit ka pa ng sa 'yo." Pilit niyang binigay ang hawak sa 'kin.

Tinanggap ko na lang dahil tama naman siya. Mauubusan talaga ako lalo na sa batang kumag na hindi makapaghintay. Kinakain na niya ang graham cracker at chocolate habang nakasalang pa rin ang marshmallow niya.

Habang abala kami sa mga nakasalang na hawak namin panay ang atungal ni Blaster. Para siyang baka na ungol ng ungol sa isang sulok. Kanina pa siya nagkakaganyan pero walang pumapansin sa kanya.

"Hindi ba titigil 'yon?" tanong ni Kit.

"Hanggang mamaya pa 'yan. Iniiyakan 'yung notebook niya, naiwan do'n sa studio na pinag-audition-an niya," sagot ni Eren at napatingin naman kami kay Blas.

Kulang na lang magpagulong-gulong siya sa lupa.

"Sinubukan niya balikan? Ano ba laman ng notebook na 'yon?" tanong ko.

"Compose niyang kanta. Ando'n lahat. Pati sana plano niya sa pag-aartista at mga contact number ng mga manager at producer ando'n din," paliwanag ni Rory at pare-pareho kaming nanghinayang.

Shuta, sayang 'yon.

Kaya naman pala gano'n na lang ang pagmamaktol niya. Kahit ako magwawala rin kapag nawala ko lahat ng pinaghirapan ko.

"Bobo kasi," inis na sabi ni Drew. "Inuna pa magyabang sa chicks bago asikasuhin ang mga gamit niya. Edi napala mo, malandi ka kasi."

"Tangina mo!" Galit na sagot ni Blaster at umatungal na naman.

"Hindi mo sinubukang balikan?" tanong ko sa kanya.

"Binalikan ko, kaso wala na 'yung babaeng nakilala ko. Sa kanya ko pinahawak 'yon eh."

"Hindi mo nilagyan ng details mo 'yung notebook? Baka makonsensya hanapin ka at isauli sa 'yo," tanong ni Felix.

"Meron, kaso nasa kalagitnaan pa ng notebook. Kailangan pa isa-isahin ang pahina bago niya makita," sagot niya at sinabunutan ang sarili.

"Ay mahusay ka talaga!" Inis na sabi ni Drew.

"Ano ba pangalan no'ng babae? Subukan ko hanapin," sabi ni Rory at kinuha naman ni Edrix ang phone para tulungan ang kaibigan.

Huminto sa pag-atungal si Blas at parang nag-isip ng malalim bago humarap sa 'min.

"Hindi ko alam. Hindi ko na maalala."

Sunod-sunod siyag namura ng mga kapwa niya Ulupong. Sa halip na awa ang maramdaman sa kanya dahil sa nawalang mahalagang gamit, puro masasakit na salita ang natanggap niya.

"Napakalandi mo kasi!"

"Palibhasa maganda, nagtiwala kang ipahawak ang gamit mo?"

"Bobo ka! Puro ka kaladian!"

Pero nanghihinayang pa rin ako. Lagi siyang nakatututok sa notebook niya na 'yon. Kaya madalas siyang makagalitan sa klase dahil 'yon ang inaatupag niya. Minsan din silang muntik na mag-away ni Ci dahil do'n.

Napatingin kaming lahat sa bagong dating na Keifer. May dala siyang plastic bag na may lamang dalawang supot ng marshamallow, graham cracker at chocolate.

"Here," sabi niya at binaba sa coffee table ang dala. 

Tumabi siya sa 'kin at pinunasana ng gilid ng labi ko. Kinwento ko sa kanya ang notebook ni Blas at mga napag-usapan namin. Mukang alam na rin niya ang bagay na 'yon dahil napailing na lang siya habang naririnig ang pag-atungal no'ng isa. Inalok ko sa kanya ang hawak ko.

"Tikman mo."

Ginawa naman niya at kinagatan ang hawak kong s'mores.

"That's nice."

"Di ba, marasap ang s'mores?"

Umiling siya. "No."

"Eh anong tinutukoy mong nice?"

Ngumiti siya. "To be fed by you."

Bigla na lang sunod-sunod na nagmura ang mga Ulupong. Meron pang kuwaring nag-walk out pero bumalik din naman dahil baka maagaw ang marshmallow niya.

Sige, mag-inarte ka.

"Tangina, gusto ko lang ng s'mores!" Inis na sabi ni Blaster.

"Sana pala sinama ko si Mica dito," sabi ni Calix at kinuha ang cellphone para itext ang jowa.

"Dapat kapag malalandi hinahampas ng stick," parinig ni Felix habang winawasiwas ang hawak na stick sa hangin.

Kasalanan ko bang mahihina ang lablyf niyo?

Lintik na mga 'to. Sana dinala rin nila mga kalandian nila. Pero syempre hindi sila papayagan ni Kuya kung gano'n. Baka mainggit 'yon. 

"Ano namang natutunan mo sa mga ni-review mo? Bukod sa mga sinagutan mo." tanong ni Keifer.

"Marami naman, sana marami rin ako masagot sa exam," sagot ko.

"Sige nga, tignan natin kung ano-ano natutunan mo," sabi ni Ci kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

Ano naman kayang naisip niya?

Hinintay muna namin na maubos niya ang marshmallow na kinakain. Nang matapos siya, pinagpag niya pa ang kamay.

"Game." panimula niya. "How many sea are in Asia?" tanong niya. 

Nag-iisip pa lang ako ng isasagot ng biglang magsalita si Drew kaya lumipat ang atensyon ng lahat sa kanya.

"Wala."

Anong wala?

Halos lahat nagtaka sa sagot niya. Nakalimutan yata niyang napapaligiran ang Pinas ng dagat at nasa loob kami ng Asia.

Naks, ang talino ko naman bigla.

"Gago! Anong wala?" Inis na sabi ni Edrix.

"Bobo ka talaga," sabi ni Denzel at akmang babatukan siya.

"Wala naman talaga! Ang spelling ng Asia, A-S-I-A. Nasan ang C do'n?" Pagalit na paliwanag niya.

Parang tama naman.

Mahinang natawa si Keifer at David. Sunod-sunod namang minura ng mga Ulupong si Drew at muntik pa siyang hambalusin ni Felix ng stick na hawak.

"Tama naman siya, wala naman C sa Asia." Gatong ni Eren at siya naman ang sunod na pinagbuntunan. 

"Isa ka pang bobo!" sigaw ni Kit.

"Sea, hindi letter C? Ano ba namang . . ." Inis na sabi ni Josh at nasampal na lang ang noo.

"Kailangan yata nating mag-review ulit," sabi ni Yuri habang napapakamot sa ulo.

Hindi niyo kinaya 'no?

Tatawa-tawa lang ako pero kung hindi ako nag-review 'yan ang isasagot ko. Proud pa ko pagsagot ko niyan. Baka with matching smiling face pa ko at palakpak. Ako siguro ang sunod nilang masasabihan ng bobo.

Buti na lang talaga nag-review ako maayos kanina. Iba pala nagagawa ng pag-aaral ng maayos. Mas lalong tumatalino. Feeling ko kaya kong ma-perfect ang exam. . . sa panaginip.

"Isa pa nga, magtatanong ulit ako. Pabilisan sa Math," sabi ni Ci at nakinig naman kami sa kanya. "345 x 938?"

Gago, paano ko sasagutan 'yan ng walang calculator?

"Ayusin mo naman!" reklamo ko.

"211,240," sagot ni Rory at lahat naman kami nagulat.

Parang hindi kapani-paniwala na masasagot niya ng gano'n kabilis ang math. Maalam naman siya sa academics pero hindi siya ganyan kabilis sumagot. 

"Tarantado! Hindi 'yan ang sagot," inis na sabi ni Edrix.

"Ang sabi niya pabilisan, hindi patamaan. Ang tanga mo talaga!" sagot ni Rory.

Oo nga naman. Pakahirap pa kong mag-isip ng sagot.

Agad na inagaw ni Edrix ang stick sa kamay ni Felix at hinataw si Rory. Napatakbo naman siya dahil sa sakit at agad na humabol ang isa. 

Hala, hindi na nila ko kagaya mag-isip. Ibig sabihin ba nito, level up na ang takbo ng utak ko? Echos lang, puro pa rin ako kalokohan sa isip pero kailangan ko talagang ayusin ngayon dahil hindi na biro-biro 'to. Isa pa, tama naman si Kuya sa mga sinabi niya sa 'kin.

Sarili ko lang ang kalaban ko sa pag-aaral.

Mas madalas ko kasing isipin ang pagkain kesa mga lesson sa school. Ayokong gamiting excuse mga nangyayari saming gulo kasi mas marami ang araw na okay kami. Marami akong pagkakataon. Pero ayoko rin namang sisihin ang sarili ko, kasi may mga bagay na hindi ko kontrol.

Siguro gano'n ang dapat kong gawin, disiplinahin muna ang sarili ko para sa mga sitwasyon na kaya kong kontrolin at para naman sa hindi ko kaya sa halip na iyakan ko isipan ko na lang ng ibang solusyon. Mag-c-college na kami, hindi ko pwedeng dalin ang ganitong ugali.

Hala, putangina. Namamangha ako sa takbo ng isip ko. Ito ba ang adultering?

Napatingin kami sa pinto ng marinig namin ang boses ni Sir. 

"Time to sleep," sabi niya habang may dalang box ng kumot at unan.

"Tabi tayo Jay!" sigaw ni Ci pero mabilis na kumuntro si Sir.

"Hindi pwede, mahigpit ang bilin ni Angelo. Jay will sleep in our guest room upstairs, while the rest will sleep here."

Pareho kaming napasibangot ni Ci. Pero mukang okay na rin dahil baka mapuyat kaming dalawa sa pagk-kwentuhan at pag-aasaran. Kailangan pa naman on time kami bukas. Hindi pwedeng ma-late dahil kasama namin si Kuya baka pati mga Ulupong awayin na rin niya.

Wala pa namang pinipili kasungitan no'n.

"Pati ako?" tanong ni Yuri habang nakaturo sa sarili.

Hinampas siya ni Keifer sa tyan. "Malamang."

Kanya-kanya na sila ng pag-aayos ng higaan. Dito sila matutulog sa labas. Naghanda naman ng malalaking fan si Sir at mga electric insect killer. Sandali akong tumulong sa kanila pero ng tawagin na ko ni Sir para pumasok napilitan akong magpaalam na.

Pagpasok sa loob mukang hinihintay na ko ni Ma'am Cindy. Sumunod ako sa kanya ng tawagin niya ko. Hinatid niya sa magiging kwarto ko. Kundi ako nagkakamali ito ang naging kwarto ni Keiren.

Andito na rin ang mga gamit ko.

"Let me know if you need anything," sabi ni Ma'am Cindy.

Nagpasalamat ako sa kanya at kinuha na ang mga gamit ko para makaligo. Meron sariling CR ang kwarto kaya hindi ko na kailangang lumabas. Natawa ako ng may makita akong mga laruang pangbata sa bath tub. 

Matapos gawin ang aking pangbanyong ritwal . . . Lalim naman sa ritwal. Parang magkukulam lang ang datingan. 

Hello, ako nga pala si Barakuda.

Inayos ko na ang higaan ko. Kinuha ko pa ang cellphone ko para mag-chat sa gc ng mga Ulupong at mag-goodnight sa kanila. Dala na rin siguro ng pagod kusa akong nakatulog kahit hindi ko pa naayos ang kumot ko at napapatay ang ilaw.

May ilang oras na siguro akong nakapikit ng maalimpungatan ako. Naramdaman ko ang kumot ko inaayos ng kung sino. Sinubukan kong dumilat pero madilim na sa loob ng kwarto. Tapos no'n ay iniwan na ko.

Babalik na sana ako sa pagtulog ng marinig ko ang boses ni Sir Alvin at Kuya Angelo.

"She's asleep," sabi ni Kuya.

"Congratulate her when she wakes up. Nagawa niyang mag-aral ng mabuti," sabi ni Sir.

"Praising her is like praising the fish for swimming."

Ano daw?

Napasibangot ako, hindi ko kasi naintindihan. Pero malinaw sa 'kin na ayaw niya kong i-congratulate kagaya ng sinasabi ni Sir sa kanya. Ang hirap niyang i-please. Gusto ko lang naman maramdaman na kahit papano masaya siyang malaman na nagawa ko mag-aral ng maayos.

"Still, she works hard. She deserve to be congratulate." Boses ni Ma'am Cindy na tingin ko ay palapit sa kanila dahil sa yabag na naririnig ko. "Wag nga kayo diyan mag-usap. Baka magising ang bata." Dagdag niya pa.

"Whatever," sagot lang ni Kuya sa kanila at mukang naglakad na siya paalis. "Sa salas ako matutulog. Meron akong babantayan baka biglang makarating sa guest room ng hindi ko alam."

Sino naman 'yun?

Nasa guest room ako. Iniisip ba niyang papasukin ako dito habang tulog? Sino naman ang gagawa no'n?

Hindi ko maiwasang isipin si Kuya Angelo. Tama nga si Percy parang sa ginagawa niya pinapalayo lang niya ko sa kanya. Hindi ko naman iniisip na layuan siya pero parang bawat kilos niya nagkakaroon ng mataas na pader sa pagitan namin.

Kailangan na talaga niya ng magpapasaya sa kanya. Tumatanda na siya.

Nabalik na naman ako pagtulog. Mukang napahimbing ako dahil umaga na ng magising ako at naririnig ko na ang boses ng mga Ulupong.

"Ayoko mag-jogging!" reklamo ni Ci-N na parang nagdadabog.

"All of you, get out now. Mag-exercise kayo!" sigaw ni Ma'am Cindy sa kanila.

"Can I at least say good morning to Jay-Jay?" tanong ni Keifer.

"Hindi." Mabilis na sagot ni Ma'am.

Maraming reklamo pa kong naririnig mula sa ibang Ulupong. Mulang pinipilit sila na mag-exercise sa labas ng bahay. Alam kong hindi mahilig kumilos sa umaga ang karamihan sa kanila. Sa school nga lang mga ayaw gumalaw kapag klase namin kay Sir.

Napabangon ako ng marinig ko ang pag-sara ng pinto at pagtahimik nila. Mukang nasa labas na silang lahat. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at mag-ayos. Nanguha rin ako ng pamalit na damit. Balak kong humabol sa kanila.

Pagkatapos ko patakbo akong dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Napahinto pa ko ng makita si Sir at Kuya na umiinom ng kape habang nag-uusap.

"Good morning," bati sa 'kin ni Sir Alvin.

Binati ko rin siya at ang pinsan ko kahit hindi pa rin humuhupa ang sama ng loob ko sa kanya. Pagka-inom ng tubig dali-dali akong tumakbo palabas para habulin ang mga kaibigan ko. Iisa lang naman ang daan dito kaya alam kong do'n lang din ang tinahak nila.

Kaso mukang malayo na narating nila dahil hindi ko na sila matanaw. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa hingalin ako. Dapat yata nag-almusal muna ako. Nagwawala na ang alaga sa tyan ko.

Kumalma ka. Mamaya pa ang almusal.

Nagpahinga ako sa sandali. Nang makabawi na ko ng lakas tsaka naman ako tumakbo ulit. Ang bilis naman ng mga Ulupong na 'yon at hindi ko na sila maabutan. 

Natigilan ako ng may matanaw akong sasakyang parating. Mukang pick up truck at maraming sakay sa likod. 

Baka 'yan na sila.

Kaya pala ang bibilis nag-service na pala ang mga loko. Asan ang exercise do'n?

Tumigil sila hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Lalapit na sana ako pero natigilan ako ng magbabaan ang mga sakay. Hindi sila ang mga kaibigan ko. Hindi balot ng tattoo ang mga Ulupong. Hindi rin sila trying hard maging cool. At mas lalong hindi mukang gusgusin.

Tuluyan akong binalot ng kaba ng bumaba mula sa shotgun seat ang isang pamilyar na tao.

Alam kong malaki ang galit niya sa 'kin. Mukang andito siya para bawian ako.

Si Ram na walang jam.

"Sweet," sabi niya at ngumiti.

Unti-unti akong napaatras. Dapat na kong tumakbo pero parang nanginginig ang tuhod ko.

"Hindi mo ba ko babatiin? Don't you miss me?" Mapang-asar na tanong niya. "Baka naman nakalimutan mo na ko?"

Hindi ako makasagot. Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong pero nanginginig ako at parang may nakasakal sa 'kin. Pwede akong lumaban pero hindi ko kakayanin ang mga kasama niya. 

May kinuha ang isa sa kanila sa likod ng truck. Naglambot ako ng makita ang isang bag na baseball bat, tubo at kahoy. 

Walang oras para tumunganga. Hindi ko kakayanin ang mga 'yan. Nag-iisa lang ako.

Keifer.

"Bakit mo naman ako kinalimutan?" Nagtatampong tanong ni Ram. "Ako, hindi kita kinalimutan." Tinuro niya ang ilong. "Nabasag ang ilong ko." Suno niyang tinuro ang ngipin. "I lost my front teeth." Tinuro niya ang isang mata. "Muntik na ring mabulag ang isang mata ko, lahat 'yon dahil sa 'yo."

Parang hindi naman halata. Ganon pa rin naman ang itsura niya sa paningin ko ng huling beses ko siyang makita. Hindi nga lang ito ang tamang oras para pagmasdan ko siya. 

"Ito na 'yon? Isang babae lang? Tinawag mo kaming lahat para sa isang babae?" Iritang tanong ng isa sa kanila at tinuro ako gamit ang tubo.

Tumawa si Ram. "That's Keifer's girl. Akala ko ba gusto mo siyang gantihan? This is your chance."

Umiling-iling 'yung lalaki. "Hindi ako nananakit ng babae. Pero para makaganti kay Keifer? Dudurugin ko ang muka nyan."

Putangina, wag gano'n. Walang durugan ng muka.

Napalunok ako. Umatras ulit ako. Kailangan kong makaisip ng paraan, hindi pwedeng basta ko lang sila takbuhan. Wala ang mga Ulupong dito. Hindi ko alam kung gaano na sila kalayo pero palihim akong nagdarasal na sana bumalik na sila.

Pwede akong tumakbo pabalik sa bahay pero anong laban nila Kuya Angelo at Sir Alvin sa ganito karami. Pero sila lang ang option ko ngayon. 

"Aw, namumutla siya," sabi ni Ram na kuwaring naaawa sa 'kin. 

Nagtawanan naman ang mga kasama niya. Makaisip lang ako paraan, babalik ka sa ospital.

Humakbang si Ram palapit sa 'kin kaya napaatras ako. Huminto siya at nagtawanan naman sila. Sibukan ulit niyang lumapit pero sa pagkakataon na 'to, tumakbo na ko pabalik sa bahay.

Narinig ko ulit ang malakas na tawanan nila pero kasunod no'n ang mga yabang nila kaya alam kong tumatakbo rin sila palapit sa 'kin. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Hindi nakakatulong na walan laman ang tyan ko.

Mahalaga talaga ang almusal sa umaga.

Hindi ako makalingon para silipin sila pero randam ko ang paglapit nila. Tumama ang hinala ko ng marinig ko ang isa sa kanila. 

"Bilis pa! Maabutan ka na namin!" sigaw niya at naghiyawan sila.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Alam kong maabutan na ko. Kaya wala akong choice kundi ang sumigaw kahit hindi ako sigurado kung may makakarinig ba sa 'kin.

"KUYA! TULONG!"

Mali ang ginawa ko. Lalo akong hiningal dahil sa pagsigaw ko. Mas lalo akong napagod. Dapat yata nilaan ko na lang ang lakas ko sa pagtakbo.

Natatanaw ko na ang bahay ni Sir Alvin. Kahit alam kong hindi ko dapat sila dinala dito wala akong pagpipilian. Hingal na hingal na ko pero sumigaw pa ulit ako.

"KUYAAA!"

Marinig mo sana ako.

Balak ko na sanang huminto sa pagtakbo dahil sa paninikip ng dibdib ko pero ng matanaw ko si Kuya at Sir sa harap ng bahay nagkaroon ako ng pag-asa. Mas binilisan ko pa na para bang nakadipende sa pagtakbo ang buhay ko.

"Jay!" Galit na tawag sa 'kin ng pinsan ko.

Mangiyak-ngiyak ako ng makalapit sa kanya at magtago sa likod niya.

"Kuya, si Ram." Sumbong ko.

Hinarap niya ang grupo ni Ram na huminto may kalayuan sa kinatatayuan namin.

"Leave!" sigaw ni Sir Alvin sa kanila. "This is a private property."

Parang ibang tao ang teacher ko dahil sa paraan ng pagsasalita niya. Muka rin siyang mananakit kapag nagkamali ng galaw ang mga kaharap namin.

Dati nga rin pala siyang Section E.

"Makukulong kami? Might as well go to jail for the right reason. . . murder." Tinuro ako ni Ram.

Mahigpit akong napahawak sa shirt ni Kuya. Hinarang niya ang isang braso niya sa 'kin.

"Get inside and lock yourself in guest room," bulong ng pinsan ko sa 'kin. "Now."

Pinilit kong pagalawin ang tuhod ko kahit nanginginig ako. Tumakbo ako papasok ng bahay at sa pagsara ko ng pinto narinig ko ang sunod-sunod na pagmumura at pagtama ng mga tubo at baseball bat. 

Gusto kong huminto at tignan pero kinakain ako ng takot. Dumiretso ako sa guest room at sinara ang pinto kagaya ng utos ni Kuya. Hinanap ko rin ang cellphone ko. 

Agad kong tinawagan si Keifer pero check operating service lang ang sagot na narinig ko. 

Wala akong load. Mahusay!

Sa group chat na lang ako nagpadala ng message. Nanginginig ang kamay ko kaya hindi ko alam kung tama ba ang mga pinipindot ko. Nasend ko ang message pero naphinto ako ng may marinig akong boses mula sa labas ng pinto ng kwarto.

"Isa-isahin na lang natin ang mga kwarto."

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 90.7K 54
Noreen Lorelai Mendiola a high profile socialite model who admires by everyone. She can make any man kneeled by just doing a stare. Her name always r...
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
118K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...