Vices Within Virtues

By Ice_Freeze

26.7K 1K 426

Stand Alone Novel | R-18 | On-going Bilang alipin ng salapi, iniwan ni Vinniece Jan Saavedra ang masayang buh... More

DISCLAIMER
Vices Within Virtues
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 5

1.4K 87 13
By Ice_Freeze

WALA akong nakuhang kahit na anong sagot mula sa kaniya kaya't alam ko nang kahit ano pang tanong ko ay walang mangyayari. Ganoon siya kailap.

Mag-isa ako ngayon dito sa malaking mansyon niya. Buhat kaninang pinagku-culture shock niya ako sa mga pinaggagagawa niya at nilayasan ay narito lamang ako sa sala at nakikinig ng mga kanta sa radyo.

Sabi ko nga, wala naman akong ibang gagawin dito kung hindi makinig sa radyo.

"Magbabalik po ang mga kanta sa ilang sandali. Sa ngayon ay dumako na muna tayo sa ulat ukol sa krimen na naganap noong nakaraang araw. Ayon sa mga awtoridad, hanggang ngayon ay wala pa ring lead sa suspek sa brutal na pagpatay. Ginagawa naman hindi umano nila lahat ng kaya nila upang mapabilis ang progreso ng kaso."

"Paano n'yo ngang mahuhuli, e, nandito nga sa poder ko at umaaktong high and mighty," daldal ko na akala mo naman may kausap. Akala mo talaga ay siguradong-sigurado na ako na ang amo ko nga ang killer, amp.

Hindi pa ako nanananghali, hindi dahil nag-iinarte na naman ako na hindi ako cook, kung hindi dahil mas nangingibabaw ang katamaran ko at isa pa crave na crave ako sa sweet and sour pork ng Chowking. Buti sana kung mayroong rider na may tama sa utak at magde-deliver ng pagkain sa akin dito.

Patayo na sana ako mula sa pagkakahiga sa sofa nang bigla na lamang kumulo ang tiyan ko. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko kung paanong ibinigay ng amo ko ang malalaking hipon niya sa akin kahapon. Kapag ganoon, nakakalimutan kong malaki ang chance na mamamatay-tao siya.

Napalingon ako sa main door nang marinig ko ang pagbukas-sara niyon. Nakita ko si Sir David na may dalang mga paper bag at grocery bags.

"Ginagawa mo rito, Sir David?" kunot-noong tanong ko sa kaniya. Wala akong pake kahit sabihin ni Sir David na wala akong modo. Totoo naman, e. Hehehe.

"Mr. Lewis asked me to put stocks on your fridge and kitchen. Mabilis ka raw magutom, e," aniya habang tumatawa.

Kung ano'ng sungit ng boss niya, siyang pagiging masayahin niya. May tama yata sa utak itong mag-amo na 'tong. Isang bugnutin at isang happy house donut—I mean happy person.

"Ano naman ngayon? Draining kayang maging boss iyang boss mo," prangka ko sa kaniya na lalo niyang ikinatawa.

"You are really a funny person, Ms. Saavedra," anito.

"Hindi ako nagpapatawa, Sir David. Tantanan mo rin ako sa katatawag mo ng Ms. Saavedra. Nag-usap na tayo noon na Vinn na lang," sagot ko sa kaniya na sinuklian lamang niya ng tawa.

Hindi ko na sana siya papansinin nang tumungo siya sa kusina para mag-ayos ng stocks ngunit may bigla akong naisip. Literak na akala mo na may umilaw na light bulb sa tuktok ng ulo ko.

"Sir David!" kunwaring panggugulat ko sa kaniya at hindi man lamang nagulat ang mokong kahit na nag-aayos siya ng mga de-lata sa kasalukuyan.

Noong magpasabog si Lord ng kamanhidan, sinalo nilang lahat ni Mr. Lewis.

"Yes, Vinn?"

Umismid muna ako nang patago bago ako nagsalita. "Ano ba'ng trabaho ni Mr. Lewis? Bakit—"

"Rule number six, Vinn," seryosong wika nito. Nawala na ang kanina'y smiling face na Sir David.

"Pero hindi naman ikaw si Mr. Lewis kaya't puwede akong magtanong," depensa ko ngunit sunod-sunod ang naging pag-iling niya sa akin.

"I am an employee of Mr. Lewis and his personal secretary at that. No personal information shall be disclosed," muli nitong sagot sa akin at itinuon na ang pansin niya sa inaayos niyang mga de-lata.

"May pa-no personal information shall be disclosed ka pang nalalaman, e, kagabi nga nakita kong may kinatay iyang amo mo sa third floor!" singhal ko sa kaniya. Aba'y kailangan ko nang ikalat sa kaniya kung ano man ang nangyayari dito at kung ano-anong kalokohan ang pinaggagagawa ng boss namin.

"Rule number seven, Ms. Vinniece Jan Saavedra!" galit na sabi niya at sa gulat ko ay bigla niyang ibinato ang isang de-lata na naging dahilan ng pagsabog ng laman niyon.

Nahintakutan ako sa naging reaksyon niya dahil wala sa itsura niya ang magiging ganito ka-impulsive dahil lang sa ganoon tanong.

"A–ang sensitive naman! Nagtatanong l–lang naman ako—"

"Whatever you see, whatever you hear, you must keep it all to yourself—rule number seven. That was well-written in the contract you signed, Vinniece. Why do you keep on asking things that are not to be asked?" kalmado na niyang wika. Sa ilang beses ko siyang nakita, ito ang pinakanakakakot na encounter namin. Para siyang naging ibang tao. Nawala iyong smiling face David na lagi kong nakikita.

"Nagtatanong lang naman ako, dahil kapag iyong si Mr. Lewis ang kausap ko, wala kaming nagiging matinong pag-uusap," diretsong turan ko sa kaniya.

"Then don't ask. If a person isn't willing to stab his knife on you, you need to shut your mouth," sagot niyang muli at saka na kami iniwan ng mga nai-grocery niya.

Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama kong tao kahit na nagtanong lang naman ako. May pagtatampo at tantrums pa 'tong si David. Hirap talagang ma-curious sa panahon ngayon, amp!

Ako na ang nagbukas sa mga naka-plastic na dala niya para isalansan ko na sa cabinet.

Pagbukas ko ng isang plastic ay halos mawindang ako dahil may nakita akong isang lobster na kasing laki yata ng braso ko. Buhay pa at puwede pa kaming mag-swimming na dalawa sa pool sa may labas kasama ng mga palakang karag.

Parang lumundag ang puso ko kasi sa mukbang lang sa facebook ako nakakakita ng ganitong lobster. May pambili naman ako nito, kaso syempre mas uunahin ko ang red horse kumpara rito.

"Hello, Mr. Lobster. Kung alam ko lang na dala ka ni David, hindi ko sana siya winarla," nakangiting wika ko sa lobster pero wala naman akong balak na kaibiganin siya at makipag-bonding sa kaniya. Baka maaawa ako at mapagdesisyonan ko nang hindi siya kainin. Hehehe.

Akmang kukuhanin ko na sa plastic ang lobster nang bigla na lamang akong makarinig ng mga naglalagan na parang tools. Lumingon ako sa pinanggalingan ng tunog at nakita ko ang amo ko na pawisan, giniginaw, at hindi makagalaw, nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw—charot. Pawisan siya at puro putik. Wala rin siyang sapin sa paa kaya't puro putik ang pantalon niya maging ang paa niya na halos hindi na makita.

"Luh! Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ko at saka ko nagkumahog na makalapit sa kaniya. Bagsak ang buhok niya at may tumutulong pawis mula sa mga iyon na parang lalong nakadagdag sa appeal niya. Oh, hindi ba naman talaga ako malantong-lantong, puno na ng putik ang boss ko, nasang-nasa pa rin ako. Inang utak talaga 'to!

Imbes na sagutin ako ay tiningnan lamang niya ako nang mataman na ikinalukso ng dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

"No one wants to be a sinner, but everyone is. No one is an exemption," aniya mula sa kung saan at nagsimulang maglakad papalapit sa akin nang marahan.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan niya at halos mahintakutan ako nang makakita ako ng tila talsik ng dugo sa bandang hita at tiyan niya.

Kahit hindi ko gusto ay para bang binubulungan ako ng isip ko na mamamatay-tao siya at hindi ako kailanman dapat magpadala sa kaniya o sa kahit anong sasabihin niya. This person in front of me is a fucking psycho—my mind kept on repeating those words.

"Ano na namang kailangan mo? H–huwag kang lumapit sa akin," utal na utos ko sa kaniya.

"Why are you afraid of me?" tanong niya at parang gusto ko siyang bigyan ng sarkastikong tawa pero hindi ko magagawa kasi nangingibabaw sa akin ang takot na hindi ko maipaliwanag.

Talaga ba? Nagtataka pa siya bakit ako takot sa kaniya? E, lahat kaya ng sign ng pagiging killer nakikita ko sa kaniya. Tapos iyong kagabi pa na puro siya dugo at hindi man lamang siya nagpaliwanag sa akin kung ano iyong nakita ko at kung ano ang amoy dugong iyon sa ini-lock niyang silid. Malala na talaga ang tama nito sa utak, putchakan!

"S–sino'ng hindi matatakot sa 'yo?"

Bigla siyang ngumisi sa akin at saka niya hinubad ang polo niyang puti kaya't tumambad sa akin ang mga pandesal niyang noong unang beses kaming magkita ko pa huling nakita.

"What's there to be afraid of?" tanong niyang muli na hindi alintana ang pagpapakabog niya nang malakas sa dibdib ko.

Gustong-gusto ko nang tumakbo pero ito na naman ang mga binti ko na parang nagyelo na naman sa kung nasaan kami at hindi alam kung saan papaling.

Please lang, huwag mo 'kong i-confuse. Stress na stress na ang kalooban ko sa 'yong hinayupak ka! Minsan hot ka, pero mas madalas psychotic ka! Gustong-gusto ko na talagang isaboses iyan pero nalunok ko na yata ang dila ko sa intimidation na hatid niya.

"Cook that lobster then follow me upstairs. I have an assignment for you," huling wika niya bago na ako iniwan na tigalgal sa lahat ng nasaksihan ko.

Muling dumako ang mga mata ko sa metal tools na nasa harap ko at kinabahan ako nang makita ko ang isang dagger na may kakaibang disenyo at hugis na punong-puno ng dugo.

    

SIGURO kung ibang tao lang ang nasa sitwasyon ay lumayas na nang walang pasabi dahil sa klase ng amo na mayrooon ako pero hindi ako. Kahit naman may sa-hayop ang pinsan kong si Jice, nananalig pa naman ang puso ko na hindi niya ako isusugo sa isang mamamatay-tao—o baka gina-gaslight ko na lang ang sarili ko kasi mukha talaga akong pera?

Hindi ako halos nakapag-focus sa pagluluto ng lobster. Sino namang makakapag-focus kung may kasama ka sa bahay na kagaya ng amo kong may tililing?

Nakaakyat ako sa third floor at nang marating ko ang kuwarto niya ay kumatok na muna ako bago ako nagdesisyon na pumasok—desisyon ako, e. Matsugi man ako, kasalanan ko na rin kasi paladesisyon ako.

Nadatnan ko siyang humihigop ng tubig mula sa isang bottled mineral habang nakatingin lang sa bintana niya kung saan kitang-kita ang malakas na bugso ng ulan.

"Ano po'ng ipagagawa mo sa akin, Bossing Sir?" tanong ko kahit na may kaba na naman akong nararamdaman dahil sa kaseryosohan ng atmospera ng paligid.

Binalingan niya ako at wala na naman akong mabasang salita sa mga matang iyon. Para na namang blangko sa kung anong nais iparating. Ang weird niya. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba talang klase siya ng tao. Hindi naman ako ganoon kagalig bumasa ng tao pero hindi rin naman ako bobo—ay bobo pala ako, huwag kayong maniwala sa mga hanash ko.

"Are you curious about the blood and the knife?" aniya at doon na yata tuluyang iginupo ng kaba ang natitira kong tapang ng loob.

"K–kung oo, ipapaliwanag mo ba sa akin? Gets ko naman na encoder mo lang ako na pinasasahod mo ng pipti kyaw per month, pero b–baka naman deserve ko ng explanation? W–windang na windang ako. Parehong doktor ang mga magulang ko pero grabe iyong dugo na nakikita ko sa 'yo everytime. Kung makapag-explain ka pa ng crime details akala mo talaga—"

"I am the killer."

Halos mapaupo ako sa ginawa niyang pagputol sa sinasabi ko.

"A–ano?!"

Imbes na sumagot sa akin ay bigla niyang nilamukos ang boteng hawak niya habang blangko pa rin ang mga matang nakatitig sa akin.

Unti-unti siyang lumakad papalapit sa akin at nang nasa harap ko na siya ay pinasadahan niya ng hintuturo niya ang sintido ko pababa sa pisngi ko . . . hanggang makababa ang daliring iyon sa leeg ko.

"Hmmm. . . ."

"H–hindi magandang biro 'yan. Ikaw? Killer?" anas ko at nagpakawala pa ako ng awkward na tawa dahil hindi ko na alam kung ano bang gagawin ko.

Torture ang nakikita kong inaakto niya sa akin pero hindi ko maipaliwanag dahil parang hindi naman torture ang nararamdaman ko. Mas nakalalamang ang sensasyon na hindi ko alam kung saang dimensyon nanggagaling.

Napalunok ako nang sunod-sunod nang unti-unti niyang ibaba ang mga labi niya sa kabilang anggulo ng leeg ko kataliwas kung nasaan ang hintuturo niya.

"How about you, Vinniece Jan Saavedra . . . what's your vital point that could easily kill you?" bulong niya at doon na tuluyang bumigay ang tuhod ko ngunit . . . nasalo niya ang katawan ko.

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Kala ko rin bukas pa, ngayon na lang. HAHAHAHA. O'siya, bukas na talaga ulit iyong isa.

Continue Reading

You'll Also Like

7M 164K 85
In order to get over a bad breakup, Drake Hong agrees to become friends with benefits with the lovely Empress Palermo. But when the two falls in love...
7.4M 378K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
137K 12.7K 68
Hanggang kailan kayang maghintay ang isang nagmamahal?
698K 6.4K 8
**⚠️PREVIEW ONLY⚠️. Full story is available at shopee.ph, lazada, ebookware.ph, bookwarepublishing.com, NBS, Expressions, and Pandayan** Nobody knows...