DARK HELL UNIVERSITY

By RoseWrites_16

6.2K 197 1

DARK HELL UNIVERSITY The school of Demons. Ang pag pasok sa paaralang ito ay pag papakamatay dahil lahat ng n... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
EPILOGUE

CHAPTER 52

71 2 0
By RoseWrites_16

Carrie's POV

Umaga na ngayon. Wala nanamang iba pang nangyari kagabi dahil pag katapos naming mag usap ni Casper ay inaya na niya akong pumasok sa loob para daw makapag pahinga na kami at makakuha ng lakas para sa gagawin namin ngayon.

Ito pala kami ngayon nag hahanda na.

"Sina Mr/Mrs.Fuentes lang ang kailangan natin kaya hindi na natin kailangan idamay pa ang mga tauhan nito. Papasukin natin sila ng tahimik."Sabi ni Casper.

"Kakaunti ang nag babantay dito."Sabi ni kuya habang tinuturo sa camera yung lugar na kakaunti lang ang bantay. "Dito tayo papasok."Sabi pa nito.

"Kami nalang muna ang papasok sa loob. Sa labas nalang muna kayo. Kayo yung back up namin incase na may hindi magandang mangyari sa loob."Sabi ni Casper.

"Hindi ako papayag. Gusto ko rin pumasok sa loob."Hindi pag sang ayon ni Cindy.

"Makakahalata sila kapag marami tayong papasok sa loob."Sabi ni Casper.

"Pero hindi naman pwede na kayo lang dalawa ang papasok sa loob."Sabi ni Cindy.

"Tama kaya sasama rin ako."Sabi ko.

Gusto ko rin kasing sumama dahil ayaw ko naman na mag antay nalang sa labas.

Nag katinginan naman sina Casper at kuya. Mukhang nag kakasundo na talaga sila.

"Sige, kami muna ang unang papasok dahil hindi pwede na mag sabay sabay tayo. Sumunod nalang kayo after 10 minutes, mag iingat lang kayo."Sabi ni Casper.

Napatango naman kami ni Cindy.

"Kami? Anong gagawin namin?"tanong ni Casey.

Tinuro naman ni kuya don sa camera kung saan sila pu-pwesto. Mag kakahiwalay sila para daw hindi makahalata ang mga tauhan nina Madame Selena. Pinicturan pala nina kuya yung lugar kahapon.

"Handa naba kayo?"tanong ni Cindy.

"Handa na kami."Sabi namin saka pinag patong patong yung mga kamay.

"Para sa lahat ng mga namatay. Lalaban tayo!"Sabi ni Cindy.

Binaba naman namin yung kamay namin saka tinaas.

"FIGHT!"Sigaw namin at pag katapos non ay sabay sabay na kaming nag lakad palabas.

"Dark Blythe Fuentes the son of Mr. Daryl Fuentes. The owner of this school."Napahinto kami sa pag lalakad ng marinig namin ang boses ni Madame Selena.

Dark Blythe Fuentes. Yun pala ang full name niya. Fuentes nga rin pala siya dahil sa mag kapatid ang daddy niya at si Mr.Fuentes.

"Alam ko na naririnig mo ako ngayon. Gusto ko lang sabihin sayo na hawak namin lahat ng mga studyante na nandito at nasa gymnasium silang lahat. In 30 minutes lahat sila mamamatay."Sabi ni Madame Selena saka humalakhak.

Kaya pala wala kaming napapansin na mga studyante sa nilalakaran namin dahil hawak pala nila lahat ng studyante.

"Damn! Change plan. Kailangan nating mailigtas lahat ng studyante."Sabi ni Casper.

"Sigurado kaba? Paano kung patibong lang nila ito?"nag aalalang tanong ni Casey.

"Patibong man o hindi kailangan natin silang mailigtas. Hindi natin sila pwedeng hayaan nalang."Sabi ni Cindy.

"Sang ayon ako. Kailangan tayo nila."Sabi ni kuya.

Sumang-ayon nanaman kaming lahat saka nag madaling nag tungo sa gymnasium.

"Masama ang kutob ko."Sabi ni Mica.

"Me too."-Casey.

"Ako rin dahil walang mga bantay sa labas kaya paniguradong may hinanda talaga silang patibong satin sa loob."Sabi ni Cindy.

Maging ako ay masama rin ang kutob ko pero hindi ko na yun sinabi pa sakanila.

"Ako ng mauunang pumasok."Sabi ni Casper.

"Sasamahan kita."Sabi ko dahil ayaw ko naman na pag isahin siya. Gusto kong palagi akong nasa tabi niya.

"Sabay sabay nalang tayong pumasok."Sabi ni kuya.

"Mabuti panga."Sabi ni Cindy.

Nauna nanamang mag lakad si kuya kaya hinila siya ni Cindy.

"Sabi mo sabay sabay."Sabi ni Cindy.

"Kaya nga, ang bagal niyo kasi para kayong mga pagong."Sabi ni kuya.

"Hindi tayo sa pintuan dadaan."Sabi ni Casper kaya nag hanap kami ng pwedeng daanan.

Baka nga kasi kapag sa pinto kami dumaan ay may nakaabang don na patibong.

Nang makahanap kami ng bintana na pwedeng daanan ay agad nila itong binasag saka kami pumasok. Isa isa lang kaming pumasok dahil sa hindi naman kami kasya. Nang makapasok na kaming lahat ay nakita namin ang mga studyante na nakataling lahat.

"23 minutes nalang at sasabog na itong mga bomba."Sabi ni Nethan pag kakita niya don sa isang bomba.

"Kailangan natin e-difuse lahat ng bomba bago sumabog. Kayong mga girls ay pakawalan niyo ang mga studyante. Mag iingat lang kayo dahil maraming bomba sa paligid."Sabi ni Casper.

Tumango lang kami saka sinimulan ng pakawalan ang mga studyante.

"Salamat."pag papasalamat nung isang studyante saka kami tinulungan na pakawalan yung iba.

"Umalis na kayo."Sabi ni Cindy don sa mga napakawalan na namin.

"Hindi kami aalis. Tutulungan namin kayo. Lalaban kami!"Sabi nung ibang mga studyante.

"MAY TAO SA TAAS!"Sigaw nung isang studyante.

Napatingin naman kami sa taas at don namin nakita ang mga armadong lalaki. May mga hawak silang baril. Nang mag simula silang mag paputok ay nag kagulo na kami. Ang iba ay umaakyat na para kalabanin yung mga armadong lalaki, ang iba naman ay nag sipag tago at yung iba ay nag sipag labas na. Nung buksan nga nila yung pinto ay may biglang sumabog. Buti nga at hindi kami dumaan sa may pinto kanina dahil may pasabog nga na nag aantay samin. Kung dumaan pala kami don baka sabay sabay na kaming sumabog.

Ang dami ng namatay. Hindi ko narin makita pa ang mga kasamahan ko. Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko saka ako hinila.

"Ano ng gagawin natin? May mga baril sila."Puno ng pag aalala at kaba kong sabi kay Casper. Siya kasi yung humawak ng kamay ko at humila sakin.

Kinakabahan ako dahil baril na ang gamit ng mga kalaban namin ngayon.

"Just hold my hand."Sabi niya.

Hinawakan ko naman ng mahigpit yung kamay niya gaya ng sabi niya. Kung kanina siya lang yung nakahawak sakin ngayon ay hinawakan ko narin siya ng mahigpit.

Nag lakad kami palabas pero napahinto ako ng may maapakan ako.

"Shit! don't move."Sabi niya kaya mas lalong nadagdagan ang kaba ko.

"B-bakit?"nauutal kong tanong.

"May naapakan kang bomba at sa oras na alisin mo ang pag kakaapak mo dito ay sasabog ito."Sabi niya.

"A-anong gagawin ko?"

Feeling ko maiiyak na ako ngayon sa sobrang takot. Takot ako! Takot na takot akong mamatay. Kung noon hindi ako natatakot pero ngayon na may dahilan na ako para mabuhay ay natatakot na akong mamatay.

"Don't worry ako ang papalit sayo. Kapag inapakan ko ang paa mo, umalis ka agad at tumakbo ng mabilis, wag kanang lilingon."Sabi niya.

"Ayaw ko! Hindi ako papayag!"Sabi ko.

Mas gugustuhin ko na ako nalang yung mamatay kaysa siya dahil hindi ko kakayanin kung siya yung mamamatay.

"Umalis kana! Iwan mo na ako! K-kailangan ka nila."Sabi ko habang tumutulo yung luha ko.

"Mas kailangan kita. Hindi ko rin kakayanin kung mawawala ka kaya mas mabuting---"pinutol ko yung sasabihin niya.

"No! Nakaya mo nga noon na wala ako kaya alam ko na kakayanin mo rin ngayon. Isipin mo nalang na isa lang akong panaginip."Sabi ko.

"Hindi ko kaya."Sabi niya

"Kayanin mo. Kailangan ka nila."Sabi ko.

Mas hindi ko kakayanin na siya yung mawawala kaya mas mabuting ako nalang. Kailangan din siya ng mga kasamahan namin, maging ng mga studyante dito kaya hindi siya pwedeng mawala.

"Ako nalang ang papalit sakaniya."rinig kong sabi ni Casey na ngayon ay nasa katabi ko na. "Kailangan ka nila Dark and kailangan mo siya. Kailangan niyo ang isa't isa kaya ako nalang ang papalit sakaniya. Pipigilan ko ang pag sabog ng bomba hanggang sa makalayo kayo."Sabi pa nito saka ako tiningnan.

"No!"Sabi ko dahil ayaw ko naman na may mag sacrifice ng buhay para sakin.

Oo naiinis ako sakaniya pero hindi naman dahilan yun para gustuhin ko na e sacrifice niya yung buhay niya para sakin.

"Come on! Ito lang yung paraan para hindi ko na kayo guluhin pa. Kung mabubuhay pa ako, hindi ko lang mapipigilan ang sarili ko na guluhin kayo kaya mas mabuting mawala nalang ako."Sabi niya saka tumingin kay Casper. "Gagawin ko ito dahil sa gusto ko. Wag niyong sisisihin ang sarili niyo dahil sa kagustuhan ko naman ito, gusto ko narin kasing pag bayaran pa lahat ng nagawa kong kasalanan."Sabi ni Casey saka niya inapakan yung paa ko. "Simula ngayon pinapakawalan ko na ang nararamdaman ko. Hahayaan ko na kayo kaya umalis na kayo!"Sabi pa niya saka diniinan ang pag kakaapak sa paa ko saka ako tinulak. "Umalis na kayo bago pa tayong tatlo sumabog. Kailangan kayo nila."

Hinila nanaman ako ni Casper palayo at ng makalayo na kami ay niyakap niya ako saka kami dumapa kasabay ng pag sabog nung bomba.

-----------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
30.1M 996K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
GIRLS TALK By Sofi

Mystery / Thriller

1.5K 279 57
[Survival game series#1] Seven girl in one group chat Not ordinary group chat Every member's have a hidden secrets A secret The secret of a past...
83.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.