DARK HELL UNIVERSITY

RoseWrites_16 tarafından

3.9K 74 1

DARK HELL UNIVERSITY The school of Demons. Ang pag pasok sa paaralang ito ay pag papakamatay dahil lahat ng n... Daha Fazla

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
EPILOGUE

CHAPTER 51

51 1 0
RoseWrites_16 tarafından

Carrie's POV

Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko na gising na sila kuya.

"Oh umulan ba sa labas at basa ka?"tanong ni kuya.

"Hindi,may nangbasa lang sakin."sagot ko saka nag hanap ng pamalit. Mag papalit nalang muna ako at mamaya na maliligo dahil maaga pa naman saka ayaw ko rin sumabay sakaniya. Nang makahanap na ako ng pamalit ay agad akong nag tungo sa banyo saka nag palit at lumabas na ng matapos na ako.

Kumain muna kami ng breakfast bago pag usapan yung plano. May kinuha naman kasi sila sa Cafeteria na pag kain kaya may nakakain kami.

"Ano ng gagawin natin? Susugurin naba natin sila ngayon?"tanong ni Mica ng matapos kaming kumain.

"Not now, hayaan muna natin silang mag luksa. Bukas tayo susugod sa ngayon kailangan muna nating pag handaan ang gagawin natin and kailangan din muna nating malaman ang galaw nila."Sabi ni Casper. Kanina pa pala siya tapos maligo.

"Ako ng bahalang mag masid sakanila."Presenta ni kuya.

"Delikado ang mag masid sakanila."Nag aalalang sabi ni Cindy.

"Alam ko. Wag kang mag alala love mag three years ko naring ginagawa ang pag mamasid at wala namang nakakapansin sakin."Sabi ni kuya.

Mag three years nanga pala simula noong pumasok siya dito. Ang tagal narin.

"Sasamahan kita."Sabi ni Nethan.

"Hindi ka panga masyadong magaling tapos sasamahan mo pa ako, wag na, dumito kanalang at mag pahinga."Sabi ni kuya.

"Tama si kuya, Nethan. Kailangan mong mag pagaling at mag palakas para sa gagawin natin bukas kaya dumito kanalang muna at mag pahinga."pag sang ayon ko sa sinabi ni kuya.

Napakabuti at matulungin talaga ni Nethan. Kahit na may dinaramdam na siyang sakit, gusto parin niyang tumulong at ayaw niyang mapag isa si kuya na kaibigan niya kaya masasabi kong napakabuti talaga niyang kaibigan. Maswerte si kuya dahil nag karoon siya ng kaibigan na gaya ni Nethan.

"Ako nalang ang sasama sayo kuya. Maayos nanaman ako."Sabi ni Dave.

"Sige ikaw bahala."sabi ni kuya.

"Ingat kayo."Sabi ko sakanila. Nag aalala ako sa gagawin nila pero alam ko naman na hindi ko sila mapipigilan kaya wala akong magagawa kundi ang sumang-ayon nalang sa gusto nila.

Nang makaalis na sila ay naisipan namin na mag linis nalang muna dahil sa wala kaming magawa at ng matapos na kami ay naisipan kong lumabas muna para hanapin si Casper. Nakita ko kasi siyang lumabas kanina. Balak ko kasing mag patulong sa pag e-ensayo sakaniya. Hindi ko pala siya pinapansin kanina dahil sa ininis niya ako pero ngayon hindi nanaman ako naiinis sakaniya. Mabilis lang naman kasi mawala yung inis ko.

"Pwede bang ituloy na natin yung pag e-ensayo ngayon."Sabi ko sakaniya ng makita ko siya at malapitan.

"Why?"tanong niya.

Napakunot naman ang noo ko.

"Anong bakit?"tanong ko pabalik.

Hindi ko talaga siya maintindihan minsan.

"Bakit parang biglang gusto mo ng mag ensayo."

"Eh kasi ayaw ko ng maulit pa yung nangyari and ayaw ko rin na may masaktan pa ng dahil sakin."Sabi ko.

Ayaw ko na kasing maulit pa yung nangyari kay Nethan at saakin kaya gusto kong maging mahusay sa pakikipag laban para hindi na ako matalo pa.

"So dahil kay Nethan."Sabi niya

"Oo isa siya sa dahilan kung bakit gusto kong maging mahusay sa pakikipag laban."Sabi ko.

"Tsk!"

Pinag masdan ko yung mukha niya ng mapansin ko na parang naiinis siya.

"Naiinis kaba?"tanong ko.

Bakit parang naiinis siya? May nasabi ba akong nakakainis? Parang wala naman ah, di kaya nag seselos siya kaya siya naiinis dahil sa sinabi ko na isa si Nethan sa dahilan kung bakit gusto kong maging mahusay sa pakikipag laban? Baka nga dahil sabi nila kapag nag seselos daw ang isang tao ay naiinis ito kapag may nababanggit ka na ibang tao.

"Naiinis kaba dahil sa nag seselos ka?"tanong ko.

"If i say yes, lalayuan mo naba siya?"

Kung ganon, nag seselos nga siya. Bakit parang nakakatuwang isipin na nag seselos siya? Sabagay sabi nga naman ng iba kapag nag seselos daw yung isang tao isa lang ibig sabihin non yun ay mahalaga ka talaga sakaniya o kaya mahal ka talaga niya kaya siguro ako natutuwa ngayon.

"Bakit ko naman siya lalayuan e wala naman siyang ginagawang masama."Sabi ko.

Akala niya huh! Siya lang yung pwedeng mag sabi ng ganon. Kung sinabi niya sakin na wala namang ginagawang masama si Casey para pakitunguhan niya ito ng hindi maganda kaya ko rin naman sabihin na wala rin namang ginagawa si Nethan para layuan ko ito. Aba hindi naman yata pwede na ako lang yung pinag seselos niya kaya dapat siya din.

"Hindi ko siya lalayuan kung gusto mo ikaw nalang yung lumayo sakaniya kung naiinis ka."Pang iinis ko pa lalo sakaniya. Nakakatuwa kasi siyang inisin lalo na at ang dahilan naman ng pag kainis niya ay pag seselos.

Wala naman siyang dapat ika selos kay Nethan dahil kaibigan lang naman ang turing ko dito. Kung naiinis siya dahil sa sinabi ko e wala naman siyang dapat ikainis don dahil isa din naman siya sa dahilan kung bakit gusto kong maging mahusay sa pakikipag laban pero syempre hindi ko sasabihin sakaniya yun dahil natutuwa pa akong inisin siya.

Naramdaman ko nalang na hinapit niya yung baywang ko saka niya ako hinalikan.

"That's your punishment for making me jealous."Sabi niya.

Napatulala nalang ako sa ginawa niya dahil hindi ko naman inaasahan na hahalikan niya ako. Ganito ba siya kapag nag seselos, bigla bigla nalang nanghahalik?

"Let's start"Sabi niya na parang walang nangyari.

Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon at hindi na nag salita pa.

Tinuloy namin yung ginawa naming pag e-ensayo noon. Noong una hindi naging madali sakin pero dahil sa determinado naman ako ngayong mag ensayo ay hindi ako sumuko hanggang sa makabisado ko na yung galaw niya kaya kahit nakatakip yung mata ko ay nagagawa ko na siyang sabayan.

"Pwede mo rin ba akong tulungan sa pag e-ensayo."Sabi ni Casey kay Casper habang nag papahinga kami.

"Nah, sa iba ka nalang mag patulong, ayaw ko na magalit sakin ang girlfriend ko."Sabi ni Casper.

Natuwa naman ako sinabi niya. Akala ko papayag nanaman siya pero wait...parang makasarili naman yata ako kung pipigilan ko siya sa gusto niya.

"Hindi naman ako magagalit."Sabi ko kahit ang totoo ay ayaw ko talaga na tulungan niya si Casey dahil alam ko naman na lalandian lang siya nito.

"Kahit na ayaw ko parin na may iba akong kasamang mag ensayo, gusto ko ikaw lang."Sabi niya.

Mas lalo naman akong natuwa sa sinabi niya saka ko tiningnan si Casey ng nang-aasar na kinainis nito.

"Tuloy na natin."Sabi ko saka tumayo na. Ayaw ko na kasing mag sayang pa ng oras, gusto ko ng matutunan lahat ng alam niya ng sa ganon maging mahusay narin ako gaya niya.

Ang tinuro naman niya sakin ay ang tamang pag hagis ng kutsilyo. Gumawa siya ng targetan. Noong una panay sala ang pag hagis ko at kung saan saan napupunta yung kutsilyo pero ng ituro niya sakin ang tamang pag hagis ay natatamaan ko na yung target pero hindi nga lang sa gitna pero kunti nalang naman  ang agwat.

Wala kaming ginawa buong araw kundi ang mag ensayo kaya sobrang nakakapagod talaga kahit na nag papahinga rin kami pero alam ko naman na kailangan ko ito para sa haharapin naming laban bukas kaya kahit na mahirap at nakakapagod ay kinaya ko parin.

May mga sinabi rin pala siya sakin kanina habang tinuturuan niya ako. Ang sabi niya dapat daw hindi ako makaramdam ng awa kapag nakikipag laban ako dahil ito daw ang makakatalo sakin and hindi rin daw ako dapat nag iisip ng kung ano ano atsaka nakikinig sa sinasabi ng kalaban dahil dini-distract lang daw ako nito para matalo.

Gabi nanga pala ngayon at ito kami nasa labas parin. Pumasok lang kami kanina ng kumain kami. Nakabalik narin pala sina kuya kanina. Wala naman daw silang napansin kila Madame Selena, ang tahimik nga daw ng mga ito.

"Sigurado kaba na susugod na tayo bukas?"Tanong ko kay Casper.

"Yeah"sagot niya.

"Hindi ba natin sila bibigyan pa ng isa pang pag kakataon para mag luksa?"

Kinakabahan kasi ako sa gagawin namin bukas kaya gusto ko munang ipag paliban ang pag sugod namin.

"Tahimik naman sila at wala pang ginagawa."Sabi ko pa.

"Mas nakakabahala na tahimik sila at walang ginagawa dahil paniguradong nag pa-plano na sila ng gagawin kaya hindi na natin pwedeng palampasin pa ang pag kakataon, kailangan na natin silang sugurin ng sa ganon hindi na nila maituloy pa ang masamang binabalak nila."Sabi niya.

Napatango tango nalang ako.

"Don't worry, i'll do everything just to make sure you won't get hurt. I promise we will get out of this hell alive and I'll marry you."Sabi niya.

Papakasalan niya ako? Para tuloy hindi na ako makapag hintay pa na makalabas dito. Kung kanina kinakabahan ako kaya gusto ko na ipag paliban nalang muna ang pag sugod namin ngayon naman ay na e-excite na ako sa gagawin namin bukas dahil gusto ko na agad matapos pa ang lahat ng sa ganon makalabas na kami. Sana lang mag tagumpay kami, sana walang masaktan samin and sana makalabas kaming lahat ng buhay dito.

-----------------------------------------------------------

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
349K 15.7K 95
Isang unibersidad na ang nag aaral lang ay mga gangsters mafia assassin at iba pa na marunong lumaban. May sampong section dito na nah lalaban laban...
2.9K 235 31
"Secrets are everywhere, and you must be aware of everything. Lalo na sa mga Bad Boys." ________________________ Chaos... Masusubukan pa ba lumaban n...
29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.