DARK HELL UNIVERSITY

By RoseWrites_16

6.2K 197 1

DARK HELL UNIVERSITY The school of Demons. Ang pag pasok sa paaralang ito ay pag papakamatay dahil lahat ng n... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
EPILOGUE

CHAPTER 49

76 3 0
By RoseWrites_16

Carrie's POV

Nagising nalang ako na nasa isang basement na ako. Hindi ito yung basement na pinuntahan namin.

"Gising kana pala mahal." Nang marinig ko ang boses ni Gerry ay agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses.

"Bakit nandito ka?"tanong ko.

Nakatakas ba siya, kaya siya nandito?

Inisip ko naman yung mga nangyari. Naalala ko na iniwan nga pala namin siya ni Cindy na mag isa para puntahan yung pinanggalingan ng malakas na pag sabog at pag katapos non ang naaalala ko lang ay napalaban ako tapos nawalan ng malay at pag gising ko nandito na ako. Paniguradong nag aalala na sila sakin. Hindi ko panga nakikita sila kuya, Hindi ko pa alam kung nakaligtas ba sila pero sana dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman ko na may isa sakanila ang hindi nakaligtas.

"Dahil may nag patakas sakin."sagot niya.

May nag patakas sakaniya? Sino naman kaya? Di kaya si Casey ang nag patakas sakaniya kasi pag labas namin kanina ni Cindy ay nakita ko siya sa may labas.

"Si Casey ba? Siya ba ang nag patakas sayo?"tanong ko.

Hindi naman sa pinag bibintangan ko ito pero siya lang kasi yung kilala ko na close kay Gerry sa grupo.

"Bakit mo naman tinatanong? Wala kabang tiwala sakaniya? Hindi ba't kasamahan niyo siya? Ah alam ko na kung bakit wala kang tiwala sakaniya dahil siguro sa ex siya ng boyfriend mo, tama ako hindi ba?"Sabi niya.

Ex? Nag karoon sila ng relasyon?

"Hindi ako naniniwala sayo!"Sabi ko.

Wala namang sinabi sakin si Casper na ex niya si Casey kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.

Tumawa naman siya.

"Edi wag kang maniwala, nag sasabi lang naman ako ng totoo, baka nga nag kabalikan na sila. Wala kabang napapansin sakanila?"sambit niya

Bigla namang nag flashback sa utak ko yung mga panahon na hindi pa kami ni Casper. Parang may something nga sakanilang dalawa.

"Hindi! Wala silang naging relasyon."Sabi ko.

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na wala silang naging relasyon pero may part sakin na parang naniniwala sa sinasabi niya.

"Hahaha ikaw din baka mag sisi ka. Ang pag kakaalam ko pa mandin kaya nakipag hiwalay si Casey sakaniya ay dahil sa nahuli niya ito na may ibang babae pero ang alam ko gusto lang niya talagang makipag hiwalay sakaniya si Casey para hindi na ito madamay pa at ngayon na napatawad na siya ni Casey ginamit kanaman niya para lumayo ito sakaniya. Mahal na mahal talaga niya si Casey kaya ayaw niya itong madamay sa gulo ng buhay niya samantalang ikaw para sakaniya isa kalang bagay na pwedeng gamitin kung kailan niya gusto."Sabi niya

"Story maker kaba? Ang galing mo kasing gumawa ng kwento eh."Sabi ko.

Alam ko na gumagawa lang siya ng kwento kasi kung totoo nga na mahal ni Casper si Casey at naging sila tapos ayaw lang ni Casper na madamay ito kaya gumawa siya ng paraan para makipag hiwalay ito e bakit naman niya yun malalaman? Hindi naman sila close ni Casper para sabihin sakaniya yun.

Kailangan ko na talagang makatakas dito. Ayaw ko na maging problema nila ako,ayaw ko na magamit ako ng kalaban para matalo sila, ayaw ko na maging kahinaan niya ako.

"Haha hindi ako gumagawa ng kwento."Sabi ni Gerry.

"Sige nga kung hindi ka talaga gumagawa ng kwento. Paano mo naman nalaman na gusto nga lang ni Casper na hiwalayan siya ni Casey dahil sa ayaw niya itong madamay? Sinabi ba niya sayo? Next time kung gagawa ka ng kwento, yung kapanipaniwala naman sana."Sabi ko.

Kung yung una niyang sinabi na mag ex sila Casper at Casey pwede pang maging kapanipaniwala pero yung kwento niya, hindi talaga kapanipaniwala.

Pinilit ko nalang alisin yung pag kakatali sa kamay ko at hindi nalang siya pinansin pero hindi ko talaga magawa sa sobrang higpit. Feeling ko nga nasugat na yung pulsuan ko sa pag pipilit ko.

"Haha nahihirapan kanaba ngayon? Hindi ba't sinabi ko sayo na baka pag sisihan mo kaya ngayon pag sisisihan mo talaga na mas pinili mo siya kaysa sakin."sambit niya.

"Kahit kailan hindi ko pag sisisihan na siya yung pinili ko, na siya yung minahal ko."pang iinis ko pa lalo sakaniya.

Mas gusto ko na inisin nalang siya kaysa ang mag makaawa ako sakaniya na pakawalan ako dahil alam ko naman na ang mga demonyo na gaya niya ay walang awa.

"Sige sabi mo yan huh! Ano kayang mangyayari kapag nalaman ng boyfriend mo kung ano ang gagawin ko sayo ngayon. Paniguradong mag wawala yun pero wala nanaman siyang magagawa kapag naangkin na kita."Sabi niya.

Sa paraan palang ng pag kakasabi niya, alam ko na kung ano ang binabalak niyang gawin sakin at hindi ako makakapayag na gawin niya yun sakin kaya dapat may gawin ako.

"Paano mo naman nalaman na boyfriend ko nga siya? Sinabi ba sayo ni Casey?"tanong ko. Kakausapin ko nalang muna siya ng kakausapin ng sa ganon hindi niya muna gawin sakin yung binabalak niya. Sana lang may mag ligtas sakin.

Oo nga pala kay Casey ko palang sinasabi na kami na ni Casper kaya paniguradong siya yung nag sabi sakaniya. Traydor talaga ang babaeng yun kaya pag nakatakas talaga ako dito, humanda siya sakin! Hindi ko na hahayaan pa na sumama siya sa grupo kahit pa malaki ang naitulong niya samin.

"Hindi ba sinabi ko naman sayo na alam ko lahat ng tungkol sayo."Sabi niya saka siya nag lagay ng camera sa tapat ko. "Handa kanaba?"tanong niya.

Habang papalapit siya sakin ay kinakabahan ako kaya napapikit nalang ako saka nanalangin.

Nang hawakan naman niya ako ay bigla kong narinig ang malakas na kalabog ng pinto kaya napamulat ako.

"Oh andiyan na pala ang boyfriend mo. Mukhang napaagap siya. Hindi panga ako tapos sayo, dumating agad siya. Malas nalang niya dahil hindi na niya makikita pa ang gagawin ko sayo dahil tatapusin ko na siya ngayon."Sabi ni Gerry.

Napangiti nalang ako ng makita ko si Casper saka napabulong 'salamat dahil dumating ka' bulong ko. Napatingin naman siya sakin pero agad din niyang iniwas yung tingin niya saka niya tiningnan si Gerry.

"Tapusin na natin ngayon ito."seryoso niyang sabi kay Gerry.

"Okay"Sabi ni Gerry saka niya pinaikot yung ulo niya bago siya lumapit kay Casper.

Bago sila mag simulang mag laban ay nag titigan muna sila saka sila nag ikotan.

Nang mag simula ng sumugod si Gerry ay hindi naman ako kinabahan dahil alam ko naman na kayang kaya siya ni Casper. Kung yun ngang marami nakaya niya ano pa kaya kung si Gerry lang na wala naman ibang alam kundi ang mag yabang.

Nang sipain niya si Gerry ay napatalsik ito sa may bandang harapan ko.

"Ayaw ko ng patagalin pa ang laban."Sabi ni Casper saka siya nag pakawala ng kutsilyo na tumama sa noo ni Gerry saka siya lumapit dito at sinaksak. Tumingin panga siya sa camera bago niya ito saksakin.

"H-hin---"hindi na naituloy pa ni Gerry yung sasabihin niya ng hugutin ni Casper yung kutsilyo na nakasaksak sakaniya.

"Tapos na ang kasamaan mo Gerry Fuentes."Sabi ni Casper at nang matumba na si Gerry sa sahig ay agad niya akong nilapitan saka pinakawalan.

"Ayos kalang ba?"Puno ng pag aalala niyang tanong.

Tumango lang ako saka ko siya niyakap.

"Buti at walang nangyaring masama sayo."Sabi ko.

Niyakap rin naman niya ako pabalik. Nang may makita akong kalaban ay agad akong bumitaw sa pag kakayakap sakaniya pero hindi siya humiwalay.

"Ma---"Hindi ko na naituloy pa yung sasabihin ko ng makita ko na nag pakawala na siya ng kutsilyo na tumama don sa kalaban na pumasok. Kahit na hindi niya ito tiningnan nagawa parin niya itong patamaan.

"Paano mo nagawa yun?"tanong ko ng humiwalay na siya sa pag kakayakap sakin.

"Simple lang gamit ang lakas ng pakiramdam. Kahit na hindi mo nakikita ang kalaban mo magagawa mo parin itong mapatumba sa pamamagitan ng iyong lakas ng pakiramdam."Sabi niya.

Ito yung tinuro niya sakin e. Pinag sisisihan ko na tuloy na hindi ko pinatuloy yung pag e-ensayo namin noon.

"Gusto kong maging kasing galing mo. Ayaw ko ng maulit pa itong nangyari. Ayaw ko ng maging pabigat sayo."Sabi ko.

"Wag mong sabihin yan dahil kahit kailan hindi ka naging pabigat sakin."sabi niya.

Nginitian ko naman siya saka niyakap ulit.

"Aba at nagawa niyo pa talagang mag landian sa gitna ng labanan." Nang marinig ko ang boses ni kuya ay agad akong napatingin sa may pinto.

"Kuya!"Masaya kong sabi ng makita ko ito saka ako bumitaw sa pag kakayakap kay Casper atsaka ko siya nilapitan. "Buti at walang nangyaring masama sayo."Sabi ko saka tumingin sa labas para tingnan kong kasama ba nila yung iba naming mga kasamahan.

"Kayo lang bang dalawa ang sumugod dito para iligtas ako?"tanong ko.

"Oo sis grabe nga ang daming kalaban buti nalang at magaling ako kaya natalo ko silang lahat."hambog na sabi ni kuya.

"Tsk!"napailing iling nalang si Casper.

"Oh bakit totoo naman ah. Iniwan mo nga akong mag isa."Sabi ni kuya.

"Sampu nalang yung kalaban ng iwanan kita."Sabi ni Casper.

Natawa nalang ako sa naging pag tatalo nila. Nakakatuwa na mag kasama silang dalawa na sumugod dito para iligtas ako. Mukhang nag kakasundo na sila.

"Paano niyo nga pala nalaman na nadito ako?"tanong ko.

"Kanina pag katapos ng malakas na pag sabog habang hinahanap ko ang mga kasamahan natin ay nakita ko si Gerry na kausap yung mga tauhan nila at narinig ko na nakuha kanga daw nila kaya sinundan ko si Gerry at ng makarating ako dito ay bumalik muna ako para sabihan yung iba nating mga kasamahan dahil masyado silang marami kung susugod akong mag isa at ng makasalubong ko si Dark ay sinabi ko sakaniya na nandito ka kaya nag dali dali siyang pumunta dito. Sumunod nalang ako at hindi ko na sinabihan pa ang iba nating kasamahan."pag kwento ni kuya.

Kaya pala mag kasama sila.

"Bumalik na tayo."Sabi ni Casper.

"Mabuti panga at baka nag aalala na sila satin."Sabi ni kuya.

Napatango nalang naman ako.

Masaya ako na makitang walang nangyaring masama sakanila. Masaya ako na nagawa nila akong mailigtas. Natutuwa ako na makita silang mag kasama at nag tutulungan. Sana tuluyan na talaga silang mag kasundo.

-----------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

64.4K 1.9K 33
"A gate straight to hell" Mysterious motto from a school right Four girls who decided to just have fun Four girls who just followed the...
83.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
25.1M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!