DARK HELL UNIVERSITY

By RoseWrites_16

3.9K 74 1

DARK HELL UNIVERSITY The school of Demons. Ang pag pasok sa paaralang ito ay pag papakamatay dahil lahat ng n... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
EPILOGUE

CHAPTER 35

52 1 0
By RoseWrites_16

Carlo's POV

Matapos sabihin sakin ni Dark na hinahanap ako ng kapatid niya ay agad akong nag tungo rito sa loob ng dormitoryo para hanapin siya pero hindi ko siya nakita kaya naisipan kung mag tanong kay Nethan.

"Nakita mo ba bebe loves ko?"tanong ko.

"Oo, Nakita ko siya kaninang umalis."sagot niya.

Gagong yun ah! Nauto ako pero di bali babawi nalang ako, sa ngayon hindi ko nalang muna sila iistorbohin ng kapatid ko dahil mukhang kaya niya ako inuto ay gusto niya itong masolo. Hindi naman kasi ako maramot hindi tulad niya kaya okay lang sakin na landiin niya yung kapatid ko, huwag lang bastusin dahil makakatikim talaga siya sakin. Halata naman na gusto nila yung isa't isa ayaw pang aminin, hindi naman ako magagalit kung magiging sila dahil bakit naman ako magagalit kung alam ko na masaya naman yung kapatid ko, hindi ba? Hindi naman kasi ako gaya niya na hindi iniisip yung nararamdaman ng kapatid pero sabagay hindi ko naman siya masisisi kung bakit nagalit siya nong nalaman niya na may relasyon kami ng kapatid niya dahil tinago namin sakaniya ito at nabuntis ko pa ang kapatid niya atsaka muntikan pang masira ang plano nila ng dahil sakin kaya naiintindihan ko kung bakit hanggang ngayon may galit parin siya sakin. Sa totoo lang hindi ko talaga akalain na mamahalin ko si Cindy dahil laro laro lang naman para sakin dati yung pakikipag relasyon kaya nga nagagalit sakin ang kapatid ko pero meron rin naman akong naging serious relationship noon bago pa dumating si Cindy sa buhay ko pero hindi ko naman siya gaanong minahal and hindi rin naman nag tagal ang relasyon namin dahil nakipag hiwalay ako noong pumasok ako dito. Nalaman ko kasi na dito pinatay si Daddy, kaya nga ako pumasok dito dahil nag babakasakali ako na malaman kung sino ang pumatay sakaniya. Malaki kasi ang utang na loob ko sakaniya dahil pinalaki niya ako kahit na hindi naman niya ako tunay na anak, ampon lang kasi ako at di ko naman talaga tunay na kapatid si Carrie. Hindi kasi sila mag kaanak noon ni mommy kaya naisipan nilang mag ampon pero noong inampon nila ako ay saka naman nabuntis si mommy pero kahit ganon hindi naman nagbago yung pag trato nila sakin kahit na may anak na sila, pantay lang yung pag trato nila samin kaya nga malaki ang pasasalamat ko sakanila at kaya noong namatay sila ay pinangako ko na aalagaan ko ng mabuti ang anak nila at bibigyan ng hustisya ang pag kamatay ni Daddy.

Natigil ang pag iisip ko ng makita kong pumasok si Nethan, lumabas pala siya kanina at mukhang may hindi siya nagustuhan na nakita sa labas kaya pumasok agad siya, mukha nga siyang naiinis nung pumasok siya.

"Wag kang mag alala tol,marami pa namang babae diyan,ayan si sleeping beauty oh."Sabi ko kay Nethan sabay turo kay Casey na hanggang ngayon tulog parin. May gusto kasi siya sa kapatid ko at sinabi niya yun sakin, tinanong panga niya ako kung payag daw ba ako na ligawan niya ang kapatid ko at ang sinagot ko ay wala namang problema sakin kung ligawan niya ito basta maging handa lang siya sa pwedeng maging sagot nito. Takot kasi yung pumasok sa isang relasyon at mag mahal dahil siguro sa nakikita niya kung paano ko lokohin yung ibang mga babae kaya iniisip niya siguro na lolokohin lang din siya. Kasalanan ko bang habulin ako ng mga babae, hindi naman diba? Hindi naman kasi ako choosy kaya lahat ng nag kakagusto sakin pinapatulan ko.

"Gago tol! Hindi ko siya type." Sabi nito na ang tinutukoy ay si sleeping beauty.

Natawa nalang ako sa naging sagot niya.

"Bakit?Maganda naman siya ah saka sexy at parang hindi naaarawan kaya patulan mo na kaysa sa nag hahabol ka sa kapatid ko."Sabi ko pero syempre mas maganda parin naman ang kapatid ko kaysa sakaniya. Kapatid ko yun eh, mana sa kagandahang lalaki ko.

Sa totoo lang naaawa ako sakaniya dahil first time pa mandin niyang mag kagusto tapos yung nagustuhan pa niya may nagugustuhang iba. Ang Saklap! Kung may maitutulong nga lang ako ginawa ko na pero ayaw ko namang hadlangan ang kaligayahan ng kapatid ko. Kung saan o kanino siya masaya dun ako. Oh diba napaka supportive kong kapatid!

"Hindi naman kasi ako sa panlabas na itsura bumabasi at isa pa hindi naman ako nag hahabol sa kapatid mo. Hindi ko naman kasi hinangad na magustuhan rin niya ako, masaya na akong makita siyang masaya, ganon naman diba kapag mahal mo yung isang tao, makukuntento ka sa kung hanggang saan lang kayo at kung saan siya masaya."pag da-drama niya.

Ang drama niya talaga kaya minsan nahahawa na ako sa ka dramahan niya.

"Gago ang drama mo! Kung nag tapat kalang sana nung una palang edi sana hindi ka naunahan ng iba. "Sabi ko.

"Gago edi mas lalo lang akong nasaktan! Kung si Gerry nga nagawa niyang diretsuhin, ako pa kaya?"Sabi nito.

Sabagay may point siya pero----

"Atleast napalaya mo yung nararamdaman mo. Alam mo kung hindi mo palalayain yung nararamdaman mo, patuloy kalang masasaktan kaya kung ako sayo, aaminin ko parin yung nararamdaman ko sakaniya kahit na alam ko na ang magiging sagot niya."Payo ko

Galing ko mag advice noh? Ano ba kayo ako lang toh! si Carlo na expert sa lahat ng bagay.

Hindi nanaman siya nag salita pa ng makita niya na gising na si sleeping beauty.

"Kamusta ang tulog sleeping beauty?"tanong ko kaya napatingin siya sakin.

"Ako ba kinakausap mo?"tanong niya.

"Hindi, si Nethan yung kausap ko. Ang ganda ganda niya kasing matulog, kahit na tulog maganda parin."pang babara ko kaya napairap siya.

Aba mataray!

Nag palingon lingon naman siya at mukhang may hinahanap.

"Nasan si Dark?"tanong niya

Sabi nanga ba e, siya yung hinahanap niya. Aba hindi ako makakapayag na unahan niya yung kapatid ko kaya dapat may gawin ako. Ano kaya kung ligawan ko siya para hindi na niya unahan yung kapatid ko kasi paniguradong sakin mapupunta yung atensyon niya at hindi na kay Dark dahil paniguradong maiinlove siya sakin, sa gwapo ko ba namang ito, Malabong hindi siya mainlove sakin pero syempre hindi ko naman talaga gagawin yun na ligawan siya dahil baka mapatay pa ako ng bebe loves ko, alam ko pa naman na patay na patay parin hanggang ngayon sakin yun.

"Nakita mo ba na nandito?"pang babara ko sa tanong niya.

Inirapan lang naman niya ako saka nag lakad na palabas. Pipigilan ko sana siya dahil baka mang istorbo lang siya dun sa dalawa pero nakita kong bumukas na yung pinto bago pa niya mabuksan saka pumasok sila Dave, Mica, Julius, Dark at syempre ang kapatid ko at bebe loves. Tiningnan ko naman ang kapatid ko na nag tatanong.

"Anong tingin yan kuya?"tanong niya ng papalapit siya sakin. Mukhang hindi niya na gets yung pinaparating ko sa tingin ko.

"Anong ginawa niyo sa labas?"kunyaring masungit na tanong ko. Napaiwas naman siya ng tingin.

"Nag laban lang kami."Sabi niya saka naupo sa tabi ko. Nakita ko panga na namula siya ng maalala niya siguro yung nangyari sakanila sa labas. Mukhang hindi lang sila nag laban, nag landian din.

"Lang?"paninigurado ko.

"Tinuruan niya din ako."sagot niya.

"Yun lang?"tanong ko.

"Oo, bakit may iba pa ba kaming dapat gawin?"nakataas na kilay na tanong niya.

Hindi nanaman ako nakasagot pa ng makita kong paupo na si bebe loves. Agad akong tumayo saka hinila ito paupo sa lap ko na kinagulat niya saka siya napatingin sa kuya niya.

"Hanap mo raw ako."nakangiti kong sabi.

"Huh?!"tanong niya na mukhang hindi naintindihan yung sinabi ko.

Sinulyapan ko naman si Dark na ngayon ay masamang nakatingin sakin habang pinag lalaruan niya yung kutsilyo na hawak niya. Ang daya naman, pinag bigyan ko nanga siya tapos ako hindi niya pag bibigyan. Hindi yata fair yun kaya sa ayaw at sa gusto niya lalandiin ko rin yung kapatid niya.

"Bitawan mo nga ako!"sabi ni bebe loves saka pilit na tumatayo pero hindi ko siya binibitawan kaya napapaupo ulit siya.

"Tama nanga muna yang landian niyo dahil may malaki tayong problema."Sabi ni Mica kaya binitawan ko na si Bebe loves.

"Ano yun?"tanong ko.

"Nag kakagulo na ang mga studyante at ang iba ay sinusugod sila madame Selena."Si bebe loves ko yung sumagot.

"Oh ano namang problema dun?"Sabi ko. Maigi nga yun para wala na kaming kalaban.

"Pinag papatay nila lahat ng studyante na sumugod sakanila."sagot niya.

Napakasama talaga nila!

"Humanda na kayo dahil kailangan na nating mailabas lahat ng studyante dito sa lalong madaling panahon."seryosong sabi ni Dark. Napaka seryoso talaga kaya nga napapaisip ako kung ano ba ang nagustuhan sakaniya ng kapatid ko pero sabagay kapag seryoso nga naman daw ay seryoso ring mag mahal kaya nga siguro siya nagustuhan ng kapatid ko dahil ang alam nito kapag seryoso, seryoso rin kung mag mahal.

Nag handa nanaman kami. Paniguradong magiging madugo ang laban namin dahil mahirap silang kalaban lalo na't marami silang mga tauhan.

Isa lang ang mahihiling ko at yun ay ang mag tagumpay kami ng walang namamatay saamin.

----------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
7.6M 382K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...