DARK HELL UNIVERSITY

By RoseWrites_16

3.9K 74 1

DARK HELL UNIVERSITY The school of Demons. Ang pag pasok sa paaralang ito ay pag papakamatay dahil lahat ng n... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
EPILOGUE

CHAPTER 31

49 0 0
By RoseWrites_16

Carrie's POV

Habang nag iinoman sila ay tahimik lang ako dahil ayaw akong painomin ni kuya kahit nasa legal age nanaman ako, iba daw kasi ang epekto ng alak at di ko rin naman daw magugustuhan ang lasa nito. Hindi rin naman umiinom si Cindy at Casey. Tumikim lang sila kanina ng kaunti at mukhang hindi nila nagustuhan yung lasa dahil hindi na ulit sila uminom samantalang si Mica naman ay inom ng inom pati yung mga boys maliban kay Dave na paunti unti lang ang iniinom dahil wala pa naman siyang 18.

"Ang galing niyo talaga ate Carrie at kuya Dark dahil nagawa niyong talunin yung mga tauhan ni Gerry kanina."Sabi ni Dave na di parin maka move on sa nakita kanina.

Ngumiti nalang ako kahit si Casper lang naman talaga ang tumalo sakanilang lahat.

"Hindi yun mga tauhan ni Gerry."Sabi ni Casper kaya napunta ang atensyon naming lahat sakaniya.

Kung hindi yun mga tauhan ni Gerry e kanino yun? Si Gerry lang naman ang alam ko na may galit sakaniya na pwedeng mag papatay sakaniya e.

"Mga tauhan yun ni Gerry dahil narinig namin siya ni Casey na may binabalak sayong masama."Sabi ni Nethan.

Umiling naman si Casper.

"Kilala ko ang mga tauhan nila at kilala ko si Gerry alam ko na ang mga inuutusan lang naman niya ay mga studyante and pinag bawal din ng headmistress ang pag patay ngayong araw kaya alam ko na hindi yun susuwayin ng anak niya. Nag babalak palang siyang patayin ako kaya nasisiguro ko na hindi siya ang nag utos sa mga yun."Sabi ni Casper

Mukha ngang hindi mga studyante yung nakalaban namin kanina dahil matatanda na ang mga ito.

"Kung hindi siya sino? May iba kapabang kaaway maliban sakaniya at sa pamilya niya?"tanong ni Casey

"Sa ngayon hindi ko pa alam pero malalaman ko rin yun. Wala nanaman akong iba pang nakaaway, meron lang mga galit sakin."Sagot ni Casper saka tumingin kay kuya.

"Hindi ako galit sayo noh. Ikaw nga tong may galit sakin."Sabi ni kuya

"Sinabi ko ba?"Sabi ni Casper

"Baka naman si Carrie talaga yung punterya nila."Sabi ni Casey na ngayon ay nakatingin sakin.

"Siguro nga, may mga kagalit kaba dito?"tanong ni Mica sakin.

"Si Mad lang naman yung kilala ko na may galit sakin pero patay na siya at isa pa si Casper talaga yung punterya nila dahil sinabi nung namumuno sakanila na siya lang yung kailangan nila kaya nga ako pinapaalis e."Sabi ko

"Sa tingin ko may iba pang may galit sayo bro."Sabi ni Julius na mukhang lasing na dahil namumula na.

"Baka naman yung mga kamag anak o kaibigan ng napatay mo ang nag utos sakanila,kuya."Sabi naman ni Dave.

May posibilidad nga na yung mga kamag anak o kaibigan ng pinatay niya ang nag utos.

"Nah, Wala naman kasi dito yung mga kamag anak ng mga napatay ko at kung nandito man ay hindi naman sila makakakuha ng mga tauhan sa labas at hindi rin naman nalalaman ng pamilya nila sa labas kung sino ang pumatay sakanila."Sabi ni Casper

"Kung ganon, Sino nga kaya ang nag utos sakanila?"-Mica

"May mga nakalaban narin akong mga lalaki na hindi familiar sakin, nung una iniisip ko na yung mga may galit sakin yung nag utos sakanila pero ngayon dahil sa sinabi ni kuya bigla akong napaisip dahil hindi naman nga pwedeng makakuha ng mga tauhan sa labas ang mga studyante na nandito maliban nalang kung malapit kay madame Selena."-Cindy

"Baka naman mga tauhan talaga yun ninda Madame Selena, iniisip niyo lang na hindi."-Casey

"Tama tama kaya pwede ba mag inuman nalang tayo, e-enjoy nalang muna natin ang gabing ito."-Julius

Tumango nalang naman sila saka nag simula na ulit mag salin ng alak sa kani-kanilang baso.

"Sandali lang, may gusto lang akong itanong."sabi ni Mica kaya napahinto sa pag inom yung mga boys. "Kayo ba ang pumapatay sa mga nag sasabing alam na nila kung sino si Dark?"tanong ni Mica kay Cindy at Casper.

"Nah"sagot ni Casper.

"Hindi kami pumapatay ng mga walang ginawagang masama."-Cindy

"Kung hindi kayo sino?"-Casey

Napatingin naman si Cindy saka ako kay kuya dahil sabi niya tinutulungan niya sina Casper at Cindy kaya baka siya ang gumawa nun.

Tinaas naman ni kuya yung dalawa niyang kamay saka umiling iling.

"Hindi rin ako."Sabi ni kuya.

"Ako ang pumapatay sakanila."biglang sabat ni Nethan kaya napatingin kaming lahat sakaniya.

"Bakit mo naman ginawa yun?"-Mica

"Dahil gusto kong makatulong, ayaw ko na may ibang makaalam na si Casper ay si Dark dahil alam ko na hindi pa siya handang mag pakilala."sagot ni Nethan.

"Pati ba kay Kate, ikaw rin ang pumatay?"tanong ni Casper kaya napatingin ako sakaniya. Sino kaya yung Kate na tinutukoy niya? Yun kayang babaeng nakausap ko noon na pinatay niya?

Tumango lang naman si Nethan bilang sagot.

"Hindi ba't sinabi mo sakin na ikaw ang pumatay sakaniya?"tanong ko kay Casper kahit hindi ako sigurado kung yung babaeng nakausap ko nga noon yung tinutukoy niya.

"Sinabi ko lang yun dahil gusto kitang takutin para umalis na dito habang wala kapang nalalaman."sagot niya

"Bakit naman?"tanong ko.

Bakit naman kaya niya ako gustong umalis dito?

"Dahil ayaw kong madamay ka sa gulong nangyayari dito."sagot niya

"Ehem, wag mo ngang diskartehan ang kapatid ko."Sabi ni kuya kaya napatingin ako sakaniya. Mukha naman siyang hindi naiinis hindi tulad ni Casper na kapag dinidiskartehan niya si Cindy ay kulang nalang patayin siya.

"Ibahin mo ako sayo tsk!"Sabi ni Casper

"Ows"-Kuya

"Bakit hindi nalang kaya kayo mag palitan ng kapatid para walang away."natatawang suggestion ni Mica.

"Bakit naman sila mag papalitan e hindi naman gusto ni Dark si Carrie, hindi ba Dark?"tanong ni Casey habang nakatingin kay Casper kaya napatingin din ako sakaniya. Hindi naman siya sumagot sa halip ay uminom nalamang siya. "Silent means yes"natutuwang sabi ni Casey kaya napairap nalang ako.

Ewan ko ba pero kanina pa ako naiinis kay Casey sa di ko malamang dahilan.

Nag salin nalang din ako ng alak sa baso ko ng pumunta si kuya sa banyo. Kanina pa kasi ako na cu-curious sa lasa ng alak. Nang akmang iinomin ko na ito ay bigla namang inagaw ni Casper.

"Don't"Sabi niya saka niya yun ininom.

Ang daya naman, bakit pati siya ayaw akong painomin?

Nang makabalik nanaman si kuya ay binuksan niya speaker saka nag pa tugtog.

"Mag sayawan naman tayo."Sabi ni kuya na mukhang lasing narin dahil nag sasayaw na.

Tumayo naman sinda Nethan, Julius at Dave saka nakisayaw narin. Halatang lasing na lasing na sila dahil hindi na maayos yung pag sasayaw nila, sari sari nangang step ang ginagawa nila kaya naman hindi namin maiwasang mga girls na matawa sa ginagawa nila.

Nang sweet na yung tugtog ay naupo muna si Dave samantalang si Julius ay hinila si Mica, si Nethan naman ay niyaya ako pero tumanggi naman ako samantalang si kuya naman ay hinila si Cindy pero agad rin naman niyang binitawan ng mag labas ng kutsilyo si Casper.

"Sabi ko nga, kapatid ko nalang ang isasayaw ko."Sabi ni Kuya saka ako sapilitang hinila kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Nang matapos nanaman yung music ay bumalik na kami ni Mica sa upuan habang sila kuya ay patuloy parin sa pag sayaw. Nakisali na ulit kasi sila Dave at Nethan samantalang si Casper naman ay nakaupo parin at mukhang walang balak makisali sa kalokohan nila.

"Ano bro uupo kanalang ba diyan?"tanong  ni Julius kay Casper.

"Sige na sumali kana sa kanila, wag kanang mag paka KJ."Sabi ni Casey habang pinag tutulakan si Casper patayo.

Nakisali narin naman siya dahil mukhang tinamaan narin siya ng alak. Ganito pala ang epekto ng alak buti nalang at pinigilan ako ni kuyang uminom.

Tawa naman kami ng tawang mga girls habang pinapanood mag sayaw yung mga boys lalo na nung sumayaw sila ng budots.

Nang pag-gitnaan nung tatlo si Kuya at Casper ay nag simula na kaming mag hiyawan.

"GO DARK!"sigaw ni Casey.

"GO KUYA!" Sigaw ko naman.

Hindi naman sumigaw si Cindy dahil mukhang hindi niya alam kung kanino siya, si Mica naman ay nakatulog na dahil sa kalasingan.

Kinindatan naman ako ni kuya saka niya tiningnan si Casper ng nang hahamon, tiningnan lang naman siya nito.

"WOHH!"Hiyaw namin ng mag simula ng gumiling yung dalawa. Nagising naman namin si Mica sa lakas ng hiyaw namin.

Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa.

Grabe ang saya namin, sana lagi nalang ganito yung tipong masaya lang at hindi iniisip yung mga posibilidad na mangyari bukas.

-----------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

349K 15.7K 95
Isang unibersidad na ang nag aaral lang ay mga gangsters mafia assassin at iba pa na marunong lumaban. May sampong section dito na nah lalaban laban...
16.7K 978 115
Anong feeling ng may kaibigan? Anong feeling maging famous at maganda? At anong pakiramdam kapag may manliligaw? Mga tanong na nasa kaisipan ko dahil...
29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
67.6K 2.6K 40
There is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become...