DARK HELL UNIVERSITY

By RoseWrites_16

3.7K 72 1

DARK HELL UNIVERSITY The school of Demons. Ang pag pasok sa paaralang ito ay pag papakamatay dahil lahat ng n... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
EPILOGUE

CHAPTER 28

57 1 0
By RoseWrites_16

Carrie's POV

Kanina pa ako dito kinakabahan samantalang itong kasama ko ay parang hindi manlang kinakabahan. Hindi ba siya natatakot mamatay? Kung noon hindi ako natatakot mamatay dahil akala ko ako nalang mag isa at wala ng natitira pa sakin pero ngayon na nalaman kong buhay si kuya at may pamangkin pa ako ay natatakot na akong mamatay dahil gusto ko pa silang makasama.

Nakita ko naman na nag bulungan yong mga lalaki.

"Siya lang ang kailangan namin miss kaya kung ayaw mong madamay umalis kana."Sabi nong isang lalaki sakin.

Kung aalis ako pwede akong humingi ng tulong kay kuya o kaya kay Cindy pero hindi ko naman maatim na iwan siyang mag isa dito dahil baka kapag iniwan ko siyang mag isa at humingi ng tulong ay baka di nanaman namin siya maabutan pa ng buhay kaya mas mabuting hindi ko nalang siya iwan at lumaban nalang din.

"Hindi! Hindi ako aalis."matapang na sabi ko saka ko nilabas yong kutsilyo ko.

Hindi ko alam kong kanino ko itututok yong kutsilyo ko sa sobrang dami nila.

"Umalis kana"Sabi ni Casper sakin kaya napatingin ako sakaniya.

"Hindi kita kayang iwan dito."sabi ko

"Bakit?"tanong niya

"Anong bakit?"

"Bakit hindi mo ako kayang iwan?"tanong niya

Kailangan paba talaga niya yong itanong? Ofcourse dahil hindi kaya ng konsensya ko na iwan siya.

"Dahil baka mapatay ka nila edi hindi ako pinatulog ng konsensya ko dahil sa iniwan kita."sagot ko

"Ang dami niyo pang sinasabi."sabi nong isang lalaki samin. "Sugurin niyo na sila"utos nito kaya nag handa na ako.

"E pano yong babae diba inutos satin na wag natin siyang sasaktan."sabi naman nong isang lalaki.

"Kuhain niyo siya"utos nito kaya naman nag lakad papunta sakin yong dalawang lalaki pero bago paman sila makalapit ay bumagsak na sila sa sahig kaya napalingon ako kay Casper na ngayon ay may hawak na kutsilyo. Pinapa ikot ikot niya ito sa kamay niya.

"One wrong move and I'll make sure this will be your last day."sabi ni Casper.

Nagawa pa talaga niyang mag yabang. Akala mo naman kaya niya silang lahat.

Tinawanan naman siya nong lalaki.

"Sinong tinakot mo?"Sabi nito "Ano pang ginagawa niyo, sugurin niyo na siya."utos nito kaya naman nag suguran na silang lahat.

Hinanda ko nanaman yong sarili ko ng lumapit na sila samin. Lahat ng lumalapit sakin ay hinahawakan lang ako at hindi hinahayaan ng saksak kaya naman mabilis ko lang silang natatalo.

Nang may humila sakin ay agad ko itong hinayaan ng saksak dahil akala ko kalaban, si Casper lang pala buti nalang at naiwasan niya. Bigla bigla nalang kaseng nanghihila,muntik ko na tuloy siyang masaksak.

"Be careful"Sabi niya

Muntikan na pala akong matamaan nung kutsilyo na pinakawalan nung isang lalaki kaya niya ako hinila.

Nawala naman yong concentrate ko sa pakikipag laban kaya nahawakan ako ng dalawang lalaki saka hinila patabi.

"Bitawan niyo nga ako!"sabi ko saka nag pupumiglas.

"Hindi pwede dahil kapag may nangyari sayo ay kami ang mananagot."Sabi nung isang lalaking humawak sakin.

Habang nag pupumiglas ako ay tiningnan ko si Casper na busy sa pakikipag laban. Katana na ang hawak niya ngayon at hindi na kutsilyo. Pinatong niya ang dulo nung katana sa balikat niya habang pinalilibutan siya ng mga kalalakihan.

Nang mag simula ng mag suguran yong mga kalalakihan ay bigla akong kinabahan. Sinaksak niya yong dalawang lalaki na nasa harapan niya tapos yong nasa gilid naman niya ay pinaikot niya ang kamay nito para mabitawan yong kutsilyo na hawak nito gamit ang isa niyang kamay habang yong isa naman niyang kamay ay busy sa pakikipag espadahan and yong nasa likod naman niya ay sinipa niya atsaka siya umikot kaya natamaan yong mga malapit sakaniya. Nang hinayaan naman siya ng espada nung isa ay binend niya yung likod niya para maiwasan.

Nawala na yong kaba ko ng makitang kakaunti nalang ang natira.

"Kailangan na siguro nating umalis."Sabi nung isang lalaking may hawak sakin habang nanginginig yong kamay.

"Ano pang ginagawa niyo diyan?!"tanong nung lalaking namumuno sakanila.

"Mukhang kailangan na nating umalis."Sabi naman nung Isa pang lalaking may hawak sakin.

"Anong aalis?! Hindi tayo pwedeng umalis hanggang hindi pa natin natatapos ang utos ni boss kaya tulungan niyo na sila."

Nag katinginan naman yung dalawang lalaking may hawak saakin atsaka sabay nila akong binitawan saka sila sumugod para tulungan yung mga natitira pa nilang kakampi.

Hindi ko nanaman tinulungan pa si Casper dahil mukhang hindi nanaman niya kailangan kaya nanood nalang ako. Nakakamangha ang galing niya sa pakikipag laban, paniguradong hindi naging madali ang pag e-ensayo niya para maging ganito kagaling.

Nang mapatumba na niya lahat ng kalaban ay naramdaman ko nalang na may nag tutok sakin ng kutsilyo.

"Kung gusto mo pang mabuhay ang babaeng ito, gawin mo ang gusto ko."Sabi nung lalaking nag tutok sakin ng kutsilyo.

Napatingin naman ako kay Casper na ngayon ay naka upo habang yung isang tuhod niya ay nakaluhod.

"Saksa---"bago paman maituloy nitong lalaking nag tutok sakin ng kutsilyo ang sasabihin niya ay agad ko ng inapakan yung paa niya saka hinawakan yung braso at pinaikot kasabay nun ng pag papakawala ni Casper ng kutsilyo na tumama sa noo nito. Nang matumba nanaman ito ay napatingin ako kay Casper na ngayon ay nakatayo na.

"Nahuli na pala tayo ng dating, tapos na ang laban e."rinig kong sabi ni kuya kaya napatingin ako dito.

"Kuya"Sabi ko saka lumapit sakaniya.

Kasama niya pala ang ilan sa mga kasali sa rank na mukhang namamangha at hindi makapaniwala sa nakikita.

"Are you okay?... Oh my God! may sugat ka." Sabi ni Casey kaya sabay sabay kaming napatingin sakaniya. Nakalapit na pala agad siya kay Casper.

Tiningnan ko naman yung sinasabi niyang sugat. May kaunti ngang sugat si Casper pero mukhang hindi naman malalim at daplis lang.

"Nice! Paano niyo nagawang talunin silang lahat?"tanong ni Julius.

"Wow as in wow! Ang dami nila ah, paano niyo nagawang talunin silang lahat ng kayo lang dalawa?"namamanghang sambit naman ni Mica.

Napatingin naman ako sakanila. Seryoso lang si Nethan habang nakatingin sa mga nakahandusay na mga lalaki, si Cindy naman ay nakangiti lang samantalang ang iba naman ay naka nganga. Mukhang hindi talaga sila makapaniwala sa nakikita, maging ako rin naman hindi makapaniwala sa nakikita ko. Nakakamangha na nagawa niyang patumbahin lahat ng kalaban. Kakaunti lang naman ang naitulong ko dahil hinila na ako nung dalawang lalaki.

"Ayos kalang ba my little sis?"tanong ni kuya.

Tumango lang naman ako saka ko binalik ang tingin ko kay Casper na ngayon ay masamang nakatingin kay Cindy. Dali dali naman sakaniyang lumapit si Cindy.

"Bakit kasama mo sila?"tanong ni Casper kay Cindy.

Kanina ko parin gustong itanong yon kay kuya. Bakit nga ba sila mag kakasama?

"Uhm"Hindi naman malaman ni Cindy kung ano yung sasabihin niya kaya si kuya na yung nag salita.

"Sila yong magiging kakampi natin."Sabi ni Kuya.

"I'm not asking you. At anong sinasabi mo na magiging kakampi natin? Kailan pa tayo naging mag kakampi?"Sabi ni Casper habang matalim na nakatingin kay kuya.

"Ngayon palang."sagot ni kuya.

"At sa tingin mo ba papayag ako na maging kakampi ka?"Sambit ni Casper.

Nag pasalit salit naman ang tingin ko sakanilang dalawa. Mukhang hindi sila mag kasundo.

"Hindi, pero wala kang choice dahil kakampi na namin ang kapatid mo atsaka iisa lang naman ang kalaban natin kaya mas maiging mag tulungan nalang tayo kaysa sa mag away. Kapag kasi marami mas madali nating matatalo ang kalaban."Sabi ni kuya.

"Tama siya kuya, hindi natin matatalo ang kalaban kung tayo lang dalawa kaya mas mabuting makipag tulungan nalang tayo sa kanila."Sabi ni Cindy kaya masama siyang tiningnan ni Casper.

"At kailan mo ba binalak na makipag tulungan sakanila?"inis na tanong ni Casper

Naisip ko naman na sumabat na dahil baka mag away away pa sila.

"Tama si kuya at Cindy, kailangan nating mag tulungan para madali nating matalo ang kalaban kaya kung ano man yung hindi niyo pag kakasundo ni kuya ay pwede bang isantabi mo nalang muna."Sabi ko kay Casper.

Hindi ko man kilala kung sino yung tinutukoy nilang kalaban ay sa tingin ko naman ay iisa lang ang tinutukoy nila.

"Tsk!"inis na sambit ni Casper.

"So what's the plan?"tanong ni Casey.

"Kaya nga ano ng plano? Diba ikaw si Dark?"tanong ni Mica kay Kuya kaya sabay sabay kaming napatingin sakaniya.

Hindi naman siya si Dark dahil siya si Carlo na kapatid ko at si Dark naman ay kababata ko. Napag kamalan lang siguro siyang si Dark dahil sa suot niya na may nakasulat na Dark. Napag kamalan ko nga rin siyang si Dark hindi naman pala dahil siya pala si kuya.

"No I'm not."sagot ni kuya

"Kung hindi ikaw, sino?"tanong naman ni Casey.

Sino nga ba talaga si Dark?

Tumingin naman si kuya kay Casper kaya napatingin din kaming lahat sakaniya.

"Sino nga ba?🤔 Kilala mo ba kung sino?"tanong ni Kuya kay Casper.

"Tsk!"

Tumawa naman si kuya ng mahina.

"Matagal ko ng alam ang sikreto mo kaya hindi mo na kailangan itago pa."Sabi ni kuya.

"Anong sikreto?"curious na tanong ni Julius.

Tumingin naman si Casper kay Cindy na parang pinag hihinalaan niya ito na ito ang nag sabi ng sikreto niya daw, sabi ni kuya.

"Hindi ko sinabi sa kaniya ah."pag depensa ni Cindy sa sarili niya.

"Ano ba kasing sikreto yun?"tanong ni Mica.

"Sabihin mo na kasi."pamimilit ni kuya kaya sinamaan siya ng tingin ni Casper.

"I think this is not the right time para...."

"I'm Dark"pag putol ni Casper sa sasabihin ni Cindy.

Gulat naman kaming napatingin kay Casper.

Tama ba yung narinig ko? Siya ba talaga si Dark?

-----------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

179K 5.3K 30
⚜️BOOK 1⚜️ DATE STARTED: November 24, 2019 DATE FINISHED: December 09, 2019 Hindi aakalaing magpagkakasundo. Isang taong pikon at isang mapang-asar...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
116K 4K 45
⚜️The Gangster's Princess BOOK 2⚜️ DATE STARTED: February 22, 2020 DATE ENDED: April 19, 2020 Panibagong hamon, panibagong pagsubok. Mga hindi pa nat...