DARK HELL UNIVERSITY

By RoseWrites_16

3.8K 74 1

DARK HELL UNIVERSITY The school of Demons. Ang pag pasok sa paaralang ito ay pag papakamatay dahil lahat ng n... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
EPILOGUE

CHAPTER 27

61 1 0
By RoseWrites_16

Cindy's POV

Kanina ko pa hinahanap si kuya matapos kong malaman na sinaraduhan lahat ng daan palabas dito sa DHU pero hindi ko siya makita kita pati si Carrie kanina ko parin hindi nakikita kaya nag aalala na ako dahil baka mag kasama sila at pag tangkaan siyang patayin ni Carrie. Kilala ko naman si kuya at alam ko na hindi niya hahayaang mamatay siya pero alam ko na gusto niya si Carrie at baka yon ang maging dahilan para matalo siya. Iba kasi ang nagagawa ng pag ibig kaya natatakot ako na baka yon ang maging dahilan ng pag ka sira ng plano namin.

Pinag patuloy ko nalang ang pag hahanap at pinasawalang bahala nalang ang mga iniisip ko na posibleng mangyari. Naisipan kong mag tungo sa room ni Carrie dahil baka nandun ito pero hindi paman ako nakakarating ng matanaw ko sa di kalayuan yong lalaking naka maskara. Palagi ko nalang siyang nakikita pero hindi ko manlang siya magawang malapitan dahil kapag lumalapit ako ay umaalis naman siya. Marami pa naman akong gustong itanong sa kaniya tulad ng 'sino ba siya at bakit nag papanggap siyang si Dark pati kung bakit niya ako tinutulungan' dalawang beses na kasi niya akong tinulungan nong napalaban ako.

Nang makita ko siyang pumasok sa isang abandonadong classroom ay dali dali ko siyang sinundan saka ni lock ang pinto ng makapasok ako para di na siya makawala pa at pag harap ko ay napaatras nalang ako dahil nasa harapan ko na siya.

"Sino ka?"paunang tanong ko saka ko nilabas ang kutsilyo ko saka tinutok sakaniya.

Hindi naman siya sumagot, nakatitig lang siya sakin kaya nag salita ulit ako.

"Tinatanong kita kaya sumagot ka!"Sabi ko saka mas diniin pa yong kutsilyo sa leeg niya.

"Hindi mo ba ako nakikilala?"tanong niya.

Nang marinig ko yong boses niya ay bigla nalang nangilig yong kamay ko. Hindi ko alam kong tama ba yong iniisip ko pero alam ko na mali ako dahil matagal na siyang---

"Oh I forgot,"Sabi niya saka dahang dahang tinanggal yong maskara niya.

Ang lakas naman ng kabog ng dibdib ko dahil kinakabahan ako sa pwede kong makita. Nang tuluyan na niyang matanggal yong maskara niya ay bigla ko nalang nabitawan yong kutsilyo ko sa sobrang gulat ng makita siya.

"I'm happy to see you again, my love."pag kasabi niya non ay bigla nalang tumulo ang luha ko.

"Imposible, p-paanong---"Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Paanong buhay siya? Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano siya sinaksak ni kuya kaya paanong nangyaring nasa harapan ko siya ngayon at humihinga?

"Mahabang storya at hindi ito yong tamang oras para ikuwento ko sayo."Sabi niya saka niya ako nilapitan saka niyakap. "I miss you" mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya.

Nang maalala ko si kuya ay agad ko siyang tinulak.

"Bakit kapa nag pakita sakin?"tanong ko habang pinapahid ko yong luha ko.

Hindi na dapat siya nag pakita pa dahil kapag nalaman ni kuya na buhay siya ay paniguradong papatayin siya nito at ayaw ko narin maulit pa yong nangyari.

"Hindi kaba masayang makita ako?"malungkot niyang tanong.

"Hindi"pag sisinungaling ko dahil ang totoo masayang masaya talaga akong makita siyang buhay pero kailangan kong mag panggap.

"Hindi?"

"Oo, hindi ako masayang makita ka kaya pwede bang umalis ka nalang at huwag ng mag pakita pa sakin ulit."

Parang piniga yong puso ko sa sinabi ko. Ang sakit pero kailangan ko itong gawin para sa ikabubuti niya. Ayaw ko ng mapahamak pa siya ng dahil sakin kaya kung kinakailangan ko siyang ipag tabuyan ay gagawin ko kahit masakit.

Napatango tango naman siya saka ngumiti ng mapait.

"Okay, gusto ko lang makita ang anak natin."Sabi niya

"Wala na----"pinutol niya yong sasabihin ko.

"Hindi mo kailangan mag sinungaling dahil alam ko na buhay ang anak natin."Sabi niya

Paano naman kaya niya nalaman na buhay ang anak namin?

"Wala siya dito"Sabi ko. Wala na naman akong rason para mag sinungaling pa at sabihin na naagasan ako dahil alam na niya na buhay ang anak namin.

"Nasan siya?"tanong niya

"Nasa labas siya nitong paaralan, wag kang mag aalala nasa mabuti naman siyang kalagayaan at may nag aalaga naman sakaniya."Sabi ko

Pinaalagaan kasi namin siya ni kuya sa nag ligtas saamin dahil hindi makakabuti kung mananatili siya dito pero paminsan minsan ay dinadala ko siya dito pero noong nakita ko na, nakita siya ni Carrie ay hindi ko na siya dinala pa dito at binibisita ko nalang siya paminsan minsan sa labas. Nakakalabas naman kasi kami ni kuya dito ng palihim kapag gabi nga lang dahil mahirap na at baka may makakita pa samin kapag umaga. Pinapatay kasi nila lahat ng nag tatangkang tumakas at lumabas dito kaya nga naiintindihan ko na si kuya kung bakit niya kami pinigilan dati ni Carlo na umalis dito. Marami na kasing nag tangkang umalis dito at yong iba ay nag tagumpay ngang makalabas pero pinatay rin naman sila sa labas pati na mga pamilya nila.

Napatango tango naman siya.

"Umalis kana"pag tataboy ko sakaniya dahil baka mamaya ay makita pa siya ni kuya.

"Hindi ako aalis dito ng hindi kita kasama."Sabi niya

"What?!Nababaliw kana ba?! At sa tingin mo sasama ako sayo?"Sabi ko

Tumango naman siya.

"Oo dahil kailangan, kailangan nating mag tulungan."Sabi niya

Pareho nga lang pala kami ng pinag hihigantihan dahil iisa lang ang taong pumatay sa mga magulang namin pero wala akong balak makipag tulungan sakaniya dahil paniguradong magagalit si kuya.

"Hindi ako makikipag tulungan sayo kaya umalis kana, bago kapa makita ni kuya."

"Kaya ba pinapaalis mo ako dahil natatakot ka na makita ako ng kuya mo?"tanong niya

"Oo kaya pwede bang umalis kana at wag ng mag pakita pa sakin kahit kailan."Sabi ko

Natawa naman siya kaya napakunot ako ng noo. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

"Nakita na ako ng kuya mo kaya wala kanang dapat pang ipag alala, kaya sumama kana sakin dahil kanina pa nag hihintay ang mga kakampi natin."Sabi niya

Nag kita na sila ni kuya?! Paanong nangyaring buhay parin siya kung nag kita na sila ni kuya?

"Nilolo---"bago ko paman maituloy ang sasabihin ko ay hinila na niya ako palabas.

"Hindi kita niloloko, bago ako mag pakita sayo ay nag pakita na ako sakaniya."Sabi niya

"Kung ganon bakit wala siyang ginawa sayo?"tanong ko

Galit sakaniya si kuya kaya nakakapag taka kung nag kita na sila pero wala manlang sakaniyang ginawa si kuya.

"Bakit may dapat ba siyang gawin sakin?"pabalik niyang tanong.

"Oo dahil diba nga galit na galit siya sayo."Sabi ko

"Yeah"

"O bakit wala siyang ginawa sayo?"

Nakakapag taka naman kung nag kita na sila pero wala manlang siyang ka sugat sugat.

"Siguro dahil hindi nanaman siya masyadong galit sakin o baka dahil nandun ang kapatid ko."Sabi niya

Kaya naman pala walang ginawa sakaniya si kuya dahil nandun pala si Carrie.

"We're here"Sabi niya kaya napatingin ako kung nasan na kami. Nasa isang tagong lugar kami na never ko pang napuntahan.

"Kuya"tawag sakaniya ni Dave kaya napatingin ako dito saka sa mga kasama niya.

Sila ba yong sinasabi niya na nag hihintay na kakampi namin?

"Cindy"banggit sa pangalan ko ni Mica.

"Sila ang mga kakampi natin, wag kang mag aalala mapag kakatiwalaan sila dahil matagal ko na silang sinusubaybayan."Sabi sakin ni Carlo. "Nasan nga pala si Nethan?"tanong niya

"Ayon oh kararating lang."Sabi ni Julius sabay turo kung nasan si Nethan kaya sabay kaming napatingin sa kinaroroonan nito.

"Kailangan nating tulungan sinda Carrie."Sabi ni Nethan pag kalapit saamin.

"Bakit anong nangyari?"nag aalalang tanong ni Carlo.

"Narinig namin na may binabalak na masama si Gerry kay Casper." Sabi ni Casey. Kasama nga pala siya ni Nethan.

Bigla naman akong kinabahan dahil paniguradong mas maraming tao ang inutusan ni Gerry ngayon para patayin si kuya dahil yong inutusan niyang mga tao kaninang umaga ay mabilis lang na natalo ni kuya kaya paniguradong mas marami ngayon ang inutusan niya. Kilala ko naman si kuya at alam ko na magaling siyang makipag laban and alam ko rin na ayaw na ayaw niyang pinakikialaman ang laban niya pero iba na ngayon dahil baka tama ang iniisip ko na maraming inutusan si Gerry kaya kailangan namin silang tulungan.

"Let's go"Sabi ni Carlo saka nag madaling umalis. Sumunod naman kami sakaniya.

Sana hindi pa kami huli.

-----------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

106K 5.6K 125
All I want is a normal highschool life...dahil gusto kong magbago para sa pamilya ko. Pero patuloy rin iyung pinagkakait sa'kin. Wirdong section na k...
123K 4.4K 54
Pano kung mawalan ka ng mga kaibigan Pano kung mawalan ka ng mahal sa buhay Tapos sa hindi inaasahang pag kakataon makita mo ulit sila at mag kasam...
6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
32.5K 1.8K 84
SD [PART TWO] +Please Read Part One first+ Inside the people you know, there's a person you don't know. WARNING! This story contains a sensitive the...