DARK HELL UNIVERSITY

By RoseWrites_16

3.9K 74 1

DARK HELL UNIVERSITY The school of Demons. Ang pag pasok sa paaralang ito ay pag papakamatay dahil lahat ng n... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
EPILOGUE

CHAPTER 25

65 1 0
By RoseWrites_16

Carrie's POV

Nandito na ako ngayon sa room ko. Pag katapos kasi namin mag usap ni Cindy ay dito ako dumiretso at di ko na hinanap pa si Casper. Naisip ko kasi na kailangan ko munang gumawa ng plano para makaganti sa kaniya dahil sa tingin ko hindi siya madaling patayin, pero ang tanong kaya ko nga ba siyang patayin? Bakit may pag aalinlangan akong nararamdaman? Bakit nasasaktan ako ng ganito? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako pero mas nangingibabaw yong galit ko. Galit ako! Galit ako sakanila pero mas galit ako sa sarili ko dahil nagawa kong mag tiwala sakanila.

Buong mag hapon lang akong nandito sa room ko at hindi lumalabas saka kumakain dahil wala naman akong ganang kumain and nag iisip rin kasi ako ng plano.  Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang makaganti kay Casper pero may part sakin na kapag iniisip ko na papatayin ko siya ay nasasaktan ako. Ewan ko ba pero parang nag tatalo ang isip at puso ko. Gustong gusto na ng isip ko na patayin siya pero kapag naiisip ko palang ang gagawin ko ay kumikirot na ang puso ko.

Pinasawalang bahala ko nalang ang nararamdaman ko at nag isip nalang ulit ako ng plano. Naisip ko lang, kung nagawang matalo ni Casper si kuya na rank 1 ay ibig sabihin mas magaling pa siya kay kuya pero bakit hindi siya kasali sa rank? Sabagay baka hindi siya gaano pumapatay kaya hindi siya napapasali sa rank. Marami pa talaga akong hindi alam tungkol sa kaniya, basta ang alam ko lang hindi siya madaling kalabanin kaya dapat talaga na mag plano ako at ang unang naiisip ko na gawin ay kilalanin siya at isa lang ang naiisip ko na makakatulong sakin at yon ay si Nethan dahil naalala ko na sinabi niya na kilalang kilala niya si Casper.

Agad naman akong lumabas para hanapin si Nethan. Hindi paman ako nakakalayo sa room ko ay pansin ko na ang pag kabalisa ng mga studyante na nakikita ko dahil siguro sa final exam. Hindi ko na iniisip pa ang final exam na 'yon dahil wala naman akong balak lumabas dito ng hindi pa ako nakakapag higanti kaya hindi ko kailangan pumatay para sa perfect score.

Nang makita ko si Nethan ay dali dali ko itong nilapitan.

"Nethan"tawag ko sa kaniya.

Lumingon naman siya sakin saka ako nginitian.

"May kailangan kaba?"tanong niya

Tumango naman ako.

"May gusto lang akong malaman tungkol kay Casper."sambit ko.

Sumeryoso naman siya.

"Anong tungkol sakaniya?"tanong niya

"Diba matagal mo na siyang kilala?"

Tumango naman siya.

"Gusto ko sanang malaman lahat ng alam mo tungkol sakaniya."sambit ko

"Bakit ba gustong gusto mong malaman lahat ng alam ko tungkol sakaniya?"tanong niya

Anong isasagot ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin sakaniya na dahil gusto kong mag higanti kay Casper dahil hindi pwedeng may ibang makaalam ng gagawin ko dahil baka malaman pa ito ni Casper at makapag handa ito.

"Do you like him?"tanong niya

"Ano bang klaseng tanong yan?"

Hindi ko alam kung bakit niya yon natanong pero may kung ano akong naramdaman sa tanong niya.

"I see"sambit niya kaya naguguluhan ko siyang tiningnan.

"Huh?"

"Gusto mo nga siya."sambit niya saka mapait na ngumiti.

"Ano bang pinag sasabi mo?!"naiinis kong sabi

Hindi ko siya maintindihan kung bakit niya sinasabi sakin na gusto ko si Casper kahit hindi naman dahil galit nga ako dito.

"Yes or no lang ang inaantay kong sagot mo pero iba ang sinabi mo."sambit niya

So dahil pala ito sa naging sagot ko kaya iniisip niya na gusto ko si Casper e kaya lang naman sinabi ko na 'ano bang klaseng tanong yan?' kasi ano bang klaseng tanong nga yon e hindi naman yon ang gusto kong malaman.

"Dahil lang don iisipin mo na gusto ko siya?"inis na tanong ko, Ang babaw naman niya kung ganon.

"Hindi mo manlang kasi tinanggi and hindi lang naman dahil don kaya iniisip ko na gusto mo siya dahil din sa interesado ka sakaniya at nakikita ko rin."sambit niya

Ibang klase rin siyang mag isip. dahil lang sa interesado ako kay Casper iisipin na niyang gusto ko ito. Napailing iling nalang ako.

"Hindi ko siya gusto at may iba akong dahilan kaya gusto kong malaman lahat ng alam mo tungkol sakaniya."sambit ko

Kung alam ko lang na iba ang iisipin niya, di sana iba nalang ang kinausap ko.

"Anong dahilan?"tanong niya

Bakit ba ang dami niyang tanong?

"Hindi mo na kailangan malaman pa, kung ayaw mong sabihin lahat ng alam mo tungkol sakaniya, dibali nalang. Hahanap nalang ako ng taong makakapag sabi sakin."sambit ko saka nag lakad na paalis.

Halata namang ayaw niya dahil kung gusto niya talaga edi sana kanina pa niya sinabi.

"Ate"tawag ni Dave ng makasalubong ko siya.

"Bakit?"tanong ko

"Napag isipan mo na ba?"tanong niya

Naalala ko naman yong sinabi niya sakin kanina na mag tulungan kami. Wala akong balak makipag tulungan kahit na kanino dahil wala na akong tiwala sa mga tao dito.

"Hindi pa"sagot ko nalang.

Napatango tango naman siya.

"Alam ko na wala kang tiwala sakin ate kaya naiintindihan ko kung bakit nag dadalawang isip kapang makipag tulungan sakin. Sa tagal ko dito marami na akong nakilalang tao na hindi mapag kakatiwalaan kaya naiintindihan kita kung bakit hindi ka basta basta nag titiwala."sambit niya

Bigla namang nag sink in sa utak ko yung sinabi niya na matagal na siya dito at marami narin siyang nakilalang tao. Ngayon alam ko na kung sino pa yung pwede kong pag tanungan tungkol kay Casper.

"Kilala mo ba si Casper?"tanong ko

"Si Casper?... Ah oo siya yong unang tao na kumausap sakin no'ng unang pasok ko dito. Nakakatakot nga siya dahil masyado siyang seryoso tapos sinabi pa sakin noon na nakakaawa daw ako dahil mamamatay akong walang alam."sambit niya

Naalala ko naman na sinabi rin sakin yon ni Casper noong unang araw ko dito.

"Ano pang sinabi niya sayo?"tanong ko

"Wala na pag kasabi kasi niya noon ay umalis na siya."

Pag kasabi rin niya sakin noon ay umalis na siya. Sinasabi ba niya yon sa lahat ng newbie? Pero bakit naman kaya niya yon sinasabi?

"Ano pang alam mo tungkol sakaniya?"tanong ko

"Hmm bukod sa nakakatakot siya ay wala na akong ibang alam tungkol sakaniya. Nabalitaan ko lang na nandito na siya bago pa mag simula ang patayan dito at mapalitan ang pangalan ng unibersidad na ito."sambit niya

"Ilang taon na simula noong mag simula ang patayan dito?"tanong ko

"Ang pag kakaalam ko ay 8 years na ang nakakalipas simula noong mag simula ang patayan dito at hanggang ngayon hindi parin natitigil."sagot niya

8 years? kung ganon... "Ganon katagal na pala siya dito."sambit ko

"Oo pero ang pinag tataka ko lang ay kung paano siya nabuhay ng ganon katagal dito samantalang ay hindi naman siya nakikipag patayan."sambit niya

"Hindi siya nakikipag patayan?!"

"Yun ang pag kakaalam ko na hindi siya nakikipag patayan di tulad ng ibang studyante dito, pumapatay lang siya kung kinakailangan, siya nga yung matagal na dito na kakaunti palang ang record na napatay."sambit niya

Kaya pala hindi siya kasali sa rank dahil kakaunti palang ang napapatay niya.

"Dave"rinig kong tawag sakaniya ng isang babae kaya sabay kaming napalingon dito." Pinatatawag tayo ng headmistress."sambit nito saka ako tiningnan at nginisian bago umalis. Siya pala si Mica.

"Ah sige ate alis muna ako."pag papaalam niya kaya tumango ako.

Pag kaalis niya ay nag lakad lakad muna ako habang nag iisip kung paano ko sisimulan ang plano ko hanggang sa makita ko si Casper na pumasok sa isang sira sirang classroom.

Sinundan ko siya pero napahinto ako sa pag pasok ng makita ko yong lalaking naka maskara sa loob.

"Sa wakas nag kita rin tayo."sabi ni Casper don sa lalaking naka maskara na kung hindi ako nag kakamali ay siya si Dark na tumulong sakin.

Hindi naman umimik yong lalaking naka maskara.

"Sino ka?"tanong ni Casper.

Nag tago nalang naman muna ako para makinig sa usapan nila pero hindi ko parin naririnig na mag salita yong lalaking naka maskara kaya sumilip ako at don ko nakita na dahan dahan nitong tinatanggal yong maskara niya. Ewan ko ba pero parang kinakabahan ako sa pwede kong makita. Bago paman nito tuluyang matanggal yong maskara niya ay may nag takip na ng mata ko kaya agad akong umikot saka tinutukan ng kutsilyo yong nag takip ng mata ko.

"Nethan" banggit ko sa pangalan nito saka ko nilingon yong lalaking naka maskara na inayos yong maskara niya saka pumunta sa direksyon namin.

"Hindi na kailangan."sambit nito kay Nethan saka tumingin sakin. "I'm glad to see you again my little sis."sambit nito na kinagulat ko.

"K-Kuya"nauutal kong sambit kasabay ng pag patak ng mga luha ko.

-----------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

67.7K 2.6K 40
There is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become...
109K 2.8K 34
Book 2 of Royal Academy Paano kung ang kalaban niyo ay ang mahal mo pala? Ano ang papairalin mo? Ang puso o ang isip? Basahin ang kwento ni Zeinah Kr...
28.1K 1K 24
Meet Ayra Park, isang simpleng babae na gusto lamang maging tahimik ang buong kapaligiran. Ayaw sa maiingay na lugar, bookworm. Isang araw napagpasa...
1.7K 187 31
Ang kwentong ito ay nakabase sa matatag na pagkakaibigan. Ngunit pano kong subukin ng isang huwad ang pagkakaibigan niyo. Ano kaya ang gagawin mo? At...