Someone's POV
Nandito ako ngayon sa isang tagong dormitory kasama ang kaibigan ko.
Pinapanood namin sa laptop ko ang nangyaring gulo kahapon na ako ang may gawa dahil gusto kong mahinto ang labanan. Nag tagumpay naman ako dahil hindi na natuloy pa ang laban.
"Hindi kapaba mag papakita sakanila?"tanong sakin ng kaibigan ko.
"Hindi pa"sagot ko dahil wala pa talaga sa plano ko ang mag pakita kanino man.
"Hanggang kailan ka mag tatago at mag papanggap?"tanong niya.
"Hangga't hindi pa siya lumalantad."sagot ko.
"Wala kabang balak patayin siya?"tanong niya.
"Wala dahil kakampi natin siya. Iisa lang ang kalaban natin at hindi siya yun. Alam ko na malapit na siyang lumantad at ang araw na yun ang kailangan nating pag handaan dahil sa araw na yun paniguradong malaking gulo ang mangyayari."sambit ko
Sisiguraduhin ko na sa araw na yun mananagot ang mga may kasalanan.
-----
Carrie's POV
Simula nanaman ng klase ngayon kaya ito ako ngayon nag lalakad patungo sa classroom.
"Nabalitaan niyo naba?"
"Ang alin?"
"Padating na daw yung asawa ni madame Selena."
Rinig kong usapan ng mga studyante habang nag lalakad ako.
"Sumama ka sakin."
Gulat naman akong napatingin sa likuran ko ng may biglang nag salita, si Cindy lang pala.
Nag lakad nanaman siya kaya sinundan ko siya.
Hindi ko alam kung saan kami patungo pero ang daang tinatahak namin ay papunta sa likuran nitong school.
"San ba tayo pupunta?"tanong ko.
Humarap naman siya sakin saka niya ako nilapitan at tinutukan ng kutsilyo na kina gulat ko.
"Alam mo ba na dito namatay ang kapatid mo?"sambit niya
Dito namatay si kuya? Bakit naman kaya alam niya, di kaya siya talaga ang pumatay kay kuya?
"Akala ko ba hindi mo siya kilala?"sambit ko.
Humalakhak naman siya.
"Naniwala ka naman."sambit niya
"Hindi, hindi naman talaga ako naniwala dahil alam ko na kilala mo talaga siya, sa tono palang ng pananalita mo alam kona na nag sinungaling ka non."sambit ko.
"Kaya ba hindi mo nilayuan si Casper?"sambit niya
Tama siya, kaya nga di ko nilayuan si Casper dahil gusto ko na inisin siya ng sa ganon aminin niya ang totoo.
"Tama ka"sagot ko.
Mas lalo naman niyang nilapit sakin yung kutsilyo. Kunting galaw ko nalang at masasaksak na ako nito.
"Alam mo ba na inutusan kami ni madame Selena na patayin siya dahil sa ginawa niya kay Gerry!"sambit niya
Kaya ba siya nagagalit sakin dahil alam niya na ako yung dahilan kong bakit ginawa yun ni Casper?
"Alam ko na kasalanan ko dahil hindi ko siya nagawang pigilan pero wag kang mag alala dahil kakausapin ko si Gerry."sambit ko dahil alam ko na may gusto talaga sakin si Gerry kaya alam ko na mapapakiusapan ko siya pero alam ko rin na may hihingin siyang kapalit.
Muli naman siyang humalakhak.
"At sa tingin mo ba makikinig siya sayo?"sambit niya.
"Oo"sagot ko.
Umiling iling naman siya.
"Hindi mo pa talaga siya kilala. Wala siyang pinakikinggan maliban sa mama at papa niya. Marahil iniisip mo na pakikinggan ka niya dahil sa gusto ka niya puwes nag kakamali ka dahil hindi ka naman talaga niya gusto. Ang gusto lang niya sayo ay ang katawan mo at kapag nakuha na niya yun, papatayin ka na niya gaya ng ginagawa niya sa mga babae dito."sambit niya
Ang ibig sabihin katawan lang pala ang habol niya sa mga babae at pag katapos niya itong makuha ay papatayin na niya.
"Wala namang masama kung susubukan ko."sambit ko dahil hindi naman ako natatakot kay Gerry.
Umiling iling naman ulit siya.
"Mapapahamak kalang kapag sinubukan mo."sambit niya
"Ano naman sayo ngayon hindi ba't gusto mo nga akong patayin gaya ng ginawa mo kay kuya. "Sambit ko. Hindi naman sa pinag bibintangan ko siya pero parang ganon narin kasi naman kahina-hinala naman talaga siya.
"At ngayon pinag bibintangan mo na ako?"sambit niya
"Bakit hindi? Ikaw ang huli niyang kasama bago siya mamatay atsaka alam mo pa kung saan siya namatay kaya bakit hindi kita pag bibintangan?"sambit ko.
Humalakhak naman siya.
"Dahil wala ka namang ebidensiya."sambit niya.
"Meron"sambit ko saka ko dahang dahang kinuha sa bulsa ko yung mga litrato nila na mag kasama.
Hindi ako masyadong makakilos dahil nakatutok parin yung kutsilyo niya sa leeg ko at kunting kibo ko lang ay paniguradong masasaksak na ako nito.
"Ayan ang ebidensiya."sambit ko saka ko pinakita sakaniya yung mga picture nila. "Alam mo ba na may nakapag sabi sakin na nag karoon daw kayo ng sekretong relasyon ni kuya,totoo ba yun?"tanong ko.
Hindi naman siya umimik kaya tiningnan ko siya sa mga mata.
"Totoo ba yun?"pag ulit ko sa tanong ko.
"Pag sinabi kong hindi, maniniwala kaba?"sambit niya.
"Hindi"sagot ko.
"Yun naman pala, hindi ka naman pala maniniwala kaya bakit nag tatanong kapa?!"sambit niya.
"Dahil gusto kong marinig kung ano ang isasagot mo. Gusto kong malaman kung mag sisinungaling kaba o mag sasabi ng totoo."sambit ko.
"At pano mo naman malalaman kung nag sisinungaling ako o nag sasabi ng totoo?"sambit niya
"Sa pananalita mo. Hindi ka naman magaling mag sinungaling e dahil nahuhuli ka sa salita mo kaya ngayon sabihin mo na sakin ang totoo. "Sambit ko.
Ngumiti naman siya.
"Sige sasabihin ko na sayo ang totoo tutal hindi nanaman mag tatagal ang buhay mo. Nag karoon nga kami ng sekretong relasyon pero hindi ako ang pumatay sakaniya."sambit niya
Mukha namang hindi siya nag sisinungaling kasi kung nag karoon nga sila ng relasyon edi hindi niya ito magagawang patayin pero pwede rin na nakipag relasyon siya para mapatay niya ito,hay ewan.
"Kung hindi ikaw, sino?"tanong ko.
"Hindi ko alam dahil nabalitaan ko nalang na patay na siya."sambit ko.
"Pero may nakapag sabi sakin na ikaw yung huli niyang kasama bago siya mamatay at sinabi mo na dito siya namatay."sambit ko
"Nakasama ko nga siya nung araw na namatay siya pero hindi naman kami mag hapong mag kasama non dahil sekreto nga lang ang relasyon namin kaya hindi pwede na mag kasama kami palagi at tungkol naman sa sinabi ko na dito siya namatay ay dahil dito natagpuan ang bangkay niya."sambit niya
Sa ngayon hindi ko na alam kung nag sasabi ba siya ng totoo o nag sisinungaling pero sa tingin ko alam niya talaga kung sino ang pumatay ayaw lang niyang sabihin sakin.
"Wala kabang kilala na pwedeng gumawa nun sakaniya?"tanong ko dahil gusto ko talagang malaman kung sino ang pumatay sakaniya.
Umiling iling naman siya.
"Pero ang alam ko may gusto siyang pag higantihan at yun ang pumatay sa ama niyo."sambit niya.
"Pinatay si daddy?! Sino ang pumatay sakaniya?"sambit ko
Ang pag kakaalam ko namatay si daddy dahil sa aksidente gaya ng nangyari kay mommy ang hindi ko alam ay pinatay pala siya.
"Makikilala mo rin siya."sambit niya saka niya binaba yung kutsilyo na hawak niya. "Hindi mo ba alam na kaya pumasok ang kuya mo dito ay para maipag higante ang pag kamatay ng ama niyo?"tanong niya.
Umiling iling naman ako dahil ang alam ko lang kaya pumasok dito si kuya ay para alamin kung anong nangyayari at meron dito dahil yun ang sabi niya.
"So hindi mo rin alam na dito pinatay ang ama niyo?"
Muli naman akong umiling.
"Marami kapa palang hindi alam tungkol sa pamilya niyo."sambit niya
Akala ko dati alam ko na lahat ng tungkol sa pamilya ko pero nag kamali ako dahil tama siya marami panga akong hindi alam tungkol sa pamilya ko.
"Tama ka at ikaw mukhang marami kang alam tungkol sa pamilya ko."sambit ko.
Ngumisi naman siya.
"Hindi naman. May ilang mga sinabi lang ang kapatid mo tungkol sainyo na pamilya niya."sambit niya.
"Anong mga sinabi sayo ni kuya?"tanong ko.
"Sinabi niya sakin na bata palang kayo ng mamatay ang mga magulang niyo kaya siya na yung tumayong parang ama't ina mo."sambit niya.
Tama siya bata palang kami nung mamatay si mommy dahil sa aksidente at makalipas ang ilang taon ay si daddy naman yung namatay kaya bata palang ako si kuya na talaga yung nag alaga sakin.
"Alam ba niya kung bakit pinatay si Daddy at sinabi ba niya yun sayo?"tanong ko.
"Nakalimutan mo naba na dating personal assistant ang ama mo ni Mr.Daryl ang dating may ari ng skwelahan na ito?"tanong niya.
Alam ko na ang trabaho ni daddy ay assistant pero hindi ko alam na si Mr.Daryl pala ang amo nito dahil hindi ko naman tinanong sakaniya.
"Alam ko na personal assistant ang trabaho ni daddy pero hindi ko alam na si Mr.Daryl ang amo niya."sambit ko
"Ngayon na alam mo na. Alam mo na din naman siguro na pinatay si Mr.Daryl at dahil nga personal assistant nito ang ama mo ay nadamay siya sa patayang naganap."sambit niya.
Ibig sabihin ang pumatay kay Mr.Daryl ay ang pumatay din kay daddy.
Hindi lang pala yung pumatay kay kuya ang kailangan kung pag higantihan pati pala ang pumatay kay daddy.
May narinig naman kaming kaluskos.
"Kailangan ko ng umalis."pag papaalam niya saka niya binigay sakin yung kutsilyo na hawak niya.
"Anong gagawin ko dito?"tanong ko.
"Gamitin mo kung kinakailangan. Aalis na ako at kapag hindi ako nakabalik pakisabi nalang kay Casper na patawad."sambit niya saka nag madaling umalis.
Hindi ko na siya nagawa pang mapigilan dahil nag madali na siyang umalis.
Bigla naman akong kinabahan dahil sa tingin ko may pinaplano siyang hindi maganda na baka ikapahamak niya kaya kailangan ko siyang pigilan.
-----------------------------------------------------------