DARK HELL UNIVERSITY

By RoseWrites_16

3.9K 74 1

DARK HELL UNIVERSITY The school of Demons. Ang pag pasok sa paaralang ito ay pag papakamatay dahil lahat ng n... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
EPILOGUE

CHAPTER 19

64 1 0
By RoseWrites_16

Carrie's POV

Nandito parin ako ngayon sa labas ng isang classroom, nakikinig sa usapan nila Cindy at Casper.

Mag pinsan nga lang pala sila at hindi mag kapatid. Ang bobo ko talaga para isipin na mag kapatid sila dahil lang sa tinawag ni Cindy na kuya si Casper samantalang ay sinabi nga pala sakin ni Casper na mag pinsan sila. Kaya lang siguro tinawag ni Cindy na kuya si Casper ay dahil mas matanda ito sakaniya at di dahil sa kapatid niya ito.

"Nandito kalang pala, kanina pa kita hinahanap."

Gulat naman akong napatingin sa likuran ng may biglang mag salita at ng makita ko si Nethan ay dali dali ko itong hinila palayo dahil baka makita kami nila Cindy at Casper.

"Bakit ba bigla bigla kanalang sumusulpot?"tanong ko.

"Bakit may problema ba?"tanong din niya.

"Wala naman"sambit ko saka nag palingon lingon dahil baka nasundan kami.

"Sino ba yung sinisilip mo dun sa classroom?"tanong niya.

Tiningnan ko naman siya.

"Ah wala"sagot ko dahil ayaw kong sabihin ang totoo dahil baka isipin niya na chismosa ako kahit totoo naman hehe.

"Ah okay, ito nga pala dinalhan kita ng pang gamot sa sugat mo."sambit niya

Napatingin naman ako sa may balikat ko.

"Ah salamat"pag papasalamat ko.

Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero nag papasalamat ako dahil tinutulungan niya ako pero hindi parin ako dapat mag tiwala dahil malay mo may masama pala siyang balak at ito yung paraan niya para magawa yun.

"Ako nalang ang gagamot."sambit ko pa saka kinuha sakaniya yung dala niya. Nakakahiya naman kase kung siya pa yung pag gagamutin ko e kaya ko naman.

"Kaya mo ba?"tanong niya.

Tumango lang ako saka ko inumpisahan ng linisin yung sugat ko.

"Nga pala, diba alam mo lahat ng tungkol kay Casper?"sambit ko ng maalala ko yung sinabi niya na kilalang kilala niya si Casper at alam niya ang buong pag katao nito.

Tumango tango naman siya.

"Pwede ko bang malaman lahat ng alam mo tungkol sakaniya."sambit ko dahil gusto ko talagang malaman kung sino ba talaga si Casper kaya naisipan kong mag tanong sakaniya.

"Mukhang interesado ka yata sakaniya?"sambit niya

"Hindi naman"sagot ko kahit ang totoo ay parang ganon nanga dahil gusto ko talaga itong mas makilala pa ng sa ganon malaman ko rin kung masama ba ito o mabuti.

"Nakakapag selos naman dahil mas interesado kapa sakaniya kaysa sakin."mahinang sambit niya dahilan para hindi ko masyadong maintindihan.

"Anong sabi mo?"tanong ko.

"Ah, ang sabi ko kailangan ko na palang umalis."sambit niya pero sa tingin ko hindi talaga yun ang sinabi niya.

Hindi nanaman ako nakapag salita pa dahil umalis na siya. Sa tingin ko ayaw lang niyang pag usapan si Casper pero bakit kaya? Siguro dahil may alitan silang dalawa. Hayst bakit pa kase ako nag tanong sakaniya.

Pinasawalang bahala ko nalang ang mga iniisip ko at pinag patuloy nalang ang pag gamot sa sugat ko at ng matapos na ako ay umalis na ako.

"Carrie" napalingon naman ako sa likuran ko ng may tumawag sa pangalan ko.

"Bakit?"tanong ko kay Gerry.

"Ayos kalang ba? Nag alala ako ng mabalitaan ko yung nangyaring pag papasabog kanina."sambit niya

"Okay lang ako."sambit ko.

"Wala kasi ako kanina dahil may inutos sakin si mama."sambit niya

"Okay lang naman ako, Wala namang masamang nangyari sakin kaya wag kanang mag alala."sambit ko

"Mabuti naman dahil kung may masamang nangyari sayo. Mananagot talaga sakin ang dark na yun."sambit niya

Hindi naman ako kinikilig sa mga sinasabi niya siguro dahil hindi ko naman siya gusto o baka manhid lang talaga ako kaya wala akong nararamdaman.

"Aalis na ako."pag papaalam ko.

"Sandali lang, baka nakakalimutan mo yung napag kasunduan natin."sambit niya

"Hindi naman ako madaling makalimot."

"Mabuti naman dahil ngayon na napatunayan ko na sayo na totoo ang sinabi ko ay akin kana."sambit niya

Sa totoo lang ayaw ko talaga sakaniya pero wala na akong magagawa dahil kailangan kong tumupad sa napag kasunduan namin dahil kailangan ko pa siya. Siya lang kase yung alam ko na makakatulong sakin para malaman kung sino ba talaga ang pumatay kay kuya.

"Okay sayong sayo na ako pero hindi ang puso ko lalo na ang katawan ko. Sayo lang ako sa salita."sambit ko

Tumawa naman siya.

"At sa tingin mo ba papayag ako na sa salita kalang maging akin?"sambit niya saka niya hinapit yung baywang ko.

"Bitawan mo nga ako."sambit ko saka nag pumiglas sa pag kakahawak niya.

"Hindi! Hindi ako makakapayag na sa salita kalang magiging akin dahil ang gusto ko maging akin lahat ng sayo.Ang puso mo lalo na ang katawan mo at walang makakapigil sa gusto ko."sambit niya at akmang hahalikan na sana ako pero biglang may nag salita.

"Bitawan mo siya!"sambit ni Casper

"At sino ka naman para mangialam?!"sambit ni Gerry

"Alam mo ba na ang ayaw ko sa lahat ay yung may binabastos na babae."sambit ni Casper

"Ano naman sakin ngayon. She's mine kaya pwede kong gawin kung ano yung gusto kong gawin sakaniya kaya pwede ba wag kang mangialam kung ayaw mo pang mamatay."sambit ni Gerry

"Mangingialam ako kung gusto ko at walang makakapigil roon."sambit ni Casper saka ako hinila na kinadaing ko dahil masakit pa yung balikat ko.

"Ang lakas naman ng loob mo.Alam mo pinag bigyan lang kita noon dahil nakiusap sakin si Casey pero ngayon hindi na kita pag bibigyan pa." Sambit ni Gerry saka siya nag labas ng kutsilyo pero bago paman niya maisaksak yung kutsilyo kay Casper ay sinipa na siya nito na kinatalsik niya.

Binitawan naman ako ni Casper saka niya nilapitan si Gerry.

"Ahhh!"daing ni Gerry ng apakan ni Casper yung kamay niya. Kukunin na sana kasi niya yung kutsilyo na tumalsik kaya siya inapakan ni Casper.

Ngayon ko lang nakitang magalit si Casper at masasabi kong nakakatakot siyang magalit.

"Alam mo ba na sa ginagawa mo pwede kang maparusahan ng kamatayan. Wala ka sa posisyon para gawin sakin ito kaya nasisiguro ko na mapaparusahan ka!"sambit ni Gerry.

Mas lalo namang diniinan ni Casper yung pag kakaapak niya sa kamay ni Gerry.

"Hindi ako natatakot."sambit ni Casper saka siya umupo at tinitigan si Gerry.

"DD-ark"sambit ni Gerry.

Nginisian lang naman siya ni Casper.

"Imposible! Hindi ikaw si Dark." Sambit ni Gerry

Hindi naman talaga si Casper si Dark dahil nakita ko na si Dark at kahit naka maskara ito nakakasiguro ako na hindi siya yun.

"Umalis kana."sambit ni Casper saka siya tumayo.

"Hindi naman ikaw si Dark, diba?"sambit ni Gerry saka tumayo.

Tumawa naman si Gerry ng hindi umimik si Casper.

"Bakit panga ba ako nag tanong e alam ko naman na hindi ikaw si Dark dahil kilala ko si Dark hindi siya nakikihalubilo sa mga tao dahil mataas ang tingin niya sa sarili niya palibhasa anak siya ng isa sa pinaka mayaman dito at wala rin siyang pakialam sa iba dahil sarili lang niya ang iniisip niya kaya nakakasiguro ako na hindi ikaw yun."sambit ni Gerry.

Now i know na si Dark nga yung anak na lalaki nung dating amo ni Daddy. Nakalimutan ko kasi name niya dahil ilan taon narin naman ang nakalipas saka di ko naman siya naging close pero kahit ganon natatandaan ko pa naman yung ugali niya. Masungit siya saka suplado at hindi nga siya mahilig makihalubilo sa iba dahil mataas ang tingin niya sa sarili niya at parang wala din siyang pakialam sa mundo. Mag kaibang mag kaiba sila ng kapatid niya dahil ang kapatid niya ay mahilig makihalubilo sa iba pero nilalayuan ito ng ibang mga bata dahil sa mayaman sila kaya nga ako lang yung naging kaibigan niya.

"Umalis kana."sambit ni Casper ng makitang hindi pa umaalis si Gerry.

Tumawa nanaman si Gerry.

"Pinapaalis mo ako? Alam mo ba na kapag nalaman ni mama ang ginawa mo sakin paniguradong ipapapatay ka niya."sambit ni Gerry.

"I know pero wala akong pakialam kaya umalis kana."sambit ni Casper

"Haha at sino ka naman para sundin ko? Wala ka naman sa posisyon para utusan ako kaya hindi ako aalis dito."sambit ni Gerry.

"Edi wag kung ayaw mo, kami nalang ang aalis."sambit ni Casper saka niya ako hinila.

"Wala kang karapatang hawa----"naputol ang sasabihin ni Gerry ng mag pakawala si Casper ng kutsilyo na tumama sa mukha niya.

"Ahhh! Mag babayad ka sa ginawa mo kaya ngayon palang sinasabi ko sayo na mag tago kana."sambit ni Gerry

Hindi nanaman siya pinansin pa ni Casper samantalang ay hinila na ako nito palayo.

"Bakit mo ginawa yun?"tanong ko ng makalayo kami.

Malaking tao ang binangga niya dahil hindi lang ito basta kasali sa rank,anak ito ng head kaya paniguradong mapapahamak siya sa ginawa niya.

"Nandito na tayo sa room mo. Sa susunod mag iingat ka sa mga taong nilalapitan mo."sambit niya saka ako binitawan.

"Anak ng head si Gerry atsaka kasali siya sa rank kaya bakit ginawa mo yun?"sambit ko

"Alam ko kung anong ginagawa ko kaya wag kang mag alala dahil kaya ko ang sarili ko."sambit niya

Hindi maalis sakin na hindi mag alala lalo nat alam ko na ginawa niya yun dahil sakin. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang may mapahamak ng dahil sakin.

"Kailangan ko ng umalis."pag papaalam niya saka umalis na.

Hindi ko nanaman pa siya nagawa pang pigilan dahil nag madali na siyang umalis.

Sana lang walang masamang mangyari sakaniya.

-----------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

116K 4K 45
⚜️The Gangster's Princess BOOK 2⚜️ DATE STARTED: February 22, 2020 DATE ENDED: April 19, 2020 Panibagong hamon, panibagong pagsubok. Mga hindi pa nat...
16.7K 978 115
Anong feeling ng may kaibigan? Anong feeling maging famous at maganda? At anong pakiramdam kapag may manliligaw? Mga tanong na nasa kaisipan ko dahil...
29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.