Vanilla Sky (Lesbian Love Sto...

By dark19

32.2K 3.4K 657

(CallenxDaphne's love story) Lesbian love Story More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
22
23
24
25

21

674 90 10
By dark19

Callen's POV

"No one is allowed in Garden." saad ni Dada habang nandito kami sa bahay nina Tita Carol. Hawak nya yung susi nito. Nandito din yung gatekeeper na si Ate Chloe.

"Wala kang papasukin na kahit na sino at kapag may umalma sa mga yan pilayan mo." firm na utos ni Dada at parang pretaining lang sa akin yung order.

"No problem boss..." saad ni Ate Chloe ng iabot sa kanya yung susi.

"Kapag sinuway nyo ko this time....huwag na tayong mag usap usap na." plain na sabi ni Dada.

Papasok na si Daphne sa facility ng Garden. Lahat ay magbabago na. Sigurado ako doon.

Si Riyon ay tahimik na nakaupo sa tabi ng Dada nya. Malalim ang iniisip nito.

"Kaunting tulong lang ito kay Daphne guys.... mga ilang panahon na lang maiaayos din natin ito in a legal way." saad ni Dada.

"Walang gagawa ng kahit na anong under the table unless we say so...." saad ni Dada. "And Callen stick to my rules."

Napabuga ako ng hininga ko ng makalabas ako ng bahay nila Riyon at naglakad dito sa garden nila.

Ilang ring palang ay sinagot na nya yung tawag ko kaya napangiti ako.

"Kumain ka na?" bungad kong tanong.

"Opo...kasabay ko si Mommy mo." parang nahihiya nyang tugon sakin kaya napangiti ako.

"You should practice yourself to call her 'Mom'....hindi naman bawal." Masayang saad ko.

"Nakakahiya...." pag aamin nya. Sobrang gustong gusto kaya sya ni Mommy para sakin.

"Kailangan fair, Nanay tawag ko sa Mama mo dapat ganun ka din sa Mommy ko." offer ko.

"Masasampal kita nakakahiya nga..." paahinang saad nya kaya natawa ako.

"Sobrang namimiss na kita..." anas ko at sa totoo lang para na kong pinapatay sa kalooban ko sa pagpipigil na makita sya. Hindi pa kase pwede....

"Roi....." tawag nya sa pangalan ko at ewan bakit parang sundalo akong nag aabang at ang buong atensyon ng tenga ko ay nasa cellphone ko dahil ayokong maka-miss ng kahit na anong salita na galing sa kanya.

"Uwi na please...." saad nya at doon parang lumukso ang puso ko sa saya. She want to see me.

"Luv, Can you wait for me until tomorrow evening?" lambing kong pakiusap sa kanya. Kung pwede lang talaga na makaalis ako ngayon pero sigurado garote ang aabutin ko kay Dada at kay Tita Hunter dahil meeting namin ngayon.

"Promise?" nararamdaman ko naiiyak na 'to kaya nakagat ko yung ilalim na labi ko. Kahinaan ko ito eh!

"Promise. Uuwi ako bukas sayo." saad ko.

....
Throwback....

My heart beating so fast! Act cool Callen!

Interview lang 'to! Hindi ko maintindihan bakit natatakot ako sa interview ba na 'to o sa presensya nya. Napakalapit na nya sakin! Bakit kase hindi ako aware na dito pala sya nilipat ni Mommy. Akala ko ay nasa main na sya kaya di ako gaanong nagpupunta doon!

Good heaven! She's damn beautiful! Lalo na kapag ganito sya kalapit! Feeling ko ang manyak ko dahil pasimple kong sinusundan yung amoy nya. A mild  rose scent...

Lihim akong napapangiti dahil ang cute nyang mapikon! Totoo naman lahat ng background na binigay ko sa kanya maliban sa kulang yung name ko na binigay ko sa kanya.

At ang nagpautas sakin?

What the hell! Binagsak nya ko sa interview! Nagtext ako sa HR Manager ng main namin sa Manila na mag uundergo ako ng interview kuno sa mga manager dito sa Cebu! Kamote! Resume? Binagsak nya ko dahil wala akong resume. Ang higpit higpit naman nya!

Kaya habang nandito kami sa office ng General manager ng branch na 'to at pinapagawa ko sya ng resume ko para maipakita kay Miss Gregorio. Nakaupo ako sa swivel chair ng GM at nakatingin sa magandang tanawin sa labas ng salaming bintana nitong office nya.

"Over qualified ka kapag nilagay lahat ng educational at training backgroud mo dito Cal," saad nya. "Tapos encoder yung inaapplyan mo."

"Para mangilabot naman sya bakit nya ko binagsak sa interview." muryot ko. Napatawa sya. Friend sya ni Mommy kaya sanay na sya sakin.

"Masasampal ka talaga ng Mommy mo kapag nalaman nyang si Daphne talaga yung tinitrip mo ngayon dito." saad nya at paglingon ko sa kanya ay naiiling sya habang busy pa din sa pag gawa ng resume ko.

"Di ko sya tinitrip noh.... wala lang talaga akong lakas ng loob magpakilala..." pag aamin ko. "Wala kang pagsasabihan nito."

Napahinto sya at napatingin sakin na para bang inaaral nya yung reaksyon ko.

"Gosh! You like her?" natatawang saad nya. Napalunok ako at napatayo. Maalaska ako nina Kaia kapag nalaman nila ito.

"The hell! Don't you ever dare to...." banta ko

"Yeah! ofcourse! Gusto ko din na magtino ka noh! Kawawa si Roian sayo." simangot nya at pagkaprint ng resume ko ay iniabot nya sa akin iyon. Sinunod nyang lahat ng ibig ko na ilagay sa resume na 'to.

...

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng kakapalan ng mukha para makalapit at tuluyang makapasok sa buhay nya. Kapag nalaman nya yung ginawa kong pagkukubli sa kaibigan ko malamang kasuklaman nya ko sagad sa langit.

Itatama ko ang lahat..... gagawin ko ang lahat para maitama iyon.

"Please huwag po kayong magpanic..." natatarantang bulong ko at awat ko sa mga magulang nya nang unang beses akong tumuntong sa bahay nila. Sobra hilakbot nila dahil kung masigawan ako ng anak nila. Sinabi ko sa kanila na hayaan si Daph na ganun sa akin dahil gusto ko syang maging komportable kapag malapit ako sa kanya.

"Jusko baka makagalitan kami ng mga magulang mo.... hindi mo kailangan gawin ito hija..." parang naiiyak sa takot yung Mama nya. Hinawakan ko yung magkabilang kamay nya at marahang pinisil iyon. Napangiti ako sa kanya.

"Ayos lang po talaga. Magpapakilala din po ako sa kanya." saad ko sa kanila. "Ayoko lang po na mailang sya sakin."

Hindi ko din maintindihan yung sarili ko bakit nagkakaganito ako sa kanya na sukdulan pati yung mga magulang nya ay dinamay ko sa kahibangan ko na 'to!

Binibili ko lahat ng paninda nila dahil ramdam ko na naaawa sya sa mga magulang nya regarding sa gastusin at yung mga kaibigan ko ay pinagawa ko ng dummy account para manuod ng online selling namin sa paninda ng Mama nya.

Tawang tawa ako deep inside habang pinapanuod ko sina Kaia na nag uubos ng chocolate na paninda ng Mama ni Daphne.

"Malalasing ako kapag ganito... wine at chocolate..." anas ni Ishan.

"Nanakit na yung ngipin ko..." mahinang reklamo ni Kaia. "Masasakal na ko ng dentist ko..."

"Gusto ba ito ng Mama nya?" tanong ni Riyon habang nakatitig sa chocolate na hawak nya.

Nakatingin lang ako sa kanya and I know that look, gusto din nya makabawi kay Daph. Iniisip ko palang na lalapit sya kay Daph ay ginagapangan na ko ng selos. Madami nagkakagusto dito eh.

"Parang..." saad ni Ishan. "Ang sarap ng pagkakagawa eh"

"You will do nothing Riyon.... hindi tatanggapin ni Daph kung sakaling bibigyan mo ng negosyo yung nanay nya." saad ko. Ayoko basta. I can give them what they needed.

Seryosong nakatitig sya sakin.

"You should relax Riyon.... leave everything to Callen. Hayaan mo magka lovelife itong isa sa paraan nya..." natatawang saad ni Kaia.

Ayokong magkaconflict kami ni Riyon.

...
"Huwag mong kusutin ng mga kamay mo yang mga mata mo..." pagalit ni Kaia kay Daphne. Pilit nyang inaabutan ng panyo kay Daph. Kay Kaia ko sya pinababantayan ngayon maghapon at kakadating ko lang galing Manila.

"Napaka OA Kaia!" saad ni Daph ng maabot nya yung panyo ng pinsan ko at iyon nga ay ginamit nya sa gilid ng mga mata nya. "Kaia ang kati talaga..."

Napangiti ako dahil ang cute ng pagkakareklamo nya sa pinsan ko. Sya lang ang nakakaganyan sa maselan na pinsan ko.

Napabuntong hininga si Kaia marahil sa stress sa pagkusot nito sa mga mata nya.

"Napansin ko hindi ka sumasama sa mga gala ng ilang staff dito kapag kumakain sila sa labas..." panimula ni Kaia. Nandito sila sa lobby ng hotel dahil nagpapasama sa kanya yung pinsan ko para antayin si Ishan na dala yung mga set ng wine na pinakuha nya galing pang Manila. Nakaupo ako sa isang may kalakihang egg chair na nakatalikod sa kanila.

"Hindi ako pwedeng gabihin... saka hindi ako palakaibigan na tao..." sagot ni Daph.

Doon ako nanlumo. Alam ko bakit ang layo ng loob nya sa lahat maliban sa pamilya nya.  Kung sana hindi nangyare iyon sa kanya ay marahil iba yung buhay nya. Hindi nya nililimitahan ang sarili nya na makipagkilala sa ibang tao at maranasan yung mamasyal kasama yung mga magiging kaibigan sana nya.

"Pwede ba yun? Ako, pwede mo kong maging bestfriend. You can trust me. Stick ako sa mga promise ko." masayang alok ng pinsan ko na kinangiti ko. Totoo yun. Sa aming lahat si Kaia yung kahit imposible na eh gumagawa sya ng paraan para sa amin.

"Nakakahiya..." saad ni Daph.

"Mahiya ka man wala na... nasabi ko na kina Dada na ipapakilala na kita bilang bestfriend ko...tingnan mo natext ko na sa kanya!" natatawang saad ni Kaia.

"Sira ul---- Kaia parang tanga!"

...
Nagpanic akong napasugod sa hospital. Iyak ng iyak yung Mama nya nung tumawag sakin.

"A-ano pong nangyare?" kabadong tanong ko. Nalingat lang ako bakit ganito?

"I-inatake na naman sya ng anxiety at depression nya, Callen." sumbong ng nanay nya habang umiiyak. Yung tatay nya parang pabigay na at duguan yung tshirt nito marahil sa pagbuhat kay Daph.

B-bakit sya nag attempt na naman? Kapag ganito sya mas doble yung pag guho ng tapang ko sa loob. Lalo akong kinakain ng konsensya. Hanggat hindi nakakamit ng katarungan si Daph ay hindi sya makakawala sa multong dinanas nya.

Biglang may pumasok sa isip ko.

S-sa hotel...

Hinugot ko yung phone ko.

"P-pareview ng cctv sa lahat ng dinaanan ni Ms. Gregorio.... I need the copy within an hour..." utos ko sa secretary ko.

Wala pang isang oras ay naipadala na sa akin yung clip na dinaanan ni Daphne. Tama ang hinala ko.

Patay ka sakin.

Sinugurado ko munang okay na si Daph bago ako umalis. Hindi na ko nagpakita sa kanya dahil alam kong maiilang sya sakin kapag nalaman ko na ganito yung ginawa nya.

Nagtext sakin si Kaia na nakuha na nya.

Pagdating ko sa isang warehouse at medyo may kalayuan ito sa city.

Si Kaycee. Kaibigan sya ni Axcel.

Putok na yung gilid ng noo nito pero di nya iniinda. Si Kaia naman ay walang buhay na nakatingin dito. May sugat din ito malapit sa kilay nya.

Kinuha ko yung baseball bat na hawak ni Kaia. Yung galit ko na sobrang naiipon na sa loob ko ay umaakyat na sa ulo ko.

Walang sali-salita ay pinaulanan ko sya ng hataw ng baseball bat kung san man sya tamaan! Pinansasalag nya yung mga braso nya para protektahan yung ulo nya at napapaigtad na sya sa sakit! Kulang 'to sa lahat ng pinag gagawa nila kay Daph! Pinaglalaruan nila yung tao na wala namang kasalanan sa kanila! Nang halos mawalan sya ng ulirat at panay daing na nya para sa braso nya na talagang pinanggigilan ko ay saka ko lang sya tinantanan.

Habol hininga sya habang iniinda ang lahat ng pinaulan kong hataw sa kanya. Tumawa sya ng malakas at panay mura.

"Sinong sumira ng buhay nya Callen?"  matapang na tanong sa akin at napapangiwi sya sa kirot ng mga braso nya.

Napahigpit yung pagkakawak ko sa baseball bat sa kamay ko.

"After me, who?" nakakalokong tanong nya at tumingi n kay Kaia na tahimik na nakikinig pero halata sa mga mata nya yung galit.

Sobra ang takot ko. B-baka sila ni Riyon ang magpatayan.

"It's......grey eyed monster." ngisi nya kay Kaia.

Dahil doon parang binuhusan ako ng malamig na tubig mula sa bunbunan ko.

The next thing I knew.... wala na itong malay sa harap ko dahil hinataw na sya sa ulo ni Kaia na galit na galit. Nabitawan ko yung baseball bat na dahilan ng pag alingawngaw ng pagbagsak nito sa sahig. Pinadampot ito ni Kaia sa mga tao nya at pinahahatid sa police station.

Pinagtutulak na ko ni Kaia sa galit. Kami na lang ang nandito.

"Did you fucking touch her?!!! Tang ina mo Callen!" panay ang tulak nya sakin dahil sa galit.

"It's fucking two years! Hindi kayo naawa sa tao!" galit na galit nyang sigaw

Hindi ako makasagot. Naghahalo halo na sa isip ko lahat.

"Mapatunayan ko lang na totoo lahat ng sinabi nya na kayo ni Riyon ang dahilan ng nangyare kay Daphne.... putol na ang ugnayan natin at wala kayong karapatan na gamitin na yung tradisyon natin na pulang rosas kase hindi nyo deserved. I will send white roses to Riyon for declaring war against to their family for doing this to Daphne." malamig nyang saad bago umalis sa harap ko. Sinundan ko sya. Target nya si Riyon. Masisira yung compact ng mga pamilya namin sa Garden! Hindi pwede!

Nagpang abot si Riyon at Kaia sa kanto malapit sa resthouse ng mga Ricafort. Magpapatayan sila kaya panay ang awat ko. Sa kalagitnaan ng tensyon naming tatlo....

"Ako! Ako lang! Walang kinalaman si Callen dito....." pag aamin ni Riyon na syang kinahinto na namin lalo na ni Kaia.

"Inaako ni Callen lahat ng nangyare two years ago....wala syang kasalanan......" umiiyak na pag aamin nya.

Doon ko napansin yung benda sa pulsuhan ni Riyon..... P-pinapatay din nya ang sarili nya....

(End of Throwback )

"You are planning to marry her?" nakangiting tanong sa akin ni Dada na nakasunod na pala sa akin dito at mukhang pinapakinggan nya kami mula pa kanina.

Napangiti ako sa kanya.

"Opo...." nahihiyang pag aamin ko.

"You can do it pero dapat kapag natanggap na nya ang lahat lahat sayo." makahulugang saad ni Dada. "Maging yung parte ng pagkatao mo."

Alam ko ang tinutukoy nya.

Hindi matatanggap ni Daph iyon kaya malabong pakasalan nya ko.

"Matatanggap nya...soon na makapasok na sya sa Garden at naintindihan na nya lahat matatanggap na nya yung alok mong kasal sa kanya." dugtong ni Dada.

Gusto kong umasa. Pero walang pag asa na matatanggap nya.

Daphne's POV

Hindi ko alam bakit pumayag si Ma'am Roian na mag usap kami ni Axcel lalo na dito sa garden ng bahay nila.

Naalala ko yung sinabi sa akin ni Ma'am Cyrll kapag nakahar ko na sila.

"Sinong gumawa nito sakin? " lakas lakasang tanong ko kay Axcel.

"Callen.... Callen Roi Altamirano."

At parang bombang sumabog iyon sa buong pagkatao ko. Napakasakit! Gumuguhit yung sakit sa kaibuturan ko. B-bakit nya nagawa ang lahat ng 'to sa akin? Anong kasalanan ko bakit pinaglaruan nya ko ng ganito!

Bakit sa ganitong paraan nya ko pinaglaruan??!!

Nagbu blurred na yung mga paningin ko dahil sa mga luha ko na ayaw mapatid patid sa mga mata ko.
Bakit ganito kasakit mahalin ka Roi?

Why Roi?

.................

Feedback guys para ganahan mag ud hahahahaha.

Malapit ng matapos ito di ko na pahahabain pa yung story nina Callen at Daphne.

Vote and Comment

Thank you for reading

~dark19



........

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 318K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
318K 9K 36
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...