THEY BETRAYED ME(Freenbecky)...

By mileapobby

19.2K 963 35

𝐠𝐞𝐧𝐫𝐞: romance "b-Bakit?" Utal Kung tanong sa babaeng harapan ko ngayon na hubad Ang katawan nasa likod... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40:The end has come

Chapter 38

393 16 0
By mileapobby

Third person's POV

Sa Cavenwell Hidden Grace, Isang kweba Kung saan namalagi Ang mga taong naliligaw sa pusod Ng kagubatan.

Ang kweba Kung saan unang namalagi Ang mga dating pinuno ng isla Verde de Espisee.

Dahil sa kasaganahan Ng isla pagdating sa mga pampalasa,dinarayo Ito Ng mga taong galing sa ibat-ibang bansa.

Kaya't nang maubos iyon ay nanahimik na Ang Isla at nakalimutan na ang kasaganahang dulot nito sa mga Tao sa makalipas na Isang daang taon.

Ngunit naging pabor Ito sa mga ninuno ng cavenwell sapagkat nagkaroon sila ng panahon para gawing muling masagana Ang Isla at magkaroon ng mas ligtas na lugar sa tulong ng pamilya Caiben.

Ang huling mga  tagapangalaga Ng isla.

Sa nagdaang mga taon na di dinarayo Ang isla, Ang pamiya Caiben ay nagdesisyong maglakbay patungo sa isla ng di alam Kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanila.

Si Dionysuis Caiben Sr. Ay isang inhinyero, ang asawang  Naman nitong si Prensiya  Isabela Vena Caiben ay isang arkitekto na kapwa galing sa Espanya.

At Ang kaisa-isa nitong anak na si Prendius belo Caiben ay isa ring inhinyero.

Nang makarating sila ay laking gulat nila na may mga tao pa rin ang naninirahan sa Isla at masagana na Ang mga pananim rito, sagana sa gulay at prutas at masaya Ang lahat Ng mga Tao.

Naging parte sila ng isla dahil sa mga kontribusyong naibahagi nila sa pagpapaganda Ng isla at pamamalagi nila roon ng mahabang panahon. Doon na rin nakatagpo ng isang magandang asawa Ang kaisa-isang anak.

Si Devina lenayen, Ang kaisa-isang anak ng pinuno ng isla.

Nanatili sila roon, ngunit mas pinili si Prendius na manatili sila sa Isang tagong kweba na kanilang nakita dulot ng matinding koryusidad.

Napakaganda ng kwebang iyon kaya't mas pinaganda pa nila Ito gamit Ang kanilang mga nalalaman bilang pamilya ng mga arkitekto at inhinyero.

Nagsilbi itong tagong lugar na tinawag na Cavenwell hidden grace, na sa pusod Ng kagubatan mismo matatagpuan.

Nang maglaon ay ipinamana na sakanila Ang Isla at nangakong pangangalagaan iyon.

Natupad Naman Ang kanilang pangako.

Lumago lalo Ang kasaganahan at mas naging masaya Ang pamumuhay Ng bawat isa.

Ngunit nagkasakit si Dionysuis at di nagtagal ay namatay Rin ito. Dahil Doon ay naipinasa niya Ang responsibilidad sa kanyang kaisa-isang anak.

Sa parehong buwan ay nagsilang ng Isang anak na lalaki Ang babaeng napiling mapangasawa Ng kaniyang anak.

Si Devon belosuis Caiben.

Si vena Naman ay lubhang nasiyahan sapagkat sa pamamagitan Ng Bata ay maiibsan nito Ang pagugulila sa kanyang namayapang asawa.

Naging payapa Ang kanilang pamumuhay ngunit pinili nilang sa pusod na Ng kagubatan sila manirahan.

Ang ibang mamamayan ay sumama sa kanila at ang iba Naman ay nanatili sa ibabang bahagi Ng isla dahil malapit roon ang kanilang kabuhayan.

Tanging Ang mga nakatatandang mamamayan lamang Ang nakakaalam nito.

Bukangbibig Rin iyon sa mga maliliit na Bata at ginagawang panakot para Hindi sila mag-atubiling Pumunta sa pusod ng kagubatan.

May mga bali-balita Rin Kasi na Ang mga taong naliligaw roon ay Hindi na nakakabalik pa dahil Hindi Ito pinapayagan Ng mga pinuno na umalis pa sa lugar na iyon para mapanatili itong tago.

Marami Ang mga nababahala sapagkat ang kadalasang nawawala Ang mga Bata. Ngunit napawi Ang kanilang takot Ng may mayamang pamilya ang bumili Ng isla.Cont 38

Ang mga trevillion.

Subalit nagalit Ang ibang mamamayan sapagkat Wala na itong matitirhan at maaari silang mapaalis sa Isla.

"Huwag kayong mag-alala, Hindi kayo mawawalan Ng tirahan! Bagkus ay mananatili kayo rito at gagawa Ng mga bagay na maaaring makapagpasaya sa inyo, mAgkakaroon Rin kayo ng pagkakataong makapag-aral dahil sa itatayong paaralan at iba pang imprastraktura"

The got decieved by his words.

Laking pasasalamat Ng mga mamamayan sa mayamang pamilya, ngunit Ng malaman iyon ng mga tagacaven. Hindi sila natutuwa sapagkat maaapektohan Ng mga ipapatayong imprastraktura Ang kanilang kabuhayan.

Marami Ang mapuputol na puno at maaaring may makadiskobre ng tagong kweba na kanilang pinakaiingat-ingatan.

"Pinuno! Kailangan nating Pigilan Ang pagpapatayo Ng imprastraktura" Saad Ng isa sa mga tagamanman

Sa kabilang Banda Naman ay may isang batang lalaki rin na anak Ang mayamang pamilya.

Si Dion.

Isang Bata at mahilig makinig sa usapan Ng may usapan, Na maging Ang misteryosong lugar sa pusod Ng kagubatan ay nalaman nito.

Kaya't dahil sa kanyang kuryosidad ay pinuntahan niya ang lihim na lugar sa pusod Ng kagubatan.

Inabot Ito Ng Isang Gabi at mukhang naliligaw na, nagpahinga Ito sandali sa Isang malaking puno. Dala na Rin Ng gutom at pagod ay nakatulog Ito.

"Anong ginagawa mo rito?" Bungad ni Devon Sa batang dayo na namumutla na.

Akala nito ay naliligaw Ito Kaya Naman dinala nito ito sa kanilang tahanan. Alam niyang Hindi maaari Ang kanyang ginagawa dahil baka ikapahamak Ito Ng secretong kweba. Ngunit dahil sa awa ay sinuway Niya Ang habilin ng kanyang ina't ama.

Di Naman nakapagsalita si Dion Kaya napabuntong hininga si Devon at kumuha muna Ng tubig at makakain.

Labis namang namangha si Dion sa kweba Kaya naglibot-libot ito, habang kumukuha Ng makakain niya si Devon.

Nakarating Ito sa Isang pintuan sumilip it at nakita niya Ang Isang balot na balot Ng kulay itim na kasuotan ang Isang lalaki base sa kaniyang tindig at Ang Isa pang lalaki na may katandaan na.

"Kailangan nating Pigilan Ang pagpaptayo Ng mga imprastraktura pinuno"Sabi ng may kulay itim na kasuotan.

"Tama ka, Ngunit Hindi Tayo maaaring gumamit Ng dahas" Sabi Ng lalaking may katandaan na.

"Bakit di muna natin sila kausapin?"

"Tama ka, sige maaari kanang umalis at Alam mo na Ang gagawin"

Nang marinig iyon ni Dion ay tumakbo Ito at nagkonwaring Walang narinig. Nakita pa siya Ng tagamanman at Binigyan Ng nagtatakhang tingin, dahil may pagkahawig Ito sa anak Ng kanyang pinuno ngunit nakasisiguro itong Hindi Ito ganon makitungo sa kanya.

'baka namn Wala Lang sa katinuan?' tanong nito sa kanyang isipan.

Ngunit napawi Ang kanyang pagtataka ng maalalang may gagawin pa pala ito.

Nang makarating Naman SA tinutuluyan Ng mga trevillion Ang tagamanman, agad niya itong nabungaran na aligaga sa paghahanap sa kanilang nawawalang anak.

"Hanapin niyo si Dion" sigaw ng lalaki na inaakala nitong si—

"At ikaw?!! Sino ka? Bakit ganiyan Ang suot mo? Ikaw ba? Ikaw ba Ang dumukot sa aking anak?" Hinablot siya nito at kwenelyohan kasabay Ng kanyang pambibintang.

Dahil sa kanyang kasuotan ay pinagsuspetsahan pa siya ng ama ni Dion.

"Ano Ang iyong sinasabi? Naparito ako para sabihin na iniimbitahan ka Ng aking pinuno dahil kailangan ka niyang makausap dahil sa mahalagang bagay"

"Hindi mo ba nakikita? Nawawala Ang aking anak tapos didisturbohin mo ako para lamang sa Walang kwentang bagay?" Inis na binaba nito Ang damit ng tagamanman at nandidilim Ang kanyang paningin ng ibaling sa in and direksyon.

"Hindi Ito Walang kwenta at saka baka Makita mo Ang iyong anak sa daan" suhestiyon ng tagamanman kaya't mas lalong lumakas Ang look Ng lalaki na hawak Ng pinuno nito Ang kanyang anak.

"Sige sasama ako! Pero kapag napag-alaman Kung kayo ang salarin sa pagkawala Ng aking anak, pasensyahan nalang Tayo" seryosong wika nito

Bigla namang kinabahan Ang tagamanman sa bantang Ito pero ipinagbahala Niya Ito at nagpatuloy.

"Ito ay nasa pusod Ng kagubatan kaya't kailangan mo Ng maghanda dahil sasama ka na sa akin ngayon, maaari Kang magdala Ng ilang tauhan para sa iyon proteksiyon o dahil sa iyong pagdududa" Saad Ng tagabantay

Sandaling nakalimutan Ng lalaki Ang kanyang nawawalang anak at agad na sumama sa tagamanman kasama Ang ilan sa mga tauhan.

"Bakit ka naparito? Hindi mo ba alam na napakadelikadong magpunta sa kagubatan ng mag-isa?" Tanong ng batang si devon, Hindi Naman nakasagot si dion at Walang paalam na kinain ang pagkaing inihain sa kanya.

"Devon" nagitla sila sa napakalalim na boses  na iyon. Ng lingunin nila Ito ay namutla Ang batang si dion.

"Sino Ang batang kasama mo?" Galit na wika nito dahilan para manginig ni Dion sa kinauupuan nito.

'sana di nalang ako umalis' isip-isip Ng Bata.

"Ama sa tingin ko Po ay naliligaw siya sa kagubatan kaya naman pinatuloy ko muna  siya Ng makita Ang kanyang kalagayan, patawad" nakayong paliwanag Ng anak

Nagbuntong hininga Ang lalaki at sinabing...

"Pumunta kana sa iyong kwarto, Gabi na rin Kaya batid kong parating na ang ating mga bisita" malumanay nitong Saad.

Nagkatinginan Ang dalawang Bata at akmang tatayo na rin Sana si Dion ng mapatingin ito sa bulsa ng lalaking nasa harapan.

"Iwan mo muna ang kaibigan mo rito" nanginig naman si dion ngunit wala itong magagawa. Pumunta ito sa kwarto ngunit agad rin itong bumalik at sumilip sa ginagawa ng ama sa kaniyang kaibigan.

"Nakikita mo ba ito?" Sabay bunot ng baril ng kanyang ama.

Hindi naman nakaimik si Dion na mukhang maiiyak na, bigla namang bumukas Ang pinto.

"Dion? Anong ginagawa mong hayop ka?" Sabay bunot Ng baril ng di kilalang lalaki at binaril ang ama ni devon.

Natuod si Devon, maging Ang tagamanman at agad ring pinatay ang tagamanman ng kasamahan ng lalaking pumatay sa ama nito.

"Patayin niyo ang lahat ng nakatira rito" galit na wika ng lalaki.

Si Dion Naman ay naiiyak na tumakbo paalis Ng kweba. Dahil sa galit na nabuhay Mula sa puso ni Devon sinundan niya Ito gamit ang tagong lagusan na nasa silid aklatan.

Ang dating Cavenwell ay puno ng kaligayahan ngunit napalitan Ito Ng pagdanak ng dugo dahil sa pag-aakalang dinukot nila Ang batang lalaki dahil nalaman nila Ang balak na pagbili sa isla.

Namatay ang pamilya ng Caiben maliban na lamang sa Lola at Ang apo nitong si devon, pati na rin si dion na nagtungo sa Caven.

Dahil sa pagkawala ng pamilya ay naglahad nang Plano Ang batang si Devon sa matanda ngunit inayawan Ito Ng matanda kaya't nagalit Ito sakanya.

Naging dahilan Ang di pagtanggap ng katotohanan para manaig Ang pagkahumi sa puso Ng batang si devon.

At dahil na rin sa pagsisi sa sarili ni Dion ay nagawa itong samantalahin ni devon.

Nanatili sa kweba Ang batang naligaw, samantalang nagpanggap Naman si Devon bilang bagong dion.

Ngayon ay sinisingil na  sila Ng nakaraan at isinumpa ni Devon na hinding hindi nila matatakasan.

Sometimes the truth can be hide but it will never go away. It's just waiting for the  right time to come out.

No truth remains hidden.

TBC..

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.5M 33.9K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...