Make You Mine Season 1 | Hear...

Por chrisseaven

43.6K 1.3K 236

Tian has a rare memory disorder, he forget every moments and people he doesn't seen for a long months. Despit... Más

Make You Mine
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note
About Make You Mine
About Heartful Academy
Special Part
First Anniversary Gift: Bonus Scenes
Annoucement

Chapter 28

529 29 0
Por chrisseaven


TIAN MARTELL

UMUWI kaming magkasama ni Haku. Ang gusto ko umuwi na siya sa kanila dahil walang tao do'n, pero mas gusto niyang dito siya sa akin umuuwi. Humiling siya ng isa pang gabi na kasama ako at pinagbigyan ko nalang siya dahil naipanalo naman niya ang pagent.

Pagkapasok namin sa bahay ay agad niya ipinagtabi ang trophy niya sa mga awards kong nakadisplay sa living room. Nilingon niya ako na nasa gilid ng pintoan. "I'm The HA King of Hearts, but I hope naghahari din ako sa puso mo." Habang sinabi niya 'yon ay dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin.

Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya pero napaka-seryoso ng mukha niya, pero pinilit ko nalang matawa para hindi halatang kabado. "I-Ikaw talaga Tol, palabiro ka talaga..." medyo awkward kong tawa.

Pero habang tumatagal ay hindi ko na alam anong gagawin ko, ito na naman ako sa pagiging tulala, pati pagsara sa pinto nakalimutan ko na dahil nanatili lang ako sa kinatatayoan at parang hinihintay siya makalapit.

Pagkalapit niya'y nakatingin lang siya sa mga mata ko. "Tian..." napakalamig ng boses niya habang binanggit niya ang pangalan ko, ayaw ko naman manatiling freeze dito kaya pinilit kong magsalita. "T-Tol..." medyo nauutal kong sabi.

Dahan-dahan niya hinaplos ang mga pisngi ko at nagtagal din ng ilang minuto ang aming titigan bago ako bumigay at tumawa. "Ano ba naman 'to Tol, nababading na 'ata tayo dito..." habang tumatawa ako ay napaka-seryoso naman niya, kung hindi ako tumawa ay malamang hinalikan na niya ako.


Nagutom ako kaya nagluto ako ng midnight snack namin. Pariho kaming hindi pa inaantok kaya nagsama muna kami sa kwarto ko at magkatabing nanuod ng anime movie na Spirited Away.

Nilingon ko siya na payapang nanunuod. "Dito ba sa Spirited Away kinuha ang pangalan mo, Haku?" Tanong ko.

"Maybe. Pero hindi ko alam sa mga magulang ko." Nilingon niya ako. "Pero may isang special na tao ang nagbigay sa 'kin ng nickname na gustong-gusto ko, Hakunamatata." Dagdag pa niya at nagkunot-noo ako. "Hakunamatata...? Ang bantot naman no'n..." sabay tawa ko.

May ngiti sa labi niya habang parang may inaalala. "Ganyan din ang sabi ko no'n. Pero habang tumatagal nagugustohan ko na, lalo na ayon ang first time ko magkaroon ng nickname. Gustong-gusto ko tinatawag niya akong Hakunamatata." Napaka-simple lang ng reaction niya kapag kinikilig.

Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. "Sino ang special someone na 'yan? Sige na spill the tea, tayo-tayo lang makakaalam." Excited kong sabi, dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin kaya nagkalapit ang aming mga mukha at muntik pa kami magkahalikan kaya nawala ang ngiti ko sa labi at napalunok nalang ako.

"Hindi ito ang tamang panahon para malaman mo ang tungkol dyan. Basta ang mahalaga malapit lang ako sa kanya." Habang sinasabi niya 'yon ay lalong lumalalim ang aming titigan, kumakaba ang dibdib ko kaya umiwas nalang ako ng tingin at nagfocus nalang sa pinapanuod.



Pagmulat ng mga mata ko ay si Haku bigla ang pumasok sa isip ko. "Good morning Haku..." nakangiti akong bumangon, pero pagkakita kong wala siya sa tabi ko ay nawala ang ngiti ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang may na-realized ako. "Gago bakit siya agad ang hinahanap ko...eh hindi naman siya pwede matulog dito sa tabi ko dahil do'n nga siya sa guess room..." nagmukha na akong balyo na pinapagalitan ang sarili.

Nakita ko sa alarm clock kong nakapatong sa drawer na malapit ng magtanghali, mabuti nalang wala akong taping ngayon. Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto para magkape. Napakatahimik ng sala at kusina, hindi ko man lang nakita si Haku.

Naisip kong baka tulog pa siya kaya pumasok ako sa guess room, pero wala din siya. "Sa'n siya nagpunta?" Tanong ko sa sarili. Lalabas sana ako ng bahay dahil baka nagpahangin lang siya pero napahinto ako nang makita ang isang sticky note na nakadikit sa pinto. Kinuha ko ito at binasa.

Good morning. Umalis ako, hindi na ako nakapag-paalam sa 'yo dahil ang sarap ng tulog mo. I buy you groceries, wala na kasing laman ang kusina mo, matakaw ka pa naman.

Grabe naman 'to, may kasama pa talagang panglait na matakaw ako, pero parang totoo naman. Bumawi naman siya dahil may smiley face pa sa ibaba. Ang sweet pala niya, hindi ko akalaing gagawin niya ito sa 'kin.


May pera naman akong pangbili nakakalimutan ko lang talaga mag grocery dahil sa sobrang busy. Pumunta na ako sa kusina para magtimpla ng kape. Pagkatapos ay pumunta ako sa sala at umupo sa sofa para mainom ang kape at magtulala ng ilang minuto.

Sa kalagitnaan ng pagkakape ko ay biglang nagring ang cellphone ko, kinuha ko ito at pagkakitang si Alvin ito ay agad ko itong sinagot. "Hi lods...kumusta? Matagal ko kayong hindi nakasama, miss na miss ko na kayo..." naging abot tenga ang ngiti ko dahil ngayon ko lang ulit sila nakausap.

"Okay lang naman kami...pasensya na kung hindi ka na namin nasasamahan, medyo busy lang talaga sa school..." sagot niya sa kabilang linya at naintindihan ko naman sila.

Sasabihin ko sanang marunong na ako mag gitara pero natigilan ako nang may sasabihin pa siya. "Lods, alam mo bang trending ka ngayon, kayo ni Haku nag trending kayo sa buong social media..." sa tuno ng boses niya ay parang nabahala siya.

Nagtataka ako sa sinabi niya. "H-Hindi ko alam...kakagising ko lang kasi. Bakit ano bang meron?" Tanong ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya alam kong may problema. "Lagot tayo nito...dali mag online ka..." agad niya pinatay ang tawag para makapag-online ako.


Sa pagkatanda ko wala naman akong nagawang mali pero parang kinakabahan ako. Binuksan ko ang Twitter account ko at kahit nagdadalawang-isip ako mag scroll ay pinilit ko pa rin para malaman kung anong meron.

Agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang post na umabot na ng million tweets. Habang tinitignan ko ang post ay kumakaba ang dibdib ko dahil mga pictures namin 'to ni Haku na magkasama.

Ang mas i-kinagulat ko ay marami sa mga ito ay mga stolen shots. Mula sa una naming pagkikita sa Heartful Academy. Nong aksidenting nakapatong ang katawan ko sa kanya sa loob ng classroom. Nong nabuhusan ko siya ng kape sa restroom. Nong una kong punta sa bahay niya para isauli ang uniform niya.

Makikita din dito ang nangyari nong gabing nagkita kami sa City Field at nagkaroon ng fireworks, nakuhanan pa ang aksidenting pagtama ng aming mga labi. Nakasunod-sunod dito sa post ang mga pictures nong mga araw na tinuturoan niya ako mag gitara sa Enchanted Park.

Maging ang ginawa ni Haku na pagpunas ng wipes sa mukha ko at pag-aayos sa buhok ko. Nandito din 'yong sumasayaw kami sa stage. Patuloy na nanlalaki ang mga mata ko, lalo na nang makita ko ngayon ang picture nong unang gabi na magkasama kami ni Haku dito sa bahay ko.

Napatakip na nga ako sa bibig kong halos mahulog na dahil sa labis na gulat nang makita ang panghuling picture na nangyari kagabi lang, nong hinaplos ni Haku ang pisngi ko at malapit na kaming maghalikan sa loob ng bahay.


Tinignan ko ang trending list ng Twitter at nakita kong nangunguna dito ang #HakuXTian sumunod ang #HASecretLover at pumapangatlo naman ang #TianBading at lahat ng mga ito umabot na ng millions tweets, ganon ka-active ang mga tao para pag-usapan ang buhay ko.

Napahawak ako sa dibdib kong kumakaba, trauma na ako sa mga masasakit na salita ng mga tao sa akin, it even caused me a depression before. Pero nagpakatanga pa rin ako ngayon, na-click ko ang #TianBading kaya nakita ko ang mga masasakit nilang salita.

gawin niyo na kaya siyang drama princess, total may tinatagong kabaklaan pala yan

accklang manyak lubayan mo si haku hindi ka type non hindi ka tunay na babae

talong naman pala ang gusto nito hindi tahong...best actor talaga ang galing magkunwaring lalaki hindi ka halata sis

Hindi ko na nakayanan ang mga masasakit nilang salita kaya nabitawan ko ang cellphone ko at daling-daling tumayo. "Sino ang putanginang nagpakalat nito?! Sinong gago ang gumawa sa 'kin nitooo!!!" Nagwala na ako sa loob ng bahay, dahil sa matindi kong galit ay sinisipa ko ang mga upuan sa lamisa at tumilapon ang mga ito.


Habang tumitindi ang galit ko ay lalong nanlilisik ang mga mata ko sa kakaisip kung sinong gago ang gumawa sa 'kin nito. Parang kahit saan ako magpunta ay sinusundan ako ng taong ito! Ang nakaka-bwesit pa mas lalo niyang sinisira ang buhay ko, ang pangalan ko, ang reputation ko! Sa ginawa niya apektado na ang career ko at baka ma-cancel pa ang comeback movie ko!

The last time nagkaroon ako ng malaking issue humantong ako sa depression and I almost want to end my life. Ayaw ko na maulit ang ganong feelings, pero mukhang do'n ako mapupunta ngayon. Akala ko kaya ko na ang mga pangbabash nila, akala ko matapang na ako sa pagtanggap ng mga sasakit na salita, hindi pa rin pala...lalo na kung tungkol na sa pagkatao ko.

Natigilan ako nang biglang nagring ang cellphone ko, pagkakita kong si Direk Mike ito ay sinusubukan ko munang kumalma, huminga muna ako ng malalim at bumuntong hininga bago ko sinagot ang tawag. "H-Hello po Direk..." mababang tuno ng boses ko.

"Nandito ako sa studio, pumunta ka dito." Pagkatapos niya sabihin 'yon ay pinatay na niya ang tawag. Nakaramdam ako ng takot para sa sarili ko dahil mukhang mapapagalitan na naman ako sa CEO ng Seaven Network at maging sa manager ko.

Napahawak na ako sa ulo kong parang sasabog na dahil nasa malaking gulo na naman ako. Sigurado akong maapektohan din dito ang buong team sa bago kong movie. Inaayos ko na ang reputation ko eh, tsaka naman sisirain sa isang post lang.



Hindi ko na sila pinahintay, agad na akong umalis sa bahay at papunta nasa studio ng Seaven. Hindi naman ito kalayoan kaya narating ko na ito ngayon. Malawak ang Seaven Network na kasing lawak pa ng mall ang bawat floor nito.

Pumasok na ako sa elevator at dinala ako nito sa 17 floor, ito ang pinaka-last floor at dito matatagpuan ang ilan sa mga mahahalagang office. Lumakad ako sa malawak na hallway at binuksan ang malaking pintoan sa Head Office kung saan lumalagi ang CEO ng Seaven Network.

Pagkapasok ko ay napalunok ako sa kaba nang makitang nandito na pala silang lahat at ako nalang ang hinihintay. Halos lahat ng mga big boss ay nandito kasama si Direk Mike at ang manager ko, mukhang kanina pa sila may mahalagang meeting.

Natahimik silang lahat habang tinitignan akong dahan-dahan na lumakad at umupo sa nag-iisang bakanteng upuan na nasa tabi ni Direk Mike. Hindi ko sila magawang tignan pero ang ilan sa mga big boss ay kanina pa nakatingin sa akin habang hawak-hawak ang kape nilang nakalapag sa malaking lamisa na pa-circle ang hugis.

Nakaupo sa center ng lamisang ito si Gordon Centrix, he's the CEO of Seaven Network. Kaya ganon nalang ang kaba ko dahil nasa harapan ko pa siya at seryosong tinitigan ako. "I'll get straight to the point. I expected na alam mo na ang gulong pinasok mo, naging usap-usapan ka ng buong bansa." Napabuntong hininga siya.


Bigla siyang napaayos sa pagkaupo. "Kaya nandito ka, dahil may mahalaga kaming offer sa 'yo. Gusto namin malaman kung pumapayag ka ba sa offer namin na maging partner mo si Haku. Bibigyan namin ng contract si Haku at magiging love team kayo sa mga paparating na projects."

Gumalat sa akin ang mga sinabi ni Head Gordon. "What?!" Napatayo ako. "No...hindi pwede 'yon! Ano nalang sasabihin nila sa akin, from chicks to dicks?! Oo kaibigan kami, pero kung gagawin niyo kaming love team sa isang pelikula, nakakasuka na!" Nagsimulang tumaas ang boses ko.

Hinawakan ni Direk Mike ang kamay ko. "Tian, kumalma ka. Maupo ka muna." Mahinahon niyang sabi sa 'kin, medyo nagulat din ako sa pagsigaw ko kay Head Gordon, kaya pinilit kong kumalma at dahan-dahan na umupo.

Hawak pa rin ni Direk ang kamay ko. "Kilala kita, alam kong nasaktan ka lang sa mga bashers. But Tian, look at the bright side. May mga tao pa din ang nagsasabi ng maganda at sumusuporta sa 'yo." Nakatitig siya sa mga mata ko para mas makumbinsi ako.

Dahan-dahan nagtaas ng kamay ang manager kong si Norvin. "Tian, as your manager alam ko ang nakakabuti sa 'yo, kaya makinig ka sa amin. Hindi lahat ng tao tinatawanan ka, hindi lahat ayaw sa 'yo. Mas marami pa nga ang kinikilig at nag request na bigyan kayong dalawa ng projects. Maybe it's time for you to do a boys' love series. Mas lalo ka sisikat kung magiging partner mo si Haku." Tugon niya sa 'kin.


Napabuntong hininga ako and I feel disappointed. "Ayon na nga ang problema eh...dahil parang ang liit-liit ng tingin niyo sa akin. Ang sakit isipin na all this years I've been trying to build back my reputation on my own, and you guys just think na hindi ko 'yon kaya at dapat nalang akong umasa kay Haku dahil mas sikat siya..." gusto ko nalang lumuha sa harapan nila pero pinilit kong tapangan ang loob ko.

Kalmadong hinawakan ni Direk ang braso ko. "Hindi 'yon ang ibig naming sabihin, ang gusto lang namin is tumingin ka sa bright side, don't stay on negativity. Take this a stepping stone para muling sumikat. Gusto lang namin matulongan and this is your chance. Willing akong bagohin ang whole script ng Our Memories para maging perfect sa inyo ni Haku. Just take our offer." Mahinahon na pagkasabi ni Direk.

Sandali akong natahimik at pinag-isipin ko ang sinabi niya. Pero hindi ko talaga kaya maging ka-love team si Haku dahil sobrang weird na no'n para sa 'kin. "Sorry, pero hinding-hindi ako papayag. Kailanma'y hindi ko nakikita ang sarili ko na maka-trabaho siya." Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay ni Direk na nakahawak sa 'kin, tumayo ako at nagsimulang humakbang palabas ng office.

"Pag-isipan mo nang mabuti Tian." Sandali akong napahinto nang marinig 'yon galing kay Head Gordon. Nang wala na siyang sasabihin ay nagpatuloy na ako sa pag-alis.


Hanggang sa pagmamaniho ko ay hindi pa rin ako tinitigilan ng lahat, naririnig ko pa rin sa isip ko ang mga masasakit nilang salita. Labis akong nanghina dahil parang ginuguho ulit ng mga salita nila ang mundong binubuo ko. Kaya ngayon ay may mga luha ang nagbabadya sa mga mata ko.

Nawalan ako ng focus kaya laking gulat ko nang biglang may isang sasakyan ang papalapit sa harapan ko at kunti nalang ay magkabanggaan na kami, kaya dali-dali kong iniliko ang kotse ko at inihinto sa gilid ng kalsada. Hinihingal ako ngayon sa sobrang kaba, mabuti nalang talaga naiwasan ko ang sasakyan at hindi kami nagbangga.

Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko at kahit hindi ko ginusto ay aksidenti kong na-click ang notification from Twitter na isang tweet kung saan naka-mentioned ako. Napakahaba nito pero binasa ko pa rin.

I think fame digger or manggagamit ang tawag kay Tian. Siguro nong nag trending siya kasama si Haku sa Music Festival nakitaan niya 'yon ng advantage, kaya pinipilit niyang makalapit kay Haku para mas lalong sumikat.

Kasi nga 'di ba laos na siya, kaya ginagamit niya si Haku para muling sumikat. Gosh nag hired pa siguro siya ng tao para kunan sila ng pictures at i-upload online para pag-usapan. Tama ka na acckla, hindi mo maluluko kaming mga fans ni Haku.

Hindi ko na natapos basahin dahil sobra ng sakit, parang sinasaksak na ang puso ko sa sakit. Agad kong itinapon ang cellphone ko sa loob ng kotse. Napahawak ako sa ulo ko na punong-puno na ng problema, gulong-gulo na ako kaya hindi ko na nga napigilang lumuha.

"Napakasakit ng mga sinabi nila, parang naging kasalanan ko pa ang lahat....kung alam ko lang na mangyayari ito, sana hindi ko nalang hinayaan ang sarili ko na mapalapit kay Haku..." napapasigaw ako sa loob ng kotse at walang tigil sa pag-iyak.




Seguir leyendo

También te gustarán

17.6K 583 47
May mga bagay talaga sa mundo na hindi natin inaasahan, yung bigla na lang dadating kahit hindi mo naman ito kahilingan. Akala ko lahat ng "unexpecte...
109K 5.9K 38
Primitivo Jose Sinclair story. Tael and Myth Sinclair Son Date Start: October 30, 2021
6.4K 430 37
Hayaan mo muna akong lumayo sa 'yo. | As Tian and Haku are now officially partnered on a movie, the feelings goes deeper and love is slowly blooming...
5.5K 146 14
"Lagi-Lagi" An #EliKoy AU where Elijah Canlas, 25 is one of the Philippine's best film director / screenwriter and Ronald De Santos Jr. 27, belongs t...