Make You Mine Season 1 | Hear...

By chrisseaven

44.2K 1.3K 240

Tian has a rare memory disorder, he forget every moments and people he doesn't seen for a long months. Despit... More

Make You Mine
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note
About Make You Mine
About Heartful Academy
Special Part
First Anniversary Gift: Bonus Scenes
Annoucement

Chapter 23

560 27 0
By chrisseaven


ART EVEREST

DAHAN-DAHAN ko inimulat ang mga mata ko at parang walang pumapasok sa isip ko, wala akong maalala na kahit ano. Dahan-dahan kong iginalaw ang katawan ko at dahan-dahan akong bumabangon kahit nakaramdam pa ako ng panghihina.

Napanganga nalang ako nang mapagtantong nasa loob pala ako ng kwarto ko. Biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito at nagulat nalang ako nang may basang towel pala sa noo ko. Ngayon ko lang napagtanto na may lagnat pala ako dahil may kunting init pa mula sa noo at leeg ko at ang sama pa ng pakiramdam ko.

Nakarinig ako ng tatlong beses na katok mula sa pintoan pero hindi ako sumagot. Nang magbukas ito ay nakita kong si Lola pala ito. "Oh apo, gising ka na pala...? Kumusta pakiramdam mo?" Pag-aalalang tanong niya pero hindi ko magawang sumagot dahil hindi pa rin malinaw sa akin ang mga nangyari.

Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin. "Mabuti nalang hindi ka niya iniwan..." nakaturo ang labi niya sa bandang gilid ko.


Sa labis na pagtataka ay lumingon ako sa gilid ng kama ko at ikinagulat ko nang makitang nandito pala si Sky natutulog habang nakaupo sa maliit na upuan. Ngayon ay naging malinaw na sa akin ang lahat.

Naalala ko na ang mga nangyari nong gabing magkasama kami. Naaawa ako sa sarili ko dahil bawat gising ko nalang laging nag-aabang ang sakit, sana nalang pala hindi na ako nagising.

Pero mas naaawa ako para kay Sky. Nakakaramdam ako ng lungkot habang nakatingin sa mukha niyang nakadapo sa kama at mahimbing ang tulog. Nasasaktan ako dahil sa katotohanan nadadamay na siya sa problema ko. Siya na paulit-ulit kong tinataboy, pero nanatili pa rin sa tabi ko.

"Grabe ang pag-aalagang ginawa niya sa 'yo, hindi 'yon matutumbasan ng mga taong nakapaligid sa 'yo ngayon. Mula gabi hanggang sa mag-umaga, nanatiling dilat ang mga mata niya mabantayan ka lang. Ayaw niyang matulog hanggat hindi masiguradong bumaba ang lagnat mo. Siya ang nagbihis sa 'yo, at makailang-ulit niya pinupunasan ng maaligamgam na tubig ang iyong noo. Hindi siya umalis sa tabi mo, talagang napakaalaga niya sa 'yo." Tugon sa akin ni Lola.


May mga luha ang nagbabadya sa mga mata ko habang nakatingin ako kay Sky. Biglang tumabi sa 'kin si Lola. "Apo, ano palang nangyari? Alam mo bang nataranta kami nong inuwi ka niya ditong wala ng malay..." ramdam ko ang pag-aalala ni Lola.

Pinigilan kong pumatak ang mga luha ko at umiwas ako ng tingin. "Ayaw ko po muna ng maraming salita ngayon, gusto ko muna magpahinga. Sana po maintindihan niyo ako." Naging mababa ang tuno ng boses ko at tumango naman si Lola. " S-Sige apo, naintindihan ko." Dahan-dahan na siyang lumakad ngayon palabas ng kwarto.

Habang nililingon ko ang paligid ng aking kwarto ay tuloyan ngang pumatak ang mga luha kong kanina pa nagbabadya, bumabalik na naman ang lahat ng sakit. "Sana nalang pala hindi na ako nagising, wala na sanang sakit ang maramdaman ko ngayon..." napahawak ako sa ulo ko habang umiiyak, napanghihinaan na ako ng loob.

Habang umiiyak ay napansin ko ang dahan-dahan na paggalaw ni Sky mula sa gilid ko. "Art, gising ka na pala—" natigilan siya. "Art, umiiyak ka na naman...pakiusap huwag ka ng umiyak, dahil nasasaktan ako tuwing nakikita kang nagkaganyan..." halata ang lungkot sa mukha at tuno ng boses niya.


Agad ko siyang nilingon. "Eh anong gusto mo, ikakatuwa ko ang sakit na 'to?! Pasensya na ha! Pasensya na kung hindi ako kasing lakas niyo, pasensya na kung umiiyak ako, pasensya na kung napaka-sensative ko, pasensya na kung hindi niyo na nakikita ang dating ako na masaya...dahil sa tuwing masaya ako lagi nalang may sakit na kasunod, sakit na paulit-ulit nalang bumabalik at parang ayaw na matapos..." humahagolhol ako, tila ayaw ng tumigil sa pagpatak ang mga luha ko.

"Art, walang masama sa pag-iyak. Pero huwag ka naman panghinaan ng loob, huwag mo naman isipin na ikaw nalang mag isa. Lagi akong nandito para sa 'yo. Lahat naman tayo dito sa mundo may pinagdadaanan, ang mahalaga hindi tayo sumusuko." Sabi niya sa 'kin habang sinusubukan pa niyang ilapit sa 'kin ang kanyang mukha.

Pero hindi ko nagustohan ang sinabi niya. "Ayan, ayan tayo eh! Kaya minsan ayaw ko nalang magsabi ng problema at sinasarili nalang, dahil ang lagi niyo naman sinasabi "hindi lang ikaw ang may pinagdadaanan", oo alam ko 'yon...pero pwede bang ako muna...pwede bang pakinggan niyo muna ako, pwede bang kahit isang tao lang na makakaintindi sa akin, dahil hindi naman araw-araw malakas ako eh..." naghalo na ang sakit at galit na naramdaman ko.

Dahan-dahan na hinawakan ni Sky ang mga kamay ko. "Ako Art, ako...paulit-ulit kong sasabihin sa 'yo na lagi lang ako sa tabi mo." Dahan-dahan niyang inilapit sa 'kin ang kanyang mukha kaya nakikita ko sa mga mata niya ang pagiging mahinahon niya sa kabila ng paninigaw ko sa kanya.


Nakikita ko sa mga mata niya na totoo ang mga sinasabi niya. Pero kahit anong gawin ko, sakit at galit pa rin ang dumadaloy sa puso at usip ko. Sa sobrang sakit ay hindi ko napigilang hampas-hampasin ang dibdib niya. "Umalis ka na, umalis ka naaa!! Mapapagod ka din, kaya ngayon palang iwanan mo na ako!" Pagsisigaw ko habang tinutulak-tulak ko siya.

Sa kabila ng ginagawa ko ay nanatili pa rin siya sa harapan ko na parang tinitiis niya ang sakit, nakatingin lang siya sa mga mata ko habang umiiyak ako. "Art, magsabi ka lang sa 'kin. Hindi man ako magaling magbigay ng payo, pero makikinig ako at hindi ako aalis hanggat hindi ka magiging okay." Wika niya sa 'kin.

Dahil sa mga winika niya ay unti-unti akong kumakalma, naging mahinahon pero patuloy pa rin sa pag-iyak. Dahan-dahan niya hinawakan ang mga kamay kong nakadapo sa dibdib niya. "Pero kung hindi mo pa kayang magsabi, maiintindihan kita." Nakita ko ang ngiti sa labi niya at binitawan na niya ako. "Sige, ipagluluto muna kita ng makakain mo." Dahan-dahan siyang tumayo at lumakad.

Nilingon ko lang ang kwarto ko at nakita ko ang picture frame ni Papa na nakasabit sa dingding, at habang tumatagal ang pagtitig ko do'n ay parang bumalik lang ang lahat ng sakit kaya muli akong napaluha. Alam kong hindi pa nakalayo si Sky dahil hindi ko pa narinig ang pagbukas ng pinto.


"Labis akong nasaktan sa pagkawala ni Papa..hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko..." bigla ko nalang nasabi 'yon dahil ayaw ko na kimkimin ang sakit.

Nakatingin man ako sa picture ni Papa pero ramdaman kong napahinto si Sky nong marinig ako at lumakad siya pabalik sa 'kin. "Magsabi ka lang at makikinig ako, dadamayan kita." Rinig kong sabi niya habang dahan-dahan siyang tumabi sa likod ko.

Kahit anong gawin ko at kahit anong sabi ko na kaya ko pang itago ito, hindi ko na talaga mapipigilan ang sakit, para bang pinagkaisahan ng lahat ang damdamin ko. Kaya kailangan ko na ilabas ito bago lalong masaktan ang puso ko, at nandito naman si Sky alam kong pakikinggan niya ako.

Habang umiiyak ako ay pinipilit ko naman ang sarili na makapagsabi ng naramdaman. "I-Isang gabi na akala ko maging masaya, dahil nakabalik na si Papa mula sa mission. Pero hindi pala...dahil ang gabing 'yon ang magpapabago sa lahat, 'yon ang pinakamasakit na gabi sa buhay ko. Kakabalik lang ni Papa pero napakasakit na bagay na ang sumalubong sa kanya, nahuli niya si Mama na masayang nakipag video call sa kabit..." nagbakas ang galit sa mukha ko habang umiiyak.

Wala man ako sa mga oras na 'yon pero nasaktan ako nong sinabi sa 'kin ni Lola ang pag-aaway ng mga magulang ko. Umamin si Mama at ang masakit ay matagal na pala niya itong ginagawa. Halos mag-iisang taon na sila ng kanyang kabit, hindi lang nalalaman ni Papa dahil laging wala sa bahay.

Iyon din ang naging dahilan ni Mama para mangaliwa dahil wala ng oras si Papa. Sunod-sunod kasi ang mga araw na pariho kaming busy ni Papa, siya sa work at ako sa mga sunod-sunod na school activities, kaya hindi namin alam ang mga ginagawa ni Mama.


Pinilit kong muli magsalita. "Sobrang nasaktan si Papa no'n, lalo na siya ang sinisisi ni Mama dahil sa kawalan daw ng oras..." napayakap ako sa sarili kong halos nanginginig na. "Wala akong kaalam-alam sa nangyari sa kanila, kaya tinext ko si Papa na sunduin ako, dahil masyadong gabi na at pahirapan ng makasakay...p-pero hindi ko alam na 'yon na pala ang dahilan sa pagkawaka niya sa buhay namin..."

Natigilan ako dahil nasasaktan ako habang naiisip ang nangyari pagkatapos ko magpasundo kay Papa. Naramdaman ko bigla ang dahan-dahan na paghahaplos ni Sky sa likod ko habang lumuluha ako. "Ayos lang kung hindi mo na kaya ipagpatuloy, nasasaktan ka lang lalo..." pag-alalang sabi niya.

Nag-angat pa rin ako ng tingin at kahit nanghihina ay tinuloy ko pa rin ang pagsalita dahil gusto ko talagang mailabas ang lahat ng sakit. "Nag-motor si Papa para sunduin ako at ilang oras din ako naghintay...hanggang sa may nakita akong mga taong nagkagulo mula sa malayo, dahan-dahan ako lumapit habang may kaba sa dibdib ko..."

Napahawak ako sa dibdib kong naninikip, ganitong-ganito ang naramdaman ko sa gabing 'yon. "Parang gumuho ang mundo ko...parang sinaksak ang puso ko sa sobrang sakit na makita ko si Papa na dugoan sa gitna ng kalsada...tumilapon ang motor niya habang malaki ang damage sa katawan niya, lalo na sa mukha na halos hindi ko na siya makilala...tanda ko pang nanginginig ako sa gabing 'yon..."

Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko na parang ulan na unti-unting lumalakas. "Wala akong ibang sinisisi kundi ang sadili ko...kung alam ko lang na nasaktan siya sa gabing 'yon, hindi nalang sana ako nagpasundo, hindi sana siya nawala sa buhay namin..."


Sa kabila ng paghagulhol ko ay nagiging matalim pa rin ang titig. "Nong nalaman ko ang totoong nangyari, kay Mama ko sinisi ang lahat...kung hindi dahil sa ginawa niya maayos sana akong masusundo ni Papa, maiwasan niya sana ang pasalubong na sasakyan kung walang gumagabal sa isip niya..."

Ang nakakuyom kong kamao ay unti-unting nanghihina. "Wala naman akong ginawang mali, pero ako pa rin 'yong talo...natalo pa rin ako kay Mama, napunta pa rin sa akin ang lahat ng kasalanan...sinisisi niya ako dahil kung hindi ako gumala kasama ang mga kaibigan at nagpasundo ay buhay pa sana si Papa ngayon..." unti-unti akong napanghinaan ng loob.

"Tama naman talaga eh...kasalanan ko kung bakit nangyari 'yon, kaya sa sarili ko nalang sinisisi ang lahat...sa mga mata nila, ako na ang may kasalanan..." napakaraming luha ang walang tigil sa pagpatak.

"Pakiramdam ko ayaw na sa akin ng mundo, wala na akong kakampi. Kaya nagkulong ako sa kwarto at nagtago sa lahat. At habang nagluluksa pa ako sa sakit, nakita ko silang unti-unting naging okay na parang walang nangyari, sobrang nasaktan ako dahil parang ang bilis nila nakalimutan ang pagkawala ni papa...samantalang ako kahit saan ako tumingin lagi kong nakikita ang mukha ni Papa, lagi kong naalala ang mga pagsasama namin..."

Nawala ang sakit at napalitan na ito ng galit. "Dahil do'n unti-unting nawala ang respeto ko sa lahat. Lalo na kay Mama, ang saya-saya niya habang nakikipaglandian sa kabit. Sabi pa niya hayaan nalang siya na gawin ang gusto at magpakasaya. Wala na akong paki kaya hinayaan ko nalang sila sa pag-iibigan nila. Pero ayaw ko munang magpakita dito ang bilang respeto na rin kay Papa at sa akin na nagluluksa pa rin sa pagkawala niya..." natapos sa matinding galit ang pagsalaysay ko sa trahedya.


Ramdam ko pa rin ang pananatili ni Sky sa tabi ko, dahan-dahan siyang umakbay sa balikat ko at halos gusto na niya ako yakapin. "Sige lang iiyak mo lang...magiging okay din ang lahat, hindi man sa ngayon, pero balang araw maghihilom din ang sakit." Wika niya.

Ang tanging gusto ko lang ngayon ay isang tao na maiintindihan ang pag-iyak ko, at si Sky nga 'yon. Dahan-dahan akong sumandal sa balikat niya at patuloy sa pagluha. "S-Salamat Sky, dahil hindi mo ako iniwan..." mababang tuno ng boses ko at ramdam ko ang paghaplos niya sa likod ko.

Parang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang sa wakas may napagsabihan na ako nang napagdaanan ko.

Mayamaya ay lumabas muna ng kwarto si Sky para paglutoan ako ng makakain. Pagkabalik niya ay sabay na kaming kumain at pina-inom na rin niya ako ng gamot. Naging maalaga siya sa akin. Kahit dati pa naman inaalagaan na niya talaga ako kapag nagkasakit ako.

Hindi siya umaalis sa tabi ko at parang hindi siya nagsasawa sa kakatingin sa 'kin. Pinupunasan niya ako ng maaligamgam na tubig. Ginawa din niya akong parang bata na binabasahan ng story. Dahil maganda din ang boses niya ay kinakantahan niya ako ng mga paborito kong kanta.


Dahil sa pag-aalaga niya ay nagiging okay na ako at unti-unting bumubuti ang pakiramdam. Kaya pagdating ng hapon ay may hiniling ako sa kanya. Nagdadalawang isip siya dahil kakagaling ko pa lang mula sa lagnat, pero wala naman siyang nagawa kundi ang pumayag.

Magkasama kaming lumabas ng bahay at nakita kong naka display na ang mga paninda ni Mama. Napakunot-noo ako nang makitang nagtawanan sila Mama at ng mga kapatid niya habang may kinakausap sila sa cellphone.

Hindi ko na kailangan tanongin kung sinong ka-video call nila, alam kong ang kabet 'yon na nanggugulo sa pamilya namin. Hindi ko maiwasan na masaktan habang nakikita silang masaya, pati sila tito at tita ay nabilog na yata ng kabit.

Pero kahit anong gawin nila ay hindi ko matatanggap bilang stepfather ang lalaking 'yan, ni-hindi ko gugustohin na makita ang pagmumukha niya. Nagpatuloy kami ni Sky sa paglakad at tila napansin nila 'yon kaya napalingon sila at bigla silang natahimik nang makita kami.

Napansin kong sinusubukan ngumiti ni Mama. "A-Art...masaya akong bumiti na ang pakiramdam mo, talagang inalagaan ka ni Sky..." sabi niya.


Gusto kong sabihin na mabuti pa nga si Sky inaalagaan ako, eh siya mukhang hindi nga niya naisipang puntahan ako sa kwarto at mas inuna pa ang kabit. Pero tumahimik nalang ako habang seryosong nakatingin sa kanila. "Mukhang may pupuntahan kayo, sa'n lakad niyo?" Patuloy pa ni Mama.

Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay ni Sky kaya napalingon siya sa 'kin. "Bibisitahin namin ang taong kinalimutan niyo na." Naging malalim ang tingin ko. "Sige lang, ituloy niyo 'yan. Have fun with a damn guy." Seryosong tugon ko kaya natahimik sila, lumakad na ako habang hawak-hawak pa rin si Sky.

Nakalayo na kami mula sa bahay at habang patuloy kaming naglalakad ay napansin kong kanina pa nakatingin sa akin si Sky at ramdam kong nag-aalala pa rin siya sa kalagayan ko. "Sigurado ka na ba talaga dito?" Tanong niya.

Nilingon ko siya. "Oo, dahil ayaw ko maging mahina nalang araw-araw. Ayaw kong manatili nalang sa lungkot at dilim. Kaya please, samahan mo akong limutin ang lahat ng sakit." Sagot ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang tumango. "Sige, sasamahan kita hanggang sa maging okay ka, 'yan ang pangako ko sa 'yo." Ngumiti siya bagay na ikinatuwa ko dahil sinusuportahan pa rin niya ako, kaya mas lalo kong hinihigpitan ang paghawak sa kamay niya na parang ayaw ko na siya bitawan, gusto kong manatili lang siya sa tabi ko.




Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 117 28
Bakit ba apaka taray mo sakin? Kala ko ba may gusto ka sakin? Papaakbay akbay ka pa dyan, makikipag holding hands ka pa tapos tataray tarayan mo lang...
6.8K 134 18
CUBH Season 2 After going through a lot of pain and feeling abandoned, Zen was almost at the point of giving up. But then, something new came into hi...
188K 3K 25
I don't own Naruto or Jujutsu kaisen A 6 year old Naruto gets beaten by the leaf villagers and gets saved by a old man who decides to train him.
109K 5.9K 38
Primitivo Jose Sinclair story. Tael and Myth Sinclair Son Date Start: October 30, 2021