Make You Mine Season 1 | Hear...

By chrisseaven

42.2K 1.2K 234

Tian has a rare memory disorder, he forget every moments and people he doesn't seen for a long months. Despit... More

Make You Mine
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note
About Make You Mine
About Heartful Academy
Special Part
First Anniversary Gift: Bonus Scenes
Annoucement

Chapter 21

626 26 6
By chrisseaven


HAKU MONTERIVER

PARA masabi ko ang lahat ng gusto ko sabihin kay Tian ay pumayag ako sa naging plano ni Art. Kaya ngayong gabi ay nandito ako sa loob ng City Field dala-dala ang guitar. Pumunta ako sa audience seat at dito mag isang umupo.

Napakatahimik na rito dahil medyo malalim na ang gabi, pero may iilang tao pa rin ang pumapasok dito at tinitakbo ang field para makapag exercise. May mga athletes pa rin ang nandito pero huminto na sa pag training at nagpahinga nalang sa gilid.

Habang tinitignan ko itong napakalawak na City Field ay naalala ko ang mga nangyari sa amin ni Tian nong gabi ng Music Festival. Hindi ko napigilang ngumiti habang nakatingin sa center ng field kung saan nagkalapit ang aming katawan dahil sa banggaan ng mga tao habang inaawit ng Coastline ang Make You Mine.

Natigil ako sa kaka-isip at parang may nag tulak sa 'kin na lumingon sa entrance area. Pagkalingon ko sa entrance area ay napanganga nalang ako nang makitang kakadating lang ni Tian.

Gaya ng dati ay lagi niya talaga napupukaw ang attention ko. Halos matulala ako habang nakatingin sa kanya, lalo na ngayon na hindi ko inaasahang pariho ng kulay ang mga suot naming damit. Naka white polo siya, while naka white long sleeve polo naman ako.

Umupo siya sa may bench sa gilid at wala masyadong tao do'n kaya maging perfect ang place na 'yon para sa aming dalawa. Lumilingon siya sa paligid at parang may hinahanap, at alam kong si Sky 'yon. Wala naman dito si Sky kaya hindi ko na hinintay na matawagan niya 'yon dahil baka mabuko ang plano.


Tumayo na ako at lumakad papunta sa bench kung saan siya nakaupo. Pagkalapit ko ay nag ipon muna ako ng lakas na loob bago magsalita sa likod niya. "Tian..." mahinahong wika ko sa pangalan niya.

Dahan-dahan siya lumingon at nakita ko ang gulat sa mukha niya. "H-Haku...? Nandito ka rin pala?" Gulat niya at muli siya lumingon sa paligid. "Nasa'n si Sky? Magkasama ba kayo?" Tanong niya.

Dahan-dahan ako umupo sa tabi niya. "Huwag mo na hanapin si Sky, dahil simula ngayon, ako na ang magiging coach mo. Ako na ang araw-araw mong makasama para turoan ka mag guitar." Kalmadong sagot ko.

Nagulat siya at parang gusto niya matawa. "Nagbibiro ka ba? Taika prank ba 'to...?" Natawang sabi niya na halatang ayaw niya ako paniwalaan.

Seryoso akong lumingon sa kanya. "Hindi ako nagbibiro. Ako na ang coach mo. Sa ayaw at gusto mo, wala kang magagawa." Nakipagtitigan ako sa kanya at natahimik nga siya dahil talagang pinakita ko sa kanya na seryoso ako.

Bigla nalang siya tumayo at dahan-dahan na humakbang para iwan ako. Hindi pa siya nakalayo kaya inihanda ko ang gitara ko at dahan-dahan na sinimulang tugtogin ang kantang Midnight Star, isa sa napaka romantic na kanta ng Coastline at isang araw ko lang natutunan.

Inawit ko ito habang nakatingin sa itim na ulap at nababalot ng bituin. Hindi ko siya nilingon pero napansin kong napahinto siya sa gilid nang marinig akong mag gitara at kumunta.


Here I am, in the midnight.
Staring at your beautiful eyes.
Wondering if you think about me.
But if you don't, I just want you to know.
That I was screaming your name, at the starry night.

You are my midnight star, giving me light in the dark.
The darkness slowly fade, when you slowly hold my hand.
You bring me up to the sky...until our name written in the universe.


Nang matapos ko kantahin ang Midnight Star ay dahan-dahan siya lumapit sa harapan ko habang halos mahulog ang panga. "Wow...marunong ka pala mag gitara...? At kanta pa ng paborito kong banta..." labis siyang humanga at dahan-dahan nga siya bumalik sa tabi ko.

Nilingon ko siya. "Tulad mo kaka-practice ko lang din. Pero mas madali lang talaga ako matuto kaysa sa 'yo. Ulyanin ka kasi kahit ang bata mo pa." Pabirong sabi ko.

Hindi siya napikon at natawa lang. "Ouch, grabe ka naman sa 'kin..." tumigil siya sa pagtawa at nakangiti siya sa 'kin ngayon. "Pero seryoso, talagang bago ka palang nag practice ng guitar?" Tanong niya at tumango lang ako bagay na mas nagpanganga sa kanya at humanga pa lalo. "Really, kailan pa...? Interested siyang nagtanong.

"Mula nong gabing isinauli mo sa akin ang uniform at sinabing hindi ka nakapag-practice, ay ginusto ko na mag gitara. Dahil baka pag natulongan kita mapatawad mo na ako. Nong nalaman kong naging coach mo na pala si Sky ay nalungkot ako. Pero pinagpatuloy ko pa rin ang pag-practice dahil kung sakaling wala si Sky ay maaari mo 'kong lapitan. Nagpursigi ako, minsan nga inaabot ng madaling araw sa kaka-practice. Umaasa ako na maging worth it lahat ng pagod at puyat. Mangyayari lang 'yon kapag ako na maging coach mo." Tugon ko sa kanya sa mga nangyari.


Nagbakas ang lungkot sa mukha niya at halos hindi niya ako kayang tignan. "Sana pala dati naging mabuti ako sa 'yo, dahil wala ka naman pala masamang intensyon." Dahan-dahan niya ako nilingon. "Parang matagal na kaibigan ang turi mo sa 'kin, kahit kakilala lang natin. Sorry talaga." Naging mahinahon ang tuno ng boses niya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya dahil totoo naman talagang matagal na kaming may connection sa isa't isa. Pero ngayon ay parang hindi na ako ready na malaman niya ang masakit na nakaraan.

Natigilan ako sa kaka-overthink nang magsalita siya. "Anong mga ginawa mo? Bakit ang bilis-bilis mo naman natuto, samantalang hirap na hirap ako..." napakamot siya sa ulo.

"Oo hindi madali, pero kapag determinado ka matuto sa isang bagay, hindi ka mapapagod. Kahit hindi mo pa natagumpayan pero may progress kang nagawa, walang dahilan para sumuko ka." Dahan-dahan akong ngumiti. "Huwag kang mag-alala, nandito na ako. Ibabahagi ko sa 'yo ang lahat ng alam ko. Magkasama nating lakbayin ang mundo ng musika. Ang tanong, papayag ka ba?" Tanong ko habang nakipagtitigan sa kanya.


Nagtataka ako sa pagbuntong hininga niya at parang may lungkot sa mukha niya, pero laking gulat ko nang bigla nalang siya sumigaw. "Yes...syemp namannn!!" Naging abot tenga ang ngiti niya halatang tuwang-tuwa siya.

Napakunot-noo ako. "Syemp?" Tanong at tinawanan lang niya ako. "Syempre...sus parang hindi ka naman millianial..." sobrang cute niya tumawa ngayon kaya tinitignan ko lang ang mukha niya. "Sa 'yo ko lang kasi 'yan narinig. Pero I promise na gagaling ka agad, kasi syemp ako ang magaling mong coach..." nakangiting sagot ko.

Laking gulat ko nang bigla niya ako niyakap, hindi ko 'to inasahan mula sa kanya lalo na hindi naman siya hugger na tao. Pero mas nangingibabaw pa rin sa akin ngayon ang tuwa, dahil sa pangalawang pagkakataon ay niyakap niya ako, ganito kahigpit na yakap niya ang lagi kong hinahanap.

Dahan-dahan na niya ako binitawan at alam kong nahihiya siya pero dinaan nalang niya sa tawa. "P-Pasensya na, nacared away lang ako sa tuwa..." sabi niya at nagawa na niya ako tignan ngayon. "Tsaka mag kaibigan na tayo ngayon kaya pwede na tayo magyakapan. Napatawad na kita, magkapatawaran na tayo..." ngumiti siya.


"Bago kita tuturoan bukas, gusto kong gawin mo muna ngayon ang pinangako mo." Tinitigan ko ng matagal ang kanyang mapupulang labi.

Napakunot noo siya. "A-Ano 'yon? Mukhang wala naman akong pinangako sa 'yo ah..." pagtataka niya at parang kabado pa siya.

"So nakalimutan mo na nga." Ngumiti ako. "You've promise to me na hahalikan mo ako once mapatawad mo ako. And you just said right now na napatawad mo na ako. So come on, where's my kiss?" Kumindat ako sa kanya.

Agad nanlaki ang mga mata niya. "Seryoso...nakuha mo pa talaga isingit 'yan?! Ang saya ko ngayon tapos papa-initin mo na naman ang ulo ko...aba ang sama mo pa lang kaibigan..." nagsalubong ang mga kilay niya.

Tinawanan ko siya. "Nagpapalusot ka lang eh...alam mo, wala ng mas sasama sa taong hindi tumutupad ng promise." Tugon ko sa kanya kaya natahimik siya ngayon.


Tanda ko pa nong araw na sinalo ko siya mula sa pagkahulog niya sa stage, nong hapon yo'n nagkaroon kami ng pag-uusap dalawa sa Enchanted Park habang kumakain ng ice cream. Nagpasalamat siya sa 'kin dahil sa pagligtas ko sa kanya, tinanong ko siya kung napatawad naba niya ako dahil bigla nalang niya ako niyakap do'n sa quadrangle.

Sabi niya hindi pa at naintindihan ko naman siya. Mukhang masarap ang kain niya sa ice cream na halos napapapikit pa siya ng mata at ngumi-ngiti, kung titignan ay parang napapadpad sa ibang mundo ang isip niya dahil sarap na sarap ang kain niya.

Tinanong ko siya kung masarap ba ang ice cream at sabi niya oo. Kaya sinubukan kong gawin ang naiisip ko. "Kapag mapatawad mo na ako dapat hahalikan mo ako. I-promise mo 'yan." Sabi ko at agad naman siya nag oo.

Pinigilan ko matawa dahil parang wala siya sa sarili niya na bigla siya nag oo kahit 'di naman niya ugali ang manghalik ng lalaki. Sinigurado ko pa rin ang lahat. "Promise mo 'yan ah..." sabi ko at nag oo siya ulit.

Ilang sandali pa no'n ay tuloyan na akong natawa nang biglang nanlaki ang mga mata niya at tumigil siya sa pagkain.


Nagsalubong ngayon ang mga kilay niya matapos kong ipaalala 'yon sa kanya. "Sinadya mo 'yon eh...lutang lang ako no'n dahil nilalasap ko talaga ang sarap ng ice cream, tinitake-advantage mo naman, napakadaya mo..." sinusungitan pa rin niya ako ngayon at iniirapan pa ako ng mata.

Nakangiti pa rin ako sa kanya. "Huwag na maraming salita, gawin mo nalang. A promise is a promise." Tugon ko.

Naging matamlay siya ngayon na halos nagmukhang lantang bulaklak na bagsak ang mukhat at balikat. "Sige na nga...saang part ba gusto mong halikan ko?" Tanong niya at dahan-dahan ko itinuro ang pisngi ko. "Dito." Sagot ko.

Napakamot siya sa ulo. "Kung hindi ko lang talaga kailangan ng tulong mo kinurot na kita ngayon...kaso kailangan kita, dahil ayaw ko na maka-disturbo kay Sky lalo na ngayong bumalik na si Art." Sabi niya at huminga muna siya ng malalim tsaka bumuntong hininga, at parang inihanda pa niya ang kanyang labi.

"Sige, take this as a thank you kiss. Walang ibang meaning." Napaka-kalmado na niya tignan ngayon habang nakipagtitigan sa mga mata ko.

Bigla niya ako i-pina side view dahil sa pisngi ko pala ang sinabi ko. Hindi ako nakatingin sa kanya pero napapansin ko ang dahan-dahan na paglapit ng mukha niya sa pisngi ko. Nang napakalapit na niya ay agad akong humarap kaya nagtama ngayon ang aming mga labi.

Kasabay ng aming halik ay bigla nalang kami nakarinig ng napakalakas na pagsabog mula sa malayo at ang pasabog na 'yon ay tunog ng fireworks na insaktong nagbigay ng kulay sa ulap nang magkahalikan kami.


Napansin ko pa ang pagiging makulay ng paligid dahil sa iba't ibang fireworks effects, pero i-sinantabi ko ang mga 'yon dahil naka focus lang ang tingin ko sa mga mata ni Tian. Nakita ko ang laking gulat sa mukha ni Tian, pero tulad ko ay nakatingin lang siya sa 'kin at nakadapo pa rin sa isa't isa ang aming mga labi.

Habang tumatagal ay parang nararamdaman ko ulit ang pakiramdam sa tuwing magkasama kami nong mga bata pa kami. That feeling na parang tumitigil ang mundo. Parang walang ibang tao sa paligid kundi kami lang, parang kami lang ang magkasama sa gabing ito habang nagbibigay kulay ang fireworks.

Sa kabila ng sunod-sunod na pagputok ng fireworks ay malinaw pa rin sa aming tenga ang naririnig naming tibok sa aming puso. Mayamaya ay dahan-dahan na inalis sa akin ni Tian ang kanyang labi at nagkatitigan pa rin kami.

Pariho kaming natahimik at hindi makapag salita sa nangyari. Tulad niya nakaramdam na rin ako ng hiya at hindi namin kaya tignan ang isa't isa, kaya nakatingin lang kami ngayon sa ulap na kinukulayan ng fireworks.

Dahan-dahan ko siya nilingon at naglakas loob na kausapin siya. "S-Sorry..." naging mababa ang tuno ng boses ko. "Hindi mo na kailangan mag sorry. Ang importante tapos na at nagawa ko ang promise ko sa 'yo." Hindi niya ako magawang tignan.

Pinagmasdan nalang namin ang fireworks sa itaas. Dahan-dahan ko siya muling nilingon at napapangiti ako habang sa kanya lang ang tingin ko. Muli kong pinagmasdan ang ulap at dito ay nagpasalamat dahil natupad na ang hiling ko. Sa isip ko ay pinapasalamatan ko rin si Art, dahil sa tulong niya ay nangyari ang heartful na gabing ito.


Nang matapos ang fireworks ay umuwi na rin kami dahil maaga pa kaming papasok bukas sa Heartful Academy. Habang nagmamaniho ako ay hindi ko mapigilang ngumiti nang maalala ang halikan namin kanina. Hanggang sa pagkauwi ko hindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa labi.

Kinuha ko ang pusa kong si Tiano at mahigpit siyang niyakap. "Tiano, you won't believe what happens today. Your parents had a kiss..." tuwang-tuwa ako habang ipina-alam ito sa kanya.

Sa sobrang saya ay kinukulit ko na siya, inaangat-angat ko pa siya at kinakausap kahit nakatingin lang siya sa 'kin na parang nagtataka. At sa dami ng sinabi ko kanya meow lang ang sinasagot niya, malamang pusa pala siya.

Hanggang sa kama ay magkatabi pa rin kami ni Tiano at tuloy-tuloy pa rin ako sa pag kwento sa kanya ng mga nangyari. Pero napakahimbing na pala ng tulog niya at rinig ko ang malakas niyang purring dahil naghati lang kami sa isang unan.

Halos hindi ako makatulog sa kakaisip pa rin ng nangyari kanina. Napahawak ako sa labi ko at hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang malambot niyang labi nong magkahalikan kami.

Naging abot tenga ang ngiti ko. "Excited na ako para bukas. We can finally have moments na kami lang dalawa magkasama." Sabi ko sa sarili.



Maaga akong nagising na may ngiti sa labi. Maganda ang araw ko ngayon habang nasa isip ko pa rin ang mga naganap nong gabi. I can't move on to that romantic kiss of us. Pero kailangan ko na pala magmadali dahil napag-usapan namin ni Tian na magkita ng maaga sa Enchanted Park at do'n mag practice habang hindi pa nagsisimula ang klase namin at taping nila.

Labis-labis ang pagka-excited ko na halos hindi mabura ang ngiti ko sa labi habang nagmamaniho ng kotse. Pero dahan-dahan bumagsak ang balikat ko nang makita sa malayo ang napakahaba na namang traffic.

Walang ibang daanan kaya napabuntong hininga nalang ako dahil nasali na ako ngayon sa daan-daang sasakyan dito sa gitna ng kalsada. Napakamot ako sa ulo. "It's almost 5 AM, mapapatay na naman ako nito kay Tian, magagalit na naman 'yon, susungitan na naman ako..." nakabusangot kong sabi.

Mayamaya lang ay naging maayos na ang daloy ng traffic ito, lumuwag-luwag na ang kalsada at wala na rin ang malaking truck na nakaharang sa unahan na malamang nagdulot ng traffic.

Pasalamat nalang ako dahil hindi ako nagtagal dito. Malapit na mula dito ang Heartful Academy kaya ilang minuto nalang ay mararating ko na 'to.


Pagkarating ko ay agad ko pinarking ang kotse dito sa malawak na parking lot na nasa harap lang mismo ng HA campus at katabi ng HA University. Kinuha ko na ang guitar at lumabas na ng kotse.

Tumawid na ako sa pedestrian at kakapasok ko palang sa malawak na entrance area ng Heartful Academy ay nagsitakbohan na papalapit sa akin ang mga fans na parang hindi napapaos sa kakasigaw sa tuwing nakikita ako.

Walang dahilan para mainis ako ngayon lalo na nasa isip ko pa rin ang mga mata at labi ni Tian habang nagkalapit ang aming mukha kagabi, kaya for the first time ay kumaway ako sa mga fans at nakangiting bumati sa kanila. Marami sa kanila ang kinikilig na halos naghahampasan na.

Pero hindi na ako nakipag-entertain ng matagal sa kanila. Dumaan na ako at patuloy sa paglakad habang halatang maganda ang mood ko dahil bakas ang ngiti sa labi ko. Nakatingin ang lahat sa 'kin, at napapansin kong tinitignan din nila ang dala-dala kong geg bag sa likod na naglalaman ng guitar.

"Hala ngayon lang natin 'to nalaman, tumutogtog pala ng gitara si Haku...napaka mysterious talaga niya kahit sa mga hobby na ginagawa niya..." narinig kong sabi ng mga babae, ang hindi nila alam eh ngayon lang din ako nagka-interest mag play ng guitar at dahil 'yon kay Tian.

"Lalo tuloy akong kinikilig sa kanya, kasi nga 'di ba nagiging mas attractive ang lalaki kapag marunong mag gitara...sana maharana niya tayo..." sabi naman ng isa at nagsisigawan na nga sila.

Dinaanan ko lang sila at wala na akong ibang pinuntahan pa, dumiretso na ako sa quadrangle kung saan doon mahahanap ang team ng bagong movie ni Tian. Kailangan ko magmadali dahil ayaw kong magalit siya sa matagal na paghihintay sa 'kin.




Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 148 11
Carl goes missing and Ron realizes just how important the boy with one eye was to him. [DISCONTINUED] __ Angst • Romance • Horror __ a little side p...
22.8K 2.9K 40
តើនេះជាកំហុសអ្នកណា? Jungkook Cassandra & Kim Taehyung
8.1K 112 30
Abby Willoughby, a ten year old girl, who loves to draw and paint but doesn't always show it since her spiteful parents discourage her. She is also t...
2.6K 116 28
Bakit ba apaka taray mo sakin? Kala ko ba may gusto ka sakin? Papaakbay akbay ka pa dyan, makikipag holding hands ka pa tapos tataray tarayan mo lang...