Play Pretend

By nininininaaa

2M 85.4K 18.7K

[OFFICE LOVE AFFAIRS #1] As his personal secretary, Chantal's next task is to marry the president. *** Not ge... More

Play Pretend
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 49

28.3K 1.4K 379
By nininininaaa

#OLAPlayPretend

Chapter 49
Condition

Ilang sandaling natulala si Mama bago nahimasmasan. Naproseso na niya ang mga sinabi ko. Kinuwento ko sa kanya ang mga napag-usapan namin ni Xaiver. Nakinig lamang siya at walang komento na parang madaming iniisip.

I didn't force her to say anything or tell me what was on her mind. Tingin ko ay nabigla rin siya sa mga nalaman. Pumasok siya sa kuwarto dahil gusto niyang mapag-isa. I gave her time to reflect on everything.

As I had come to terms with the truth and accepted any possibilities about my relationship with Xaiver, I tried to move on with my day. Mas maganda na rin na alam ko na ang dahilan kung bakit siya nanlamig. Kahit papaano, nabawasan na ang iniisip ko. Saka na ako magdedesisyon sa ibang bagay kapag alam ko na ang magiging desisyon ni Xaiver.

Naghanda ako ng hapunan habang nanatiling nasa kuwarto si Mama. Pagkatapos maluto ng hapunan at ayusin ang lamesa, naligo ulit ako bago tinawag si Mama para kumain.

I cooked her favorites to make her feel better. Ako na ang mismong naglagay ng ulam sa plato niya habang ang sabaw ng sinigang ay isinalin ko sa mangkok. Tahimik pa rin siya habang kumakain. At kagaya kaninang tanghalian, parang wala pa rin masyadong ganang kumain.

Siguro sa sahod, sasamahan ko ulit siya para sa isang general checkup. Kailangan ko na ring budgetin nang maigi ang pera. Of course, I couldn't let Xaiver pay for her therapies anymore. Uunti-untiin ko na rin ang pagbayad sa kanya gaya ng unang plano. As much as I wanted to be optimistic, it was better to prepare for the worst.

"I'm sorry, anak."

Natigil ang lahat ng iniisip ko sa biglang pagsasalita ni Mama. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ang mga mata ay nakatitig sa pinggan habang nakayuko, pero hindi nakatakas sa akin ang paglandas ng mga luha sa kanyang pisngi.

"Ma..."

"I'm sorry..." ulit niya kasabay ng pinipigilang hikbi. "Pasensya na kung nadamay ka sa amin ng Papa mo..."

Umiling ako at agad na tumayo para pumunta sa tabi niya. Bawat pagpatak ng luha ay parang punyal na sumasaksak sa aking dibdib.

Ito ba ang iniisip niya magmula kanina? Sinisisi niya ang sarili niya at pati na rin si Papa?

"Akala ko magiging maayos na ang lahat... Akala ko wala na akong dapat ipangamba, pero hanggang ngayon, dahil sa nangyari ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin natatapos ang paghihirap mo..."

"Ma, wala po kayong kasalanan..." Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. She refused to look back at me as if she was embarrassed. "Wala kayong kasalanan ni Papa."

"Pero hindi 'yon ang tingin ng ibang tao, lalong-lalo na ng asawa mo at ng pamilya niya..."

When she finally looked at me, I could see how desperate and frustrated she was behind those tears. Siguro ay gusto niyang intindihin ang mga nangyayari, but she was too consumed with guilt to try. Ang tanging iniisip niya na lang ay kasalanan niya, nila ni Papa, ang nangyayari.

"Ayokong husgahan ka ng mga tao dahil doon, anak..." sabi niya. "Minahal ko ang Papa mo, pero hindi ko alam kung bakit parang pinagsisisihan ko nang pinapasok ko siya sa buhay natin. Kung sana—"

"Ma, please. Tama na po," pinutol ko si Mama.

I didn't want to hear her regret the relationship she had with my stepfather. Ayaw kong pagsisihan niya ang subukan ulit ang magmahal at bigyan ako ng kumpletong pamilya.

"Huwag na huwag ninyo na po ulit sasabihin 'yan," sabi ko at hinigpitan kaunti ang hawak sa kanyang mga kamay. "Mahal na mahal tayo ni Papa, Ma, at lalong-lalo ka na. Ginawa niya ang lahat para sa atin. Hindi lang siya basta lalaki na pumasok sa buhay natin. He's our family. At kahit wala na siya, kung sakaling ginawa niya man ang ibinibintang sa kanya, pamilya pa rin natin siya. That will never change."

Kinagat ni Mama ang kanyang labi. Namumugto ang kanyang mga mata, but her tears stopped falling at least. Isang minuto o mahigit din siyang tahimik bago nag-angat ng tingin sa akin.

"Gusto kong kausapin si Xaiver, anak. Kakausapin ko siya at sasabihin kong wala kang kasalanan."

Umiling ako at pagod na ngumiti. "Ma, hindi na kailangan. Xaiver knows that. But he's angry and hurt that I lied to him... dahil hindi ko siya pinagkatiwalaan," paliwanag ko. "At maniwala man po kayo sa hindi, ayos lang sa akin. His feelings are valid. Ganoon din ang akin. Naisip kong kailangan din namin ng oras para sa sarili namin."

"Pero, anak—"

"Ma," pigil ko ulit sa kanya. "Promise... Alam kong nag-aalala ka lang sa akin, pero kahit ano man ang mangyari sa aming dalawa, tanggap ko. At problema rin po namin 'tong mag-asawa. Gusto kong labas na po sana kayo roon."

Iyon ang totoo. Kaya ayaw kong sabihin sa kanya noong una ang problema namin ni Xaiver ay dahil ayaw kong problemahin niya 'yon. And knowing my mother, who has given me everything she could, alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan.

I figured she would try and talk to Xaiver at hindi nga ako nagkakamali. Kung kailangan niyang magmakaawa para hindi ako hiwalayan ng asawa ko, masakit man isipin, ngunit hindi siya magdadalawang-isip na gawin 'yon. She would do that for me. Gagawin at hindi pagsisisihan. At sa totoo lang, ang isipin na gagawin niya 'yon ay mas masakit pa sa posibilidad na maghihiwalay kami ni Xaiver.

I'd rather let go of Xaiver than see my mother kneel for a second chance for me.

I spent the whole evening reassuring my mother. Ayos na sa akin ang napaintindi sa kanya ang saloobin ko. Kinabukasan, naabutan ko siyang ayos na ayos pagkatapos naming kumain ng umagahan nang papasok na ako sa trabaho.

My mother had packed a lunch and a tumbler with her. Mayroon din siyang malaking tote bag kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Ganoon lagi ang ayos niya kapag pupunta sa sementeryo. Sigurado akong doon siya magpapalipas ng araw. But just to be sure, I had to ask her.

"Saan po kayo pupunta, Ma?" tanong ko sa kanya.

"Pupuntahan ko lang ang Daddy at Papa mo," agad niyang sagot. "Mga after lunch na siguro ako uuwi."

As expected.

I wanted to come with her, pero may trabaho pa ako. Ayaw ko namang basta na lang hindi pumasok sa trabaho dahil lang hindi kami magkaayos ni Xaiver. I had to be professional. At hindi na ako magkukunwaring kaya kong bitiwan ang trabaho dahil hindi. Mas kailangan ko ng pera ngayon. Sayang ang sasahurin ko.

"Hindi ko po kayo masasamahan, pero sandali lang, Ma. Kuha lang po ako pera..."

Babalik sana ako sa kwarto nang hinabol ako ni Mama't hinawakan ang braso. I turned to her, and she shook her head.

"Ayos na ako, anak. Madami akong naipong pera sa mga binibigay mo sa akin. Kaya ko na 'to."

Huminga ako nang malalim saka ngumiti at tumango. "Mag-taxi na lang po kayo para madali ang biyahe. O gusto ninyo po, i-book ko na lang kayo?"

"Kung ayon ang gusto mo."

Bago ako tuluyang umalis, I booked her a car para hindi na siya mahirapan pagpunta sa sementeryo. Mabuti na lang, mabilis lang ako nakapag-book at nakasakay na rin agad si Mama. Binilinan ko siyang tawagan ako kapag pauwi na para ibo-book ko na lang ulit siya.

Once she was on her way, kinuha ko lang ang gamit ko sa kwarto at lumabas na ng bahay. Medyo natigil ako nang makitang nandoon ang SUV na gamit ko. Agad lumabas si Manong nang makita ako. He quickly opened the passenger seat for me and smiled while greeting me like usual.

Doon ko naalalang hindi ko pa pala siya nasasabihang hindi na ako kailangang sunduin. Maybe he thought I'd just stay with my mother and come back after a few days. Ayaw ko naman siyang mawalan ng trabaho, but I was sure Xaiver had a different post prepared for him. Sa tagal na niyang driver ni Xaiver, he would surely not get rid of him.

"Good morning po, Manong..." Hilaw akong ngumiti habang palapit sa kanya.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi ako sasakay. He woke up early and drove all the way to our house just to fetch me. Nawala talaga sa isip ko na sabihan siyang hindi na ako kailangang sunduin. He knew nothing about my problems with Xaiver. He just did his job.

"Sakay na po, Ma'am. Medyo traffic na po sa highway pagpunta ko rito. Baka po ma-late kayo," sabi niya.

Kinagat ko ang aking ibabang labi, habang nag-iisip ng magandang linya. Ang hirap tanggihan lalo na kung walang ginawa kung hindi ang maging mabuti at gawin nang maayos ang trabaho.

Maybe I can take his kindness one last time before I finally let go of everything. Para hindi na rin masayang ang effort niyang sunduin ako. Ipapaalam ko na rin sa maayos at pormal na paraan na hindi niya na ako kailangang sunduin o ihatid simula ngayon.

I smiled at him and nodded. Pagkapasok na pagkapasok ko sa sasakyan ay tumunog ang cellphone ko. I checked the caller ID before answering the call, and my jaw dropped to see Mrs. Dela Vega calling.

Mag-aalas otso pa lang ng umaga at tumatawag na siya sa akin. It was so unusual that it gave me chills. Madaming dahilan ng pagtawag niya ang pumasok sa isipan ko, but the reason that stood out the most was my stepfather's connection to his eldest son's death.

Umaandar na ang sasakyan nang sinagot ko ang tawag. Bahagyang nanginig ang aking kamay sa pagpindot. Nakaramdam ako ng takot dahil hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ng mga Dela Vega kahit na matagal na nilang nakamit ang hustisya nang naipakulong si Papa.

What if they are still not satisfied? What if they wanted more from us?

Ayaw kong pag-isipan sila ng masama lalo na't naging mabuti sila sa amin, pero ayaw kong maliitin ang kayang gawin ng pinagsamang galit at sakit. Call me a pessimist, but I always want to be prepared for the worst. Mas gustong maging handa kaysa ang umasa. Expecting won't do me anything good. I'm ready to face the heartbreak I've already created in my head.

"Hello po, M-Ma?" My lips trembled when I addressed her that way. Hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong sabihin 'yon. Parang wala. Parang hindi na dapat.

"I'm sorry to call you this early, Chantal, but are you free to see me now?" Mrs. Dela Vega asked in a crucial tone.

Sa tono pa lang ng boses niya, parang kahit may importante akong gagawin ay mas importante pa rin ang puntahan siya ngayon din.

"Yes po, Ma. May problema po ba? Saan ko po kayo kikitain?" I asked, eager to meet her as well.

"Someone claiming to be a family member of yours came to our house, asking for financial assistance. Ang sabi ay kapatid daw ng Daddy mo? Kasama niya ang asawa niya."

Napaawang ang mga labi ko at agad naalarma. It was the reason I didn't expect. Hindi ko inaakalang may lakas ng loob sina Tita Carmela na puntahan ang mga Dela Vega. At tsaka paano nila nalaman kung saan sila nakatira? Paano sila napapasok ng guard sa subdivision?

"Pumunta ka na lang sa bahay. I'll wait for you here," sabi niya at agad na binaba ang tawag.

Napalunok ako't nag-angat ng tingin sa driver. Kung kaya ko lang mag-teleport o lumipad papunta roon ay baka ginawa ko na.

"Manong, huwag na po tayo sa DVH pumunta. Pakihatid na lang po ako sa mga Dela Vega," utos ko.

"Sa mga Dela Vega po?" ulit niya.

"Sa Forbes po."

Tumango sa akin si Manong nang maintindihan kung saan ko gustong pumunta. Dumiretso lang siya sa dinadaanan at kalaunan ay lumiko papunta sa eksklusibong subdibisyon.

The row of mansions on both sides somehow terrified me. Kahit ilang beses na akong nakadaan doon, kakaiba ang kaba at takot na gumapang sa akin. It was like they would collapse right in front of me and devour me whole.

Iniwas ko ang tingin sa mga nadadaanan bahay at saka ibinaba ang titig sa kamay. Wala sa sarili kong hinawakan ulit ang mga singsing. Parang nakasanayan ko na 'yon tuwing nakakaramdam ng kaba at takot. It would calm me. It would give me strength.

"Ma'am, nandito na po tayo."

Nakapasok na kami sa loob ng driveway ng mansyon ng mga Dela Vega. The big double doors towered in front of me as soon as I stepped out of the car. Lumabas ang pamilyar nilang kasambahay na paniguradong naghihintay sa akin.

"May bisita pa po ba si Mama?" Sa kaba na baka nandoon pa rin sina Tita Carmela ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik ka. Kailagan kong malaman.

"Nakaalis na po, Ma'am," nakangiting sagot niya.

Tumango-tango ako at medyo nakahinga nang maluwag. Akala ko, maghihintay pa sila hanggang sa dumating ako.

Hinatid ako ng maid papunta sa home office ni Mrs. Dela Vega. Nasa second floor 'yon, katabi ng library. Nakapasok na ako roon kasama si Xaiver noon kaya alam ko.

Binuksan ng kasambahay ang pintuan sa office at agad din akong iniwan. Ako na mismo ang pumasok sa loob. I found Xaiver's mother sipping on her coffee while sitting on the couch. Wala siya sa lamesa niya at mukhang hinihintay na lang akong dumating.

"Ma..." nag-aalangan kong tawag.

Ibinaba niya ang kape sa coffee table nang nag-angat ng tingin sa akin. Tipid siyang ngumiti. Halatang pilit 'yon. Sa itsura pa lang na 'yon, nai-imagine ko na ang mga nasabi nila Tita Carmela. Talaga namang nakakahiya.

"Upo ka, Chantal," sabi niya at itinuro gamit ang mga mata ang space sa tabi niya. "Did you have your breakfast already?"

Tumango ako habang palapit. "Tapos na po."

"Good. I guess we can go straight to the point now?"

Huminga ako nang malalim. Naisipan kong huminga na lang agad ng pasensya. Kahit na wala akong alam sa ginawa nina Tita Carmela, alam kong responsibilidad ko pa rin sila. Ako ang tumatayong pamilya nila sa mata ng mga Dela Vega. Sa pahapyaw pa lang na kuwento ni Mrs. Dela Vega kanina ay mukhang ang pangalan ko na ang ginamit nila para makausap siya at makalapit.

"Pasensya na po, Ma... Hindi ko po alam na pupunta sila rito. Wala po akong sinabi. I didn't even give them your address kaya nagulat ako nang sinabi ninyong pumunta sila rito," paliwanag ko.

"Well, I can tell na hindi ikaw ang nagbigay. They thought this was your house and Xaiver's. Ang anak ko ang hinahanap nila," sabi niya. "But I guess this house isn't really kept to the public. They know this is one of our properties. O baka nagamit nila ang koneksyon nila sa 'yo para makarating dito."

I clenched my fist. Mas lalo akong nakaramdam ng galit para sa kanila. Si Xaiver pala talaga ang puntirya nila?

"Gaya nga ng sabi ko sa 'yo kanina, they were asking for financial support. Two hundred thousand, to be exact. Kapatid daw siya ng Daddy mo at kailangan niyang maoperahan agad-agad dahil sa ulcer. Lumapit daw sila sa 'yo, pero itinaboy mo lang sila."

Two hundred thousand?!

Dahil lang nakaharap nila ang Mama ni Xaiver, tumaas na agad ng isang daang libo ang kailangan nila? They even tried to throw me under the bus!

"Hindi ko po sila tinaboy. Sinubukan ko naman po silang kausapin, pero..." Kinagat ko ang aking labi.

Once again, I couldn't bring myself to open up about my family's history. After telling Xaiver everything, hirap na naman ako. I felt like I could only bare my soul to one person—my husband.

"Given how persistent they seem, naisip ko rin hindi sila titigil hangga't wala silang nakukuha," simpleng sabi niya pero agad akong naalerto.

"Hindi ninyo naman po sila binigyan, 'di ba?"

Baka mamaya ay napaniwala siya sa mga kasinungalingan nina Tita Carmela. Dahil kahit na hindi sa akin napunta ang pera, I would still pay for that. Hindi kakayanin ng konsensya ko na walang ibalik.

"Of course I didn't. Halata namang nagsisinungaling lang sila," sagot niya. "I just told them to apply for medical assistance sa DV Foundation kapag may mga papel na sila. We can support them financially, but we have a proper procedure for that sa foundation natin at may assessments din na kailangang mapasa."

"Sorry po, Ma. Gagawin ko po lahat para hindi sila makabalik dito o makatapak sa DVH."

Umiling si Mrs. Dela Vega. "No need. I already took care of everything," sabi niya saka umayos ng upo. "But I'm kind of curious...  bakit hindi mo sila tinulungan?"

"Wala po akong maibibigay sa kanila..."

"Wala kang maibibigay sa kanila? You are my son's wife. You are a Dela Vega now."

"Kahit kailan, hindi po ako humingi kay Xavi..." I told her, defending myself from any suspicion arising in her head. Ayaw kong isipin niyang pera ang habol ko sa anak niya. "Ayan po ang nilinaw ko sa kanya bago ako pumayag na ikasal sa kanya. I would never take his money."

"Hmm, but my son is paying for your mother's hospital bills?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. I didn't expect her to know about that. Sinabi ba sa kanya ni Xaiver? I doubt he would. Hindi naman niya gawain 'yon.

"Of course, I won't question that..." Mrs. Dela Vega elegantly sipped on her coffee again before she continued. "Pera iyon ng anak ko at kung saan niya man gusto gamitin 'yon, that's his choice. And I understand that your mother is now his too. Walang problema roon. I just find it contradicting your statement, you know."

Nagkibit-balikat siya saka ibinaba ulit ang tasa.

Nahihiya ako. Hiyang-hiya ako.

I don't think I've ever felt this embarrassed in my whole life. Ngayon lang. Hindi ko rin naisip na ang ina ng mapapangasawa ko pa ang magpaparamdam sa akin no'n.

"Naubos lang po ang ipon ko no'ng nag-resign ako, pero babayaran ko po kay Xavi 'yon paunti-unti. Napag-usapan na po namin 'yon," paglilinaw ko.

"It's okay, Chantal. Like I said, I understand why my son had to pay for your bills. Mag-asawa kayo," sabi niya. "Pero gusto ko lang din linawin sa 'yo na ayokong madadamay si Xavi sa kung ano mang gulo na meron kayo sa pamilya mo. He has a lot of work and responsibilities. As his former secretary, I know you are well aware of that."

"Yes, Ma'am."

Sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin, I couldn't help but be all formal with her. She also didn't even correct me for the way I unconsciously addressed her.

"To be honest, I don't want to interfere with your problems with my son. Mag-asawa na kayo. I know Xaiver also wouldn't like it, but I figured he knows now..." sabi niya at muling sumimsim sa kape.

Napakunot ang noo ko. I had a feeling that we were already moving on to the next topic, something heavier and more serious.

"P-po?"

"My people are telling me that you are currently not on good terms with my son. Isang buwan din siyang nawala nang hindi ka kasama. He also rarely spent time with you these past few weeks, and you recently moved in with your mother..." Unti-unti niya akong nilingon. "Tama ba?"

Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko na rin sinubukan pa. She already knew the answer to that. She had it all figured out.

"I won't play innocent, Chantal. I'm telling you right now that I had you followed and investigated after getting married to my son," she admitted without batting an eye. "Noong ipinakilala mo sa akin ang Mama mo, I know you can't be trusted. Ang hirap niya kasing kalimutan."

My lips opened slightly. I was already on the edge of my seat. Alam ko na kung saan ito papunta. It was something I initially expected.

"Maria Lourdes Bersales... She was the live-in partner of Philip Abisan that time..." Matapang na nag-angat ng tingin si Mrs. Dela Vega sa akin. A bitter smile crept on her lips. "Alam mo na siguro kung ano ang ibig kong sabihin, Chantal. Matalino ka. And I'm sure my son has already confided in you."

Napalunok ako. "Nagkausap na po kami ni X-Xavi... kahapon..."

"And I bet matagal niya nang alam?"

Tumango ako bilang kumpirmasyon.

"Xaiver's not being himself these days. Given his reputation, you wouldn't expect him to mess things up, but he did. Kaya wala ang asawa ko ngayon. He personally went to the company to help our son."

Xaiver? Messing things up? Dahil sa akin?

"Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan ninyong dalawa o kung ano ang estado ng relasyon ninyo. I allowed Xaiver to marry you despite knowing your connection to the man who killed his brother, my son, because I saw how much he's in love with you. I tried to accept you despite everything because you are his wife. He chose you. You brought him back to his life before the tragedy. You gave him peace. You became his source of happiness."

Bumagsak ang luha ko. Her words made me reminisce about all those moments with Xaiver that I cherished.

Just like him, despite my inhibitions, I chose to get married to him. He also brought me the life I thought I could never experience. He gave me peace... and love. He's also the source of my happiness. He's everything I wanted to keep for the rest of my life. He's the love of my life.

"Pero ngayong nakikita kong ikaw rin mismo ang nagbabalik ng mga pangamba sa buhay niya, I knew I had to step in. I don't want him to relive the trauma from that night. I don't want my son to suffer again. I don't want to see him in pain. At kung talagang mahal mo siya, alam kong gano'n ka rin."

Mrs. Dela Vega took a deep breath to settle her emotions, which were starting to break free from her control.

"That n-night..." Hindi niya na nakayanan at tuluyang nabasag ang kanyang boses. "Xavi was in the same car as Art."

Naestatwa ako sa narinig, nakatingin nang diretso sa mga mata ni Mrs. Dela Vega. I wished I was just hearing things, ngunit malinaw ang kanyang pagkakasabi. Sa titig niya rin ay alam kong hindi siya nagsisinungaling. She was telling the truth.

Xaiver was in the same car with Art. Nakasakay siya sa sasakyan kung saan namatay ang kapatid. At the same time. At the same place. Isa siya sa naaksidente noong gabing 'yon.

"Because of your stepfather, I almost lost both my sons." Mrs. Dela Vega gritted her teeth in anger. Diniin niya ang bawat salita na parang gustong-gusto niyang tumatak iyon sa isipan ko. "I lost Art, and I almost lost Xavi."

Chills crept into my veins as I turned cold. Agad nanikip ang aking dibdib sa posibilidad na maaaring pati si Xaiver ay nawala dahil sa nangyari. I couldn't accept that. Unti-unting umusbong ang galit ko kay Papa na hindi ko dapat maramdaman. Bigla ko siyang sinisi.

I was in a great dilemma. Namuo na rin ang galit ko para sa sarili. I don't wanna feel that way. I shouldn't feel that way.

I love my stepfather. I'm still holding on to the slim chance that he's innocent of what he was accused of. Kaya hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Para akong pinaglalaruan ng sarili kong damdamin.

"Alam mo ba kung ano ang naramdaman ko no'ng mga oras na 'yon?" she asked. "Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Thinking I might lose them both, parang ako 'yung nasa kalagayan nila. Parang ako 'yung nakatamo ng sugat. Parang ako 'yung nasa bingit ng kamatayan."

Madiin ang pagkagat ko sa aking labi. Gusto kong humagulhol sa sakit, pero pakiramdam ko'y wala akong karapatang umiyak. Wala akong karapatang makaramdam ng sakit.

"Xaiver recovered fast even with his head injury, but Art didn't make it, and Xaiver also suffered from trauma. Fortunately, there was quick justice for my sons. We were already going through hell of losing Art at ayaw na naming madagdagan pa 'yon."

Trauma...

I remembered how Xaiver was so uncomfortable driving at night. Ayaw niya ring sumasakay sa harapan ng sasakyan kapag gabi at mas gustong nasa backseat. His mood would always change, and he was always serious and uptight. At ngayong alam ko na 'to, I realized he might be anxious during those times.

But then he managed to overcome his fears. He did his best to drive safely while taking me home at night. He also told me once na nag-practice siya para maipag-drive niya ako nang walang inaalala.

"Ayokong maging matapobreng ina, just like the ones in movies, pero alam kong naiintindihan mo kung saan ako nanggagaling, Chantal," sabi niya at inabot ang kamay ko.

Ang mga mata niya ay parang nagmamakaawang pakinggan siya. Alam ko na agad ang gusto niyang mangyari. She didn't want me to stay with her son. She wanted me out of his life.

"I'm willing to shoulder the expenses your mother will need for her treatment. I know a specialist who can help her in the States. Wala kayong gagastusin. Not even a single cent," she offered, then heaved a sigh and squeezed my hand. "But on one condition, I want you to leave my son. Sasama ka sa Mama mo sa States. I'll have everything arranged, so you need not worry about anything."

Continue Reading

You'll Also Like

42.5K 2.1K 46
Harper is driven to prove to her parents that she made the right decision of pursuing her own path rather than follow her family's long line of medic...
3M 78.8K 43
Avis Magdalene Sebastian thought Luke Dashiel had finally moved on. It was a wishful thinking. Ang akala niya ay sapat na ang mga sakit na binigay ni...
3.3M 85.9K 63
Sa isang pagwawakas, hindi maaaring walang masasaktan. Isa man sa inyo, o kayong dalawa pareho. Sa bawat mga hakbang palayo, ay ang unti-unting pagka...
93.5K 3.9K 34
He is off-limits. He has always been off-limits to her. Too bad, she's never been good at following the rules. After her failed attempt at happiness...