ZAMARA'S POV
Kanina pa ako titig na titig sa kisame, tanghali na pero hindi pa rin ako bumabangon. Tumingin ako sa wrist watch ko.
1.30 pm.
Kung nandito lang si mama paniguradong pinagbabaril na ako ng sermon no'n.
Paborito pa naman na linya ni mama na "Gising mayaman ka na naman."
Umiling-iling ako at bumangon para mag hilamos at mag toothbrush. Pagkatapos ko bumaba agad ako.
"Lucas?" Mahina kong sabi.
Biglang lumingon si Lucas sa akin na nag aayos sa kusina.
Ang dami namang binili nito. Mukhang nag-grocery ang tang*.
"Oh gising ka na pala-"
"Paano ka nakapasok dito?" Ngumuwi siya sa akin.
Lumapit ako kay Lucas habang pinagmamasdan lahat ng dala niya.
"Ang ganda naman ng bungad mo wala bang pa "Good morning sa pinaka gwapong nilalang na si Lucas." mabilis kong binatukan nang malakas si Lucas.
Tanghaling-tanghaling tapat nagyayabang agad. Umupo ako at nakalumbaba.
"Inutusan lang ako na mag-grocery ni tita baka magpalipas ka raw ng gutom." Sabi niya sa akin at nilagay lahat ng mga de-lata sa cabinet.
"Tita?" Kunot noo kong tanong.
"Malamang tita mo alangan naman na tita ko eh hindi ka naman kilala." Biglang nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
Tarantad*.
Kahit kailan si Lucas ma stress lang ako malala kapag ito kasama ko imbes na mabawasan na dadagdagan lang.
"Alam mo, umuwi ka na." Bigla siyang humarap sa akin at nginitian ako nang malapad.
"No." Madiin niyang sabi.
Tatayo na sana ako nang may nilapag si Lucas sa lamesa.
Ramen?
"Ako nagluto niyan kaya dapat mong kainin 'wag kang mag-alala wala 'yang lason."
Tinalikuran niya ako at nag ayos ulit.
Mukhang masarap. Parang dito pa nagluto si Lucas ngayon ko lang kasi napansin na naka apron siya tapos ang daming hugasin sa lababo.
Kinuha ko agad ang niluto ni Lucas at tinikman.
Napatingin ako bigla kay Lucas.
Marunong pala 'to magluto akala ko puro kagaguh*n lang ang alam nito.
"Nabanggit sakin ni Zavier na matagal mo na raw gustong kumain niyan kaya nagluto ako." Natigilan ako sa kinakain ko dahil sa sinabi niya.
"N-nakausap mo si kuya?" Biglang tumigil si Lucas sa ginagawa niya.
Narinig ko siyang huminga nang malalim at umiling sa akin. Bagsak balikat ako sa reaction niya.
"Sorry."
"During our stay in Japan, he casually mentioned to me that you wanted to try the ramen." Tumango na lang ako sa sinabi niya at kumain na lang ulit.
Sinundan ko ng tingin si Lucas nang umupo siya sa harapan ko. Natulala ako sa sinabi niya
"Hindi natin masasabi kung ano talaga nangyari kay Zavier. Pero sana ihanda mo sarili mo. May imposible na hindi na natin siya makikita."
"Hindi ako humihiling na sana gan'on na nga. Look at the reality of life Zamara, do not dwell in the realm of imagination."
Matino naman pala siya kausap?
Umiwas ako ng tingin at napaisip sa sinabi niya.
"I know it's hard to accept, especially when almost everything has been taken away from you. I just want you to prepare yourself, so that somehow you can manage on your own."
Saglit na natahimik kaming dalawa.
Pinipigilan kong 'wag umiyak sa harapan ni Lucas. Tinuon pansin ko na lang yung sarili ko sa kinakain ko.
Kung minamalas ka nga naman nabulunan pa nga ako!
"Oh tubig, dahan-dahan kasi alam kong masarap yung luto ko." Hindi ako nag dalawang isip na kunin ang tubig na inabot sa akin ni Lucas at ininom agad.
Tumingin ako ng masama kay Lucas paano ba naman kung titigan ako parang hinuhusgahan buong pagkatao ko.
"Parang bata kumain." Ngiwi niyang sabi at iniwan ako mag isa sa kusina.
Nang matapos ko na yung kinakain ko saglit akong umupo muna.
Bigla ko na-realize lahat ng sinabi niya kanina.
May mga bagay talaga na nawawala sa buhay natin.
Huminga ako ng malalim at nilagay ang pinagkainan ko sa lababo.
"Ay potch*!" Himpas ko si Lucas sa ulo niya gamit ang plastic bottle.
Tawa siya nang tawa sa naging reaction ko.
"Ako na diyan, umakyat ka na."
"Umayos ka." Ngumiti lang siya ng nakakaloka at nag hugas ng pinggan.
Umakyat ako at akmang papasok sa kwarti ko nang napatingin ako sa kwarto ni kuya.
Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa kwarto ni kuya.
Nalanghap ko ang amoy lemon ng kwarto niya.
Ang taray kalalaking tao ang bango ng kwarto. Lalabas na sana ako kaso naagaw yung atensyon ko sa lamesa ni kuya.
Lumapit ako at nagulat nang makita ko ang cellphone ni kuya.
Naiwan niya pala ang cellphone niya?
Hinanap ko agad nag charger ni kuya at chinarge. Hindi ko kasi mabuksan baka lowbat.
Naghintay ako nang ilang minuto at binuksan agad.
Bumungad sa akin ang wallpaper ni kuya.
Ako ang wallpaper ni kuya? At ang nakakainis pa sa dami kong magandang picture yung nakanganga pa ako habang tulog.
Hindi ako nahirapan buksan ang cellphone ni kuya kasi walang password.
Sunod-sunod ang pag pop ng mga text at calls. Umupo ako sa gilid ng kama habang nababasa lahat ng pumapasok na text sa cellphone ni kuya.
Kaya pala hindi ka namin ma-contact.
Napindot ko bigla yung photos ni kuya. Kunot noo ko inisa-isa ang mga picture.
Bakit puro ako? Kung hindi tulala nakanganga. Jusmeyo kuya ang galing mo pala kumuha ng picture nakuha mo inis ko.
Pinindot ko ang isang pictures.
Picture namin no'ng nag picnic kami sa garden nina Blake bahagya akong ngumiti habang pinagmamasdan ko.
Bigla ko namiss si Blake lalo na si Noah. Huminga ako ng malalim at nilapag sa ibabaw ng lamesa ang cellphone ni kuya. Naisipan ko muna ayusin ang kwarto ni kuya tutal kaunti lang yung kalat.
Nang matapos ako sinunod ko agad yung kwarto ni mama. Inayos ko lang din yung iilan kasi hindi rin makalat yung kwarto ni mama.
"Hala?! 6:00 pm na?!" Ang tagal ko pala naglinis ng kwarto.
Pumunta muna ako sa kwarto ko para maligo nang matapos ako maligo nag ayos muna ako. Nag blower lang ako saglit at nag lipbalm.
"Tapos ka na?" Lumingon ako at nakita ko si Lucas na nakasandal sa pintuan habang nakapamulsa at walang reaction ang mukha.
Umayos siya at tumayo.
"Bumaba ka na kakain na."
Tumingin ako sa salamin.
"Bakit parang naging kuya siya? Baka sinaniban na siya ni kuya?"
Umiling ako at bumaba.
Nakita kong nakabukas ang pintuan at akmang isasara ko na nang may narinig akong tumutugtog ng gitara.
I am yours
And I'm completely trapped in your soul
Dazed and confused
"Sino 'yon?" Nagulat ako nang binuksan ni Lucas ang pintuan.
Natigilan ako nang nakita ko si Blake na nasa harapan ng bahay namin habang nag gigitara.
"Oh si Blake..." Mahinang sabi ni Lucas lumapit agad si Lucas at binuksan ang gate.
Swept away with your whole world
'Cause you're my star
Invincible, haunting and far
Grace under fire
Something is deep in my heart, in my heart
Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Titig na titig si Blake sa akin.
Because I'm waiting for you
Waiting for this dream to come true
Just to be with you
Kitang-kita ko sa mukha ni Blake na parang nabuhayan siya nang nag lakad ako papunta sa kan'ya.
Remember these lines
I'm always here, guarding you
Slowly falling into you
I'm obsessed with the fact that I'm with you
I can't breathe without you
Biglang tumigil si Blake sa pag gigitara.
Because I'm waiting for you
Waiting for this dream to come true
Just to be with you
And if I die
Remember these lines
I'm always here, guarding you
Nakatingin lang ako kay Blake na papalapit sa akin. Nang nasa harapan na niya ako umatras ako at iniwasan ang pag hawak niya sa akin.
Umiwas ako ng tingin.
"Anong ginagawa mo rito?" Mahinahon kong sabi.
"Ate Zamara!" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Noah sa likod ni Blake at inabot sa akin ang isang pirasong rose.
Bigla niya ako niyakap nang mahigpit.
"Namiss po kita!"
Nakita kong sumenyas si Blake kay Lucas na kunin muna si Noah. Nagulat si Noah nang buhatin siya ni Lucas.
"Why?! No! Ayoko! Gusto ko makasama si ate Zamara! Kuya Lucas!"
Akmang tatalikuran ko si Blake nang bigla niya ako hinatak at niyakap nang sobrang higit.
"I can't take it anymore." Mahina niyang bulong sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.
Hindi ko maiwasan hindi mapaluha.
Inaya ako ni Blake na magpalamig sa labas. Habang naglalakad kami may nakita kami na pwede kaming umupo. Nang nakaupo na kami sobrang tahimik naming dalawa.
"The day you saw the two of us, Styzy and me." Tahimik lang ako nakikinig sa kan'ya.
"Nakipagkita talaga ako." Nagulat ako sa sinabi ni Blake.
Hindi ako nagpahalata na naapektuhan ako.
"I have a reason."
"Noong nasa hospital kami ni Noah for his check-up I saw Lucas, and he gave this to me." Inabot sa akin ni Blake ang isang brown envelope.
Pagbukas ko nagulat ako sa nakita ko.
S-si mama? Yun yung nakita kong nakahiga si mama sa labas ng bahay namin na halos naliligo sa sariling dugo niya.
Kinuha sa akin ni Blake ang picture at binaliktad niya.
"Miss me?"
"Yan yung rason kung bakit ako nakipagkita sa kan'ya."
"Nabanggit sa akin ni Lucas na ilang beses na rin daw siya nakakatanggap ng gan'yan. Nagugulat siya may nang iiwan ng picture niya kung saan siya galing o pumunta at palaging nakasulat sa likod ng picture ay 'Miss me?' or 'You're my possession.'"
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula kay Blake.
"Umamin si Styzy na siya ang may gawa."
Nalukot ko ang picture na hawak ko sa sinabi ni Blake.
"Kaya niya ako niyakap humihingi siya ng pabor na 'wag ko raw siya ipakulo-"
"Where's Styzy?" Galit kong tanong.
"Na saan si Styzy?!"
"Nakakulong na. Since we have enough evidence, and Styzy even admitted to me, it's a good thing I recorded on that day to gather additional evidence. I am grateful to Lucas' parents and my sister because we were able to immediately have Styzy imprisoned."
"We recently discovered that Styzy is already 20 years old and has been diagnosed with Obsessive Love Disorder, which is believed to be a result of her upbringing by his parents. But now, Styzy is currently receiving treatment and medication in a mental hospital."
Nakaramdam ako ng galit kay Styzy.
Mental hospital?! Nagawa niyang patayin ang nanay ko!
Bigla akong kumalma nang biglang hinawakan ni Blake ang kamay ko.
"I'm sorry if I wasn't by your side back then."
Iyak ako nang iyak habang niyayakap ako ni Blake.
"I love you. Please can we go back to the way we used to be like before." He whispered.
"I'm sorry...." Hinawakan ni Blake ang dalawa kong pisnge at sinandal niya ang noo niya sa noo ko.
"It's not your fault, love." pinunasan niya ang luha ko gamit ang thumb finger niya sabay halik sa noo ko.
Natahimik kami saglit at tumingin kay Blake habang si Blake nakatingala sa langit. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Bigla siyang lumingon sa akin sabay kindat. Natawa kaming dalawa, kahit kailan talaga.