[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HI...

By Yam-Yam28

62.9M 593K 160K

COMPLETED I NO SOFT COPY I Book two ng Girlfriend for Hire ^__^ More

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIEND PROLOGUE
CHAPTER 1- Two Years Later...
CHAPTER 2- Celebrating our SECOND ANNIVERSARY
CHAPTER 3- Meet BRYAN CLYDE GO.
CHAPTER 4- One EPIC DAY
CHAPTER 5- When WORSE comes to WORST
*SPECIAL CHAPTER: The SY BROTHERS
CHAPTER 6- COMMUNITY SERVICE for IDIOTS
*SPECIAL CHAPTER: POTATO CHIPS and PSP
CHAPTER 7- HATE that I LOVE YOU
*SPECIAL CHAPTER: ALICE in Bryan's Land
CHAPTER 8- New ArRIVALS
CHAPTER 9- CONFLICTS THERE, CONFLICTS EVERYWHERE
*SPECIAL CHAPTER: Just the way I'M NOT
CHAPTER 10 - LOST
*VenTo CHAPTER: HANG OVER
CHAPTER 11- Won't GO HOME without YOU
*SPECIAL CHAPTER: RAIN + CLOUD = ?
CHAPTER 12- Just another chapter..
*SPECIAL CHAPTER: Another Day w/ the SY BROTHERS
CHAPTER 13- THE BARTENDING INCIDENT
CHAPTER 14- How ABNORMAL Couples Date.
CHAPTER 15- Boy Problems
CHAPTER 16- FLASHBACKS FROM THE PAST
CHAPTER 17- Something is COMING.
*VenTo CHAPTER: " IF YOU EXIST "
CHAPTER 18- I HATE THIS!
CHAPTER 19- DANCES and TEARS and..What?!
CHAPTER 20- Kenneth Sawada (Ken)
CHAPTER 21- Pre-Ballroom Sh*t
CHAPTER 22- Slipping Away
CHAPTER 22.5- Slipping Away (Part 2)
CHAPTER 23- Breaking Down
CHAPTER 24- Merciless Hearts
CHAPTER 25- Deja Vu
*VenTo CHAPTER: BAD Enough For You
CHAPTER 26- Foundation Week Blues
CHAPTER 27- Revelations
*VenTo CHAPTER: The Mysterious Case of Tommy Michael Lopez
CHAPTER 28- 2nd Semester
*MerCy CHAPTER: Beautiful Goodbye
CHAPTER 29- It's a Messy Chapter
CHAPTER 29.5- It's a Messy Chapter (Part 2)
CHAPTER 30- It's just a NORMAL DATE--or NOT.
*ThirTie CHAPTER: You LOST Me...
CHAPTER 31- Weird.
CHAPTER 32- OPERATION: Let's Get You Back Together!
CHAPTER 33- Attack of the RIVALS!
*MerCy CHAPTER: BACK FOR GOOD
CHAPTER 34- The Beginning of the End
CHAPTER 35- LAYARTEB
CHAPTER 36- Go Away!
CHAPTER 37- I won't give up.
CHAPTER 37.5- I won't give up. (part 2)
CHAPTER 38- How to SEDUCE a girl.
*ThirTie CHAPTER: Six Degrees of Separation
CHAPTER 39- Chasing Cars
CHAPTER 40- Switch
CHAPTER 41- Black Knight
CHAPTER 42- Black Knight #2?
CHAPTER 43- M E M O R I E S . . .
CHAPTER 44- Fall for me again!
CHAPTER 45- One Sided Love
*ThirTie Chapter: It's Over--- or so I thought.
CHAPTER 46- Battle of the Black Knights
CHAPTER 46.5- Battle of the Black Knights (part 2)
CHAPTER 47- What Should I do?
CHAPTER 48- GET BACK
CHAPTER 49- FOR THE FIRST TIME
CHAPTER 50- And this LOVE hurts..
CHAPTER 50.5- And this LOVE hurts.. (PART 2)
EPILOGUE <3 or </3 ?
BONUS SPECIAL CHAPTER #1: I will make f*cking LIGAW?!
BONUS SPECIAL CHAPTER #2: Making Love
BONUS SPECIAL CHAPTER #2.5: Making Love (Part 2)
BONUS SPECIAL CHAPTER #3: Officially A Dad
BONUS SPECIAL CHAPTER #4: Officially His Wife
BONUS SPECIAL CHAPTER #5: Boys & Babies
BONUS CHRISTMAS CHAPTER: Merry F*cking Christmas Night
BONUS SPECIAL CHAPTER #6: Nightmare on Steve's Unit

*SPECIAL CHAPTER: How I Met Our Driver

746K 5.8K 1.5K
By Yam-Yam28

Because of insistent public demand-- de joke! Haha! Eh kasi pansin kong pumatok ang mga kalokohan ng BerDie Tandem (Lolo Bernard and Manong Eddie) at dahil narin sa maraming nagtatanong kung paano ba naging partners in crime ang dalwang pasaway na matandang to na mahilig sa bromance, eh ito, inihahandog ko sa inyo ang makabagbag damdamin nilang Special Chapter.. ~Yam

*SPECIAL CHAPTER: How I Met Our Driver

NASH's POV

"Manong, manong, matagal na po ba kayong driver ng mga Stanford?" tanung ko kay Manong Eddie habang kasalukuyan akong naka upo sa may garden ng mansion nila Bryle

"Ahm medyo matagal narin po Miss Nami. Ahm mga 10 years na po. 10 years old palang si Sir Bryle nun nung naging driver ako ng mga Stanford." sagot ni manong Eddie

"Wow ang tagal narin po pala. Buti nakatagal kayo. Ahm manong, curious lang, kasi sobrang close niyo po kasi ni Lolo Bernard eh wala lang, nagtataka lang ako, kasi parang hindi lang po driver-boss ang relasyon niyo eh, parang super best friends po kayo. Gusto ko lang po sana malaman kung bakit ganun na lang kaya ka close ni Lolo Bernard, matagal ko narin po tong iniisip eh. Yun eh kung ok lang naman po sa inyo, pero kung ayaw niyo naman pong ikwento ok la--"

"Hindi Miss Nami, ok lang. Gusto ko ring ibahagi sayo ang kwento naming dalawa ni Sir Bernard. Nagsimula po ang kwento namin nung--" natigil si Manong Eddie ng pagkkwento ng biglang sumulpot si Lolo Bernard sa tabi namin at sumabat

"Nagsimula yun nung--"

"Eh Lolo Bernard? Kanina pa po kayo dyan?" gulat na gulat kong tanung

"Medyo. Hehe. Ah Eddie, ako na lang ang magkkwento kay Nash pwede? Matagal ko na kasing gusto maging story teller eh. Kasi naman si Bryle, kahit nung bata pa sya hindi nya ako hinahayaang kwentuhan sya ng mga kwento, pag itatry kong kwentuhan sya, ibabato nya sakin yung librong babasahin ko sa kanya. Huhu. Grabe talaga yung apo kong yun, ang lupit nya sa lolo nya, bakit kaya sya ganun? Huhu." naluluhang sabi ni Lolo Bernard, agad ko naman syang pinataha

Grabe, bata palang pala si Bryle masungit na sya. Hagisan ba naman ng libro ang lolo nya? Mga bata, wag gagayahin si Bryle ok?

"Nako lo hayaan niyo na po yung si Bryle, cheer up na po lolo. Ako po, handa po akong makinig sa kwento niyo ngayon."

Pagkasabi ko nun, nagliwanag ang mata ni Lolo Bernard, hehe para syang bata.

"Salamat Nami! Kaya mahal na mahal ka ni lolo eh!" -bigla nya akong niyakap

"Mahal ko rin po kayo lo." at niyakap ko rin si Lolo Bernard

Pero habang yakap yakap ko si Lolo Bernard, nagtataka lang ako. Kasi usually, hindi, lage pala, lage kasing pag niyayakap ako ni Lolo Bernard, susulpot si Bryle at ilalayo sakin si lolo, pero ngayon wala si Bryle. Kanina ko pa sya hinihintay, sasamahan nya kasi akong magshopping ng pagkaen sa mall, kaso ang tagal nya lumabas. Anu na kayang nangyari dun? O__O?

"Ah Lo, asan na po si Bryle? Bakit ang tagal nya atang lumabas?" biglang napabitaw sakin si lolo Bernie at nagkatinginan sila ni Manong Eddie

"Pa-pag gantong mainit, nagbababad si Bryle sa bath tub, kaya, kaya siguro ganun Nami, he-hehe." -Lolo Bernie

"Bakit po pinagpapawisan kayo?"

"Ah kasi mainit miss Nami kaya pinagpapawisan si Sir Bernard." -Manong Eddie

"Ah oo nga Nami, tama si Eddie, mainit kasi dito eh kaya pinag papawisan na ako." -Lolo Bernie

"Ah ganun po ba? Nako edi pumasok na po tayo sa loo--" tatayo na sana ako at aayain silang pumasok sa loob ng mansyon pero...

"Hi-hindi Nami hindi ka pa pwedeng pumasok sa-- I mean, mamaya na tayo pumasok, masarap ang sariwang hangin dito." -Lolo Bernie na pinaupo na ulit ako

"Oo nga miss Nami, tsaka magkkwento pa kami diba? Mas masaya magkwentuhan sa labas. Hehe." -Manong Eddie

"Ta-tama si Eddie. Hehe." -Lolo Bernie

Bakit parang ang weird ng kinikilos nilang dalawa? Well, lage naman silang weird eh. Tsaka nangako narin akong makikinig ako sa kwento nila Lolo Bernie, kaya umupo na lang ako at nakinig sa kwento nila.

Nagsimula ng magkwento si Lolo Bernie.

*FLASHBACK

Lolo Bernard's POV

Simula bata pa ako, pinapangarap ko ng makita si Santa Claus. Tuwing pasko inaabangan ko sya na pumunta sa bahay namin at dalhan ako ng regalo. Pero nagbinata na ako at lahat, eh ni anino nya, wala man lang akong nakita. Hindi sya dumaan sa bahay namin kahit isang beses. Pero kahit ganun, iniintay ko parin sya, hindi parin ako nawawalan ng pag asang darating sya sa bahay namin.

Ngayon, pasko na naman. Kasalukuyan kong inaantay si Santa Claus. Maya maya, may kumaluskos sa bakuran ng bahay namin kaya agad akong lumabas. At paglabas ko, napanganga na lang ako, kasi, dumating sya, eh hindi pala sya kundi sila.. Oo, dalawang Santa Claus ang nasa harapan ko ngayon.

"Si-sino sa inyo ang tunay na Santa Claus? Hindi pwedeng maging dalawa ang Santa Claus! Sigurado yung isa sa inyo nagpapanggap lang na Santa Claus para makapag nakaw sa bahay bahay!" -sigaw ko dun sa dalawang Santa Claus na nasa harapan ko

"A-ako ang tunay na Santa Claus." -sabi nung isa na may itim na bigote

"Ako ang tunay na Santa Claus." -sabi nung isa na may puting bigote

At habang naguguluhan ako sa pagpili kung sino sa kanila ang tunay na Santa Claus, may dumating pang isang Santa Claus, pero babae sya. Tapos may dumating pang isa. Tapos may sumunod pa. Ang dame na nila. Nakakahilo. O__O

*END OF FLASHBACK

BACK to NASH's POV

"E-eh? Nasaan po si Manong Eddie dun?" naguguluhan kong tanung, kasi parang wala namang eksena dun si Manong Eddie

"Huh? Wala dun si Eddie. Panu magiging andun si Eddie eh episode ng Gintama kanina yung kinwento ko sayo!" -Lolo Bernard

"Ah Sir, ang pinakkwento po ni Miss Nami, eh kung pano po tayo nagkakilala." -Manong Eddie

"Ah.. ga-ganun ba? He-hehe! Na-nako sorry Nami! Na-nalito na ako! Hehe! May hang over pa kasi ako dun sa napanood kong episode ng Gintama kanina eh hehe." -Lolo Bernie

"Ah ok lang po yun lo, fan din po ako ng Gintama, kaya pala medyo familiar yung scene hehe."

"Sorry talaga Nami. Pero ito na talaga, ito na talaga yung kwento namin ni Eddie." at nagsimula na talagang magkwento si Lolo Bernard

*FLASHBACK, THE REAL ONE

Lolo Bernard's POV

10 years earlier..

"Napaka unfair niyo Cynthia! Bakit ba ayaw niyo akong maging masaya? Bakit niyo pinatapon sa isang secluded island ang babaen papakasalan ko?!" -sigaw ko kila Cynthia at sa tatlo ko pang babaeng anak

"Dad, pera lang ang habol sayo ng babaeng yun! She's a gold digger!" -Cynthia

"Tama si Cynthia dad!" -sigaw pa nung tatlo kong anak, lage naman silang ganyan eh, pag kontra si Cynthia, kontra na lahat, yung tatay lang ni Bryle ang kakampi ko dito eh.. kaso.. I miss my son so bad..

"Hindi niyo talaga sasabihin sakin kung saan niyo dinala si Filomena?!"

"Hindi dad." -sagot nila sabay cross arms

"Kahit mag iyak ako?" sabi ko habang teary eyed

"Kahit mag iyak ka pa dad." -sagot parin nila

"Kahit, maglupasay ako dito?" sabi ko habang naka upo sa saheg at teary eyed

"Kahit maglupasay ka pa dad."-sila parin T__T

"Kahit magpakamatay ako?" sabi ko sabay labas nung suklay ko at itinutok ito sa pulso ko wariy maglalaslas

"Magawa mo na lang mamatay sa pamamagitan nyan dad." - sabi nila sabay face palm

"Pag namatay talaga ako ngayon, hindi ko kayo pamamanahan lahat at mumultuhin ko kayo!--hoy saan kayo pupunta? Hindi niyo man lang ba ako pipigilan?! Naglalaslas na ako oh!" sigaw ko sa kanila habang kinakaskas yung suklay sa pulso ko

Pero ang mga walang awang kong mga babaeng anak, ayun, nagsilayas na T__T . Iniwan nila akong luhaan sa saheg. Iniwan na ako ng lahat. Uwaah.

"Maglalayas talaga ako! Maglalayas ako!" -sigaw ko sa kanila

Napatigil sila ng paglalakad, tapos humarap sa akin..

"Go lang Dad! Ipapatawag ko na ba yung driver natin na lage mong kasama sa paglalayas para samahan ka?"-Cynthia

"Hindi niyo man lang ako pipigilan?"

"Hindi. Babalik ka rin naman eh. Tch." -sabi nila tapos tumalikod na sa akin

Uwaaah. Bakit ba ganito kalupit ang mga anak ko? Maglalayas na talaga ako! Hahanapin ko si Filomena T__T

Nakapag pack na ako ng gamit ko. Papalabas na ako ng pinto ng mansion ng makita ko ang apo kong si Bryle, naglalaro siya ng PSP.

"Apo--"

"Wag mo ko kausapin busy ako!" sigaw nya sakin

Huhu, bakit ba ang sungit ng apo kong to sakin? Bakit hindi sya nagmana sa tatay nya?

"Pero Bryle apo, maglalayas na si Lolo." sabi ko sa kanya pero parang wala syang narinig

"Bryle, sabi ko maglalayas si Lolo." pero wala paring response, ni hindi nga sya tumitingin sa akin eh, sa PSP lang sya nakatingin T__T

"Bryle maglalayas na si--"

"Ugh! Edi umalis na kayo! May naglalayas bang nagpapa alam?!" sigaw nya sakin T__T

"Hindi mo man lang ba pipigilan si lolo? sige na apo, pigilan mo naman si lolo, kahit isang beses lang apo."

"Haaay! Sinasayang mo oras ko tanda, aalis na nga ako dito. tch." at umalis na ang apo kong si Bryle

Uwaah! T__T. Bakit ba ang lupit ng mga tao sa paligid ko? Kahit sarili kong apo ang cold sa akin. T__T

Kaya ayun, kahit labag sa kalooban ko, naglayas na naman ako. Oo, madalas akong naglalayas. Sa twing kokontrahin nila Cynthia ang desisyon ko naglalayas ako. At kahit isang beses hindi nila ako pinigilan. Huhu

"Saan niyo naman po balak pumunta ngayon sir?" tanung sakin nung driver ko

"Kahit saan, ikaw na ang bahala." sagot ko lang at pinaandar na nya ang kotse

.

.

Nakarating kami sa isang probinsyang hindi ko pa napupuntahan. Medyo malayo layo rin to. Ang pinakamalayo ko ng napuntahan sa tanang paglalayas ko, siguro mga 10 kilometers lang mula sa bahay namin. Pero ngayon, malayo ang narating namin nung driver ko. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na to.

"Ah eh gutom ka na siguro no? Tsaka pagod ka narin siguro no? Bibili muna ako ng pagkaen natin. Dyan ka lang muna." sabi ko dun sa driver ko at bumaba na ako ng kotse

Naglakad ako papunta sa may malapit na tindahan ng .. wow.. nakakita ako ng isang magandang babae. Ang laki ng pwet. Ang laki ng hinaharap. Kaso likod lang ang kita ko. Pero love at first back sight ata ang tawag dito, kahit kasi likod palang nya ang nasulyapan ko eh tumibok na agad ang puso ko. Kaya naman agad ko syang sinundan. Pag naabutan ko sya aayain ko syang magpakasal.

"Patawad Filomena, pero ang mundo ay isang malaking Quiapo. Bakit isang malaking Quiapo? Hindi ko rin alam, hindi pa ako nakakapunta ng Quiapo, pero ayun ang madalas kong naririnig. Kaya Filomena, kung nasaan ka man, basta yun ang dahilan ko, tanggapin mo na lang. Patawad." sabi ko tapos hinabol ko na yung babae

Kaso ang bilis nyang maglakad! Tapos kung saan saan pa sya nagpupunta. Hanggang sa, hindi ko namalayan na, sobrang layo na nung napuntahan ko.

Nawala sya sa paningin ko dahil ang dameng tao. Unang beses kong makapunta sa public market.

Nasaan na kaya yung babae?

Hinanap ko sya ng hinanap kahit hapon na, pero wala, hindi ko sya makita. Haaay.

Para akong zombie tuloy na naglakad paalis ng public market. Naglalakad lang ako sa isang madilim na pasilyo hanggang sa biglang may mamang tumabi sa akin, tapos tinutukan ako ng kutsilyo, bread knife, nakakamatay ba yun?  Syempre napatigil naman ako.

"Hold up to! Wag kang gagalaw. Wag kang sisigaw." sabi nya sa akin kaya sinunod ko naman sya, hindi nga ako gumalaw sa kinatatayuan ko

"Itaas mo ang kamay mo!" sigaw nya sabay tapon nung sigarilyong hinithit nya sabay tapak dito

Hindi parin ako gumagalaw.

"Hoy tanda sabi ko sayo, itaas mo ang kamay mo!" -sigaw nya sakin

"Pe-pero diba sabi mo wag akong gagalaw? Pag tinaas ko yung kamay ko, edi syempre gagalaw ako nun? Anu ba talagang susundin ko sa mga sinasabi mo?"

pagkasabi ko nun sa kanya napakamot sya ng ulo, nakamaskara sya na pang holdaper, syempre holdaper eh kaya ayun di ko makita ang mukha nya..

"O-oo nga no. May point ka dun tanda. Sorry. Sorry." -sabi nya

"Ok lang. So anu na ngang gagawin ko?"

"Pwede ka ng gumalaw. Itaas mo ang kamay mo! Madali!" sigaw na naman nya

Pero hindi parin ako nagtataas ng kamay.

"Hoy tanda, sabi ko pwede ka ng gumalaw! Itaas mo na ang kamay mo anu ba!" sigaw nya

"Pe-pero, hindi ko kasi alam kung anung kamay ang pinatatas mo sakin. Kaliwa ba o kanan? O kaya naman, pareho ba?"

Sinapo naman nya ang noo nya pagkasabi ko noon tapos..

"Oo nga no? Sorry ulit huh. Ah bale, itaas mo ang dalawa mong kamay!" -sigaw nya

Tinaas ko naman ang dalwa kong kamay.

"Ngayon, ibigay mo sakin yang relos mo, wallet mo, cellphone, kung anu mang pag aari mo ang pedeng pagkakitaan dyan!" -sigaw nya

pero hindi ako gumagalaw, nakataas lang ang kamay ko

"Bakit ayaw mong sumunod sakin tanda? Akin na ang mga gamit mo!" -sigaw nya

"Pe-pero, diba sabi mo itaas ko ang dalwa kong kamay? Paano ko maibibigay sayo yung kagamitan ko kung nakataas yung dalawa kong kamay?"

pagkasabi ko nun..

"Ugh! Bakit ba ang bobo ko? Ang hirap namang maging holdaper oh!" sa inis nya tinanggal nya yung mask nya kaya kita ko na ngayon ang mukha nya

Sa tingin ko halos magka edad kami. Medyo may katandaan narin sya tulad ko. Yun nga lang mukha syang pangkista. Naka eye liner sya at naka lipstick na itim tapos tirik tirik ang buhok, parang mamatay ang butiking lalalaglag sa ulo niya.

Ang cool nya *O*naisip ko habang tinitingnan sya. Para sa edad nya ang cool nya, gusto kong maging tulad nya!

"Hoy tanda bakit ganyan ka makatingin huh? Inuutusan kitang ibaba na ang kamay mo at ibigay sakin ang wallet, cellphone at relos mo!" -sigaw nya sa akin

"Ah te-teka lang." hinubad ko na yung relos ko at binigay ko sa kanya

"Bakit plastic na relo to? Ben 10 pa? cartoons?" sabi nya pagkakita dun sa relos

"Ah ibibigay ko sana yan sa apo kong si Bryle kaso ayaw nyang tanggapin eh. Ayaw niyang tanggapin lahat ng bagay na nanggaling sakin. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang galit ng apo ko sa akin." medyo nagluluha na ako nun

"Nako pasensya ka na. Hindi ko sinasadyang ipaalala ang apo mo. Oh eto panyo, wag ka ng mag iyak, ang mga lalaki hindi dapat umiiyak." sabi nya sabay abot sa akin ng panyo

"Salamat." sabi ko sabay kuha ng panyo nya,  yun ang unang beses na may nagpatahan sa akin, unang beses na may nag abot ng panyo sa akin, ang saya saya ko

"Te-teka! Hold up to eh! Bakit naging ganito na?! Ilabas mo na yung wallet at cellphone mo!" -sigaw nya

"Ah, saglit lang." kinapa ko naman yung wallet at cellphone ko sa bulsa ko, kaso..

"Oh bakit?" tanung nya kasi natigilan ako

"Na-naiwan ko ata dun sa kotse yung wallet at cellphone ko. Wa-wala akong dala bukod sa relo ko."

at pagkasabi ko nun

"Ugh! Pag minamalas ka nga naman! Akala ko tiba tiba na ako sayo kasi mukhang napakayaman mo talaga eh! Kaso bakit ganito?! Naman oh! Sana kanina mo pa sinabi sakin! Kabwisit naman oh!" -sigaw nya sabay hagis nung maskara nya at pinag aapakan ito

"Wa-wag ka na magdabog, ah, para hindi sayang yung effort mo, samahan mo ko sa kotse ko, kukuhanin ko yung wallet at cellphone tapos ibibigay ko sayo."

"Ow, oo nga no? sige tara." -sabi nya at sumunod naman sya sa akin

Pero habang naglalakad kami..

"Babalik na ako! Bakit hindi ko naisip to? Siguro dadalhin mo ko sa kotse mo tapos may mga pulis na dun o kaya naman may dalang baril yung driver mo at ipapabaril mo ako! Tama! Trap to! Bakit ngayon ko lang naisip?! Ang tanga ko talaga! Dyan ka na nga! Aalis na ako!" tatakbo na sana sya paalis pero pinigilan ko sya

"Hindi kita ipapahuli sa driver ko. Tutupad ako sa usapan. Pangako."

"Promise yan?"

"Oo, promise!"

"Oh sige! Sama na ako!" sabi nya at naglakad na ulit kami

Buti naman sumama sya. Ayoko pa syang umalis eh. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

Pero pag dating namin sa lugar kung saan naka park yung kotse ko kanina..

*wooosh wooosh (sound ng hangin)

Napanga nga na lang kami pareho. Kasi wala na dun yung kotse. Tinakasan ako nung driver ko?

"Pinaglololoko mo ba ako? Nasaan na yung kotse?" -sigaw nya sakin

"Nandito yun kanina eh. Kaso, tinakasan ata ako nung driver ko."

pagkasabi ko nun, naglupasay na lang sya sahig at nagpupukpok dun habang sinasabi to..

"Bakit ko ba sinayang ang oras ko sayo? Bakit?! Bakit?!!"

"Sorry, hindi ko naman kasi--"

"Tch. Aalis na ako. Maghahanap ako ng bagong biktima. Kailangan ko ng malaking pera bago magbukas. Dyan ka na tanda." -sabi lang nya at lumakad na palayo sa akin

"Teka hintayin mo ko!" -sigaw ko sa kanya

"Wag mo kong sundan!" sigaw nya

"Pero wala akong kasama rito. Hindi ko alam ang daan pauwi. Nakakatakot dito."

"Wala akong pakialam sayo! Malaki na ang problema ko kaya wag mo ng dagdagan! Useless ka kaya wag ka ng sumama sa akin!" -sigaw niya

"P-pwede mo kong maging side kick! Tutulungan kitang mang hold up!" pag sigaw ko nun sa kanya, napatigil sya tapos agad syang bumalik sa akin

"Talaga?" sabi nya

"Oo, tutulungan kita."

"Deal." at ayun nga, sinamahan ko na syang mang hold up

First time ko tong mang hold up. Nakaka excite!

Pero sa huli..

"Aray. Aray. Buhay ka pa ba tanda?" -sabi nya sa akin

"Bu-buhay pa naman."

"Mabuti naman. Haay. Mas mahirap pag kasama ka eh! Fail ka sa pang hohold up! Pabigat ka lang eh! wag ka na nga sumama sakin! Pareho pa tuloy tayong nabugbog!" -tumayo na sya at lumakad na paalis

"Wag mo kong iwan dito!" sigaw ko habang hinahabol sya

"Useless ka! Pabigat ka lang sakin tanda! Wala akong mapapala sayo kaya lumayas ka na sa harap ko!"

"Kidnap!" -sigaw ko

"Huh?"

"Kidnappin mo ko! Alam mo yun, kidnap for ransome. Tawagan mo ang pamilya ko, tapos humingi ka ng ransome. Malaki ang makukuha mong pera." pagkasabi ko nun, agad syang bumalik papunta sa akin

"Matalino ka! Buti naisip mo yun! Sige kikidnappin na lang kita!" sabi nya

"Ok! So pwede na akong sumama sayo? Tara dun sa phone booth, tawagan natin yung bahay namin."

"Ok sige tara!" at pumunta na nga kami sa phone booth

Habang tumatawag sya sa bahay namin..

"Nagriring na?" tanung ko

"Oo, wag ka muna maingay."

"Ok."

"Ah, anu kidnapper to, pwede bang maka usap si-- teka sinong sasabihin ko?" sabi nya sa akin

"Cynthia, sabihin mo, pakausap kay Cynthia." bulong ko

"Ah kidnapper ko, pwede bang makausap si Miss Cynthia?" naka pause lang sya after nun

"Anu daw?" pagtatanong ko

"Tinatawag na." sabi nya

Maya maya kumausap na ulit sya sa phone.

"Kidnapper to, si Miss Cynthia na ba to? Ahm Miss Cynthia, nasa akin po ang--teka anu mo ba sya?"

"Anak ko sya, daddy nya ako." bulong ko

"Miss Cynthia nasa akin po ang daddy nyo. Kung gusto niyo sya makuha, pwede po bang pakidala ng 100 000 sa adress na to? Huh? Hindi po to prank call. KIdnapper po talaga t-- teka teka lang! Wag mong ibaba! Aw." sabi lang niya tapos binaba na nya yung phone

"Bakit anu daw?" pagtatanong ko

"Ayaw nyang maniwala na kidnapper ako kasi ang galang ko daw. First time ko kasing mang kidnap kaya ganito ako eh. Dapat pala hindi magalang."

"Aigoo! Si Cynthia talaga! Sige ako ang bahala, may pantawag ka pa ba? ako naman ang tatawag!"

at ayun, ako naman ang tumawag sa bahay namin

CYNTHIA: HELLO?

AKO: CYNTHIA DADDY MO TO! KIDNAPPER NGA YUNG TUMAWAG SAYO KANINA! PANIWALAAN MO NAMAN SYA! ITO TALAGA, TINGNAN MO HUH, TATANUNGIN KO PA SYA.. KIDNAPPER KA DIBA?

HOLDAPER NA NAGING KIDNAPPER: OO KIDNAPPER AKO!

AKO: NARINIG MO YUN CYNTHIA? KAYA SIGE NA, IBIGAY MO NA YUNG RANSOME MO--

*toot toot

Bi-binabaan nya ako?

"Binabaan ka din?" sabi nya sakin, napatango na lang ako

"Ugh! Inubos ko yung pambili ko ng pagkaen sa wala! Ay! Ang malas ko naman ngayon araw! Di na tayo makakatawag! Wala na akong pera! Haay! Naman oh!" napaupo na lang sya sa isang bench malapit dun sa phone booth, tumabi naman ako sa kanya

"Sorry huh? Akala ko kasi maniniwala yung anak ko eh. Kaso wala ata talagang pakialam sakin yung mga tao sa bahay eh. Kaya nga ako naglayas eh. Ah teka, anu bang pangalan mo?" sabi ko sa kanya

"Bakit ko sasabihin sayo? Close ba tayo?"

"Hindi pa ba tayo close neto?"

"Ai! Matandang to! Ikaw nga ang dahilan kung bakit nagkanda leche leche ang raket ko ngayong araw! Ngayon wala na talaga akong pag asa. Wala na talaga akong mukhang ihaharap sa anak ko. Anak ko, Edna, patawarin mo tatay. Patawarin mo ang tatay mo, napakawalangkwenta talaga ng tatay mo eh. Patawarin mo si tatay Edna." at bigla na syang nag iyak dun

"Ui, ui, diba sabi mo ang lalaki dapat hindi nag iiyak?"

"Sinabi ko ba yun? Kung ganun binabawi ko na! Gusto kong umiyak ngayon! Gusto kong umiyak at maglaho na sa mundong to!"

"Wag ka ngang magsabi ng ganyan. Hindi ko alam kung anung nangyari sayo at sa anak mo, pero, tutulungan kita. Tulungan mo lang akong maka uwi sa bahay namin at tutulungan kita."

"Siguradong matutulungan mo ko? Baka hindi na naman huh?"

"Sigurado na yun. Ako si Bernard Chris Stanford, walang imposible sakin."

"Stanford? yung may ari ng Stanford University? at nga mga codominiums at shopping mall? Yung bilyonaryong Stanford?"

"Wow kilala mo ko huh! Oo ako yun!"

"Hindi mo ko niloloko?"

"Hindi. Nagsasabi talaga ako ng totoo, peksman."

"Hindi mo ako ipapahuli? Maimpluwensyang tao ka pala baka--"

"Anu ka ba, pag tinulungan mo kong maka uwi, kakalimutan ko na yung panghoholdap mo sakin at tutulungan pa kita. Pero bago yun, ikwento mo muna sakin kung bakit mo ako hinoldap. Alam mo kasi unang kita ko palang sayo, alam kong hindi ka na masamang tao. Alam kong hindi mo gusto yung ginagawa mo. Sigurado akong may dahilan. Gusto ko lang malaman ang rason mo."

"Hindi ko rin alam kung bakit ang laki na lang ng tiwala ko sayo, siguro dahil parang napaka inosente mong matanda ka. Pero sige, total wala naman akong magagaw kung hindi maniwala sayo, ikkwento ko sayo ang dahilan kung bakit ko piniling mang hold up."

SWITCHING TO  Manong Eddie's POV

Iniwan ako ng asawa ko at ng anak kong si Edna. Sumama sila sa ibang lalaking nakilala ng asawa ko. Mahal naman ako ng asawa ko eh, alam ko minahal nya ako, kaso hindi ko naibigay sa kanya yung buhay na inaasam nya kaya nga naiintindihan ko kung bakit sumama sya sa iba.

Isa lang akong hamak na myembro ng isang patapong banda. Dati medyo sikat kami, pero dahil sa tumatanda na nga kami, eh nalaos na. Naghirap kami. Nagkawatak watak ang banda, nawalan ako ng trabaho. Bukod sa pagtugtog ng gitara at pagkanta, wala na akong alam pa. Hindi ako nakapagtapos ng pag aaral, kaya nahirapan akong makahanap ng trabaho.

Samantalang asawa ko naman, nakahanap ng isang lalaking may ari ng isang talyer. Kaya ayun, sino ba namang pipiliin nya diba? Isang may ari ng talyer o ako na nagbabasura na lang ngayon?

Syempre yun ng may ari ng talyer. Sabi ko nga, naiintindihan ko naman sya kung bakit iniwan nya ako. Ang hindi ko lang maintindihan eh, kung bakit pati anak ko, nilalayo niya sa akin.

Ayaw nilang pinupuntahan ko si Edna. Kasi daw, nakakahiya dahil sa itsura ko. Maawa naman daw ako sa anak ko. Naisip ko rin yun, anu nga bang iisipin ng mga kaibigan ng anak ko pag nakita nila ako? Kaya, pinili ko na lang magpakalayo layo. Hindi ko na dinalaw pa si Edna. Pero lage ko syang pinagmamasdan sa malayo, sa tuwing lalabas sya mula sa paaralan nya.

Napapaluha na lang ako habang tinitingnan sya. Gusto ko syang kuhanin, pero alam kong wala syang kinabukasan sa akin. Kaya naman mas mabuti na siguro to.

Tuwing kaarawan ni Edna, nagdadala ako ng regalo sa bahay nila. Pinapabigay ko sa asawa ko. Ang tagal ko pinag iipunan mula sa pagbabasura ang regalong ibinibigay ko kay Edna. Pero, lage na lang talo yung regalo ko ng regalo ng naging asawa ng asawa ko.

Parang basura lang yung regalo ko pag itatapat sa regalo niya. Nagpapasalamat ang anak ko sa akin, pero halata namang mas nagugustuhan nya yung regalo nung isa nyang tatay. Pansin ko ring malayo na ang loob ng anak ko sa akin. Tuwing kaarawan nya nga lang kasi kami nagkikita. Buti nga pinapayagan akong makita sya ng ilang minuto tuwing kaarawan nya.

Kaya nga sabi ko, ngayong taon, babawi ako. Kahit anu gagawin ko para mabigyan sya ng regalong talaga namang mas lalamangan yung regalong ibibigay sa kanya nung ama amahan nya. Kahit ngayon man lang taon na to eh mapasaya ko sya.

Sa kadeperaduhan ko, ayun, naisipan kong mang holdap. Ilang beses na kasi akong tumaya sa lotto, pero hindi ako nanalo. Kaya wala na talagang pag asa. Bukas na ang birthday nya.

At habang nakatambay ako sa madilim na eskinita, nakakita ako ng isang matandang naglalakad mag isa. Sa bihis nya, halata mo ng may kaya sya sa buhay. Ayoko man sanang gawin to sa kanya dahil halos magka edad na kami, pero para sa anak ko, kinaya ko. Hinold up ko siya kahit labag sa loob ko.

"So ayun nga ang dahilan ko kung bakit ko nagawa yun sayo, patawad mister Stanford. Teka umiiyak ka? Bakit ka umiiyak?"

"Eh kasi *sniff, ang lungkot nung kwento mo eh! *sniff Akala ko masaklap na yung nangyayari sa akin, meron pa palang tao na mas masaklap ang dinadanas sa akin. *sniff. Nakakalungkot. Pasensya ka na huh, kung may pera lang sana ako, magpapa hold up na talaga ako sayo, kaso *sniff, tinakasan naman ako ng walangyang driver ko eh! Pati driver ko iniiwan ako! Huhu! "

"Tahan na tahan na. Wag ka ng umiyak Mister Stanford. Ihahatid kita sa bahay nyo bukas. May side car akong ginagamit pag nagbabasura ako at nagbobote dyaryo. Isasakay kita dun hanggang makarating tayo sa mansion nyo. Salamat sa pakikinig sa kwento ko."

"Salamat din sa pagbabahagi sa akin ng buhay mo ahm anu nga bang pangalan mo? Pwede ko na bang malaman ang pangalan mo?"

Ewan ko ba, pero ang gaan talaga ng pakiramdam ko sa matandang to. Kaya naman siguro walang masama kung pagkakatiwalaan ko sya. Mukha namang seryoso sya sa sinasabi nya.

"Ako si Ed--" sasabihin ko palang ang pangalan ko ng biglang nagliparan yung mga kalat sa paligid namin, napatingala ako at nakitang may helicopter sa taas namin

tapos biglang may dumating ng mga pulis..

at may mga pulang ilaw na nakatutok sa aking katawan, andame, mga sniper siguro yun..

tapos may umimik..

"Wag kang gagalaw! Sumuko ka na kung ayaw mong masaktan! Taas ang kamay!" -sigaw nung police sa microphone

Syempre wala na lang akong nagawa kung hindi itaas ang kamay ko at sumuko..

Naglapitan sa akin yung mga pulis at pinosasan ako..

Si Mister Stanford naman, nilapitan nung mga anak nya siguro.

"Dad! Nag alala kami sayo!" -sigaw nila sabay yakap kay Mister Stanford

habang pinagmamasdan ko sila, hindi ko maiwasang maalala ang anak ko..

Napapaluha na lang ako habang lumalakad papunta sa kotse ng pulis

Hindi na nga ako nagtagumpay sa planong mabigyan ng mamahaling regalo ang anak kong si Edna, hindi pa ako makakapunta sa birthday nya bukas, at makukulong pa ako.

Bakit nga ba ako nagtiwala sa matandang yun? Syempre holdaper ako at tinutukan ko sya ng kutsilyo, walang matinong nilalang na pipiliing tulungan ang isang katulad ko.

Pinaikot nya ako, para makaligtas sya at maipahuli ako. Hindi ko akalaing muntik ko na syang ituring na kaibigan ko.

Papasok na sana ako ng kotse ng--

"Hoy! Anu bang ginagawa nyo? bitawan nyo nga sya!" natigil yung mga police nung lumapit sa kanila si Mister Stanford

"Pero Mr. Stanfor--"

"Bitawan nyo sya! Bakit nyo sya pinosas? Sya yung nagligtas sa kin dun sa kidnapper! Kita mo bugbog sarado sya at ako? Binugbog namin yung kidnapper kaso nakatakas! Ang kidnapper ko yung magaling kong driver! Iniwan na nga ako basta dito, sya ang tumulong sa akin, kaya bitawan niyo sya! "  agad namang akong inalisan ng posas nung mga pulis

"Ba-bakit mo ginagawa to? Bakit mo ko--"

"Diba sabi ko sayo tutulungan kita?"

"Pero--"

"Hindi mo pa sinasabi sakin ang pangalan mo, sabihin mo na."

"E-eddie. Ako si Eddie."

"Simula ngayon Eddie, ikaw na ang personal driver ko. At bukas na bukas rin, pupuntahan natin ang anak mo. At ang sweldo mo, gagawin kong triple sa kinikita araw araw ng talyer nung lalaking umagaw sa asawa mo ok?"

habang sinasabi nya yun sa akin, napaluha na lang ako

"Salamat Mister Stanford, Salama--"

"Sir Bernard na lang ok?"

"Salamat po Sir Bernard."

"Oh wag ka ng umiyak dyan, diba sabi mo nga hindi dapat umiiyak ang mga lalaki? Ito yung panyo mo oh." binigay nya sakin yung panyong at pinunas ko naman yun sa mga luha ko

Ngayon lang ako lumuha dahil sa kagalakan. Wala pang kahit sinong nagmalasakit sakin ng ganito.

Kaya simula ng araw na yun, pinangako ko na sa sarili ko, na iaalay ko ang buhay ko kay Sir Bernard. Sasamahan ko sya kahit saan. Hindi ko sya iiwanan. Mabubuhay ako upang paglingkuran sya ng tapat.

Lumipas ang ilang taon, nakikipagbalikan sakin ang asawa ko, pero hindi ko na sya binalikan. Mukha syang pera, ngayon ko lang napagtanto yun. Anak ko na lang ang binalikan ko. Ngayon nabibisita ko na sya kahit kailan ko gustuhin. Naibibigay ko na ang gusto nya. At dahil sa madalas na kaming magkita eh malapit na ulit ang loob nya sa akin. Pinagpapasalamat ko ang lahat ng yun kay sir Bernard. Sya ang nagdala ng swerte sa patapon kong buhay.

Ang lalaking ng lumaon, tinuring kong pinaka matalik kong kaibigan. At ganun rin ang turing nya sakin. Buti hindi pa ako naiinlove sa kanya. Haha. Hindi naman ako bading no. May crush nga ako eh, si Inday, pero saka na yun, mas importante si Sir Bernard. ^__^

*END OF FLASHBACK

BACK TO NASH's POV

"*sniff Eddie! Uwaaah! Naalala ko yun! Uwaaah!" -lolo Bernard napayapos na kay Manong Eddie

"Salamat Sir Bernard. Hindi niyo alam kung gaano ang naitulong nyo sa akin." -Manong Eddie na yumakap rin kay Lolo Bernard

"Wala yun Eddie, dahil sayo, sa ginawa mo nalaman kong may pakialam parin sakin ang mga anak ko, kaya salamat din. Hindi na ako takot maiwang mag isa, kasi alam kong sasamahan mo ko kahit saan. Wag mo kong iiwan Eddie huh?" -Lolo Bernard

"Opo Sir Bernard." -Manong Eddie

at nagyakapan pa sila lalo

Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila. Medyo naiiyak narin tuloy ako.

"Miss Nami, bakit po kayo naluluha?" -Manong Eddie

"Natouch lang po ako sa inyo. Hehe. Wag nyo po kong pansinin."

"Nako Eddie, ilabas mo yung juice na hinanda ko, painumin si Nami." -Lolo Bernie

"Opo Sir Bernard." biglang may nilabas si Manong Eddie na juice mula sa likod nya? ready huh? ang galing

"Ito na po miss Nami." sabay abot sa akin ni Manong nung juice

"Salamat po." iinumin ko na sana yung juice ng

"Wag mong inumin yan Nami!!!!" -may narinig akong sigaw kaya napatigil ako, at nakita kong karipas ng takbo papunta sa akin si Bryle

te-teka bakit..

"Kayong dalawa talaga! Bakit niyo ko kinulong sa kwarto? Bakit niyo ko tinali sa kama?! Buti naalis ko yung tali mga hinayupak kayo! Tapos papaunimin niyo na naman sa Nami? Ugh!" -Bryle

"Nami, wala kang nainom kahit isang patak diba?" -Bryle na agad lumapit sa akin

"Wa-wala Bryle. Iinom palang sana."

"Good. Akin na yan!" -kinuha ni Bryle yung juice at tinapon yun sa damuhan

"Ah Bryle, p-pwedeng u-umalis ka sa harapan ko?"

"Bakit Nami?"

"Ba-bakat. Ma-mahalay. Na-naka brief ka lang. Di mo ba napapansin?" at pagkasabi ko nun, napatingin si Bryle sa may anu nya, tapos tinakpan yun

"Waaaaah! Tatadtarin ko talaga kayo ng buhay!" sigaw ni Bryle at hinabol na nya sila lolo Bernard at Manong Eddie.

Habang ako naman, natatawa nalang dun. Haha. Kakaibang pamilya talaga sila. Hindi ko pinagsisisihang nakilala ko sila. Bawat araw ang saya saya ko.

Kaso pag naalala ko yung, yung itsura ni Bryle na naka brief,, Waaaaah! Anu ba yan!

Napahawak ako sa ilong ko..

May dugo?

Tae sa sobrang hot nya kanina nag nose bleed ako! Waaah! Wala syang abs ngayon kasi tamad syang mag gym, pero, pero.. ang hot parin ng katawan nya kahit ganun!

Ay bakit ba nagiging mahalay ang utak ko ngayon? Waaaaah!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Okies, that's it for BerDie Tandem Special Chapter! Hehe! Q & A na tayo!

Question and Answer Portion:

Tanong mula kay Nashiba Amin..

QUESTION: Sho hanggang sa pagligo mo ba kasama mo ang pinaka mamahal mong potato chips ?

SHO's ANSWER: *yawn.. zZzz. Anu ba Yam, natutulog yung tao! Wag mo nga akong gisingin! Alis! Nadudumihan potatochips ko! *yawn.. zZZ

YAM-YAM: Ahm, ako na lang po ang sasagot. Ayaw magising ni Sho eh.  Anu ba namang mga character to? -__- Ahm sa pagligo po, hindi po kasama ni Sho ang potato chips nya, kasi nga ayaw nyang nadudumihan ito. Para kay Sho c.r. ang pinaka maduming lugar, kaya brining potatochips there is a big no, no. Trivia: Nabibitawan lang ni Sho ang potato chips nya, pag tumatae,naliligo,basta nagccr, pag natabig yun, pag kinaen nya at papalitan nya, pag inagaw ni Pauleen.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 158K 48
Paano kapag pinagbigyan ni tadhana na mapalapit ka sa tao na sobra mong iniidolo?
169K 5.8K 45
(Written in taglish) Sapphic medical romance story. 心を盗まれた (Stole My Heart) Start: November 13, 2022 End: January 11, 2023- COMPLETED. This story is...
143K 5.3K 31
The mind can forget, but the heart will always remember.
96.1M 1.1M 98
(Completed) | No Soft Copy | My name is Nami Shanaia San Jose. And this... is my-- our story.