Ignoring The Father Of My Baby

By vexarin

72.9K 1.6K 167

He initially disliked her, treating her as desperate and unworthy woman. However, when her cousin entered the... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
AUTHOR'S NOTE!
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41

CHAPTER 13

1.6K 28 0
By vexarin

ASIAI'S POV



Pinabayaan ko na lang muna si Acacia. I didn't follow her. Hinarap ko si Dimitri

“Your mouth can deny it, but not your eyes. You like her” I said. I know he likes Acacia, at sigurado ako doon. T

“Will you just f*cking shut your mouth!” Singhal nito sa akin. I smirked. If she likes Acacia, why did he do such things, like bullying her everyday, embarrassed her infront of everyone and make fun of her everytime. Was that his way of getting her attention? Tsk! What a d*mbass he is

“I am her Fiancé, and we are getting married soon. Kaya kung may nararamdaman ka para sa kaniya, ngayon pa lang itigil mo na. I won't let you, and even your twin get her from me” Saad ko bago ko siya tinalikuran. Akmang maglalakad na ako ng bigla siyang magsalita

“Do you think, she loves you? You're just a Fiancé pero sa nakikita ko, si Deron pa rin ang Mahal niya”

I faced him again.

“Deron is just a past. I am the present and the future,  and you....” I smirked at him “You're just her id*ot stalker” Saad ko. Natigilan naman siya. I hit him. Bullseye!

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at tinalikuran na.

I really can't understand those id*ots. Si Deron, I know he has a feelings for Acacia, he just can't admit it because of his d*MN ego, and Dimitri. I don't know why he kept on denying it kahit halata na. Tahimik lang ako, but that doesn't mean na hindi ako nakikiramdam. I'm watching their moves secretly.

ACACIA'S POV

Maaga akong nagising kinabukasan dahil magpapasama pa ako kay Asi sa Ob-gyne ko para sa check-up.

Tita offered na ipahatid kami kay Deron na tinanggihan ko na lang. Sinabi ko na lang na mag-co-commute na lang kami ni Asi at sinabi ko na rin sa kaniya na di-diretso na kami sa Hospital. Pumayag na rin naman siya. She just told us to be careful.

“Samahan na kita sa loob” presinta ni Asi

“Sige”

We knocked on the door first. When we heard Dra. Cahver said 'come in' ay saka pa lang kami pumasok. Asi opened the door for me. How sweet!

“Good morning Dra. Cahver” I greeted

“Good morning Miss Dela Paz..and oh! Are you the baby's father?” Bumaling nito kay Asi

“Uhm...yes Doc” alanganing sagot naman ni Asi sa kaniya. I secretly laughed with what he said

“Okay, have a seat” she pointed us the two visitors seats infront of her table. Naglakad namin kami palapit at umupo doon

“It's your 5th check up, right?” tanong nito sa akin na tinanguan ko na lang

“We'll just do a blood test today to check your hCG, then I will give you prescription of some vitamins na kailangan mong inumin” Saad nito

“Sige po, Dra.”

“Anyway, bakit ngayon mo lang sinamahan itong Misis mo Mister?” Baling nito kay Asi. Tinignan ko naman si Asi at gusto kong matawa dahil sa reaksiyon niya. He's blushing haha

“Uhm...ah—”

“Busy po kasi siya sa work, Dra.” ako na ang sumagot ng kasinungalingan haha. Medyo may paagka-chismosa Kasi 'yan si Doktora e, ang daming tanong niyan lagi sa akin

“Ah gano'n ba. O siya, simulan na natin ang test para makauwi na rin kayo agad” aniya na tinanguan ko na lang

“I...I'll just wait outside” Ani Asi saka ito nagmamadaling lumabas. Napailing na lang ako

“What happened to him? Bakit para siyang namutla?” usisa ni Dra.

“Takot po kasi makakita ng syringe” natatawang sagot ko na lang

Pagkatapos ng test na ginawa ni Dra. ay lumabas na rin ako.  Sinabi ko na babalikan ko na lang sa susunod na check up yung result. Sinabi niya rin sa akin na sa next check up ko daw ay baka ibang Ob-gyne na ang hawak sa akin dahil aalis sila ng pamilya niya patungong Europe. Natagalan daw ang balik niya kaya ililipat niya na lang daw ako sa ibang OB-gyne. Pagbalik ko na lang daw next week saka niya ipapakilala sa akin yung bagong Ob-gyne ko. Okay lang Naman sa akin, alangan namang tutulan ko yung bakasyon nila ng family niya, 'di ba?

Paglabas ko ay nadatnan ko si Asi na nakaupo sa waiting area. Lumapit kaagad ako sa kaniya. Tumayo naman siya kaagad ng matanaw niya ako

“Daan muna tayo sa bilihan ng prutas, tingin tayo strawberry na hilaw” Saad ko. Kagabi pa ako nag-ke-crave sa strawberry e,

“Sure” sagot naman nito. Lumingkis ako sa braso niya saka siya hinila palabas ng Hospital

Paglabas namin ay may nakasalubong kaming babae na bigla na lang huminto ng makita kami. Nagtaka ako ng tumitigil din Asi kaya napatigil na din ako

Saglit silang nagtitigan 'nung babae tapos kalauna'y bumaling sa akin 'yung babae. Napatitig din ako sa kaniya. Sa tantiya ko ay nasa 50+ na itong babaeng ito. Napansin kong nakasuot siya ng white coat na pang doctor

“Long time no see....Asiai” bati nito kay Asi ngunit ang mga mata nito ay nanatili lang sa akin. Bahagyang kumunot ang noo ko. Bakit ganiyan siya kung nakatingin sa akin? May dumi kaya ako sa Mukha?

“Me too....Dra. Brent” sagot ni Asi. Napatingin naman ako sa kaniya,

“Anyway, we have to go. Nice to see you again....Tita” Dagdag pa nito. Tuluyang kumunot ang noo ko dahil ibinulong lang nito ang huling sinabi. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palayo doon sa babae.

“May kilala ka palang Doctor dito” tanong ko saka ko muling sinulyapan yung babae na nakatingin pa rin pala sa akin

“Not really... Let's go” sagot nito. Kumibit-balikat na lamang ako.

———

“Medyo umo-umbok na 'yang tummy mo, mamci”

Bigla akong napatigil sa pag-nguya ko ng manggang hilaw at napatingin kay Broccoli dahil sa sinabi niya.

“Natural, ilang weeks na tiyan niya e,” Sabat naman ni Macarine saka nagbalak na dumukot sa kinakain ko. Mabilis ko namang tinapik ang kamay niya. Aagaw pa eh tsk!

“Akin lang 'to” Saad ko saka inilayo sa kaniya yung mangkok na may lamang  mangga na pina-slice ko kay Asi kanina

Nandito kaming tatlo sa likod ng school. Dito ang tambayan namin dahil maraming mga Puno at mga halaman sa paligid. Napaka-presko din ng hangin kaya masarap sa pakiramdam

“Pero seryoso, sinabi mo talaga kay Tita Denice yung pagbubuntis mo?” tanong ni Macarine. Ikwenento ko kasi sa kanila 'yung nangyari noong Sabado.

“Paano kapag nadulas si Tita tapos malaman ni Deron, anong gagawin mo, mamci?” bigla akong napatigil dahil sa sinabi ni Broccoli

“Kahit na malaman niya, Wala na siyang magagawa. Hindi ko siya ipapakilalang Ama sa baby ko” sagot ko saka muling nagpatuloy sa pagkain

“So, ipagkakait mo sa baby niyo ang Daddy niya, hindi ba't parang ang unfair naman 'nun sa bata” si Macarine

“Ayaw ko lang maranasan ng Anak ko ang naranasan ko. Paano kung hindi siya matanggap ni Deron, e di ang sakit sa part ng Anak ko 'yon” sagot ko. Mas okay ng wala siyang kilalaning Ama, kaysa naman meron nga, pero hindi naman siya tanggap

“Ikaw bahala, mamci. But hindi ka naman sigurado kung hindi nga tatanggapin ni Deron ang baby niyo” si Macarine. Napaisip ako. She has a point. Pero buo na Ang desisyon ko

“So I was right. Tama nga ang narinig ko sa inyo ni Asiai noong nasa baguio”

Halos atakihin ako sa puso ng biglang may tumalon pababa sa harapan namin mula sa itaas ng Puno kung nasaan kami nakasilong. Pagharap nito ay bumilog ng husto ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang taong tumalon

“You are pregnant....with my twin's child” dugtong pa nito habang seryosong nakatingin sa akin. Itinago ko ang kabang nararamdaman.

Inirapan ko siya “So? Pakialam mo? Chismoso ka” asik ko.

“Dapat 'tong malaman ni Deron” muli nitong saad.

Sumbongero tsk!

“Edi sabihin mo. As if maniniwala siya sa'yo” mabilis kong sagot saka ipinagpatuloy ang pagkain ko ng mangga

“What if sabihin niya nga, mamci?” bulong sa akin ni Macarine. Edi sabihin niya, Wala na rin naman akong magagawa dahil narinig niya na, alangan namang maglulupasay ako dito para magmakaawa na huwag niyang sasabihin ang narinig niya. E may pagka-epal pa naman ang isang 'yan. At isa pa, walang kasiguraduhan na maniniwala si Deron na anak niya itong pinagbubuntis ko lalo pa't wala siyang maalala sa nangyari sa amin noon, kaya bakit ako matatakot kung malalaman niya man?

“Bahala siya” balewala kong sagot saka muling binalingan ng tingin si Dashwen na seryoso pa ring nakatingin sa akin, kalauna'y biglang kumunot ang noo niya

“Why don't you tell him?” he asked. I looked straight into his eyes. B*bo ba siya? Sa dami ng rejection at pagpapahiyang natanggap ko sa kapatid niyang g*go sa tingin niya magpapaka-desperada akong panagutan niya.

“So, naniniwala kang buntis talaga ako sa kapatid mo? Hindi ka ba magtataka kung paano niya ako nabuntis gayong diring-diri siya sa akin?” I asked. Natahimik siya.

“Tell him if you want. Sigurado naman akong hindi siya maniniwala. At isa pa wala akong planong bigyan siya ng responsibilidad sa baby ko. Kaya rest assured”

Kinuha ko ang manggang kinakain ko bago tumayo

“Balik na tayo sa room” Aya ko sa dalawa na mabilis ding tumayo. Saglit ko pang binalingan ng tingin si Dashwen na seryoso pa ring nakatingin sa akin bago namin siya iniwan

“Hindi ko sasabihin sa kaniya. I will keep your secret. Pero sa isang kondisyon,”

Bigla kaming napatigil ng muli siyang magsalita. Kunot noo ko siyang nilingon.

“Hihintayin kita sa bakanteng classroom mamayang dismissal. Sasabihin ko kung ano ang kapalit ng pagtahimik ko. Kapag hindi ka pumunta, alam mo na ang mangyayari” seryosong saad nito bago nagsimulang naglakad at iniwan kami. Is he blackmailing me? Iniamba ko na lang ang kamao ko sa papalayo niyang pigura. Kapal na apog. Kainis!

“Ano naman kayang kondisyon 'yon” si Broc

“He's weird. Parang kakaiba pakiramdam ko sa kondisyon na sinabi niya” si Macarine. She's right. Kilala ko si Dashwen, if he finds something interesting ay agad-agad niya itong sasabihin sa mga kapatid niya. If Dimitri si the bully one, ito namang si Dashwen ang chismoso at vocal. Kapag nalaman niya ang sekretong pinaka-tatago mo, maghanda ka na dahil siguradong wala pang isang araw ay kakalat na. You cannot keep anything from him, and that is what I dislike about him.

“Papayag ka ba kung ano man ang kondisyon na hihingiin niya?” tanong ni Macarine ng magsimula na kaming maglakad

“Syempre hindi!” mabilis kong sagot “You know me, hindi ako basta basta naba-blackmail. Kung gusto niyang sabihin edi go. Samahan ko pa siya sa kapatid niyang abn*rmal” Dagdag ko pa. Napailing na lang silang pareho ni Broccoli. Gaya nga ng sabi ko, Hindi ako takot kahit na malaman ni Deron dahil alam kong darating din naman ang panahon na malalaman at malalaman niya ang totoo

DISMISSAL na at heto kami nila Asi naglalakad sa Hallway. Bitbit nito sa isang kamay ang bag ko habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa kamay ko. Naging hobby niya na talaga ang paghawak sa kamay ko, kaya naman ang akala talaga ng iba ay totoong kami.

“May dadaanan pa pala kami ni Broc sa Library, Mamci. Mauna na kayo ni Asi” Ani Macarine. Pansin ko na umiiwas itong mapatingin kay Asi. Lihim na lang akong napangiti ng may mapagtanto ako

“Huh? E wal—dahan dahan naman sa paghila, mamci” reklamo ni Broccoli ng hatakin siya bigla ni Macarine palayo sa amin. Natawa na lang ako ng mahina

“Crush ka ni Macarine” tukso ko kay Asi. Nagsalubong naman ang kilay niya

“Tsk!”

“Honestly, bagay kayo” bulong ko sa kaniya na sinabawan ko pa ng pagtawa. Sumimangot naman siya

“I don't like her. Iba ang gusto ko” sagot nito bago binitawan ang kamay ko at naunang ng naglakad. Natatawang hinabol ko siya. Kumapit ako sa braso niya

“Sino yung gusto mo?” usisa ko. Ang Daya kasi e, Hindi man lang nags-share kung sino ang masuwerteng babae na napupusoan niya.

“Secret” napasimangot na lang ako. Ang daya tsk!

Hindi ko na lang siya kinulit at nanahimik na lang. Ng malapit na kami sa main gate ay biglang may lumapit sa amin na tatlong lalaki. Mukhang mga ka-team niya sa Soccer dahil naka-soccer uniform pa sila

“Hi Acacia” bati sa akin 'nung morenong kulot. Ngumiti at kumaway naman ako sa kaniya

“Bakit indi ka um-attend ng practice?” Tanong nung singkit kay Asi

“Masama pakiramdam ko” sagot nito kaya napatingin ako sa kaniya. Tumingkayad ako at inabot ang noo niya para kapain

“Medyo mainit ka nga. Bakit hindi mo sinabi sa akin para sinamahan kita kanina sa clinic” sermon ko sa kaniya. Medyo tumaas din yung boses ko.

“No need. Hindi naman ganun kasama ang pakiramdam ko” Saad nito saka mahinang pinisil ang ilong ko

“Ehem! Nakakainggit kayong dalawa haha. Sige bro, una na kami” Singit naman nung fair-skin guy. Tumango lang si Asi sa kanila. These three are handsome, may mga ibubuga ang itsura. Umalis na rin sila sa harapan namin

“Why are staring at them like that?” biglang tanong ni Asi. Nilingon ko naman siya at nginitian

“Kasi gwapo sila”

“Tsk! Ang hilig mo sa gwapo” asik nito bago naunang naglakad. Nang-iiwan na talaga ang lalaking 'to

“E maganda ako e” sagot ko bago siya hinabol. L*ntek na lalaki. Ang lalaki ng mga hakbang. Kapre talaga tsk!

Continue Reading

You'll Also Like

7.5K 318 42
Lori and Leo's Love Story For them they are soulmate. Pinagtagpo ng tadhana at pagkakataon. "My Other Half." kung sila pang tatanungin. Lori and Leo...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
382K 8.2K 39
Lahat ng babae nangangarap ng mala fairytale na buhay kapag dumating na nag taong totoong para sa kanya. Ngunit pano kung dumating na yung lalaking p...
88.1K 3K 118
Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano k...