Monasterio Series 8: Nights i...

By Warranj

967K 26.9K 2.1K

(COMPLETE) Monasterio Book 8: Terrence and Priscilla Priscilla was done looking for the perfect man for her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue Access

Chapter 53

14.7K 440 167
By Warranj

Chapter 53

Terrence tried to reach for my arm.

I stepped back.

My vision of him started to become blurry. His image became distorted like a reflection in the water. But one thing I could clearly see was the pain in his pair of obsidian eyes while staring at me.

"We'll talk, Priscilla." he said in a calm voice.

I slowly shook my head while my tears kept on cascading down my cheek. Wala sa sarili kong tiningnan sina Dice, Dustine at Skyler sa likuran niya. They were still sitting there but trying to avoid my gaze. Tanging si Skyler lang ang may kakayahan titigan ako sa mga sandaling ito.

Ibinalik ko ang tingin kay Terrence. His jaw was clenching. Sa paraan pa lang ng paggalaw ng mga buto sa panga niya, ramdam ko ang matinding pagpipigil niya sa emosyon niya.

Walang salita akong tumalikod. Narinig ko ang mariin niyang pagmumura hanggang sa tuluyan akong lumayo sa kinaroroonan niya.

I don't want to stay here any longer. Naisip ko ang mga bata pero alam kong marami ang narito para alagaan at bantayan sila. I just can't stay here after what I heard right now.

What about Shannen? Ano'ng mayroon sa kanilang dalawa? Ano'ng hindi masabi sabi sa akin ni Terrence at nahihirapan siya?

May kung anong pumapasok sa isip ko pero ayaw kong intindihin 'yon. I don't want to entertain that thought because it contradicts his words back then.

Mahal niya pa rin ako, hindi ba? Gusto niya pa rin ako pakasalan. Kaya niya nga ako iniuwi pabalik dito sa Pinas ay dahil hanggang ngayon, ako pa rin.

Iyon ang sinabi niya. Gusto kong panghawakan 'yon.

Kung may ibang babae na... kung may kapalit na ako... bakit niya pa sasabihin sa akin ang mga bagay na 'yon? Is it for revenge? He wants to get even with me because of what I did to him before? Kung iyon man ang dahilan, hindi ba't parang sobra?

Lumayo lang ako dahil hindi ko siya kaya makitang nasasaktan. Kung gagantihan niya ako sa pamamagitan ng ibang babae, hindi ko maunawaan kung bakit kailangang ganoon kalupit.

Ganoon na ba kasama ang nagawa ko?

Dahil sa back door ako dumaan patungong garden ay madali akong nakalabas sa gate ng mansyon. Hindi ko na magagawa pa ang magpaalam sa lahat dahil ank mang oras, ramdam kong bibigay na ako.

Gustuhin ko man makasakay na kaagad ng cab ay walang dumadaan na kahit isa. Malalaki ang naging hakbang ko palayo sa lugar na 'yon. Hilam ang luha, maging ang dinadaanan ay hirap na rin makita.

Marahas akong napalingon sa likuran nang maramdaman ko ang marahang paghawak sa aking siko.

Terrence was there, staring at me with his pleading eyes.

"Mag-usap tayo nang maayos." seryosong aniya.

Hindi na napigilan pa, nagsimulang humarang ang bikig sa lalamunan ko dahilan para impit akong humagulgol.

"Ano 'yung narinig ko, Terrence?"

His jaw clenched again. He pursed his lips while obviously trying to control his breathing.

"Hindi tayo mag-uusap sa lugar na 'to, Priscilla."

Suminghap ako at nag-iwas ng tingin. Binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya at huminga nang malalim. Pilit kong pinapakalma ang sarili dahil ayaw kong dumating sa punto na hindi na rin ako makapag-isip ng tama.

Nilagpasan ko siya at nauna nang naglakad patungo sa kotse niya. It was already open. I went inside without looking at him.

Nasa labas lang ng bintana ang atensyon ko kahit pa nang makasakay na siya. The silence was deafening me but I had to endure it.

Hindi ko alam kung sadyang mabilis ang naging biyahe o abala ako sa pag-iisip ng tungkol sa narinig ko kanina kaya hindi ko na rin namalayan pa ang nangyayari sa paligid.

As soon as the car stopped, I opened the door beside me and stepped out. Sabay na naglikha ng ingay ang mga pintuan namin. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagtatangka niyang lumapit sa akin.

Inunahan ko siya sa paglalakad papasok sa bahay niya. I heard him breathe out a deep sigh and followed me later on. Manang Rosenda was in the living room so I had no choice but to climb upstairs.

Ayaw ko naman na marinig niya kaming nag-uusap ni Terrence tungkol sa ganoong bagay.

"Nandito na po pala kayo, Miss Priscilla. Nasaan po ang mga bata?"

"Nasa kabilang bahay po." sagot ko nang hindi siya tinitingnan.

Narinig ko ang pagbati niya kay Terrence na hindi nito nagawang sagutin. Pagkarating sa kwarto ay nauupos akong napaupo sa gilid ng kama.

I leaned my palms on my sides and closed my eyes. I heard the door creak. His manly perfume immediately attacked my nose silently announcing his presence.

Ilang sandali pa bago niya binasag ang katahimikan na inakala kong hindi mangyayari.

"I'm sorry." aniya.

"Sa anong dahilan at humihingi ka niyan, Terrence?"

Words didn't rush down his lips for the next couple of seconds. Nagmulat ako ng mga mata at nag-angat ng tingin sa kaniya.

His eyes were bloodshot and teary. Mas lalong bumakas ang sakit sa mga mata niy habang pinagmamasdan ako.

"N-Narinig ko ang pinag-uusapan ninyong magpipinsan kanina. May gusto kang sabihin sa akin pero hindi mo masabi? Dahil masasaktan ako? Ano 'yon, Terrence?" hilaw akong natawa at muling pinahiran ang luha sa mga mata gamit ang likod ng palad. Ngumiti ako sa kaniya. "Ano 'yon? Hindi ako magagalit."

Hindi pa rin siya nagsasalita. Para bang ang pagtitig sa akin ang tanging magagawa niya.

No matter how I tried to calm myself down and control my emotions, tears just kept on falling. Para bang wala silang planong huminto hangga't hindi natatapos ang sandaling ito.

"Skyler mentioned Shannen's name. Ano'ng... kinalaman niya sa'yo? Iyong gusto mong sabihin sa akin... may kuneksyon ba sa kaniya?" naninikip ang dibdib na tanong ko habang hindi pa ein inaalis ang hilaw na ngiti sa labi. "May naiisip ako, Terrence, pero hindi ko 'yon paniniwalaan. Kasi sabi mo, ako lang. Ako pa rin. At walang nagbago."

He didn't remove his eyes from staring at me. Mas lalong namula ang mga mata niya, ang tungki ng ilong ay ganoon rin. Yumuko ako at pumikit nang mariin. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha sa mga hita ko.

Nag-angat ako ng tingin nang hindi pa rin siya sumagot. Tumayo ako at kinain ang distansiya sa pagitan naming dalawa. Bahagya ko siyang tiningala at hinawakan sa magkabilang balikat niya.

"Alam kong sinabi ko noon na malaya kang magmahal ng iba dahil ako mismo ay walang kasiguraduhan kung babalik pa ako..." basag ang boses na sabi ko. "Pero umaasa akong kabaliktaran ang nangyari, Terrence."

Nakipagsukatan siya ng titig sa akin. He only looked away when I saw a pearl shape of tears fall down from his eyes.

Ang tahimik kong pag-iyak, nauwi sa mahinang hagulgol wala pa man akong naririnig mula sa kaniya. Pakiramdam ko, sa reaksyon niya pa lang na 'yon ay alam ko na ang sagot sa tanong ko.

"Si Shannen, Terrence..." lumunok ako, ang puso ay hindi na magawang kumalma. "M-Minahal mo ba siya?"

Mula sa pagkakatungo ay marahang itinuon ni Terrence ang mga mata sa akin. Eyes filled with tears, he stared at me a little more painful.

It felt like it's the most painful stare he has ever thrown at me since I fell in love with him. Mga klase ng titig na hindi ko kayang labanan.

"Minahal mo siya, Terrence?" ulit ko sa mahinang boses.

Another tear streamed down his cheek.

"Almost..."

-

Updates here on Wattpad will resume on December.

Completed on VIP Spaces and Patreon. To those who want to avail the membership, kindly message Warranj Novels or Anj Monasterio on Facebook.

Facebook page: Warranj Novels

Facebook: Anj Monasterio

Order books on Facebook: Warranj Suarez Monasterio

Facebook Group: Warranj Novels

Patreon: warranj

Twitter: WarranjWP

Instagram: warranjwp

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
33.8K 1.7K 19
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...