Chapter 44

11.8K 383 31
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 44

Halos hindi na kumukurap si Mommy habang nakatitig sa akin. We were sitting on the edge of my old bed while facing each other. Hawak niya ang kamay ko, mahigpit habang patuloy pa rin sa pagtulo ang luha sa mga pisngi.

"Mommy, stop crying." I pleaded.

It's funny how I wanted her to stop shedding tears but I was the one who couldn't even control mine.

She smiled and shook my head. Patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha niya, walang patid.

"I just can't believe that you are already here in front of me. When we found out from Terrence about your situation, ginusto kong puntahan ka sa America at alagaan ka," muling nabasag ang boses niya. "Why did you choose to fight it alone?"

Umiling ako. "Ayaw ko lang po na mag-alala kayo sa akin. Buong buhay ko, pinaniwala ko ang sarili ko na kaya kong harapin at solusyonan ang mga problema na darating sa akin. Pero, Mommy, sa unang pagkakataon, natakot ako..." Muling nabasag ang boses ko at tumungo na sinabayan ng hikbi. "Naduwag po ako."

Kinabig niya ako palapit sa kaniya at mahigpit na niyakap. I nuzzled my face against her chest and let my tears fall on her dress.

"Maiintindihan ko pa, anak, na ginusto mong ilihim sa mga Monasterio ang nangyari sa'yo. Pero ako na sarili mong ina ay pinili mong alisin sa mga desisyon mo sa buhay?" may hinanakit na tanong ni Mommy. "Hindi ko maintindihan, Priscilla."

I know it will be hard for her to understand my reason. Tama naman siya.  Puwede kong itago sa kahit na sino ang pinagdadaanan ko. Pero siya na sarili kong ina... siya ang dapat na nagpapalakas ng loob ko noon at sumasama sa akin sa bawat pagtitigil ko sa hospital.

Ngunit masiyado akong kinain ng takot at pag-aalala.

"I'm really sorry, Mommy."

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ng ulo ko. Her cries suddenly turned more painful.

"I know how much you loved your hair, hija. I can't imagine how you were able to face your emotions those times your hair was slowly falling from your head."

Malungkot akong ngumiti at marahang humiwalay mula sa pagkakayakap sa kaniya. Her eyes were bloodshot and glassy and I was sure the same goes with me.

"Mahirap, Mommy. But Ruth was there with me. Palagi niyang ipinapaalala sa akin na maganda ako kahit wala na akong buhok."

Tumango tango siya, malungkot ang bawat pagguhit ng ngiti sa mga labi. Hinaplos niya ang ulo kong nababalutan ng scarf, marahan ang bawat paggapang ng mga daliri.

"You are still pretty, Priscilla. May buhok o wala, maganda ka pa rin. Siyempre naman. Anak kita."

Sabay kaming natawa sa tinuran niyang 'yon. Masarap marinig mula sa iba na nagagandahan pa rin sila sa akin sa kabila ng itsura ko. But sometimes, I can't help but to think that maybe, they're just telling that out of pity.

"You are even lucky to have Terrence. Sa kabila ng ginawa mong pag-iwan sa kaniya, nanatili siyang naghihintay sa'yo. Umaasang babalikan mo ulit siya at magiging masaya na kasama ang mga anak ninyo." dagdag niya.

Huminga ako nang malalim kasabay ng pagtuwid ko mula sa pagkakaupo. Yumuko ako sa mga hita ko at sandaling napatitig doon.

I raised my face to look at my mother. She was staring intently at me, her eyes were drilling into my soul.

"Kung ako lang, Mommy, hindi muna sana ako babalik hangga't hindi pa ako tuluyang malaya mula sa sakit ko. I want to go back here and cancer free. Gusto kong humarap sa inyong lahat na maayos na ako. Iyong pag-uusapan na lang natin ang sakit ko dahil nakaraan na ito. Dahil ligtas na ako. I don't want to face you all while I'm not even sure if I'm already cured. I'm afraid to see the pain in your eyes when you see me having a hard time dealing with it."

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Where stories live. Discover now