Virgin Villain (The Villain S...

wintertelle

32.2K 2.2K 1.1K

Due to Zero almost wiping out the fictional dimension, Fictosa's system malfunctioned. It has failed to disti... Еще

The Villain Series
Simula
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Wakas
Winty's Note

Kabanata 2

807 57 53
wintertelle

"W-WHAT?" Xibel froze for almost a minute. Bigla siyang nabingi sa sinabi nito.

"Papa!" muli nitong sigaw dahilan upang magsalubong ang kaniyang mga kilay.

"Shut up and let me go." The immense disgust as he thought a woman was holding him overtook him. He pushed her forehead with his fingers in an attempt to remove her from his feet. But the girl was harder to peel than a leech. Kapit na kapit ito sa kaniya at walang plano siyang bitiwan.

"Papa!" muli nitong saad.

"I am not your father." Naglakad siyang muli at hindi pinansin ang lintang nakakapikit sa kaniya. Nagbabakasakali siyang ito mismo ang bibitaw kapag 'di niya ito pinansin.

Subalit ilang minuto na ang lumipas sa kaniyang paglalakad, nakakapit pa rin ito.

"Papa! Papa!"

He rolled his eyes in annoyance. Pinilig niya rin ang ulo dahil sa mga boses na naririnig niya sa kaniyang tainga. Naiinis na siya.

I don't like humans at all.

"I'll give you one chance, child. If you are not going to let me go, I will curse you," he warned her. Tinaas niya ang isang kamay at binalandara ang berde niyang apoy. "Leave me alone."

Napanganga naman ang bata habang nakatingin sa kaniyang kamay, isang reaksyon na hindi niya inaasahan. Lalong napuno ng inis ang kaniyang pakiramdam nang unti-unting sumilay ang mga ngiti nito sa labi.

"Magic, Papa! Magic!" hiyaw nito sa tuwa. Tinuro nito ang kaniyang kamay habang ang isa ay nanatiling nakahawak sa kaniyang paa.

He grabbed the chance and swayed his feet hard, making the kid lose her grip. She fell on the ground. Sa lakas ng pagkakabagsak nito, nag-iwan ito ng mga sugat sa tuhod.

He froze on what he did. A series of flashback unfolded before his eyes which made him approach her. He was ready to reach for her hand when he realized what he was about to do. Why would he help her? Why would he offer his hand to the kind who ruined him?

For him, they were nothing but humans worthy of any suffering. He loathed them to the point he never allowed his heart to feel any pity grow.

He would never be fooled twice.

Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad paalis.

"Papa!"

Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang boses ng bata. Kaagad itong nasundan ng mga hikbi hanggang sa tuluyang naging isang malakas na iyak.

Mariin siyang napapikit.

"Papa!" The kid called him again but he refused to listen. Nanatili lang siyang nakatayo at hindi ito nililingon.

I should leave. She is not my responsibility.

He took a step forward while not listening to his conscience. Hindi niya pinansin ang paulit-ulit na sigaw nito. Buti na lang at walang tao sa paligid. He could leave her just fine. Walang kahit anong sagabal at walang magtatangkang ituro siyang ama ng bata.

"Papa! Sakit! Ella is hurt!"

Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad.

"Papa!"

Hindi niya ito nilingon. Patuloy niya lang inapak ang mga paa palayo ngunit parang hindi yata nakikinig ang katawan niya sa kaniyang isipan. Bago niya pa mapagtanto, nasa harapan na siya ng batang walang tigil sa kakangawa.

"Curse you." He sighed in defeat and kneeled in front of her. Tinapat niya ang kamay sa sugatang tuhod nito.

Hushing, he sprinkled a dust of darkness on her knees. Ilang saglit ang lumipas, tuluyan itong nawala kasama ang mga sugat at hindi man lang nag-iwan ng kahit isang maliit na peklat.

"There. Now shut up."

Ang akala niya'y tatahimik na ito subalit tuloy pa rin ito sa pag-iyak. Muli niyang tiningnan ang mga kamay at paa nito kung may sugat pa siyang naiwan pero wala na. Wala nang kahit ni kaunting galos kaya bakit hindi pa rin ito tumatahan?

"What now?" He massaged his nose bridge. Women never really failed in annoying him.

Tinaas nito ang dalawang kamay. Nagsalubong ang kaniyang kilay nang maintindihan ang pinapahiwatig nito.

"No. Who do you think you are?" Winaksi niya ang mga kamay na nakataas.

Muling namuo ang luha sa mga mata nito. Ngumuwa ito nang mas malakas pa sa nauna dahilan para mapatunganga na lang siya.

He shouldn't have done that. Now he was stuck on how he would close that mouth of hers.

"Heavens and curses. I don't have any patience." Mariin siyang napapikit dulot ng nakakarinding ingay. He was left with no choice but to comply on what she needed.

Binuhat niya ito. He let her small face rest on his shoulder while patting her back. "Hush now."

Recalling the times he saw how humans carry their child, he made small steps as similar as doing a little dance. If he could remember it right, this was how humans hush their kids. Although he was uncertain if he was doing it right, it seemed to be effective for the kid had been silent for a minute now.

"Good. I'm putting you down now." Ibababa na sana niya ito pero bigla nitong niyakap ang kaniyang leeg. Muli itong humikbi kaya dali-dali naman niya ibinalik ang postura kanina at inalo ang bata.

Nagtagal pa ito ng ilang minuto bago niya naisipang ibaba ito muli. Hindi niya namalayang nakatulog na pala ito. Wala siyang nagawa kundi patuloy na kargahin ang bata.

Napatigil siya sa pag-alo nang maisip kung gaano kalabag sa kalooban niya ang ginawa.

Natulog lang naman siya matapos magkaroon ng lindol sa Fictosa subalit paggising niya, napunta na siya sa lugar na hindi niya alam.

Pinagmasdan niya ang paligid at pinakiramdaman din ang batang karga-karga niya. He could hear her heart beating. Kanina niya pa napapansin na ang lahat ng bagay sa lugar na ito ay higit na mas buhay sa Fictosa. He had known that there was another dimension other than Fictosa. The dimension where their authors reside.

Could this be the real dimension?

Nilapat niya ang palad sa buhok ng bata. If he could hush the voices shouting inside her head, he already did. However, he couldn't silence the system's gift. He was made out of grief and pain, and thus, the system gifted him an ability to hear cruelty and regrets.

The gifts were based on the reason why the author wrote them, after all.

And now, he could hear, loud and clear, the pleading voice of the child.

He heaved a sigh. "Let's take you home."

Using the extent of his gift, Xibel snapped his fingers above the child's head and sprinkled dark dust. "Oh, mighty gift. Bring forth thy strength. Make me see the path this child came from."

Walang kasiguraduhang gagana ang extent ng kaniyang gift lalo na't hindi lumalabas ang system. Subalit, matapos ang ilang saglit, biglang tumahimik ang kaniyang utak. Kaagad din iyong sinundan ng mga nakakarinding ingay.

Bahagya siyang napasigaw at napahawak sa kaniyang ulo dahil sa kirot. Sunod-sunod niyang nakita ang mga imaheng nagsusulputan sa kaniyang isipan. Nakabase ito sa mga boses. Tinuturo nito ang daan kung saan nakatira ang bata.

Mahigpit niyang niyakap ang bata bago iangat ang katawan sa ere. Hinanap ng kaniyang mga mata ang imahe ng isang orphanage.

Nang makita mula sa himpapawid, kaagad siyang lumipad papunta roon. Tinakpan niya ang isang tainga ng bata upang hindi ito mapasukan ng hangin. Sinigurado niya munang walang tao sa labas ng maliit na gusali bago dahan-dahang bumaba upang 'di magising ang karga-karga. 

Napapalibutan ng damuhan ang harapan ng gusali. Nagkabuhol-buhol na rin ang gawa sa kahoy nitong pader, halatang matanda na at hindi nabibigyang pansin.

"You look like your home," he whispered while slowly bending his knees in attempt to put the child on the grass. Ayaw niya itong magising dahil baka'y bigla na naman itong ngumawa.

Ngayon niya lang naranasang ang hirap pa lang maglagay ng bata. Nangangawit na ang kaniyang tuhod habang pilit na tinatanggal ang pagkakapit ng mga kamay nito sa kaniyang leeg. Nang magtagumpay, dahan-dahan na niyang itong nilapat sa damuhan.

Nakarinig siya ng panibagong ingay sa kaniyang utak dahilan upang mapalingon siya sa kaniyang kanan. May batang papalabas ng entrance.

Kaagad niyang binitiwan ang batang dala-dala at lumipad palayo.

When he was already up in the air, he looked back to see the child. Several kids had gathered towards her. An elder came as well and took the child inside the orphanage.

He stared at the lifeless building while still hearing the child's plea. There was a tiny voice inside his heart telling him to go back and get the child away from the orphanage.

But why would he? She was none of his concern. It wasn't his business to meddle with their problems.

Tuluyan na siyang umalis at bumalik sa lugar kung saan siya nagpahinga kanina.

Ilang araw na ang lumipas at nanatili lang siya sa sirang gusali. Wala siyang ibang ginawa kundi ang tumunganga o 'di kaya'y maglakad-lakad sa labas habang sinisiguradong hindi siya lalayo sa gusali na ginawa na niyang tahanan.

The place he was in was peaceful. Wala masiyadong dumadaan kaya tahimik lang din ang kaniyang utak. Ang isang bagay na nagpapabagabag lang sa kaniya ay ang batang nakilala niya sa lugar na ito.

Ang kauna-unahang bata na hindi natakot sa kaniya.

Napatingin siya sa direksyon ng orphanage. Umupo siya sa higanteng bato na katabi lang ng gusali bago binuksan ang maliit niyang paketi. Nakakabit ito sa sinturon na pinalibot niya sa kaniyang sutana. Kumuha siya ng isang sigarilyo.

"Why don't you get her back, my lord?"

Napalingon siya sa kaniyang gilid ng biglang iniluwa si Stone. Inutusan niya itong tingnan ang kalagayan ng bata.

He inhaled the cigarette before speaking. "How is she?"

"She's doing okay. Lively as usual. There was no traces of wounds on her body."

"I see." He let out a smoke before crossing his legs. Maybe he was just mistaken. Maybe what he saw from the gift's extent was not true.

Ang ipinakita ng kaniyang gift ay hindi lamang mga walang kuwentang imahe. Naglalaman iyon ng mga hindi magandang karanasan ng isang tao mula pa sa pagiging sanggol. Nakakatawa ngang isipin dahil hindi pa man malaki ang bata, masiyado na itong maraming hindi kaaya-ayang mga memorya.

And somehow, he couldn't get his worry from the child. What he saw reminded him of his pain too.

Tinapos na niya ang paninigarilyo bago bumalik sa loob ng gusali. Matutulog na lang muna siya. Baka sakaling paggising niya, wala nang natitirang simpatya sa puso niya para sa bata.

Pero sino ba ang niloko niya?

Nang sumapit ang panibagong araw, siya mismo ang nagtungo sa orphanage. Madaling araw pa kaya madilim pa ang paligid. Naglakad siya papalapit sa nakasarang entrance.

Gagamitin na niya sana ang kapangyarihan upang makapasok nang may ingay na sumuot sa kaniyang utak. He recognized the voice, making him turn around. He tilted his head when his thought was right.

It was the child.

"Why are you out so early in the morning? Where did you even go?" He sighed.

Nanatili namang nakatitig ang bata sa kaniya. Mukhang hindi siya nito naaalala.

Napailing na lang siya. "Looks like Stone was right. You're doing fine."

Naglakad na siya paalis sa orphanage. Hindi niya alam kung bakit naging mabigat ang kaniyang pakiramdam. Why did he even expect her to remember him in the first place? She was a child. And a child used to forget people easily.

Handa na siyang lumipad ngunit bigla itong nagsalita. Napatigil siya nang marinig ang mga katagang binitiwan nito.

"Papa!"

Bago pa siya makalingon, naramdaman na niyang itong nakayakap sa kaniyang mga paa.

Napababa ang kaniyang tingin at muling napailing. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na mabigat ang kaniyang pakiramdam.

"How are you doing?" he asked.

Humiwalay ang bata sa kaniya. Lumuhod siya upang pantayan ito.

"Papa! Ella misses you!" She giggled, showing off her incomplete teeth. Opening her arms wide, she rushed to give him a hug. Ramdam na ramdam niya ang maliliit nitong braso sa kaniyang leeg.

Hindi siya kaagad nakagalaw. Nagulat siya sa ginawa nito kaya naman hindi niya alam ang kaniyang gagawin.

Hugs were not something he wanted to get, but it wasn't something given to him easily either. That made Xibel wonder what hugs were for. Why do humans always do this?

Minsan na siyang nakatanggap ng yakap noon sa isang tao ngunit hindi na iyon nasundan pa.

"Papa, I miss you!" The child said again which made his heart crumble. Those words made him lower his guard and rested his chin on top of her head.

He whispered the question he had been thinking from the moment he met her. "Why are you not afraid of me, child?"

The child giggled. "Papa is pretty!"

Tuluyang nanlambot ang kaniyang mga tuhod nang marinig ang mga katagang iyon. He wondered what curse did the child have to see him like that. Maybe it was the curse of ignorance. However, Xibel didn't want to overthink today.

He wanted to believe her words as how it was really meant.

Nilapat niya ang kamay sa likuran nito upang yakapin pabalik ngunit biglang napadaing ang bata. Bahagya pa itong napaigtad at lumayo sa kaniya.

"What's wrong?" Kumunot ang kaniyang noo. Pinagmasdan niya ang mga mata nitong namumuo ang mga luha.

"Ella is hurt." She pouted and pointed at her back.

Dali-dali siyang tumayo at nagtungo sa likuran nito. Inangat niya ang damit nito upang tingnan. Kaagad na nanginig ang kaniyang kamay sa nakita.

Punong-puno ng mga latay ang likuran nito.

Продолжить чтение

Вам также понравится

2.7M 59K 68
Hindi ko alam kung anong pinasok ko. Basta ang alam ko, sinundan ko ang best friend ko kung saan man sya dinala ng mga lalaking naka-tuxedo. Basta an...
HEGICHO SexLusyon III (On Going) JassyT

Детектив / Триллер

1.8K 101 81
[SCARGAN'S GENERATION] [VOLUME #3] [RATED SPG 18+] INCLUDED CRIMES, DEAD BODIES, SPIRITUAL BATTLES, GRUDGE, VIOLENCE, MURDER, HIDDEN PLANS AND CLUE F...
805 218 53
Dark has been Zach's escape. It echoes for him as the world fear him. It rumbles whenever his face is seen in the dark where there lies a silhouette...
6K 399 41
What if Intelligence is combined with Beauty? Marami bang maghahabol? O baka naman maraming magagalit at maiinggit. She is Isabelle Veda M. Fernandez...