Love Of Yesterday (COMPLETED)

بواسطة YshNLct

8.3K 529 8

Zamara didn't expect that she would fall in love with someone. A man that can't replace for her entire life... المزيد

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
Epilogue
LOVE OF YESTERDAY
CHARACTERS
Author's Update
New

19

151 14 0
بواسطة YshNLct

ZAMARA'S POV

"Anong ginagawa mo rito?!" Nagsitayuan kaming lahat sa sigaw ni kuya. Hinawakan ni mama si Noah at akmang susunod si Blake kay kuya nang biglang tumatakbo papunta sa amin si Lucas.

Umupo si Lucas sa tabi ni Blake habang ang lawak ng ngiti n'ya.

Lucas??

"L-lucas?" Sabay na sabi namin ni mama at ni Blake.

"B-bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kan'ya.

Maya maya pa dumating si kuya na nakabusangot ang mukha. Tumabi siya kay Lucas.

Nakahinga kami nang malalim nang mapagtanto namin na si Lucas pala.

"A-ah! Gan'yan ka ba? Kapag na miss ako nang sobra?" Ayan na naman sila.

Ngayon na nga lang nagkita mag aaway pa.

"Bakit ngayon ka lang?!" Kinindatan ni Lucas si kuya na galit na galit na naman.

"Tama na 'yan." Suway ni mama sa kanila. Tuwang-tuwang kumandong si Noah kay Lucas.

Kalaro kasi palagi ni Lucas si Noah. Kaya halos hindi rin sila mapaghiwalay. Lalo no'ng hindi nagpakita si Lucas sa amin. Halos araw-araw n'yang hinahanap si Lucas, iniiyakan pa nga n'ya.

"I want to apologize. Especially, Zamara. I didn't mean—" Hindi natapos ang sasabihin ni Lucas dahil biglang sinubuan si Lucas ng saging.

Inabutan ni Blake ng tubig si Lucas pano ba naman halos mabulunan na dahil sa kagagawan ni kuya. Umirap sa hangin si kuya.

"You're bad talaga!" Sigaw ni Noah habang nakaturo kay kuya. Niyakap ni Noah si Lucas.

Tinignan ng masama ni Blake si Noah. Ito pa, galit din s'ya. Ano bang klaseng environment meron dito? Mga tigre ba 'to?

Na sa sala kami ngayon pagtapos namin kumain.

Walang ibang nangyari kanina habang kumakain kami. Kun'di asaran, pikunan, at tawanan. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti habang nakatingin kila kuya, Noah, at kay Blake.

Talagang na-miss nila nang sobra si Lucas. Napalingon sa'kin si Lucas at ngumiti sa akin at nginitian ko rin s'ya.

Maya-maya pa tumahimik sila nang kinuha muna ni mama si Noah.

"Maybe next next month or next month. Uuwi na ako ng Japan." Halos mabingi ako sa narinig ko kay Lucas.

Akala ko ba??

Akala ko ba dito s'ya mag aaral at dito na rin titira??

Naging seryoso sina kuya. Hinihintay kong tumawa si Lucas baka nag bibiro lang.

Mapagbiro kasi itong bus*t na 'to.

"Kaya hindi ako pumupunta rito inaayos ko na 'yung mga kailangan ko para makauwi. At iuuwi ko na rin sina lolo sa Japan." Ramdam ko yung lungkot ni Lucas.

Yumuko s'ya habang pinaglalaruan ang kuko n'ya. Hinagod ni kuya ang likod ni Lucas.

Napayuko ako.

Kahit gan'yan naman si Lucas, halos tinuring ko na s'yang kapatid ko. Aaminin ko mamimiss ko ito nang sobra.

Pag angat ko ng tingin nakita ko si Blake na nakatingin sa akin. Bahagya n'ya akong nginitian.

Pagkatapos ng seryosong usapan kanina nag paalam na si Lucas na mauuna na raw s'ya. Kami na lang ni Blake ang tao sa sala dahil si kuya sumama kay Lucas.

Lumapit si Blake sa akin at lumuhod at hinawakan ang baba ko para iangat ang tingin ko.

Nagtama ang mga mata namin.

Ngumiti sa akin si Blake at hinalikan ako sa noo at niyakap ako.

Pinipigilan kong huwag umiyak sa harapan n'ya. Napayakap na lang din ako sa kan'ya.

"Kuya!— Oh sorry." Natawa ako sa reaction ni Noah dahil tinakpan pa talaga ang mata niya habang nakatayo sa harapan namin.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Blake at tinulak s'ya.

"A-aray!" Napasigaw si Blake. Lumingon ako sa kan'ya. Napalakas ata itong tulak ko.

Humagikgik naman si Noah at hinawakan ang kamay ko at hinatak ako palabas ng bahay.

Sinenyasan ako ni Noah na lumuhod. Ano na naman trip ng batang 'to? Sumunod na lang ako sa kan'ya. Pagkaluhod nang pagkaluhod ko nagulat ako kasi bigla akong hinalikan ni Noah sa noo sabay ngiti sa akin.

Kinurot ko ang pisnge ni Noah. Manang-mana talaga sa kuya n'ya.

"Let's go." Lumingon kaming dalawa ni Noah.

Nakita ko si Blake na nakapamulsa lumapit s'ya kay Noah at ginulo ang buhok.

Hinatid ko sila hanggang gate. Nang tumalikod na sila sa akin nang biglang lumingon si Blake.

"I know Lucas is important to you. I want to remain with you, my lady. Don't waste your time. Try to make memories with Lucas." Kaninang pinipigil ko ang luha ko.

Ngayon hindi ko na kaya.

Ngayon ko lang naranasan ang ganitong klaseng lalaki. Akala ko no'ng una magseselos s'ya kay Lucas. Pero initindi n'ya kung ano meron lang sa amin.

Kung hindi ang pagkakaibigan namin ni Lucas.

"I'm just here, always here." Lumapit si Blake sa akin at pinunasan ang luha ko gamit ang thumb finger n'ya.

Niyakap ako ng dalawa.

—————

"Zamara?"

"Zamara?!"

"Hoy Zamara ano ba?!"

"H-huh?" Lumingon ako kay Alexis na nagtataka.

"Anon huh?! Kanina pa kita kinakausap!" Inirapan n'ya ako at tinabihan ako.

Na sa school kami ngayon. P.e namin kaya na sa labas kami ng room. Kapag kasi p.e lahat ng hawak ng teacher namin sa p.e ay pinagsasabay niya. Kaya itong si Alexis malakas loob na tabihan ako kahit iba ang section n'ya.

"May problema ba?" Nag aalala n'yang tanong.

Napa angat kami ng tingin nang may nag abot sa harapan ko ng tubig.

"I-ikaw? T-teka? P-pano?" Halos mautal na si Alexis nang makita niya si Blake.

Nang kunin ko ang tubig agad naman umalis si Blake at pumila. Mag kaiba kasi ang pila namin. Hiniwalay ni sir ang babae at lalaki.

"Boyfriend mo?! Akala ko ba NBSB ka?!" Umirap ako sa sinabi n'ya.

"Dati yon." Maikli kong sabi at uminom ng tubig.

Nabulunan ako dahil biglang tumili si Alexis.

Nagpalinga-linga ako sa paligid baka makita kami ni sir baka ibagsak pa ako dahil sa kabaliwan nito.

"Ang daya! Hindi lang tayo nagkita nang ilang buwan tapos may boyfriend ka na?! Infairness ang gwapo ha!" Halos masira na tong suot kong tshirt kakahila n'ya.

Tumayo kaming lahat nang pumito na si sir. Senyales na mag sisimula na ang laro.

Pumila na kaming lahat.

Inexplain ni sir ang lalaruin namin. Umingay ang mga students ni sir dahil ang laro namin ay batuhan ng bola.

Dahil kami ang unang section na hawak ni sir kami ang mauunang maglaro. Hinati kami ni sir sa dalawang team. At yung isang team ay mamaya maglalaro after matapos ng isa.

Isa ako sa mga unang maglalaro at pati na rin si Blake.

Napagpasyahan na kami muna ang mauunang mag bato ng bola.

Sinabi na sa amin ang mga rules. After i-announce magsisimula na kami.

Bali itong larong ito may dalawang team na magkalaban. Yung isa ay magbabato ng bola habang ang isa ay iilagan ang bola.

Napatitig ako kay Blake na palapit sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakapamulsa s'ya at nakangiti sa akin.

Mas lalong bumilis ang tibok ko sa pag ngiti n'ya.

Pot*k Zamara! Ano ba?! Umayos ka! Tumikhim muna ako bago lumingon sa ibang dereksyon.

"I really love when you starting at me." Nagsitayuan ang balahibo ko nang bumulong sa tenga ko si Blake.

Yung hininga n'ya damang dama ng leeg ko!

Pumito na si sir sign na na start na ng laro.

Lahat ng kalaban namin ay nasa gitna namin. Bali sa kabila nandon ang kakampi namin.

Si Blake ang nagpresenta na s'ya mauunang magbato.

Naghiyawan kaming lahat pa'no ba naman unang bato may natamaan agad.

Bato lang kami nang bato at sa bawat pag bato may natatamaan kami. Madalang lang yung walang natatamaan.

Naubos na ang oras dahil 2 minutes lang ang time.

Sumakto ang oras na natalo na namin sila.

Pumito ulit si sir, kami na ang sunod na babatuhin.

Sa unang bato natamaan agad ang isa kong kaklase.

Natutuwa ako talagang mga magagaling umilag ang mga kakampi ko. Lalo na si Blake. Mukhang s'ya ang mag bubuhat sa amin.

Nawala ako sa focus dahil may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako sa likod ko at hinanap kung sino.

"Zamara!"

Nagulat ako nang hatakin ako ni Blake.

"Tumingin ka lang rito wag sa iba."  Napalunok ako sa sinabi n'ya.

Nag focus ulit ako sa laro.

Laking gulat ko nang makita kong nakangisi sa amin si Styzy. Bumwelo si Styzy at binato sa gawi ko.

Hahatakin sana ako ni Blake kaso bigla akong yumuko dahilan para hindi ako matamaan. Nag ingayan ang mga kakampi at mga students dahil sa ginawa ko.

Pag angat ko ng tingin nakita ko si Styzy na iritang-irita at ang sama ng tingin sa akin.

Paano 'to nakalaya?

Tumayo ako nang pumito si sir senyales na kami na ang panalo.

"Nice one!" Naki pag apir sa akin si Blake.

Natawa ako dahil sa reaction ni Alexis na nasa gilid na todo ang sigaw.

Naghiyawan ulit ang mga kaklase ko at ang ibang students dahil bigla akong niyakap ni Blake.

"Don't mind her." Ngumiti lang ako sa sinabi ni Blake.

Natapos na ang klase namin sa p.e at ngayon uwian na. Bilis talaga ng oras.

Ito talaga yung mga gusto ko e.

Kapag uwian na.

Ako lang ang uuwi mag isa dahil nag pa alam sa akin si Blake na kailangan daw s'ya ni Noah ngayon.

"As his girlfriend naiitindihan ko—"

"Wait? As his girlfriend? Timang ka Zamara!"

"Timang ka na nga." Lumingon ako sa likod ko na may epal na tumugon sa akin.

"Lucas?"

"Yes?"

"A-aray!" Daing niya dahil bigla ko s'yang sinipa sa binti n'ya.

"Uuwi na lahat lahat yung tao sa Japan mananakit ka pa!" Reklamo niya.

Bago ako tumalikod inirapan ko muna siya.

"Galit ka? Ako rin eh." Napaawang ako sa sinabi n'ya.

Sira*lo pala ito e.

Tumawa ng nakakaasar si Lucas sa akin.

"Ako muna mag hahatid sa'yo. Sabi ni Blake." Naningkit ang mata ko sa sinabi n'ya.

Si Blake talaga e.

Habang pauwi kami panay kwento ni Lucas kung bakit nga hindi s'ya nakapunta sa amin.

Nahihiya rin daw s'ya sa akin. Kasi dahil sa kan'ya muntik na raw ako mapat*y ni Styzy.

Nang nasa gate na ako bigla akong sinabihan ni Lucas.

"Mag iingat ka kay Styzy iwasan mo yung baliw na yun. Takas mental ata kaya siguro sira ang ulo." Natawa naman ako sa sinabi niya.

Una pa lang galit na talaga s'ya kay Styzy. Nang nag pa alam na si Lucas sa akin nag mamadali akong pumasok sa bahay.

Halos manigas ang katawan ko sa mga narinig ko. Biglang tumulo ang luha ko sa mga naririnig ko ngayon.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

3.5K 143 56
"Couleurs de l'amour Series" o "The Colors of Love", ay mag papakita ng iba't-ibang tao sa iba't-ibang sitwasyon kung saan dito masusubukan, ( ゚∀ ゚) ...
5.1K 148 102
The running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida...
1.6M 98.1K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
49.3K 1.3K 26
This was a story between a teacher and a student na na inlove sa isat isa.