Love Calculation

By Pilyosopher

36.7K 1.4K 421

Ahuh! Ako na ang pasimuno sa magandang lovelife ng ate ko. Pero What happened to mine? Love is like a math pr... More

BLURB
PROBLEM 2 : When is my time to shine?
Problem 3 : The Damian Conspiracy?
Problem 4: How to start again?
Problem 5 : How to win the game?
Problem 6: How to end the nightmares?
Problem 7 : How to train a child?
Problem 8: How to sell more?
Problem 9 : How to keep it hidden?
Problem 10: How to protect your beloved?
Problem 11 : How to lose your past?
Problem 12 : Break down the walls
Problem 13 : How to make a grand plan?
Problem 14 : When things start to get complicated.
Problem 15 : What happened?
Problem 16: Can I just melt right now?
Problem 17 : When your past comes back at you
Problem 18 : How to conceal the truth?
Problem 19 : When the truth is revealed
Problem 20: Will they reconcile?

PROBLEM 1 : The Past, the Fake Fiance and the Hidden Admirer

3.5K 113 31
By Pilyosopher

Queen Esther, yan ang pangalan ng boutique na ipinatayo ni Voice. Kasama ng tatlo niyang empleyado ay pipilitin nilang maging matagumpay sa larangan ng fashion.


"Umupo ka lang diyan sa may bintana H. Siguraduhin mong nakikita nila ang mukha mo. Matulog ka man ay okay lang basta iharap mo ang mukha mo sa bintana. Kuha mo?" utos ni Voice kay H.


Walang nakaka-alam ng tunay na pangalan ni H. Kung ano ang apilyedo niya at kung kelan ang birthday niya. Sa sobrang katamaran ni H ay palaging tipid ang sagot nito ngunit pasalamat siya sa maganda nitong mukha kaya naman kinuha siya ni Voice.


"Shall I grab some customers for you?" tanong ni Chill na gaya ng dati ay mukhang sasayaw sa isang concert ang itsura. Nakasuot ng punit-punit na leather jacket, punit-punit rin ang suot nitong maong na pantalon.


"Sana pinunit mo na rin damit mo ang nang makita ng tao ang abs mo at dumami customers natin." nakakibit balikat na pinagmasdan ni Voice si Chill.


"I just sell my dance not my body. Chill!" sabay kindat. Parating gawain ni Chill ang kumindat. Kung hindi nga lang na-trauma si Voice sa mga gwapong lalake ay matagal ng nagtitili si Voice.


Bumuntong-hininga si Voice at nagsimulang kausapin ang sarili.


"Pasalamat kayo at nagbagong buhay na ako. Money is everything to me. Love is nothing. Sayang kagwapuhan niyo. Yung isa tamad tapos yung isa eh sayaw lang ang nasa utak. Kung kayo ang naging boyfriend ko ay siguradong parati akong tutulugan nung isa habang yung isa ay parati akong sasayawan. Nasaan ang hustisya!" marahang sinabunutan ni Voice ang sarili nang pumasok na rin sa boutique ang nag-iisang babaeng empleyado niya, si Winter.


"At bakit ka late?" pagtataray ni Voice.


Inirapan lang siya ni Winter bago umupo ang dalaga sa harapan ng natutulog na ngayong si H.


"Aba hindi mo ako sasagutin?" linapitan ni Voice si Winter.


"Nakalimutan mo ata na investor mo ang kuya ko."


"So?"


"Do the math."


"Anong do the math?" sinabunutan na ni Voice ang sarili sa inis. "Ano ba ang kasalanan ko at napapalibutan ako ng sakit ng ulo!"


"Karma yan dahil sa pagbebenta mo kay Ate Serene dati." buwelta ni Winter.


"Magandang karma yun at dahil dun ay nakilala niya ang kuya mo."


"Exactly. That's bad karma."


"Aba! Sabihin mo bitter ka lang dahil laman ng news na may relasyon na si Kuya Yalec at si Ate Venus. Ngayon nagagalit ka kay Ate dahil kinuha niya kuya mo?"


Inirapan ulit ni Winter si Voice.


"Kung ako sa iyo ay maghahanap na ako ng mapapangasawa kundi ay babawiin nila ang investment dito." paalala ni Winter.


Ilang beses na bumuntong-hininga si Voice para pakalmahin ang sarili. Nang hindi na niya alam ang gagawin ay inayos niya na lang ang mga panindang mga damit habang nagsimula nang sumayaw sa labas si Chill. May naka-setup na sound system kaya naman tuwang-tuwa si Chill sa pagsasayaw sa tapat ng boutique.


"Itataga ko na talaga sa bato na mga weirdo ang mga Eden Boys na yan. Weirdo din yung evil guy na yun!" kinuyom ni Voice ang palad lalo na nang maalala niya ang tinutukoy na evil guy.


Hindi naging klaro ang relasyon nila Voice at Gig. Nalilito noon si Voice kung ano nga ba ang estado ng relasyon nila. Ni hindi nga alam ng dalaga kung naging sila


basta ang alam niya ay minahal niya si Gig.


Break-up?


Hindi rin masasabi ni Voice na nag-break sila dahil hindi naman naging sila.


"Bakit ko ba naalala ang kumag na yun!" tili ni Voice bago siya padabog na pumunta sa puwesto niya, sa cashier.


Maganda rin naman ang takbo ng business nila. Dahil nga kina H at Chill ay dinadagsa ng kababaihan ang boutique nila. Parating may kumukuha ng litrato ni H at Chill at usap-usapan parati sa mga online cafe ang tungkol sa kagwapuhan ng dalawa.


***


"Aatend pala tayo sa isang party. Since parte tayo ng Adam Newson group of company ay kailangan nating pumunta." anunsiyo ni Voice sa kasamahan habang kumakain sila sa pantry.


Patango-tango lang si H habang si Chill ay hindi narinig ang sinabi ni Voice dahil nakasaksak ang headset sa tenga nito.


"Dress formally." utos ulit ni Voice at parehas lang ang naging reaksyon ng dalawa. Liningon ngayon ni Voice si Winter na seryosong nakatingin sa hawak na tablet.


Pasimpleng sinilip ni Voice kung anong tinitignan niya at napangiti siya nang mapansin na binabasa ni Winter ang balita tungkol kay Yalec.


Pataas-taas ang kilay ni Voice na hindi maiwasang mapangiti.


"Ang hirap talaga ng one sided love noh?" parinig ni Voice at mabilis na itinaas ni Winter ang mukha at inirapan siya.


"Sigurado akong nahirapan ka. Balita ko five years mong hinabol yung lalake eh hindi naman naging kayo." parinig ni Winter naman ngayon. Hindi naiwasan ni Voice ang


masaktan.


"Tapos ka ng kumain?" tanong ni Voice.


"I don't like the food."


"You won't attend the party with us then."


"Okay lang." tipid na sagot ni Winter.


"Kahit balita ko ay aatend si Kuya Yalec?"


Mabilis na tinitigan ni Winter si Voice.


"Joke lang. Hindi siya aatend. Asa ka naman. Hahahaha!" pang-aasar ni Voice.


Sa inis ni Winter ay padabog itong tumayo at lumayas. Tinitigan lang ni H at Chill ang paalis na si Winter bago ipinagpatuloy nila ulit ang pagkain.


"Kayo naman, kailangan niyo ng umalis at maghanda para sa party. Maaga tayong magsasara ngayon." utos ulit ni Voice.


***

Dinagsa ng lahat ng mga investors at empleyado mula sa iba't ibang korporasyon na galing sa Adam Newson Group of Companies ang isang sikat na hotel. Lahat ng nakadalo ay naggagandahan at naggwagwapuhan sa suot-suot nilang mga suit at gown. Kabilang na doon si Voice na nakasuot ng simpleng puting gown habang gwapong-gwapo si H at Chill sa kanilang suot na amerikana.


"Boss, matagal ba tayo dito?" tanong ni H kay Voice. Mukhang bagot na bagot na si H at hindi kumportable sa party.


"Maraming pagkain dito kaya kumain ka na lang." bulong ni Voice.


"Ano bang meron sa party na ito Boss?" tanong naman ni Chill ngayon.


"Ipapakilala nila sa lahat ang mga bagong investments nila at kasama na tayo dun kaya kailangan tayo dito." diin ni Voice.


"Parang pamilyar yung lalakeng na iyon sa akin." bulalas ni H ngunit hindi siya pinansin ni Voice.


"Boss parang nakita ko yung litrato nun sa tinatago mong-"


"Tumigil ka nga H. Marami talaga akong kakilala dahil parati akong bumubisita sa Adam Newson." saway ni Voice.


"Pero-"


"Saglit lang at hahanapin ko si Kuya Hale." pagmamadali ni Voice na iniwas si H at Chill para hanapin ang kanyang bayaw ngunit ilang beses na siyang nagpaikot-ikot ay hindi niya nakita si Hale.


"Voice?" agad na tumaas ang balahibo ni Voice nang marinig ang pamilyar na boses. Ang sexy ngunit nakakainis na boses mula sa lalakeng bumihag sa kanya ngunit dumurog rin sa kanyang puso.


"Nakainom na ba ako? Bakit ko naririnig yung sexy ngunit nakakainis na boses na yun?" bulong ni Voice sa sarili.


"Ikaw ba yan Voice?" tanong ulit nang lalake sa likod niya. Kinakabahan at daig pa ng isang parada ang nararamdaman na kaba ni Voice bago dahan-dahan siyang lumingon.


Gaya ng kanyang inaasahan ay mula kay Gig nga ang boses. Tumangkad pa mas lalo si Gig at mas gumanda pa ang tindig ng binata. Mukha rin siyang kagalang-galang sa ayos ng buhok niya.


"Does he work-out?" tanong ni Voice sa sarili.


"Nice to see you here?" nakangiting linapitan siya ni Gig.


"Marunong ka na palang ngumiti ngayon?" sarkastikong buwelta ni Voice. Dahan-dahang napawi ang ngiti ni Gig.


"Anong ginagawa mo di-"


Hindi natapos ni Voice ang sasabihin dahil biglang may dumating na magandang babae na pumalupot sa braso ni Gig.


"Who is this girl Gig?" maarteng tanong ng babae. Gulat na napako ang tingin ni Voice sa babae. Hindi na nga niya naiwasang mapanganga sa nasasaksihan.


"Ah her?" tinuro ni Gig si Voice. "She is a long time friend."


Daig pa ni Voice ang pinana ng isang daang palaso sa gitna ng kanyang puso. "Long time friend? Ah oo. Friend mo pala ako?" tanong ni Voice.


"Hahahaha! Oo nga friend ko pala siya. Friend na pinaasa-asa lang ng ilang taon." diin ni Voice.


"Is she some sort of mad at you?" maarteng tanong ulit ng babae.


Kung makatitig ngayon si Gig ay mas lalo pang naiinis si Voice dahil para siyang kinakaawaan ng binata.


"No she is not, Chesca."


"Oh so your name is Chesca?" tanong ni Voice sa babae at nakangiting tumango si Chesca. "Can I ask what is your relationship?"


"Oh we?" tinuro ni Chesca ang sarili at si Gig. "We are-"


"Workmates!" mabilis na sagot ni Gig.


"Uso na pala ngayon ang workmates na close. Wow! Nakapulupot pa sa braso mo oh." pabirong itinuro ni Voice ang pagkakahawak ni Chesca kay Gig ngunit sa loob loob niya


ay kanina pa siya nasasaktan sa nakikita.


"Boss!" tumatakbong lumapit si H. Nakangiti at kinakawayan si Voice.


"Who is that hottie waving at you?" tanong ni Chesca at sabay na napalingon si Voice at Gig kay H.


"Boss ka niya?" tanong ni Gig.


"Hindi. Tinawag niya pangalan ko. Voice! sabi niya." tsaka si Voice na ang lumapit kay H para hatakin siya papunta kina Gig. Gaya ng pagkakapulupot ni Chesca kay Gig


ay ginaya rin ito ni Voice kay H.


"Meet my boyfriend. H!" nakangiting pakilala ni Voice. Sa gulat ni H ay muntikan niyang maitulak si Voice ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Voice sa kanya.


"Bo-boyfriend mo?" gulat na tanong ni Gig at ilang beses na tumango si Voice.


Malanding hinawakan ni Voice ang namumuting mukha ni H.


"Eight months na kami and we are planning to get married soon."


"Married!" naglalakihan ang mata ni H na napalakas ang pagkakasabi. "Anong kalokohan ito Bo-"


"Voice?" pagpipigil ni Voice. "Hindi ba't nagpropose ka sa akin nung nakaraang buwan?" tinitigan ng matalim ni Voice si H na para bang nakadepende ang buhay ni H sa


kanyang isasagot. Sa huli ay napilitang tumango si H.


"We are getting married." pagsisinungaling ni Voice.


"We are?" tanong ulit ni H.


"Hindi mo kailangang ulitin." tsaka kinurot ni Voice si H sa pisngi. Kawawang binata at tuluyan na atang lumipad ang kaluluwa ni H kung saan.


"Congratulations!" bati ni Chesca habang hindi naman maipinta ang mukha ni Gig.


"We need to go." tipid na sagot ni Gig bago umalis ang binata ng walang sabi sabi. Sinundan naman ito ni Chesca at nang wala na ang dalawa ay mabilis na kumalas si


Voice kay H.


"Anong kalokohan ito Boss? You and I? Getting Married?" tanong ni H.


"Oo! Kaya ilakad mo na ang lahat ng papeles mo."


"Your crazy!" umiiling si H.


"Baliw na nga ata ako at hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nakikita ko ang lalakeng iyon. Hindi kita papakasalan noh! Tatanda akong matandang dalaga! Itaga mo yan sa bato!" sigaw ni Voice na padabog umalis.


Wala man sa mood si Voice ay pinili pa rin niyang patapusin ang party hanggang sa maipakilala lang sila sa lahat. Ang hindi niya inaasahan ay may investment din ang Adam Newson sa kompanya nila Gig ngayon na isang software company. Nagkatuon pang nagkatabi sa stage sina Gig at Voice ngunit hindi man lang sila nag-usap sa taas ng stage.


Pagkatapos ng party ay pinili ni Voice na magpunta muna sa isang resto para ikain na lang ang sama ng loob.


"May bulalo kayo?" tanong ni Voice sa waitress.


"Ma'am Japanese restaurant po kami." magalang na sagot ng waitress.


"Sige kahit anong pasta na lang."


"Ma'am noodles lang po meron kami."


Sa inis ni Voice ay natitigan niya ng matalim ang waitress.


"Ma'am huwag niyo naman akong titigan ng masama Ma'am. Nagtratrabaho lang po ako." maiyak-iyak na ang waitress.


"Sige bigyan mo na lang ako ng Ramen." pagtataboy ni Voice sa waitress nang may biglang umupo sa harap ni Voice.


"May nakaupo na-"


"Hi Voice!" bati ni Bitz na kumakaway sa kanya.


"Kuya Bitz? Ba-bakit ka nandito?" gulat na tanong ni Voice.


"Ako? Gagawan ko ng review ang restaurant na ito ngayon. You know trabaho ng food critic." paliwanag ni Bitz.


Hindi maipaliwanag ni Voice ang sayang nadama niya nang makita si Bitz. Dahil na rin siguro minsan sa buhay niya ay trinato na niya si Bitz bilang pamilya yun ay kung nagkatuluyan sila ni Gig.


Nagsimula na ring mag-order si Bitz at hindi tulad ni Voice ay inorder lahat ni Bitz ang nasa menu nila. Sa huli ay nagmistulang piyesta ang mesa ng dalawa.


"Ka-kaya mong kainin lahat yan?" nanlalaki ang mata ni Voice na napatingin sa mesa. Masiglang tumango naman si Bitz.


"This is my work."


"Wow! Buti hindi ka tumataba?"


"I work out and run a couple miles to burn the fats." tipid na sagot ni Bitz. Naisip tuloy ni Voice ang paghihirap niya sa kanyang diet.


"Ah kuya, alam mo ba yung tungkol sa amin ni Gig?" tanong ni Voice.


"Si Gig?" tinignan ni Bitz si Voice habang sumusubo na si Bitz ng mga sushi.


"Kilala mo si Gig?" tanong ulit ni Bitz.


"Huh? Hi-hindi ba pinakilala mo ako sa kanya noon? Hindi mo ba alam na nag-aral din siya sa parehas na eskwelahan ko?"


"Hindi eh." umiling-iling si Bitz bago ipinagpatuloy ang pagkain.


Nadismaya na rin si Voice dahil akala niya ay alam ni Bitz ag tungkol sa kanilang dalawa.


"Si Gig mukhang hindi na yun mag-aasawa." biglang sambit ni Bitz.


"Huh? Ba-bakit naman Kuya?" naintriga si Voice.


"Sabi ng Nanay namin ay na heart-broken daw siya. Hindi ko alam."


"Heartbroken?"


"I heard she liked a girl nung high-school sila until college. Hindi magaling sa pag-express si Gig kaya siguro ay hindi siya naintindihan nung babae."


Natulala na lang si Voice sa naririnig mula kay Bitz.


"May number ka ni Gig Kuya?" biglang tanong ni Voice at umiling si Bitz.


"Wala kang number ng kapatid mo?" gulat na tanong ni Voice.


"Wala siyang cellphone dahil may masama siyang experience sa cellphone."


Natahimik na ng tuluyan si Voice dahil naalala niya kung paano niya parating tinatawagan si Gig noon.


"Kuya! Kailangan ko lang bumalik sa party." biglang tumayo si Voice at patakbong umalis ng restaurant.


Pagka-alis naman ni Voice ay itinigil ni Bitz ang pagkain at may tinawagan sa cellphone.


"She is going back to the party. Sigurado ka ba talaga sa ginagawa natin Ma?" tanong ni Bitz.


"Alam mo naman kung gaano ka-miserable ang kapatid mo nung nawala si Voice sa buhay niya. We are doing this for your brother." sagot ng Ina nila Bitz. Tumango na lang


ulit si Bitz bago ibinaba ang cellphone at ipinagpatuloy ang pagkain.


***


Kulang na lang ay gustong paiparin ni Voice ang taxi para lang makabalik siya sa party ng mas mabilis.


"Keep the change Manong!" tsaka bigay ni Voice ng isang libo sa driver. Patakbong bumaba si Voice sa taxi at muntikan na niyang makalimutan ang suot na heels buti at


naalala niya.


Pagbaba niya sa tapat ng hotel ay tumigil ang puso niya nang makita niyang nakatayo sa harapan ng hotel si Gig. Nagtataka ito na makita si Voice. Hindi naman naiwasan


ni Voice ang mapangiti. Hindi na nga napansin ni Voice na nasa parte pa rin siya ng kalye at huli na nang masilaw siya sa ilaw ng paparating na humaharurot na motorcycle.


"Voice!" sigaw ni Gig.


Tumigil sa paghinga si Voice at sa takot ay napapikit na lang nang sunod na naramdaman niyang may humatak sa kanya. Naging malakas rin ang ingay na dala ng nadisgrasyang motorcycle na pilit iniwasan si Voice.


"Okay ka lang Boss?" tanong ng isang pamilyar na boses na mahigpit siyang hinahawakan ngayon.


Dahan-dahang binuksan ni Voice ang mata at nasa loob siya ng bisi ni Chill ngayon. Nakahandusay silang dalawa sa gilid ng kalye.


"Okay ka lang Boss?" kinakabahan at nanginginig na itinaas ni Chill ang mukha ni Voice.


"Huh?" gulat na tanong ni Voice.


"Voice!" patakbong linapitan rin sila ni Gig at tinulungan silang tumayo.


"O-okay lang ako." pinagpag ni Voice ang sarili. Abala rin ang ibang tao sa pag-alalay sa naaksidenteng motorsiklo. "Salamat Chill." pasasalamat ni Voice ngunit panay ang pagbuntong-hininga ni Chill at mukhang galit pa ang binata.


"Okay ka lang Chill?" tanong ni Voice.


Seryosong tinitigan siya ni Chill at biglang hinawakan siya sa magkabilang balikat.


"How can I be okay?" biglang sigaw ni Chill.


"Huh?"


"Hey! Your hurting her." pagpipigil ni Gig kay Chill dahil mas lalong humigpit pa ang pagkakahawak ni Chill kay Voice.


"The girl I like almost died! How can I be okay!" bulyaw ni Chill. Nagulat naman si Voice at Gig sa narinig mula kay Chill. Lalo na nang yinakap ni Chill si Voice sa

harapan ni Gig.




Continue Reading

You'll Also Like

15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
580K 16.2K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...