nagising ako sa alarm ng phone ko saktong 5:45am, ganitong oras talaga ako magising kahit sa bahay
kaagad ko yon pinatay at baka magising pa yung mga bata masyado pang maaga para gisingin sila, pero itong katabi ko kailangan niya nang gisingin kaya tinapiktapik ko yung mukha niya "gising Maxine, we need to get prepare na"
napakatulog mantika kasi nito
ilang yugyog at tapik pa ang ginawa ko bago siya gumalaw at dahan-dahan na umunat, biglang iwas ko naman ng tingin nung umangat yung suot niyang shirt. oo na alam kong may malapandesal siyang abs pero hindi yon ang balak kong kainin for breakfast
"why are you blushing?"
"anong blush pinagsasabi mo diyan" pagdedeny ko bago ako bumangon "tumayo kana diyan, baka magising mo pa yang tatalo kakalikot mo" himbis na sumunod siya sakin, niyakap niya pa talaga si Jasmine. mapang-asar din talaga siya "isa lang sa mga yan ang magising dahil diyan sa kalokohan mo, may kurot ka sakin" banta ko sakanya saka ako tumalikod at kinuha ang towel ko, kumuha na rin ako ng damit na susuotin para doon nako magbibihis "maliligo lang ako"
palakad na sana ako pero bigla siyang bumangon at hinarangan ako "sabay na tayo"
biglaang taas ng kilay ko sa sinabi niya "ayos ka lang? inaantok ka pa yata" where did she get that Idea
"anong masama don? both girls naman tayo, tsaka para sabay na tayong makapag-ayos"
may point naman siya both girls nga kami, pero nakakalimutan niya na yata yung ginawa niya sakin
"isa pa nakita ko naman na yan" sabay nguso niya sa katawan ko. abay gago to ah
"tapos kana?" serysong tanong ko sakanya habang seryosong nakatingin lang sakanya. wala ko sa mood makipagtalo sakanya ng ganito kaaga
kagat labi siyang nagkamot ng batok "k-kung ok lang naman hehe...sabi ko nga behave na ako"
inirapan ko lang siya at lumabas na ng kwarto para magpunta sa banyo, nakasalubong ko naman si Kiefer at mukhang maliligo rin siya kasi may nakasukbit din na towel sa balikat niya
"morning Zav" bati niya sakin
"morning"
nginitian ko siya at papasok na sana ako ng banyo pero may narinig akong nagngingitngit na galit sa likuran ko, as in rinig ko yung sunod-sunod niyang pag hinga. tahimik din kasi kaya rinig mo talaga kahit mahinang ingay lang
hindi ko na kailangan lingunin kung sino yun para malaman ko, Kiefer's reaction says it all
"sige Zav maya nalang" saka pumasok si Kiefer sa banyo ng mga lalaki
ako naman bored na hinarap si Maxine, pero di pa man ako nakakapagsalita hinatak na niya ako papasok ng banyo. galit nanaman siya at ramdam na ramdam ko yung sa way ng hawak niya sakin, I'm sure mamumula to
pag bitiw na pag bitiw niya sakin chineck ko yung braso ko, and I'm right namumula nga yung part na hinawakan niya, but I didn't dare to confront her at pinatong ko nalang yung mga gamit ko
ramdam kong nakatingin lang siya sakin ngayon at hinihintay na sabayan ko yung init ng ulo niya, pero sorry siya wala ako sa mood na makipagsabayan sakanya ngayon. lakas ng topak grabe, kagabi ok lang kami may pagyakap pa siya sakin, tapos ngayon nakita lang niya na kinausap ko si Kiefer nagngingitngit nanaman sa galit
bigla akong nailang nung huhubarin ko na sana yung suot ko "baka gusto mong tumalikod man lang?!" grabe kasi kung makatingin kala mo strip dancer ako na hinihintay niyang magtanggal ng takip sa katawan
hindi man lang siya nagpatinag at seryoso lang akong tinitigan. my gosh di ako makakaligo nito, hinawakan ko nalang yung balikat niya para sana patalikurin siya, pero matigas talaga siya. letche
nilakasan ko nalang ang loob ko at nagpanggap nalang na invisible siya bago ko isa-isang hinubad yung mga suot ko, from my shirt and pajama then lastly my undergarments. I'm fully naked in front of her right now
naging mapayapa naman ang pag-ligo ko dahil behave lang siya at talagang pinandigan na kunwari invisible lang siya, kaso bigla akong kinilabutan nung haplosin niya bigla yung likod ko which cause me to shut close my eyes
"M-Maxine what are you doing"
"just appreciating the view" sabay amoy niya sa batok ko na lalong nagpakilabot sa katawan ko. hindi ko alam kung nakahubad rin ba siya ngayon dahil nakatalikod ako sakanya, but I confirmed it nung hinapit niya ako palapit sakanya she's also naked
kaagad akong lumayo sakanya at nagpatuloy nalang sa pagligo, ganun rin ang ginawa niya naligo na lang din siya pero nakatingin parin sakin na parang gusto niya akong lamunin. ganyan yung mga tinginan niya sakin nun sa restroom sa cafè
hindi ko nalang siya pinansin at nagmadali na, nang matapos nako nagpatuyo kaagad ako at nagbihis, naisipan ko na rin lumabas nalang tutal naliligo pa naman siya pero pinigilan niya ako "hintayin mo nako matapos"
ganun nga yung ginawa ko, hinintay ko siyang matapos na maligo at sabay na kaming lumabas ng banyo pagkatapos. nakasuot lang siya ng robe habang yung towel ko hiniram niya para ilagay sa ulo niya
"oh...sabay kayo?" nagulat ako sa tanong ni Chris. bigla lang din siyang sumulpot sa gilid namin
"alam mo mana------------were fiancés so walang masama kung magsabay kaming maligo right?" pinutol ka agad ni Maxine yung sasabihin ko. great
"fiancè ka diyan? e diba pinili mo nga si Kevin kesa dito sa kaibigan namin" ayan na magsisimula na sila "oh baka naman fiancè mo lang si Zav kapa-"
"Chris manahimik kana lang please" I just mouthed it kaya hindi rinig ni Maxine. baka kasi kapag hindi pa siya tumigil mapikon nanaman tong isa
"what did you say?!"
kaagad kong pinigilan si Maxine nang maramdaman kong susugurin niya na si Chris "tama na please, wag mo nang patulan" pakiusap ko sakanya. inirapan niya lang ako saka naglakad palayo
balak pa ni Chris na mang-asar pa sana pero binatukan ko na siya "tigilan mo nga, alam mong pikon yung isang yon" sermon ko sakanya
"bakit nagsasabi lang naman ako ng totoo ah? ano siya sinuswerte? may Kevin na may Zavy pa. gago ba siya"
napabuntong hinga na lang ako, alam kong masama din ang loob nila sa naging desisyon ni Maxine, pero pinaliwanag ko na sakanila na parehas namin kagustuhan to, kaso hindi sila naniniwala
hindi nako nakipagtalo pa kay Chris at sumunod na kay Maxine pabalik sa kwarto, pagpasok ko palang sinalubong niya na ako ng matatalim niyang tingin, kaya iniwasan ko nalang yung mga tinginan niya habang sinasalansan ko yung mga gamit ko sa bag. dalawang araw lang naman kami dito bago kami bumalik sa camp site
pagtapos ko sa ginagawa ko chineck ko yung oras kung dapat ko na bang gisingin yung tatlong chikiting na masarap parin ang tulog hanggang ngayon, pero di pa man ako nakakalapit sakanila hinapit na ako ni Maxine para ma-upo sa tabi niya sa may couch. ano nanaman kayang eksena nito
"I change my mind" nilingon ko siya nang nagtatakha. anong ibig niyang sabihin? "tuloy natin yung wedding" hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, wala ring lumalabas na salita sa bibig ko "I know naguguluhan ka na sakin but....same as you na coconfuse rin ako, hindi ko alam kung ano ba talagang gusto ko pero...gusto kong matuloy yung wedding"
garagal yung boses niya ngayon habang nagsasalita, siguro nga talagang naguguluhan pa siya kasi...kagaya ko bago lang din sakanya to. dapat ko na ba akong mag-confess? wala naman mawawala sakin diba? besides pwede siyang malinawan kung seseryosohin niya yung sasabihin ko
tinignan ko siya ng deretso sa mata at inipon lahat ang lakas ng loob ko "Maxine...I understand kung naguguluhan ka pa, may part sayo na gusto mong ituloy yung kasal...pero may part din sayo na hindi mo kayang pakawalan si Kevin" nagulat siya nang banggitin ko yung pangalan ng boyfriend niya. hinawakan ko yung kamay niya to assure na hindi ako naapektuhan sa usapan namin na to, kahit yung totoo pinipigilan ko lang na umiyak "don't forget about him Max...alalahanin mo na siya yung dahilan kung bakit, para tayong tanga ngayon na nagseselosan kahit hindi naman na dapat kasi nga....pinili natin tapusin diba?"
"ako yung may kasalanan Za---------sssh...parehas tayong nag-decide, kaya wag mong akuin" yumuko lang siya at nagpakawala ng malalim na paghinga
"linawin mo muna yung utak mo Max...alamin mo muna kung ano ba talaga yung gusto mo? kung sino ba talaga samin ni Kevin yung...gusto mong makasama"
don siya nag-angat ng tingin sakin at bakas sa mukha niya ang pagkabigla at the same time pagtatakha "why are you saying those na parang nasasaktan ka na may Kevin? diba wala lang din naman sayo tong fix marriage?"
that's it!
"yun ang akala mo....kasi yun ang alam mo, bakit...tinanong mo ba ko kung ano ba talagang nararamdaman ko nung pinili mong makipag-ayos sakanya? hindi naman diba? basta ka nalang umalis pagtapos mong magthank you sakin ng paulit-ulit"
biglang iwas niya ng tingin. buti naman na-realize niya "I-I'm sorry...hindi ko alam"
inalis ko yung pagkakahawak ko sa kamay niya at napahagod ng buhok "wala kang alam kasi hindi mo naman inaaalam....tingin mo kasi sakin....easy to deal with, na kapag nagbago nanaman yung isip mo tatanggapin kita...kasi wala naman akong choice diba? nothing in our both sides know about our decisions of ending the deal kaya ka ganyan, pabagobago nalang ng isip....not knowing na nakakasakit kana...dalawa kaming nasasaktan dito just so you know" hindi ko na napigilan ang umiyak. bumuhos na yung luha na kanina ko pa pinipigilan "s-siguro kausapin mo nalang ulit ako tungkol dito kapag.....kapag kaya mo nang mamili samin"
ilang minuto rin kaming natahimik, hindi na rin kasi siya nagsalita after nung mga sinabi ko kaya tumayo nako para gisingin ang mga bata "wakey wakey little angels" nagising naman sila kaagad kaya inalalayan ko silang bumangon, pero di pa man kami nakakalabas huminto bigla si Jasmine "why you stop princess?"
"asan po si ate angel?"
kaagad ko naman tinignan si Maxine, nakatingin rin siya sakin ngayon kaya madali nalang sakin na senyasan siya na lumapit kay Jasmine
lumapit siya kay Jasmine at lumuhod para pantayan yung height ng bata "I'm here princess" nakangiting hinaplos naman ng bata yung mukha niya "mauna na kayo nila ate Zavy sa baba ok? mag-aayos lang muna ako"
"ok ate angel!"
pagkadating namin sa may kusina, nandito na silang lahat at mga nakapuwesto na sa kanya-kanya nilang upuan kaya inalalayan ko na rin yung tatlo para ma-upo, bago ako tumabi kay Reign
"bakit ikaw lang? nasan si Maxine?" bigla niyang tanong
sakin
"nag-aayos pa"
ilang sandali pa bumaba na rin si Maxine at pumwesto na sa tabi ko, mediyo naalibadbaran lang ako sa suot niya ngayon kasi naaagaw niya yung mga atensyong ng babae kesa mag-focus sila sa pagpray. sakit talaga siya sa ulo kahit kailan, partida ah kakaconfess at the same time kaka-reject ko lang sakanya pero gumagawa na kaagad siya ng ikakabago ng isip ko
tumalikod ako at hinawi yung suot niyang polo para takpan yung expose niyang collarbones. nagulat pa siya sa ginawa ko pero tinuloy ko lang yung pagkabit ng butones sa suot niya
"nakakadistract" yun nalang yung nasabi ko bago ko ibaling ulit yung tingin ko sa harap, kung nasan si Mother Sophie pati narin yung iba pang mga madre dito at naglilead ng prayer