fifty five

843 50 1
                                    

nasa cafeteria ang magkakaibigan dahil lunch break nila ngayon. kung sila Reign, Christopher, Dale, Roseanne at Yvonne busy sa pagkukuwentuhan tungkol sa kung ano-anong bagay. si Zavy naman nanahimik habang iniisip parin kung ano yung narinig niya kay Heidi nung isang gabi, wala parin siyang Idea kung sino ang kausap nito sa phone

"Zav ok ka lang?" biglang balikwas ni Zavy ng tingin kay Reign "kanina ka pa sa office tahimik ah. may problema ba?"

"wala naman, may iniisip lang ako"

na kay Zavy na ngayon ang atensyon nila

"ano yun? you can share it to us" sabi ni Dale saka ibinaba ang phone na hawak para makinig

"narinig ko si Heidi nung isang gabi"

"isang gabi? saan? tsaka anong narinig mo?"

napabuntong hinga si Zavy sa sunod-sunod na tanong ni Dale "naalala niyo yung tinatawagan niyo ko nung isang gabi?" tumango naman sila Reign at Christopher "nasa pub ako nun kasama sila Kade"

"kaya naman pala hindi mo sinasagot tawag namin, kasama mo nanaman pala yung mga bago mong friends"

"tigilan mo nga ako sa drama mo Chris. wag ko nalang kayang ikuwento noh"

tinignan ng masama ni Reign si Christopher "manahimik kana nga lang kasi" saka sinenyasan ulit si Zavy na ituloy ang kuwento

"so yun nga, nasa ladies room ako nung narinig ko si Heidi na may kausap sa phone"

"then?"

"I can't hear kung ano yung sinasabi ng caller, pero base on how she reacts parang... para silang nagtatalo"

"what exactly did you heard" biglang singit ni Yvonne

"kung gaano siya ka-obsess kay Maxine, and how she threats the caller. parang may alam yung kausap niya sa mga plano niya"

"plano?"

"mm...I also heard na nagsisinungaling lang si Heidi, but I don't know exactly what about"

biglang nagtinginan sila Dale, Yvonne at Roseanne at napansin yun ni Christopher "oi ano yang mga tinginan niyo na yan ha! may dapat ba kaming malaman?"

ngayon na sa apat na ang atensyon ng tatlo. sinenyasan naman ni Dale si Yvonne na magsalita, kaya nalipat kay Yvonne ang atensyon ng tatlo

tukihim si Yvonne at umayos ng pagkakaupo "kung iniisip niyong may alam ako, wala ok? I just accidentally heard Kiefer na may kausap rin sa phone nung gabing yon"

"Kiefer, as in Kiefer natin dito?" hindi makapaniwalang tanong ni Zavy

"mm...mukha rin silang nagtatalo ng kausap niya sa phone, pero mahinahon parin naman siya. ayoko nga sana magmukhang intruder kasi nakikinig ako sa usapan nila kaso...." nilingon ni Yvonne ang tatlo. naghihintay sila sa sasabihin niya "kaso narinig ko yung pangalan ni Maxine"

biglang kinutuban si Zavy at parang gusto niya ngayong puntahan si Kiefer para kausapin tungkol dito, napansin naman siya ni Reign at agad na hinawakan sa kamay para pigilan

"let her finish first"

napairap na lang si Zavy. ano panga ba ang magagawa niya kung hindi ang hinatayin na matapos si Yvonne, pero once na mapatunayan niya na si Kiefer ang kasabwat ni Heidi hindi siya magdadalawang isip na sugurin siya

"continue"

"like you hindi ko rin naririnig yung kausap niya pero, palagay ko kinoconvince niya yung kausap niya na itigil yung plano, tapos ituloy daw yung therapy kasi baliw na daw yung kausap niya, ewan hindi ko magets kung anong pinag-uusapan nila e"

hindi mapigilan ni Zavy ngayon ang emosyon niya. tugmang-tugma yung sinabi ni Yvonne sa mga narinig niya kay Heidi

napabalikwas nang tingin si Reign kay Zavy nang bigla itong tumayo "Zav hindi-" hindi na natuloy ni Reign ang sasabihin dahil naglakad na palabas ng cafeteria si Zavy. kaagad naman nila itong sinundan

sakto naman na paglabas nila nang cafeteria nakasalubong nila sila Maxine at Kiefer

"oh Zav, san kayo pupun--------SLAP!

nagulat ang lahat nang biglang sampalin ni Zavy si Kiefer, mabuti nalang at kaunti lang ang taong nasa labas ng cafeteria ngayon

"para san yon Zav?" saka nilapitan ni Maxine si Kiefer "Kief ok ka lang?"

"ayos lang ako Max" umayos ng tayo si Kiefer saka hinarap si Zavy. hindi maipinta ang mukha nito ngayon at sa puntong yon alam na ni Kiefer na may alam na siya "hayaan mo muna akong magpaliwanag"

"so inaamin mo nga na kasabwat ka niya?"

nagtatakhang tumingin si Maxine kay Zavy at Kiefer. wala siyang idea sa nangyayari "teka anong kasabwat? sino?"

kung kanina kaya pang kumalma ni Kiefer, ngayon halos pagpawisan siya sa sobrang nerbyos

"ano, bakit hindi ka magsalita ngayon" panghahamon ni Reign. galit rin siya kay Kiefer "ngayon mo sabihin nang kaharap silang pareho"

"what? hindi ko kayo magets, ano ba talagang nangyayari!?" hindi na napigilan ni Maxine ang magtaas ng boses. sobra siyang nacocofuse sa mga kaganapan "anong kasabwat yung pinagsasabi niyo?!"

wala nang choice si Kiefer ngayon kung hindi ang aminin ang totoo. humugot siya ng malalim na paghinga bago tumingin sa pito "sasabihin ko, pero hindi dito sa public area"

"don tayo sa office" suhestyon ni Zavy saka naglakad palayo nang hindi nakakalimutan na hilain si Maxine. sa bandang kwelyuhan talaga niya ito hinila kaya hindi malaman ng anim kung tatawa ba sila oh maawa kay Maxine

"panira nang mood tong si Zavy e" saka hawak ni Christopher sa ilong niya para pigilan ang tawa

"possessive naman pala ni Ms.Fortez" pagsang-ayon ni Kiefer. nagpipigil rin siya ng tawa

"manahimik ka diyan Kiefer, you better explain everything kung ayaw mong ibitin ka naman namin patiwarik"

napalunok naman si Kiefer sa sinabi ni Reign "g-grabe naman kayo sa tiwarik, aamin naman na talaga ako e, kaya nga ako papunta ngayon sa cafeteria kaso...balak niyo naman pala akong sugurin"

"talaga"

"tumigil na nga kayo. mabuti pa sundan na natin yung dalawa" saway ni Dale sakanila saka naglakad palayo nang hindi rin nakakalimutan na kaladkarin si Reign. sa may tenga naman ang kanya kaya hindi na napigilan ng apat na tumawa

"kawawang magpinsan" natatawang sabi ni Roseanne "ang cute nila parang- teka lang naman Yvonne bakit ako nadamay!" reklamo niya nang bigla rin siyang hatakin ni Yvonne sa may blazer

"shut up, tawa-tawa ka pa diyan"

napahalakhak naman ng tawa sila Kiefer at Christopher

"yan jowa pa more!"

"buti nalang talaga single ako!"

inabot rin ng 5 minutes yung tawa nila bago sila sumunod sa anim nang hindi man lang napapansin ang taong nagmamasid sakanila, bakas sa mukha nito ang inis at galit habang may tinatawagan, ilang saglit pa sinagot na ang tawag niya

"let's proceed to the plan B" sabi niya sa kausap sa call bago ito pinatay "wala na akong oras, kailangan mapapayag na kita"

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now