thirty three

1K 48 1
                                    


natapos na nila ang iba nilang tungkulin na dapat gawin, paliguan, pakainin, at turuan ang mga bata. ngayon naman naisipan nilang maglaro, ang iba naman sakanila mga nagsipagpahinga muna, habang may isang taong kanina pa bulong ng bulong habang pinapatay sa tingin ang mga nasa harap niya at napansin ito ng isa sa mga kaibigan niya

"tignan mo si Zav, kulang nalang sugurin niya si Maxine" agaw atensyon ni Christopher kela Reign na busy sa pakikipaglaro

huminto naman si Reign at humingi muna ng time first sa mga batang kalaro niya para lapitan si Christopher

"ang alin?"

ngumuso si Christopher kung nasan si Zavy, tinignan naman yun ni Reign

"selos best friend mo bhe"

umiling si Reign nang makita kung gaano katalim ang tingin ng best friend niya sa pinsan niyang si Maxine

"lagot ka nanaman Maxine"

naisipan nilang dalawa na lapitan si Zavy ng hindi nito napapansin pero...hindi pa man sila nakakalapit ay narinig na nila ang mga binubulong nito

"saya mo ha"

"tatawa tawa ka pa talaga diyan, basagin ko mukha niyong dalawa e"

"ay wow, may paghawak pa talaga ng kamay?!"

"argh! nakakainis ka talaga Maxine Jayne!"

hindi na natiis nang dalawa ang tumawa, nagulat naman si Zavy at pinaghahampas sila

"anong trip niyong dalawa ha!"

paulit-ulit niyang hinampas ang dalawa, pero tinatawanan lang siya ng mga ito

"napaka niyo talaga kahit kailan!"

napansin ng dalawa na parang iiyak na si Zavy sa inis, kaya tumigil na sila sa pagtawa at inakbayan nalang ito at hinarap ulit kay Maxine

"nakakatawa ka kasi bhe, maypasabi-sabi ka pa na ok lang sayo yung naging desisyon ni Maxine, e halata naman sayo na selos na selos ka diyan"

"partida bhe...si Yvonne(Jisoo) yang kausap ng pinsan ko, di si Kevin" gatong pa ni Reign sa sinabi ni Christopher

inirapan naman sila ni Zavy at pinaghahampas ang mga kamay nila na nakapatong sa balikat niya

nag-eenjoy si Reign sa nakikita niya ngayon, kaya naisipan niya na asarin pa lalo si Zavy. gusto niyang makita kung anong kayang gawin ng kaibigan dahil sa selos

"kung sabagay dapat ka lang naman talaga magselos"

nakuha ni Reign ang atensyon ng dalawa. si Zavy bakas ang pagka-curious sa mukha, si Christopher naman tinginan na nakakaloko

"what do you mean?" tanong ni Zavy pero deep inside kinakabahan siya sa isasagot ni Reign

"hmm...wala... never mind" pabitin na sagot ni Reign. pinipigilan niyang tumawa ngayon sa reaksyon ni Zavy.

bakas na bakas sa mukha ni Zavy ang pagka-inis "what the hell Reign! sasabihin mo o sisiraan kita kay Dale" bantang banat ni Zavy

at dahil nga sa tiklop si Reign pag about na kay Dale ang usapan "oi wag naman, grabe to...ngayon panga lang kami nag-kakamabutihan ng baby Dale ko e" reklamo niya, pero tinignan lang siya ni Zavy ng seryoso "sasabihin ko na pero....." pabitin niya ulit

"pero ano!?" naiinis na si Zavy sa mga pabitin ni Reign

ngumiti si Reign ng nakakaloko bago sabihing "gusto ko susugurin mo sila after ko sabihin"

biglang taas ng kilay ni Zavy, samantalang natawa naman si Christopher sa kondisyon na hiningi ng kaibigan nila

"baliw ka ba? bakit ko naman gagawin yon?"

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now