Del Rico Triplets #2: Retraci...

By nefeliday

3.5M 47.9K 11.3K

Rolly woke up without memories. Lying in a not so comfortable hospital bed and facing a person who's clad in... More

Retracing The Steps
DISCLAIMER (MUST READ!)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Wakas ll
The third
Allen Del Rico
Tarian Del Rico
EXCITING ANNOUNCEMENT!
RTS BOOK COVER REVEAL!
DEL RICO EPISTOLARIES LAUNCHING:
FREEBIES FROM ME FOR POTENTIAL BUYERS
PREORDERING PERIOD STARTS NOW
GETTING CLOSER TO AN END

Kabanata 29

83K 1.4K 165
By nefeliday


Goodnight

Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa nangawit na ako. Sinikap ko uling ipunin ang lakas para itulak siya. I guess he didn't expect that kaya nagawa ko ang nais.

Pinakawalan na niya ang mga kamay ko para mapunasan ang luha niya. He tilted his body a bit for me not to see the actual thing. Bumaling na lang siya sa akin na may namumulang mga mata. He sniffed and coughed to composed himself.

Umiwas ako ng tingin at bumalik sa harap.

"Umalis ka na. Ayaw kong kausap ka," malamig na sambit ko.

On my peripheral vision, I can see him. Hindi pa rin tumitinag. He leaned his body a bit towards me. Isinandal ang katawan sa gilid ng pinto at ang kamay ay nasa bubong. I wanted to pout because his movements really has an effect on me.

"Let's go. I'll drive you home." Nilingon ko siya nang nakataas ang kilay ko. I am still trying to keep the act.

There's no way I'm going to let him see the truth in me!

"Bakit ko naman gagawin iyon? I can just rent a taxi. Hindi ko kailangan ng tulong mo." Inismiran ko siya.

Narinig ko ang paghugot niya ng hininga dahil malapit siya sa akin. Mayamaya pa ay dumapo ang mainiti niyang kamay sa pulso ko. My heart doubled in surprise with his bold move.

"Ano ba! Bitaw! Hindi ako sasama..."

Dinig na dinig ko ang inis sa boses ko pero parang bingi siya na hinila pa rin ako sa maraang paraan hanggang makababa ako sa may kotse. Inilipat niya ang kamay ko sa isa pa niyang kamay.

"Magta-taxi ako, Troi," giit ko pa rin.

Dumukwang siya sa may loob ng sasakyan. He saw my takeouts tapos ay nilingon ang likod kung nasaan ang mga shopping bags. He took my takeout food before closing the door of the driver's seat.

Lumipat siya sa kabila at kinuha din doon ang ilang shopping bags. Kinuha ko ang kamay ko gamit ang buong lakas. Nilingon niya ako nang makawala ako. Matalim kong sinalubong ang tingin niya sa akin. Malalim iyon at mataman.

Akala ko ay kukunin niya pa uli ang kamay ko pero mahigpit niya lang na hinarang iyon sa may pinto ng kotse tapos ay dumukwang uli sa likod at sinakop ang mga paper bags.

He put all of those in his left hand tapos ay humarap sa akin. I saw his white shirt got wrinkled maybe because of the hug earlier.

"Ihahatid na kita," pinal na sambit niya saka tinawid ang pagitan namin at kinuha uli ang kamay ko.

I tried dodging his hand pero magaling talaga siya. Ngumiwi ako nang 'di magtagumpay. He clasped our fingers together in which angered me kaya iniangat ko ang paa ko para sipain siya. He glared at me.

"Don't do that! Nakikita ang hita mo," pagalit niyang sita.

Knowing that he's annoyed by that, ginawa ko uli. I'm aiming for his legs but because mine is shorter, hindi ko maabot kapag lumalayo siya.

"Stop it, love. You can't do it."

Pinanlakihan ko siya ng mata. Nang mapagod ay nagpapadyak ako sa inis.

"Ayoko nga sumama sa iyo. Magpahatid! Ang tigas ng ulo mo!" galit na anas ko.

He didn't care about that and started walking while dragging my arms gently. Wala na akong nagawa kundi magpatianod. Lumigpas kami sa limang sasakyan bago ko nakita ang kaniya. Isang range rover LWB. Pipitsugin lang iyong akin, ah! Lexus na pinahanap ko pa kay Yanna na swak sa budget ko.

Edi siya na ang mayaman! Bwisit!

I glared at his back when he opened the passenger's seat. He put all the bags there. Bahagya siyang gumilid para makita ko ang anak namin na mahimbing na natutulog doon.

I bit the side of my cheek because I wanted to smile so bad while looking at Tarian. Kaya lang ay  pinigilan ko. Nilingon ko si Troi at tinaasan ng kilay. Tarian can make me smile but his presence is enough to bring out all the bad and evil spirits inside me.

"Oh?" walang ganang sambit ko.

Bumagsak ang tingin niya kay Tarian at napapagod na bumuntong-hininga. I know that he's hurt by the way I acted like our son's presence is nothing to me. Naisip ko na nga na baka iwanan niya na ako rito at ihagis ang mga bag ko pero hindi niya ginawa.

"Sa unahan ka," aniya bago ako iginiya roon.

Gusto ko sana magreklamo at sabihing sa likod na lang ako dahil ayaw ko siyang makatabi. Kaya lang ay baka isipin niyang gusto ko makatabi si Tarian.

Well, I do! But I need to act! I need to do this! Napag-usapan na namin ni Tarian 'to and I am thinking that he understands me.

Walang kibo akong pumasok sa front seat. I tried glancing at him to see his reaction. Madilim ang buong mukha niya at ang mata ay tila galit dahil sa magkasalubong na kilay. Bumalik sa akin ang tingin niya at iniwasan ko iyon. Bumaling ako sa harapan at nagpatay-malisya na lamang.

Umikot siya at nagtungo sa driver's seat. Pinakiramdaman ko lang siya hanggang sa paandarin niya ang makina. Sa gilid ng mata ko, nakita kong itinaas niya ang parehong sleeve niya. Hindi umabot hanggang siko. Sapat lang para makita ang maugat niyang bisig.

He maneuvered the steering wheel without throwing a glance at me. Naligpasan ang sasakyan ko. I took that chance to speak just so I could ease the tension.

"Paano ang kotse ko?" mataray pa rin ang boses ko pero hindi na sobra.

"I'll have someone to look for it. Tatawagan kita kapag maayos na." Seryosong-seryoso ang mukha niya habang sinasabi iyon. Ni hindi ako nilingon.

Ngumiwi ako nang 'di iyon nagustuhan.

"Hindi ko ibibigay sa iyo ang number ko," sambit ko.

Hindi siya kumibo. Nilingon ko na siya.

"Just leave it here. Babalikan ko bukas," sabi ko uli.

He nodded and didn't speak again. Umakyat ang iritasyon sa ulo ko.

"Ibaba mo na lang ako at magta-taxi ako..." madiin kong sambit.

Noon lang niya ako nilingon. Malamig ang mata niya. I feel like he has something to say to me but he's stopping himself. Umigting ang panga niya at pinukol ako nang madilim na titig bago bumaling sa harap uli.

Kumuyom ang kamao ko sa inis. Umusog ako ng upo dahil malaki ang front seat para sa maliit kong katawan. Idinekuwatro ko ang hita ko at pinagkrus ang kamay sa dibdib.

"We both know we don't like each other's presence. Bakit kasi nagpumilit ka pang ihatid ako?" pagalit kong tanong.

Matalim ang tingin ko sa kaniya. I don't know what's gotten in to me. I just feel enraged because he's not talking to me. Siya naman ang nag-insist na ihatid ako!

Pinaglandas niya ang dila sa labi niya bago ako nilingon. Sumulyap siya sa kandungan ko at lalong dumilim ang anyo. Sinulyapan ko rin iyon at nakitang exposed na exposed ang hita ko.

"Hindi ka ba nilalamig?" His voice sounds iritated.

I smiled to taunt him and shook my head.

"Hindi. Sanay ako sa ganitong suot kahit sa ibang bansa. Naka-aircon lang naman 'tong kotse mo, so no worries."

I bit my tongue when I realized that I talked too much. Tumango siya at hindi sumagot. Sumulyap siya sa likuran nang marinig ang kaluskos doon. Ganoon din ang ginawa ko.

I thought Tarian is awake but it seems like he just changed his sleeping position. Nagtagal ang tingin ko sa kaniya. If only I could take a photo of him looking like that. An angel.

"He loves sleeping while I drive..." Troi spoke out of nowhere.

I stilled. Bumaling ako sa kaniya. Nasa harap pa rin ang tingin niya. Ganoon din ang ginawa ko. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pero mayamaya lang ay nagpatuloy.

"He loves sweets. He's into pancakes just like you. He loves any syrup, though."

I bit my lips to stop myself from making any reaction. Kahit na naiiyak na ako. Troi is trying to tell me things about our son. Kahit hindi ko hinihingi.

"I am not asking..." I told him, coldly.

Lies! Lies, Rolly! Please, continue. I would love to know more.

Halos magbunyi ako nang 'di siya nakinig sa sinabi ko.

"Mahilig siya gumuhit ng mga larawan. He said he loves to learn painting someday. He loves reading a book. Katulad mo, magaling din siya sa pagsusulat ng mga tula."

Naging mas madiin ang kapit ko sa sariling mga bisig na nakakrus sa dibdib ko.

"Mahilig din sa banda. Blake and Bastian is his favorite. Tagaturo niya sa mga instrumento." He chuckled after saying that.

"Mukha lang ang nakuha sa akin pero lahat ng hilig ay sa iyo." Nakangiti siyang bumaling sa akin pero 'di ko iyon pinansin.

Ang shades na nakasabit sa dibdib ko ay kinuha ko at isinuot. Nagtagal ang tingin niya sa akin pero bumalik sa harap nang marinig ang busina ng nasa likod.

I am pinching myself now. I am trying to divert my attention to something para mapigilan ko ang pagluluha ng mata.

"He's keeping your pictures. Pina-print niya lahat at idinikit sa wall ng kwarto niya. He also love doodling your name beside ours. You should see it..."

My knuckles made a sound and I didn't mind it. Nararamdaman ko na ang paglandas ng mainit na likido sa pisngi ko.

"Tarian loves you. You're his birthday wish. Hindi napapagod. He even asked for your-"

"Hindi ko tinatanong, Troi," galit at nanginginig ang boses ko nang putulin siya.

My eyes dropped on his hands. Naging mahigpit ang kapit noon sa manibela. Lumitaw pa lalo ang ugat sa mga iyon. Suminghap ako para kumuha ng hangin.

"You keep on blabbering about nonsense for almost half an hour..." dagdag ko pa sa mas malamig na boses.

I heard his brutal sighs. I can sense that he's calming himself but I think he really lost it.

"I just thought you'd like to know about it," mahinang sambit niya pero mariin.

"Why would I care about your son?"

Bumaling siya sa akin. Sa gilid ng mata ko ay pinagmamasdan ko siya.

"He's our son, Rolly. Atin. Hindi lang sa akin." Dama ko ang sakit sa salita niya.

I scoffed but only to annoy him more.

"He's not mine. Sa iyo lang. Kaya nga iniwan ko sa iyo. Akala ko pa naman malinaw sa atin iyon."

Mabilis ang pag-ikot ng manibela at ilang sandali pa ay huminto ang sasakyan. Nanlaki ang mata ko nang makita na nasa parking lot na kami ng condominium.

He knows where I live? All this time?!

Kumalampag ang manibela kaya nagulat ako at napatalon. I immediately removed my shades and spat at him.

"Fuck you! If you're mad, hindi mo na sana ako hinatid!"

Huli na bago ko ma-realized na sinabi ko sa kaniya nang harapan iyon tapos ay basa ng luha ang mukha ko. Natigilan siya at lumamlam ang mata sa nakitang itsura ako.

I know there's no point of hiding my tears. Pinalis ko iyon at tinaliman pa rin ang tingin. He tried helping me wipe my tears but I moved away from him.

"H-how did you know my place?" nanginginig ang boses na tanong ko.

Bayolente uli siyang huminga bago isinandal ang likod at ulo sa upuan. Hinilot niya ang ibabaw ng mata.

"I just know..." mahinang sabi niya tila ayaw na makipagtalo at magpaliwanag.

That's my cue. Binuksan ko ang pintuan at padabog na lumabas. This jerk knows where I live and he probably knows how long I've been in this country. Troi is really something.

Umikot ako sa kabila para kuhanin ang mga pinamili ko. He opened the driver's seat at lumabas din doon. Like a model who's having a shooting. Inayos pa ang damit bago isinara ang pinto.

Hindi ko siya pinansin. I opened the goddamn door and started picking up my things. Bawat paglagay ko ng mga iyon sa kaliwang kamay ko, kinukuha niya rin doon. Iritado ko siyang nilingon.

"Aakyat na akong mag-isa. Don't come with me," banta ko habang nanlilisik ang mata sa kaniya.

Sa katirikan ng araw, mas mataas pa yata ang presyon ko dahil sa galit. Lalo pa noong hindi siya nakinig. Kinuha ko uli sa kaniya ang paper bags pero nailayo na niya sa akin bago ko pa magawa ang balak.

"Ano ba!"

A smirk almost crossed his lips but he immediately stopped himself.

"Leave now, Troi. Isama mo na si Tarian," ako matapos humugot nang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili.

He glanced at our son before he shook his head.

"He's awake now," he informed me.

My body got tensed with that. Nilingon ko si Tarian na pupungas-pungas ang mata na nakatingin sa amin ngayon. Namilog pa ang mata nito nang makita ako. Umawang ang labi niya pero tinikom din agad.

I felt Troi too close to me. Yumuko siya para maayos na makausap ang anak.

"We're just dropping off Mommy. Let's go?" he asked gently.

Sumulyap sa akin si Tarian. Nakangiti ang mata noon pero hindi nagkikibo. Lumamlam ang tingin ko sa anak ko. Troi can't see it so I smiled at him. My son's eye dropped to his father and nodded.

He raised both of his hands and Troi didn't say a word and just scooped him. Kahit hawak pa ang mga paperbags ko.

Nang makuha si Tarian ay umayos na ito ng tayo. They both looked at me. Umangat ang kilay ko kay Troi. I made sure I'm looking at him kasi ayaw kong isipin ni Tarian na siya ang tinatarayan ko.

Umismid ako. "Sabi kasing ako na lang," bulong ko bago tumalikod.

Kahit ayaw kong umakyat pa siya, ayaw ko namang makita ni Tarian na sumisigaw ako at sa harapan niya pa. My son is still a kid and hindi dapat siya nakakikita ng ganoon. Si Troi lang naman ang gusto kong kagalitan.

Marahas ang kilos ko at tahimik hanggang sa makapasok kami sa elevator. Nakatabi sa akin si Troi kahit napakalawak pa ng espasyo sa loob. Wala naman akong uurungan dahil nasa dulo na ako.

Matalim ang tingin ko sa kaniya sa repleksyon namin. I know he's looking at that, too. Malamang nakikita niya iyon. Tarian's not since his eyes are on me. Kanina ko pa ramdam iyon.

How I wish Troi's not here. Para makausap ko ang anak ko. Hindi ko alam pero parang lalong nagpapatong-patong ang inis ko kay Troi.

Bumukas ang elevator at nagpapasok ng magbabarkada. Tatlong lalaki at dalawang babae.

Natigilan ang mga iyon nang makilala ang kasama ko. Ang mga babae ay humagikgik pa nang makapasok while the guys are glancing at Troi and then me. Hindi ako nagpakita ng emosyon.

Ang dalawang lalaki ay humilig sa magkabilang side ng elevator kaya magkaharap sila. Naka-cross ang kamay ng isa sa dibdib at may ngiti sa mata nito habang sumesenyas ang mga iyon sa kaharap.

"Want to hold our son?" si Troi na malakas ang pagkakasabi noon at tila pinaririnig sa mga bagong dating.

The girls tilted their head to look at our side. My eyes almost pop out because of what he just did. Kita ko kung paano napaahon ang dalawang lalaki sa pagkakahilig at animo'y natauhan.

They're checking me out. Siguro akala ay hindi ako kasama ni Troi. I scoffed.

Hinarap ko siya at kay Tarian agad dumapo ang tingin ko. Kumurap-kurap siya at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa akin. That act made me want to smile. But again, Troi is here.

Lumunok ako at nagdadalawang-isip kung gagawin ko nga ba ang gusto ni Troi. Sa pag-iisip na titigil ang mga kasama namin sa elevator sa paninipat sa akin, kinuha ko si Tarian.

I can feel his happiness when he encircled his tiny arms on my nape. Hindi katulad kay Troi na hindi siya nakakapit kanina, sa akin ay parang ayaw na nitong bumitaw.

Nilukob ng init ang puso ko. Mahigpit ang kapit ko sa anak ko. I felt him nuzzling on my neck. Nag-iinit lalo ang puso ko sa kilos niya. My son is really clingy. Ngayon pa lang ay dama ko na iyon.

Bumukas ang elevator sa floor namin. Before I could take a step, nakapalibot na ang kamay ni Troi sa baywang ko para igiya ako sa labas. Hindi ko iyon inalis hanggang sa magsarado na uli ang elevator.

"Kamay mo," sita ko nang sumara na iyon at makalayo na kami.

He didn't move kaya nilingon ko na siya. Diretso ang tingin niya sa nilalakaran at nagkukunwaring hindi ako narinig. Salubong ang kilay niya at akala mo ay natalo sa lotto.

Ngumiwi ako at nilakihan ang mga hakbang ko. Sinabayan niya rin iyon kaya balewala lang din ang pagsusubok kong maunahan siya. Tarian's a bit heavy kaya medyo mahirap din sa akin na kumilos.

Nang marating namin ang unit ko ay agad kong in-swiped ang key card. Tumunog ang pinto at bumukas. I turned around to face him.

"Happy now? Papapasukin pa ba kita?" sarkastikong sambit ko.

Seryoso ang mata niyang madilim nang salubungin ang tingin ko. Bumuntong-hininga siya at umiling.

"Tarian, we need to go now, baby."

Nilingon siya ni Tarian bago bumalik sa akin ang tingin. Nakalabi siyang tumango. Nagulat ako nang bahagya siyang yumukod at dinampian ng halik ang pisngi ko.

After he did that, he motioned his father to take him. Walang kibo si Troi na kinuha ang anak sa akin. I took my shopping bags in exchanged. They're both looking at me now kaya nanginig pa ang tuhod ko.

My right hand touched the door before looking at them. Napalunok ako sa tingin ni Tarian while I am ignoring Troi. Tumikhim ako at tumango.

"Thank you," sabi ko matapos mahanap ang mga salita. "Papasok na ako."

"Get inside. We'll leave after."

Tinulak ko na ang pinto at sinulyapan silang dalawa bago tumalikod na. When I'm about to close the door, may kirot sa dibdib ko sa tingin na iginagawad nilang dalawa sa akin. Both of their eyes are telling me that they don't want me to leave but they don't havea choice.

Kinagat ko ang labi ko at mabigat ang dibdib habang tinutulak pasara ang pinto. Natulala na ako roon matapos ng ginawa. Nabitawan ko ang shopping bags at pagod na sumandal sa pinto.

My heart feels heavy. Sigurado ako na hanggang sa pagtulog ay ganito ako. I'll probably cry to sleep again and dream of Tarian's hugs and kiss. If only I could keep him with me.

I bit my lips when I remember Troi and I's sudden meeting. He knows where I'm staying. Siguro ay dahil na rin sa naging ingay ng pangalan ko kaya nalaman niyang narito na ako sa bansa.

I sighed when I realized that the next few days would be chaotic. The Del Rico's probably know that I am here, too. Ilang araw pa ang lilipas at hindi pwedeng hindi ko sila makakatagpo.

Just like some nights, I ate alone. Kahit nang sumapit ang gabi. I thought I would be lonely that night but I received a call from an unknown number.

When I picked it up, my heart leaps in joy as I heard my son's angelic voice. We talked all night. Sometimes he's whispering words to me as if he's someone might caught us talking.

I asked for forgiveness for my actions earlier. I told him I need to do that so I could annoy his father. He giggled with that. He said he's happy knowing where I live and he's hoping that he could get inside the next time.

I hummed as an answer. He asked me a lot of things. Even what I ate for the night. He told me his stories and informed me about his lessons during weekdays.

Ang dami kong nilaman sa kaniya at buong oras na magkatawagan kami ay nakangiti ako. Higit pa ang saya ko nang magpaalam na siya at matutulog na raw.

He requested for me to sing a song for him. Kahit hindi maganda ang boses ko ay puring-puri niya ako.

His last words made my night.

"I'll call you again tomorrow. Can I, Mommy? I just want to check on you," maliit ang boses na tanong niya.

Humalakhak ako at nag-init ang gilid ng mata.

"Of course, baby. Mommy would love it if you check on me from time to time," I said as a matter of fact.

My son is thoughtful and lovely. Kung paano ko deserve ang pagtrato niyang ganito matapos ng nagawa ko ay hindi ko rin alam. Maybe God is merciful that he gave a wonderful child to me.

"I love you, Mommy. I'll sleep now. You should sleep, too."

Narinig ko ang paghikab niya. Nagaya ko rin iyon.

"Mommy will sleep too, after this call. I love you, too, Tarian ko. Mommy loves you so much..."

I heard him giggling in which I copied.

"Goodnight, Mommy," he whispered.

"Goodnight, baby..."

We both bid our goodbye and I sleep peacefully that night. Malayo sa inakala kong tahimik at masakit na gabi.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19K 41
Dice and Madisson
148K 2.3K 35
ILL-FATED SERIES #2: Ivory Kyson Mortimeroz (ONGOING) Ivory Kyson Mortimeroz has been deprived of love since he was a kid, so when the two women came...
507K 6.9K 45
Hope Del Rico had pledged to earn her adoptive parents' pride and avoid any actions that might make them second-guess adopting her. However, when she...
55.3K 3.4K 31
Arielle and Isaiah have been best friends since childhood, sharing everything-including a secret arrangement that began when they were young. As the...