Monasterio Series 8: Nights i...

By Warranj

1M 27.8K 2.1K

(COMPLETE) Monasterio Book 8: Terrence and Priscilla Priscilla was done looking for the perfect man for her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue Access

Chapter 44

12.9K 393 31
By Warranj

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 44

Halos hindi na kumukurap si Mommy habang nakatitig sa akin. We were sitting on the edge of my old bed while facing each other. Hawak niya ang kamay ko, mahigpit habang patuloy pa rin sa pagtulo ang luha sa mga pisngi.

"Mommy, stop crying." I pleaded.

It's funny how I wanted her to stop shedding tears but I was the one who couldn't even control mine.

She smiled and shook my head. Patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha niya, walang patid.

"I just can't believe that you are already here in front of me. When we found out from Terrence about your situation, ginusto kong puntahan ka sa America at alagaan ka," muling nabasag ang boses niya. "Why did you choose to fight it alone?"

Umiling ako. "Ayaw ko lang po na mag-alala kayo sa akin. Buong buhay ko, pinaniwala ko ang sarili ko na kaya kong harapin at solusyonan ang mga problema na darating sa akin. Pero, Mommy, sa unang pagkakataon, natakot ako..." Muling nabasag ang boses ko at tumungo na sinabayan ng hikbi. "Naduwag po ako."

Kinabig niya ako palapit sa kaniya at mahigpit na niyakap. I nuzzled my face against her chest and let my tears fall on her dress.

"Maiintindihan ko pa, anak, na ginusto mong ilihim sa mga Monasterio ang nangyari sa'yo. Pero ako na sarili mong ina ay pinili mong alisin sa mga desisyon mo sa buhay?" may hinanakit na tanong ni Mommy. "Hindi ko maintindihan, Priscilla."

I know it will be hard for her to understand my reason. Tama naman siya.  Puwede kong itago sa kahit na sino ang pinagdadaanan ko. Pero siya na sarili kong ina... siya ang dapat na nagpapalakas ng loob ko noon at sumasama sa akin sa bawat pagtitigil ko sa hospital.

Ngunit masiyado akong kinain ng takot at pag-aalala.

"I'm really sorry, Mommy."

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ng ulo ko. Her cries suddenly turned more painful.

"I know how much you loved your hair, hija. I can't imagine how you were able to face your emotions those times your hair was slowly falling from your head."

Malungkot akong ngumiti at marahang humiwalay mula sa pagkakayakap sa kaniya. Her eyes were bloodshot and glassy and I was sure the same goes with me.

"Mahirap, Mommy. But Ruth was there with me. Palagi niyang ipinapaalala sa akin na maganda ako kahit wala na akong buhok."

Tumango tango siya, malungkot ang bawat pagguhit ng ngiti sa mga labi. Hinaplos niya ang ulo kong nababalutan ng scarf, marahan ang bawat paggapang ng mga daliri.

"You are still pretty, Priscilla. May buhok o wala, maganda ka pa rin. Siyempre naman. Anak kita."

Sabay kaming natawa sa tinuran niyang 'yon. Masarap marinig mula sa iba na nagagandahan pa rin sila sa akin sa kabila ng itsura ko. But sometimes, I can't help but to think that maybe, they're just telling that out of pity.

"You are even lucky to have Terrence. Sa kabila ng ginawa mong pag-iwan sa kaniya, nanatili siyang naghihintay sa'yo. Umaasang babalikan mo ulit siya at magiging masaya na kasama ang mga anak ninyo." dagdag niya.

Huminga ako nang malalim kasabay ng pagtuwid ko mula sa pagkakaupo. Yumuko ako sa mga hita ko at sandaling napatitig doon.

I raised my face to look at my mother. She was staring intently at me, her eyes were drilling into my soul.

"Kung ako lang, Mommy, hindi muna sana ako babalik hangga't hindi pa ako tuluyang malaya mula sa sakit ko. I want to go back here and cancer free. Gusto kong humarap sa inyong lahat na maayos na ako. Iyong pag-uusapan na lang natin ang sakit ko dahil nakaraan na ito. Dahil ligtas na ako. I don't want to face you all while I'm not even sure if I'm already cured. I'm afraid to see the pain in your eyes when you see me having a hard time dealing with it."

She sighed and shook her head as if she was disappointed with the words she just heard from me.

"At kung hindi ka makaligtas sa sakit na iyan nang hindi ka namin naaalagaan, hindi ba at mas masakit iyon para sa amin? You took the privilege away from us to take care of you and make you feel loved. If you die without telling us the reason, don't you think it would be more painful, anak? Lalo na sa aking Mommy mo na inalisan mo ng karapatan alagaan ka sa mga panahong kailangan mo ng lakas."

I didn't say anything back. Lahat ng sinasabi niya sa akin, maluwag kong tinatanggap.

"Masakit ang ginawa mo, Priscilla. Pero naniniwala akong matibay ang pagkakakapit mo sa dahilan mo kaya mo 'yon nagawa." she added.

Ano pa man ang naging dahilan ko sa paglayo ko nang walang pasabi, alam kong isang pagkakamali pa rin 'yon.

If there're any consequences for this, I would accept it without a doubt.

Hindi rin nagtagal at pumasok si Daddy kasama si Terrence. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang umiyak buong buhay ko. But that moment was an exemption.

Tears made their way out of his wrinkled eyes as he hugged me tight. Pakiramdam ko pa nga, mas matindi pa ang emosyon na nararamdaman niya kaysa kay Mommy. It's just that he's always stoic. He knows how to shut his emotions out.

"Thank you for keeping your promise, Terrence. Kahit magkalayo ay nagawa mo pa rin siyang bantayan." saad ni Daddy habang nasa sala kami.

It was already a late dinner for us. Nandito pa kami dahil na rin sa kahilingan ni Mommy. Sinabi kong dito na ulit ako maninirahan pero ipinilit niyang gusto niya ako makasama sa mga sandaling 'yon.

"Ginawa ko lang po ang dapat. Hindi rin po ako mapapakali sa isang tabi nang walang nalalaman na kahit ano tungkol kay Priscilla." kaswal na sagot ni Terrence.

Mula sa plato ay nilingon ko siya. He was looking at the plate, too, but his eyes were telling so many things.

"Mabuti na lang rin at napakiusapan mo ang kapitbahay niya roon. Mas naging madali para sa'yo ang makasagap ng balita tungkol sa anak kong ito." ani Daddy na ikinabaling ko sa kaniya.

My eyes blinked. Maging si Mommy ay napatingin sa akin na para bang inaasahan niya na ang reaksyon kong ito.

"Kapit bahay po? Sino, Dad?" tanong ko.

Terrence halted from eating. Tiningnan niya ako sa seryosong ekspresyon ng mukha.

"He's talking about Chantal Abreguil. Siya ang nagbabalita sa akin ng mga kaganapan tungkol sa'yo. I hope you don't get angry with her."

Natigilan ako. Si Miss Chantal na kapit bahay ko sa America? Paano sila nagkakilala? Kailan pa? Kaya ba ganoon na lang kung makipaglapit ito sa akin?

Wala namang problema iyon. Mabait sa akin si Miss Chantal at ang pamilya niya. Kapag wala si Ruth, siya ang sumasama sa akin sa mga check up ko. She's a pure Filipina who married a US citizen.

Magaan ang loob ko sa kaniya kung kaya hindi na rin ako nangingiming ilathala sa kaniya ang nangyayari sa buhay ko.

"No, I'm not. Hindi ko lang talaga inaasahan. I have to thank her then. Tatawagan ko siya mamaya." tipid ang ngiting sabi ko.

Tumango si Terrence at tumuloy na sa pagkain. Hindi nagtagal at umuwi na kami sa isang mansion kung saan naroon ang mga bata. It was new. Halatang bagong gawa lang.

"Kailan pa itong bahay mo na ito?" sabi ko habang pinagmamasdan ito mula sa passenger seat.

"Bahay natin," pagtatama niya sa akin. "This was built a year ago. Naisip kong hindi na rin akma kung sa penthouse ko iuuwi palagi ang mga bata. Masiyadong malungkot at nag-iisa lang sila."

The house was only blocks away from his family house. Siguro ay madalas nasa bahay nina Mama Tate ang mga bata at doon nakakahanap ng kalaro.

"At least here, they're able to play with some of their cousins. They live in the same village."

Magkakalapit nga lang talaga sila. The thought of it somehow anxious me. Ibig sabihin ay mas mapapadali ang pagharap ko sa kanilang lahat.

Bumaba na kami kalaunan. Sa bawat pag-ihip ng hangin ay siyang paggapang ng kaba sa puso ko. Hindi pa naman gaanong malalalim ang gabi kung kaya may posibilidad na gising pa ang mga bata.

"Let's get inside. Masiyado nang malamig  dito." saad ni Terrence at ipinulupot ang kamay sa aking bewang.

Huminga ako nang malalim at tumango. Nagsimula na akong humakbang papasok nang maramdaman ko ang hindi niya paggalaw. Nawala ang pagkakahawak niya sa bewang ko.

Nilingon ko siya. Titig na titig siya sa akin, seryoso ang gwapong mukha. His eyes were mirroring the mysteriousness of the moon. Its light was even reflecting through the darkness of it.

"Bakit?" tanong ko.

He licked his lower lip and slowly shook his head. 

"You're finally home."

Umiling ako. "Not yet. Kapag nayakap ko na ang mga anak natin, kayong tatlo, saka ko pa lang masasabing nakauwi na ako..." sagot ko. "Sa inyo."

Hindi siya sumagot at tipid lang na ngumiti. Iniabot ko ang kamay ko sa kaniya. Bumaba ang mga mata niya roon, ang ngiti sa labi ay mas lalong nadagdagan.

He took my hand and walked toward me. Kaagad niya rin ipinahinga iyon sa balikat ko hanggang sa sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.

Tahimik ang sala. Malawak ito at moderno ang gandang mayroon.

"Baka nasa kwarto sila." sabi ni Terrence.

"Wala silang kasama?"

Inililibot ko ang tingin sa paligid. I saw lots of picture frames ang paintings. Maaliwalas ang bahay at kahit walang nadatnan na tao ay hindi naman malungkot tingnan.

"Narito si Manang Rosenda. She's the one who took care of my other siblings. Siya na rin ang pinagkatiwalaan nina Mama para sa kambal."

Tumango ako. Umakyat kami sa engrandeng hagdan. Tila ako masusuka sa mabilis na kalabog ng puso ko. Habang lumalapit, mas lalong nagwawala.

Huminto kami sa tapat ng isang pintuan. Bahagya akong umatras nang hawakan ni Terrence ang seradura. Napatingin siya sa akin, tila nagtataka. Tipid akong ngumiti at sa tingin ko, nakuha niya kung ano ang ibig kong sabihin.

"Just be yourself. They are nice." he uttered.

Tumango ako. Tuluyan niya nang binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang malawak na kwarto na napupuno nang mga gamit pambata at laruan.

Sa isang puting carpet ay naroon ang dalawang bata. Maging si Clarisse ay naroon kasama nila. Nakaupo silang lahat. Sa ayos ni Clarisse na may hawak na cell phone, hindi ko alam kung may kausap sila o pinapanood lang.

"Clarisse is here." puna ni Terrence na hindi ko na nagawa pang intindihin.

The view of Alexandre and Alexene brought me into tears. The wicked smile of Alexene, the darkness in Alexandre's eyes despite still being young... it tells me how much I have missed when it comes to them.

Sa akin man sila nanggaling, pakiramdam ko ay ibang tao ako sa kanila. Sapat na bang ipinakikilala ako ni Terrence sa kanila sa pamamagitan ng litrato? Are they going to accept me as their mother despite growing for the past years without me?

Puwede naman sigurong tanggapin, hindi ba? I just can't expect them to get close to me that instant. Hindi ba at dapat na akong makuntento na tatanggapin nila ako? Dapat na akong maging masaya doon.

Lumingon si Alexene sa gawi namin.

"Daddy?!"

Maging si Clarisse at Alexandre ay napatingin na rin sa amin. Alexene stood up from the carpet and ran towards Terrence.

Kaagad siyang binuhat ni Terrence. Alexene wrapped her tiny arms around her Daddy's neck.

"I miss you, princess." Terrence said and placed a gentle kiss on her cheek.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa gawi ni Clarisse at Alexandre. They were both staring at me. Clarisse managed to give me a smile that didn't reach her almond eyes. Nag-iwas rin siya ng tingin at itinuon sa cell phone ang atensyon.

"I miss you, too, Daddy! Did you find a barbie with  purple hair there?" she asked and faced her father.

My heart leaped in happiness when I saw the kind of beauty she had. From her brown long mermaid curls, almond eyes, pinkish lips and heart-shaped forehead...

She literally is my mini version.

"Yup." Terrence replied.

Namilog ang mga mata ni Alexene sa tuwa. Gustuhin ko man mahawa sa saya na mayroon siya sa mga sandaling ito, hindi ko maiwasan masaktan na hindi niya man lang ako nagagawang daplisan ng tingin.

Para bang hindi niya ako nakikita.

"Yehey! Thanks, Daddy! You really are the best!" she placed a soft kiss on his cheek.

"All the best for you and your brother. Remember the last time I told you that I have a surprise?"

"Uh-hmm." Alexene nodded her head repeatedly.

Huminga nang malalim si Terence, tila ba hindi ito madali para sa kaniya. Gustuhin ko man siyang tulungan ay alam kong gugulo lang ang sitwasyon. Mas lalong magiging mahirap para sa mga bata.

"Alexandre, please come here." tawag ni Terrence.

Sumunod kaagad ito. Hindi pa rin ako tinitingnan ni Alexene. Sigurado naman akong nakikita niya na ako pero mas pinipili niyang huwag akong pansinin.

Ibinaba ni Terrence si Alexene sa tabi ni Alexandre. The boy was already looking at me while little Alexene's attention was on her Dad.

"I always show you a woman's portrait, right? I keep on telling you that she's your mother. That one time, she'll go back here and live with us for good..." Terrence said in a formal tone. "I'm with her, Alexandre and Alexene. Your Mommy is standing beside me."

Saka lang tumingin si Alexene sa akin. Nawala ang ngiti sa mga labi niya at pinagmasdan akong mabuti. I squatted in front of them with a smile playing across my lips. Maging ang luha mula sa mga mata ko ay nagsunod sunod sa pagbagsak.

"Hi..." my voice trembled.

"Daddy, the woman you showed us in the picshur has long bwitiful hair. She doesn't have it."

Nagkatinginan kami ni Terrence. Sandaling natigilan. Kung ipapaliwanag namin sa kaniya ang nangyari ay siguradong hindi niya pa rin maiintindihan.

Bumuntonghininga ako at binalingan si Alexene ng tingin.

"Something happened to me. But I'm your Mommy-"

"I'm scared of you. You look like the lady ghost I saw in the movie-"

"Alexene..." sita ni Terrence sa kalmadong paraan pero naroon ang pagiging istrikto.

Itinapat ko kay Terrence ang palad para senyasan siyang ayos lang ako.

"I'm sorry if I scare you. You want me to get a wig? I'll do it for you-"

"Tita Shannen's hair is so beautiful. She looks like the little mermaid and I want to be as pretty as her."

Natigilan ako sa sinabi ni Alexene.

Shannen.

This is the second time that I heard that name. Hindi ko lang itinanong kay Terrence ang tungkol doon nang una kong marinig dahil maaaring kung sino lang 'yon at hindi na kailangan pang bigyan pansin.

Pero bakit palagi siyang binabanggit ni Alexene? Bakit tila malapit siya sa mga bata? Bakit parang mas siya ang kinikilala ng mga bata?

Humugot ako nang malalim na buntonghininga at tumayo na. I had a glimpse of Clarisse looking at me. Bagsak ang mga balikat ko nang harapin si Terrence. He was also staring at me, his dark eyes were extra careful.

"Sino siya sa buhay n'yo ng mga bata, Terrence?"

Epilogue and Special chapters are exclusive for VIPs on Patreon, Spaces, and Facebook Group.

Completed on VIP Spaces and Patreon. To those who want to avail the membership, kindly message Warranj Novels on Facebook.

Facebook page: Warranj Novels

Facebook: Anj Monasterio

Order books on Facebook: Warranj Suarez Monasterio

Facebook Group: Warranj Stories

Patreon: warranj

Twitter: WarranjWP

Instagram: warranjwp

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
930K 31.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...