Love Of Yesterday (COMPLETED)

By YshNLct

8.3K 529 8

Zamara didn't expect that she would fall in love with someone. A man that can't replace for her entire life... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
Epilogue
LOVE OF YESTERDAY
CHARACTERS
Author's Update
New

16

161 13 1
By YshNLct

ZAMARA'S POV

"Sabi ko naman sa'yo hintayin mo ako." Mahina nyang sabi sa akin.

Nakakaloka nakalimutan ko kaklase ko nga pala s'ya!

"Based on your expression, I think you forgot that I'm your classmate." Sabi n'ya habang naka palumbabang titig na titig sa akin na parang kinakabisado yung mukha ko.

Huminga ako ng malalim. Wala na ata akong kawala kay Blake. Saan man ako magpunta palagi s'ya nandon. Ni roll ko yung pad paper ko at hinampas ko sa noo n'ya.

"A-aray!" Napapikit s'ya nang hinampas ko s'ya habang hawak-hawak n'ya yung noo.

Pa-end na itong school year ba't parang ngayon ko lang s'ya nakita? I mean hindi ko talaga s'ya nakikita.

"Transferre ako kaya ngayon mo lang ako nakita as your classmate." Sabi n'ya habang nakapalumbaba ulit at nakatingin sa akin.

"Tinanong ko ba?" Bara kong tanong sa kan'ya.

"Hindi, pero sa itsura mo oo." Napa awang ang labi ko sa sinabi n'ya.

Akala ko kay Lucas at kuya sasakit ulo ko mukhang madadagdagan pa ng isa.

Tinignan ko nang masama si Blake nang kindatan ako bigla. Adik ba 'to? Hindi ko na lang siya pinansin sakto dumating na ang teacher namin.

"Recitation tayo ngayon." Biglang nag ingay ang mga kaklase ko.

"Lah?!"

"Recitation na naman!"

"Ano ba yan!"

"Oh bakit may reklamo kayo? Dagdag grade lang itong recitation ang daming bagsak sainyo sa subject ko!"

Inisa isa kong tinignan ang mga kaklase ko na sobrang na stress. Sabagay, sino bang hindi mas-stress kung biglaang recitation. Paglingon ko kay Blake, aba nakapikit. Bahagya kong kinurot sa tagilirin si Blake.

"Aray!" Natahimik silang lahat nang sumigaw bigla si Blake.

"What's wrong Mr. Alvero?" Tanong ni ma'am sa kan'ya. Umakto ako na parang wala akong ginawa sa kan'ya.

"W-wala po, sorry po ma'am." Tumayo si Blake at bahagyang nag bow kay ma'am. Kaninang nagrereklamo ang mga kaklase ko biglang tumahimik ngayon dahil sa naging reaction ni Blake. Palihim akong tumawa, tinignan ako ni Blake at nginitian ako.

Hindi napikon?!

Nagulat ako nang bigla n'yang hinawakan ang kamay ko at hinatak sa kan'ya.

"Kung gusto mo mahawakan abs ko papahawak ko naman. Hindi 'yong nangungurot ka pa." Sabi ni Blake habang naka nap sa table.

Ang hangin naman pala nitong nilalang na 'to. Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kan'ya. Nilingon n'ya ako sabay kindat.

Kindat 'to nang kindat kapag 'yang mata n'ya dinukot ko. Ewan ko na lang sa kan'ya.

Maya-maya pa nagsimula na si ma'am magbato ng tanong. Lumingon ako kay Blake na naka cross arm habang naka pikit. Dumikit ako sa kan'ya at biglang tinaas ang kaliwa kong kamay. Naalarma si Blake sa ginawa ko at pipikit pikit ang mata.

"Yes Ms. Lee?"

"Qualitative research is detailed po."

"Correct!"

Lumingon ako kay Blake na bagong gising. Umayos s'ya ng upo habang naka cross arm pa rin at pumikit ulit. Nang magtanong ulit si ma'am nag taas ulit ako ng kamay at nagising ulit si blake nagulat ako sa ginawa n'ya kasi bigla rin s'ya nag taas ng kamay.

"Okay mr. Alvero." Nagulat si Blake dahil s'ya ang tinanong ni ma'am.

Lahat kami tumingin kay Blake tinignan ako ni Blake na nagtataka. Tinawanan ko lang s'ya.

"Pumunta ka rito sa harapan at bumunot ka rito." Nagtaka kaming lahat kasi kay Blake niya lang pinagawa na mag bunot.

Kitang kita ko ang paglunok ni Blake.

"Tulog pa." Bulong ko.

"Ayaw mo? Sige upo-"

Hindi naituloy ni ma'am ang sasabihin niya nang naglakad na si Blake papunta sa harapan. Kapag nahuli ni ma'am na hindi nakikinig sa kanya o nakita niyang natutulog sa klase niya automatic na bubunot ka ang mahirap pa hindi siya konektado sa subject niya.

Bumunot na agad si Blake sa isang bowl fish saglit lang niya binasa at kumuha na siya ng chalk at sinulat niya yung sagot niya.

Mukhang stats pa yun ha?

Napa whoa ang mga kaklase ko nang tama ang sagot niya mayabang na tumingin sa'kin si Blake sabay kindat napairap ako sa ginawa n'ya.

Nag pa alam na sa amin si ma'am.

Tutal mamaya pa dating ng next subject namin nilabas ko muna mga notebook, ballpen at ang papel ko . Alam ko may isa kaming teacher na kukunin n'ya raw yung notes namin.

Habang nagsusulat ako biglang kinuha ni Blake ang ballpen ko. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kan'ya. Nginitian lang ako ng nakakainis ni Blake.

"Bigay mo sa akin 'yan." Umiling s'ya sa akin at inangat n'ya ang kamay niya kung saan hawak n'ya ang ballpen ko.

Umiling iling s'ya sa akin at tinapat sa akin ang daliri n'ya na parang sinasabihan ako na mali yung ginagawa ko.

"Akin na 'yan!" Nginusuan ako ni Blake habang umiling ulit.

Iling nang iling kulang na lang matanggal yung ulo.

Dumating ba s'ya sa buhay ko para inisin lang ako nang inisin?! Ito na naman ang pasensya ko na unti-unti nauubos.

"Yuii Zamara ha Blake pala I thought Lucas ang gusto mo."

"Oo nga!"

"Mas bagay sila ni Lucas."

"No sis! Mas bagay sila ni Blake!"

Huminga ako nang malalim sa mga naririnig ko sa mga kaklase ko. Tinignan ko sila isa isa habang nakatingin ng masama.

"Hoy kayo-"

"I'm her boyfriend." Sabi ni Blake at inakbayan ako sabay ngiti sa mga kaklase ko.

Biglang lumiwanag ang pagmumukha ni Blake nang naghiyawan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi n'ya.

Naagaw ang atensyon namin sa pintuan nang biglang may pumasok. Nakita namin si Lucas na hingal na hingal habang ang dalawang n'yang kamay nakahawak sa mga tuhod n'ya.

Kunot noo ako nakatingin sa kan'ya. Nang mahagip ako ng tingin ni Lucas ngumiti s'ya sa akin at nagmamadaling tumabi sa akin.

"Nakakahingal." Mahina n'yang sabi. Sumandal s'ya sa upuan nya at pinunasan n'ya ang pawis n'ya gamit ang panyo n'ya.

Nagsimula na naman magbulungan ang mga kaklase ko. Mga bubuyog ampotch*.

"Ang pogi talaga ni Lucas!"

"Ang hot n'ya tignan!"

"Sis nakaka inlove yung mata n'ya!!"

"Sinabi mo pa!"

'Yan yung mga gusto ni Lucas yung pinupuri s'ya, lumalaki na naman ulo n'yan. I-nunbotton n'ya ang polo shirt na suot n'ya. Mas lumakas pa ang hiyawan ng mga kaklase ko.

"Umayos ka nga Lucas! Ano bang pinaggagawa mo?! Kadiri." Suway ko sa kan'ya. Tinignan n'ya lang ako na pang inosente na akala mo wala syang ginawang mali.

"Why? I'm just-" Hindi na natapos ang sasabihin n'ya nang biglang lumapit si Styzy.

Siya yung kaklase namin na sobrang harot. Kapag may gwapo sa paningin n'ya kakausapin n'ya hanggang sa makuha n'ya kahit may boyfriend pa s'ya.

Ang lala na ng babaeng ito.

"Hi Lucas." Pabebe niyang sabi habang nilalaro ang iilang hibla ng buhok n'ya. Napairap ako at sumandal sa inuupuan ko.

"I know her." Bulong ni Blake sa akin.

Tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Hinarot ako n'yan no'ng bago lang ako rito." Paliwanag ni Blake at titig na titig kay Styzy.

Parang bigla nag init ang ulo ko sa narinig ko.

"I don't need your help." Napatingin kami ni Blake dahil sa biglaang pag seryoso ni Lucas.

Gusto kasi mangyari ni Styzy s'ya na lang daw mag tatanggal ng butones ni Lucas. Hindi ba't ang harot?

"Can you stay away from me? I get irritated with you, Especially when I see your fvcking face." Napa whoa ang mga kaklase ko sa sinabi ni Lucas.

Parang na saktan si Styzy sa sinabi ni Lucas.

Nagkatinginan kami ni Blake dahil may binulong si Styzy kay Lucas na parang mas lalong naiinis sa kan'ya si Lucas. Nagmamadaling lumabas si Styzy ng room kasabay ng pag pasok ng teacher namin sa math.

Hindi talaga pinapansin ni ma'am si Styzy dahil masyadong bastos. At wala ring paki si ma'am kasi bumabawi si ma'am sa grade ni Styzy. Binabagsak talaga ni ma'am.

Habang nag lelesson si ma'am hindi ko maiwasan tumingin kay Lucas. Sobrang seryoso n'ya, kanina na sobrang sigla at panay ngiti ngayon hindi na mapinta ang mukha n'ya.

Curious ako kung ano sinabi ni Styzy.

-

Tapos na ang klase namin at ngayon uwian na. Sa wakas makakauwi na rin.
Nagulat ako dahil biglang kinuha ni Blake ang bag ko.

"Tara na." Sabi n'ya sa akin at nauna ng lumabas ng room. Nagkibit balikat na lang ako at sumunod sa kan'ya.

Habang nag lalakad kami hindi ko maiwasan maisip si Lucas. Kahit gan'on naman 'yon may concern pa rin ako sa kan'ya.

"Wag mo na masyado isipin si Lucas. Kaya n'ya sarili n'ya." Sabi ni Blake.

Tama naman s'ya.

Ba't ko pa kasi iniisip.

As usual, kapag uuwi kami palagi kaming naglalakad. Ewan ko ba kay Blake may motor naman.

Hindi ko magawang isipin na sa ilang buwan na nakalipas may nakilala akong dalawang lalaki. Na hindi ko inaasahan. Lalo na't si Blake biglaan naging boyfriend ko. Ang bilis, mas mabilis pa sa mabilis.

"Zamara!" Napahinto ako at lumingon sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Blake ns tumatakbo papunta sa akin.

Nagulat ako nang bigla n'ya akong hinatak ang sinandal sa puno habang na sa harapan ko s'ya.

"Bakit?" Taka kong tanong. Kitang-kita ko sa mukha n'ya ang pag aalala.

"Tumingin ka sa dindaanan mo. Nag sintas lang ako saglit masasagasaan ka pa." Mahinanon na sabi ni Blake.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko napansin na na nauna pala ako maglakad kay Blake.

Hinawakan n'ya ang kamay ko habang ang isa nyang kamay ay hawak-hawak ang phone n'ya.

"Natandaan ko yung number plate." Hindi ako makasabay kay Blake kung ano ba pinagsasabi n'ya.

Ang natatandaan ko lang may kotseng puti na dumaan nang isandal ako ni Blake sa puno.

Nang nasa tapat na kami ng bahay binigay sa akin ni Blake ang bag ko.

"Mag ingat ka, palagi." Seryoso nyang sabi.

Halos hindi ako makagalaw nang halikan n'ya ako sa noo bago s'ya umalis.

Hindi ko maiwasan hindi ngumiti. Teka Zamara?! Kinikilig ka ba?! Mali 'yan!

Nagmamadali kong sinara ang gate at akmang papasok na ako narinig ko ang boses ni Lucas.

"Ano ba kasi meron?!"

"Basta itikom mo na lang ang bibig mo Lucas!"

"But how?! Seryosong usapan 'to Zavier!"

Nagtatalo na naman sila? Kagabi pa sila. Hindi ko maitindihan kung ano ba talaga nangyayari.

May masama bang nangyari na hindi ko alam?

Continue Reading

You'll Also Like

3M 192K 89
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
49.3K 1.3K 26
This was a story between a teacher and a student na na inlove sa isat isa.
89.5K 2.3K 32
" Otillia Cobb slouched in her chair waiting for her 6'o'clock appointment. She had already read through all the magazines and was close to leaving t...
5.1K 148 102
The running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida...