Casanova's Cinderella

By prismkatx

75K 1.6K 42

"Hanggang sa hindi na lamang laro ang lahat." - Zeke Zerinllo More

Casanova's Cinderella
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29 (Ending)
AUTHOR'S NOTE

Chapter 9

1.7K 51 1
By prismkatx

~Sam's POV~

"Talaga naman yan si Mr. Zerinllo wala ng dinala kundi gulo!" Galit na galit na sabi ni ma'am Reyes. Pano kasi inalisan nga sya ni loko ng walang paalam.

Napatingin naman ako kay Louise at nakita kong namumula sya. Bakit?

**
"Sam" kakalabas ko lang ng classroom at nakita kong naghihintay si Justin sa labas.

"Uy Justin" bati ko sa kanya with matching very wide smile.

"Anung sunod mong klase? Hatid na kita"

"Naku vacant ako ngayon, papunta akong library para mag-aral" sagot ko

"Ganun ba?" Medyo tumahimik sya saglit tapos binigyan ako ng nakakasilaw na ngiti "vacant din ako eh, tara samahan nalang kita sa library"

"Ah sige"

"So anu ang dahilan bakit gusto mong maging doctor?" Bigla nyang tanong

"Gusto kong tumulong sa mga walang pera, sa mga taong kagaya ko. Yung hindi nila kayang magpagamot kaya nalala nalang ang sakit nila hanggang sa ikamatay na nila ito. " siryosong sagot ko

"Pano kang yayaman pag ganun?" Siryoso din na tanong nya, by this time nakapasok na kami sa library. Malapit lang kasi mula sa classroom ko kanina.

Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nyang yun. Para sakin hindi naman kelangang lahat ng tao mayaman eh, ok na yung maginhawa ang buhay mo at ng pamilya mo. As long as nakakatulong ako at nasusuportahan ko ang pangangailangan ng mama ko ok na. Yun ang nasa utak ko pero hindi ko sinabi kay Justin.

Naghanap lang kami ng upuan at ng makaupo ay tsaka ako nagsalita ulit.

"Ikaw ba Justin anung course mo?"

"Business Management, why?"

"Bakit yan ang napili mo? Yan ba talaga ang gusto mo o pinilit ka lang ng mga magulang mo dahil ikaw ang taga-pagmana ng business nila?" Tanong ko sa kanya habang nagfi-flip ng page ng libro.

"Ako talaga ang may gusto nito, ayokong kunsumihin pa ang parents ko. Tanggap kong ako naman talaga ang magmamanage ng mga business namin someday eh. Gusto din ni Louise maging doctor at ayoko syang pigilan don kaya una palang hindi na ako nagdalwang isip na magBM." Kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sya sakin while sinasabi yan.

"Mabait ka Justin." Hindi ko napigilang sabihin yon ng diretso sa kanya

"Hindi Sam, mali ka. Tulad din ako ng iba, nagagalit at nakikipag-away. Kagaya nalang nung huli, sorry ulit dahil nakasali ka pa sa gulo na yun." Medyo ilang na sabi nya, napapahimas pa sya sa leeg nya habang sinasabi nya yan.

"So kamusta kayo ni Zeke?" Tanong ko

"Ayun magtatatlong linggo na kaming hindi nagpapansinan, nagkikita parin naman kami dahil kelangan magpractice ng banda. E kayo kamusta?" Pagbabalik nya ng tanong sakin

"Kami?" Ulit ko habang nakaturo sa sarili ko at medyo napalakas ang sabi ko non ha.

"Walang kami hehe" nagtuloy nako sa paglilipat ng page ng libro kahit hindi ko alam kung anu bang hinahanap ko.

"I'm serious here Sam, kamusta yung panliligaw nya?"

Napalunok naman ako sa tanong nyang yon "makulit at mapilit, sinabi ko na naman sa kanyang wala syang pag-asa sakin e pero hindi talaga nya ako tinitigilan."

Hindi sya sumagot, madami na akong nabasa ng muli syang magsalita.

"Anung oras ang sunod mong klase?" Justin

Tumingin ako sa orasan ko, almost 2:10 palang "3:30 pa, lampas 1 hour pa akong tambay muna dito. Kung may klase ka pa una ka na. Ok lang ako dito."

"Hindi anu... tara miryenda muna tayo" pag-aaya nya

"Baka hindi tayo makabalik bago mag 3:30 e, hindi ako pede malate."

"Dyan lang naman sa canteen eh." Nakangiting sabi nya. Akala ko kung saan yun pala dyan lang sa canteen, napahiya ako dun ah.

"Ah sige" nahihiyang sagot ko

***canteen***

Dun kami pumwesto sa may gilid, sa may tabi ng bintana.

"Ano iyo Sam?"

"Ah yung anu nalang, kahit burger lang. Eto oh." Humugot ako sa pitaka ko ng 50 pesos tapos inabot ko sa kanya

Hinawakan nya yung kamay ko "Lalaki ako Sam, hindi naman ako papayag na babayaran mo pa sakin yung bibilhin ko tsaka di pedeng burger lang, ako na bahala ok?"

"Ok" nahihiyang sagot ko, pumunta na sya dun sa counter habang ako nagtitingin ng mga message sa phone ko

May text galing kay kuya, kay Megan at kay zeke. Una kong binuksan yung kay kuya.

From: Kuya
Kamusta na Sam? Uwe ako dyan this Sunday. Sige, ingat kayo ni mama ha.

From: Megan
Bessie, pede ko ba mahingi number ni Justin? May sasabihin pang ako. TY

Then the last one messege, huminga muna ako ng malalim. Bat naman nya ko itetext?

From: S I C K
Babes, tingin ka sa may center ng canteen.

Tumingin naman nga ako, tsaka ko napansin ang kumpulan ng varsity players ng school. Nun ko lang din napansin ang ingay na dala nila. Ang ingay nila, agaw atensyon. Hindi lang sila ang nandon, andun din ang mga cheerleaders. Halos tag-iisa sila ng kalong na cheerleader eh.

Si Zeke ba may kalong din? Tinignan ko kung asan sya dun, napatingin ako sa may right side ng table at andun sya, nakatingin sakin at kalaki-laki ng ngiti.

Tumayo sya at naglakad papunta dito sa direksyon ko. Wait, dito nga sya pupunta. Hindi pede kasi babalik na din maya-maya si Justin. Baka mag-away nanaman sila.

'feelingera la naman masyado Samuel Jill, anu ka special? Mag-aaway ulit ang dalwang napaka gwapong nilalang na dahil sayo? Asa ka!' Sabi ko ng mahina sa sarili ko, kaloka na.

Ilang hakbang nalang at nasa harap ko na si Zeke ng biglang sumigaw si Justin sa malayo "wag kang lumapit", sabay kaming napatingin sa kanya ni Zeke. Sa tingin ko nga lahat ng nasa canteen nakatingin sa kanya ngayon.

Nagmabilis syang lumapit sa table namin, inilapag nya ang binili nya sabay higit sa kamay ko kaya napatayo naman ako. Hinila nya ako palabas ng canteen habang masama ang tingin nya kay Zeke. Ako naman, eto nagpadala nalang kaysa naman mag-away pa sila dun.

Hindi naman nagsalita si Zeke, napakamot nalang sya sa batok at nakita kong tumungo nadin sa table nila kanina. Hinigit ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Justin ng makalabas kami ng canteen.

"Pupunta na ko sa next class ko, bye Justin" hindi ko na hinintay ang sagot nya at umalis na ako

Sayang lang ang pera na ibinili nya ng pagkain na yun, ang mayayaman talaga. Nagtuloy na ko sa klase ko. Pagpasok na pagpasok ko nagbulingan na ang mga tao.

"Sya ang dahilan kung bat nag-aaway si Zeke at Justin diba?"

"Grabe!"

"Di naman kagandahan"

"Oo at mahirap lang yan!"

"How dare her?! Sayang naman ang friendship nina Justin!"

"Tamah!sinira nya lang!"

Unti lang yan sa mga narinig kong sinabi nila, hindi ko na inintindi yung iba dahil masasakran lang ako. Dumiretso na ako sa upuan ko at nagkunwaring hindi ko sila naririnig pero may nakalimutan yata ako, ang babaeng hindi palalampasin ang issue na to.

Tadah! Pagkaisip na pagkaisip ko non ay eto na nga sya, sa harap ng upuan ko.

"What?" Kunwari ay di ko alam kung bakit

"What? Hindi mo ba alam na hindi na maayos ang relasyon ni Justin at Zeke mula nung nangyari sa party?! Mula bata magkakaibigan na kami tapos ano?! Sisirain mo lang?!" Sigaw nya sakin

Tahimik lang ang iba naming kaklase, nakikichika. Bat ko nga ba sinabi na mababait sila dati? Ay oo nga pala, mababait naman sila. Iba lang talaga ang dating nina Zeke kaya nagagalit sila sakin. Siguro iniisip nila na kinukuha ko ang mga prince charming nila. Pero yung mga lalaki ok parin naman.

Bat di nila kami pinipigilan? Kasi sanay na sila. Di naman umaabot sa pisikalan ang away namin ni Louise eh.

"Wala akong ginagawang masama!" Sagot ko sa paratang nya

"Hah! Magde-deny ka pa talaga e noh! It was not a rocket science na kapag may manliligaw ka e isa lang dapat. Alam mo yun Samuel!" Nanggigigil na sigaw nya, halatang galit nga talaga si Louise.

"Si Justin lang ang nanliligaw Louise!"

"Talaga lang ha! Well, kahit sino pa man ang sinasabi mong isa lang na nanliligaw sayo e wala ka paring blessing galing sakin. Hindi ako papayag na maging girlfriend ka ng kaibigan ko o ng kapatid ko!" So limabas din ang totoo? Na ayaw nya lang talagang maging kami ni Justin o kahit ni Zeke.

"See? So it will all boil down to that? Ayaw mo lang talagang magkaron ako ng relasyon sa kahit isa sa kanila! Idadahilan mo pa na niloloko ko sila. Na hinahayaan kong ligawan nila ako pareho!" Nakakasar, bakit kasi hindi pa ako tigilan ni Zeke Zerinllo. Sinabi ko na naman sa kanya na wala syang pag-asa sakin eh. Ano pa bang gusto nya?

Sasabunutan na sana ako ni Louise ng biglang dumating ang prof namin.

"Good Afternoon class" bati nya

"Good afternoon ma'am Alma" sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko

Inayos ko ang sarili ko, uminom ako ng tubig. Nagbabaon kasi ako ng water para di na ako bibili. Salamat nalang at dumating na si ma'am Alma, ayoko talagang mapaaway. Sadyang nasaktan lang ako sa mga sinabi ni Louise. Idagdag pa yung mga sinabi ng mga babae kong kaklase.

Nagfocus na ako sa tinituro ni ma'am. Wala namang magandang maidudulot sakin ang pagdadrama e, baka bumaba pa ang grade ko.

Nasa kalagitnaan kami ng quiz ng biglang may kunatok ng malakas sa room, naptingin tuloy kaming lahat sa pinto. Di inaasahang iniluwa ng pinto si Megan. Anong ginagawa nya dito?

"Yes?" Mataray na approach sa kanya ng prof namin

"Ma'am pede po ba kay Samuel?" Pacute naman na sabi ni Megan

"Hindi pede! May quiz sila hija. Mamaya nalang"

"Ma'am san"

"Mamaya nga diba!" Galit na singhal ni ma'am Alma

"Ok.." Tumalikod na si Megan sabay irap, ang bessie ko talaga. May attitude.

Bigla namang nagvibrate ang phone ko, ramdam ko kasi nasa likod ko lang naman ang bag ko e at andun ang cp ko.

From: Megan
Bilisan mo best, hihintayin kita dito sa labas. Bilis!

Ano bang namgyayari sa mga tao ngayon at ang hilig nila maghihintay sa labas ng classroom. Una yung babaero, kanina si Justin tapos ngayon naman si bessie. Sino kaya sunod? Baka si Superman na!

Natapos na ako sa quiz pero as usual kay ma'am dapat sabay-saby magpapasa tapos kami din ang magchecheck habang sinasabi nya yung sagot. Tapos ibabalik sa may-ari yung papel para i re-check tapos tsaka ibibigay ulit sa kanya. Uso pa ba yun sa college? Ang sagot ay oo, lalo na kay ma'am Alma.

Masaya nanaman ako dahil nakakuha ako ng perfect score. After maibalik kay ma'am yung papers pinalabas na din nya kami, ganun sya after discussion quiz then dismiss.

At syempre pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto bigla akong hinigit ni Megan. Ang bilis nya maglakad lahit naka high heels sya ha. Required kasi sa tourism dito na magheels, atleast 3 inchess and above. Taray.

"Meg san ba tayo pupunta?" Tabung ko sa kanya habang hila-hila nya ako

"Basta! Antagal mo kasi eh."

"Nagquiz kaya kami" ang totoo nyan pede naman ako mag excuse sandali pero bakit hindi ko ginawa? Kasi ayokong lumabas ng room ng di pa dismiss, baka masira pa good record ko tapos mawalan ako ng scholarship

"Sus reasons" well, alam ng kaibigan ko yun

"E san nga tayo pupunta kasi Meg?" Pangungulit ko

"Dun sa prince charming mo." Nakangiting sagot nya

"Kay Justin?"

Napatigil naman sya ng sabihin ko yun tapos nabitawan nya yung kamay ko

"Ewan ko sayo. Basta tara" biglang higit nanaman nya sakin habang nalakad ng mabilis, kahit pababa ng stairs wla lang sa kanya kahit ganyang kataas ang heels nya ha, sanayan lang yan.

Sa wakas tumigil din si Megan, pagtingin ko sa harap nagkukumpulan ang mga studyante. Sumiksik kami ni Megan sa kanila at nangmakita ko ang pinagkukumpulan nila ay biglang lumabas sa dibdib ko ang puso ko. Di joke lang. Pero parang ganun narin, nakita kong nagpapambuno si Justin at Zeke.

Walang naawat sa kanila, mga nanunuod lang.

"Bakit Zeke, gusto mo ba talaga sya?" Sigaw ni Justin

"Oo Tin!" Sigaw din na sagot ni Zeke

"Hindi. Wag mo ng ilinya si Sam sa mga koleksyon mo!"

"Anong nangyayari dito?" Sasagot pa sana si Zekw ng biglang sumigaw si Xed.

Tumakbo ito para pagbitawin ang pagkakahawak ng dalwa sa isa't isa.

"Ano hindi nyo manlang talaga sila inawat?!" Sigaw ni Xed sa mga security guards

"Sir Xed, pinagbawalan po kasi kami ni sir Zeke eh" sagot ng isang gwardya

"Sabi po nya papasisante daw po nya kami" sagot pa nung isa

"E ako kaya magpasisante sanyo?!" Pananakot naman ni Xed

"Sir naman.."

"Galaw!" Bulyaw ni Xed, nagsilapitan naman nga ang mga guard. Pilit nilang pinaghiwalay si Zeke at justin. Si Xed naman nagpagpag na ng damit nya habang yung dalwang basag ulo nakatahimik lang. Tapos na sana ang gulo nang biglang sigawan ni Zeke ang nakahawak sa kanyang dalwang gwardya.

"Bitaw! Wala na kayong trabaho!" Bumitaw naman nga ang dalwa ng narinig nila yon, binitawan din si Justin ng mga gwardyang may hawak sa kanya.

Agad namang nagsuntukan ulit ang dalwa.

"Sh*t!" Takbo nanaman si Xed para awatin sila

Hinawakan nya si Zeke at akmang susuntok nanaman si Justin ng sumigaw ako ng tama na.

Lumapit ako kay Justin at hinawakan ang dalwang kamay nya, not in a romantic way. Pagpigil lang sa kanya pero namis-understood yata yun ni Justin ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit. Tinignan ko sya at kitang-kita sa muka nya na iba ang inisip nya sa hawak na yon.

Magsasalita pa sana ako ng dumating ang chancellor.

"Mr. Zerinllo, Mr. Alehandre, Mr. San Juan and Ms. Sebastion, all of you to my office NOW!" Galit na sabi ni Mr. Parkins

Bakit kasama ako? Pero wala naman ako magagawa eh. Sa office nalang nya ako magpapaliwanag.

Naglakad na kaming apat papunta sa office ng school chancellor. Nauuna kami ni Justin habang nakahawak sya sa kamay ko at swear, parang sinusunog ang likod ko kaya naman tumingin ako sa likod. Kung nakakasunog lang ang tingin siguro marami ng ambulansya dito para tulungan ako, ansama ng tingin nya sakin pero may napansin ako. Kahit pala masama ang tingin ng isang Zeke Zerinllo gwapo padin. Hmp! Shut up Samuel Jill!

Napalunok naman ako ng laway sa lalaking ito na akala mo narampa kung maglakad. Dahil don tumingin na ako sa tamang daan, sa harap.

Bakit ang sama ng tingin nya? Naramdaman ko namang may pumisil sa kaliwang kamay ko. At tsaka ko napagtanto ang lahat. Selos?

---------
Vote and comment. Love yah all! God Bless!

Continue Reading

You'll Also Like

90.4K 3.3K 52
we all know that vampires does not exist.. The cold one, blood thirsty, blood suckers, can't live without blood. For life, they only want, BLOOD! BL...
8.8K 495 31
Kung nagmamahal ka ng isang taong hindi kailanman magiging sa 'yo, para sa 'yo ang kuwentong ito...
164K 4.8K 45
Was there any hope when all of his senses demanded him to kill her when his heart only wish was to spend a day with her?
147K 5.4K 34
Naamoy niya ito. Tila kauulan lamang, ang paborito niyang amoy sa umaga matapos ang isang malakas na bagyo ang pumuno sa kanyang sistema, ang amoy ng...