Easton Maravilla: Taste Of He...

By KenTin_12

19.8K 358 17

‼️ MATURED CONTENT ‼️ Si Gizzy Torres ay isang mananayaw sa isang high-end bar. Pinatos na niya ang ganitong... More

CHAPTER 1: The Beginning
CHAPTER 2:The Accident
CHAPTER 3: Recovery
CHAPTER 4: Bagong Problema
CHAPTER 5: Sunog
CHAPTER 6: Desisyon
CHAPTER 7: You're Hired
CHAPTER 8: First Night
CHAPTER 9: Flavor Of The Month
CHAPTER 10: Carter's University
CHAPTER 11: Maravillaʼs University
CHAPTER 12: Glamorous Glenda
CHAPTER 13: No Boyfriend Since Birth
CHAPTER 14: Adult Toy
CHAPTER 15: Love At First Sight
CHAPTER 17: Alistair Roxas
CHAPTER 18: First Date
CHAPTER 19: Label
CHAPTER 20: First Kiss
CHAPTER 21: Daddy Easton
CHAPTER 22: Traffic
CHAPTER 23: Weekends
CHAPTER 24: Billiard Hart

CHAPTER 16: Text Message

487 11 0
By KenTin_12

CHAPTER 16

“Hi, Gizzy! Sure we can meet! - Easton.”

Nakatitig ako sa reply niya sa akin. Ilang linggo na ba ang nakakalipas ng magreply siya sa aking text pero heto ako hindi ko alam kung ano ang i-re-reply ko sa kanya.

Bigla akong kinabahan. Tama ba itong ginawa ko? Dapat siguro 'di ko na siya tinext. Ilang araw na akong hindi makapag-isip ng tama, buti na lang nakakapag-focus pa rin ako sa pagsasayaw ko.

Naitago ko ang phone ko at nilagay ito sa slacks na suot ko. Nag-bell na para sa unang subject namin. Napasandal ako at tumingin sa buong sulok ng classroom. May kanya-kanya silang ginagawa kanina pero nang tumunog ang bell, agaran silang bumalik sa mga silya nila.

Pansin kong magka-close na ang mga taong nandito. Magkakaibigan kaya sila noong highschool?

Sinundan ko ang tingin ang babaeng naka-mini-skirt ang suot and white ang suot niya sa loob at may suot din siyang black blazer, na pumasok sa loob ng classroom namin.

Siya siguro ang professor namin.

“Good morning, Filipino major! I am  your professor in Study and Thinking skills, also known as English 101!” Masigla niyang pagpapakilala sa amin habang may sinusulat na siya sa white board.

Nakita at binasa ko ang nilagay niya roon, buong pangalan niya.

“I hope you love English more because of me. And, I also hope that you will be comfortable with me while we are together all semester.” sambit niya ulit sa amin na siyang kinatuwa ng buong klase namin.

Nilabas ko na lang cattleya ko at sinulat sa first page ang subject niya. Need kong magsipag katulad ng pagiging masipag ko sa pagsasayaw, ayokong mawala ang scholar ko sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya ang mga aasahan naming ituturo niya sa subject niya.

Nakakabagot talaga ang first week ng school year. Wala naman kasing ginagawa kapag ganitong unang linggo ng taon.

Tinignan ko isa-isa ang mga classmate ko, napangisi ako ng makitang ang iba ay nababagot na habang nakikinig sa harapan at ang iba naman ay nakikita kong palihim na nagse-selpon.

Being a student, check!

Napatingin ako sa katabi kong babae na mukhang malalim ang iniisip. May sinusulat siya roon sa fillers niya pero hindi siya nakatingin sa harapan, mukhang hindi rin siya nakikinig habang nagdadaldal ang professor namin.

Mukhang problemado ang isang ito.
Lovelife yata ang problema nito.

Hindi ko maalis ang tingin sa kanya dahil naririndi ako sa mahinang sinasabi niya sa kanyang sarili habang may sinusulat doon sa fillers niya.

Ayos lang ba siya?

Isang oras. Isang oras ang natapos ng marinig ko ulit ang pangalawang bell ngayong araw.

“Okay, class, see you sa next meeting!” paalam niya sa amin at lumabas na sa classroom.

Okay, next subject na ulit! Gusto ko na matapos ito dahil pag-iisipan ko pa kung magre-reply ako sa Easton na iyon!

Nilabas ko ulit ang phone sa aking slacks at kinuha ang airpods sa bulsa ng aking bag, patutugtugin ko muna iyong kantang sasayawin ko this Saturday! 

Hay! Napunta ulit ako sa message ni Easton. Kailangan ko na ba talagang makita siya? Ano naman pag-uusapan namin kapag nagkita na kaming dalawa?

Pero, ang inaalala ko lang ay iyong pagpunta niya always sa bar, walang palya niyon at after ng makita ko siyang may mga nagniningning sa buong paligid ay hindi na iyon nawala.

“Hmm... Miss?”

Lalo lang kumabog ang puso ko habang sa kanya ako nakatingin.

“Miss?”

Iyong mga mata niya nakatitig talaga sa akin habang sumasayaw ako sa stage. Ang tingin na niyon na lalong nagpakabog sa puso ko. Ang mga mata niyang nagpabaliw sa akin.

“Miss?”

Napapitlag ako nang kumalabit sa akin. Nakita ko ang babaeng nasa kaliwa ko. Nakatingin ito sa akin.

Tinanggal ko ang airpods sa aking tenga, “bakit?” takang tanong ko sa kanya.

Nagulat ako. Muntik ko na siyang murahin. Buti na lang napigilan ko itong bibig ko.

“M-may binigay bang gawain niyong professor natin sa English?” nahihiyang tanong niya sa akin. “Sorry sa abala,” pahabol niyang sambit sa akin.

“Ah,” ngumiti ako sa kanya. Iyon lang pala tatanungin niya. “Ayos lang. Wala naman binigay. Nagsabi lang siya kung ano ang aasahan natin sa units niya.” sagot ko sa kanya.

Nang makitang wala na siyang sasabihin binalik ko na ulit ang airpods sa tenga ko pero bago ‘yon narinig ko pa siyang nagpasalamat sa akin. Ang hinhin ng boses niya, bagay sa mukha niyang mala-manika.

“Wah!” bulalas kong saad at halos mapatayo pa ako ng makita kong na-i-send ko kay Easton ang text message ko kanina.

Tngina! End of the world ko na ba?

“Are you okay, Miss?” Napalingon ulit ako sa kanya ng kalabitin niya ako.

“Eh?” takang tanong ko sa kanya.

Sinenyasan niya ang tenga niya kaya tinanggal ko ang kaliwang airpod ko. “Sumigaw ka kasi, may problema ka ba?”

“Eh? Ako sumi–”

“Look,” sabay turo niya sa buong sulok ng classroom namin.

Tngina! Nakatingin sila sa akin lahat. Gusto ko na lang magpakain ngayon sa semento, wala naman kasing lupa rito.

Napatampal ako sa aking noo. Bakit nakalimutan kong naka-airpods nga pala ako? Bakit ang tanga natin, Gizzy? Second day pero pinahiya na natin ang sarili natin sa kanila.

“Are you okay talaga, Miss?” Narinig ko na naman ang mahinhin niyang boses.

Napa-ubob ako at napatingin sa kanya. “Mm-hmm... Salamat sa pag-alala.” saad ko sa kanya.

BAKIT? Bakit ko pinahiya ang sarili ko sa second day ng school year?

“Waaah!” sigaw ko rito sa k'warto ko pero gumamit ako ng unan at doon tumili at sumigaw-sigaw para hindi marinig ng mga pinsan ko.

Ayokong mag-alala sila sa akin. Kasi alam kong tatawanan ako ng mga iyon dahil sa katangahan na ginawa ko!

“Hi, Easton, sure we can meet after my shift this Saturday!”

Basa ko ulit sa text na ni-reply ko sa kanya kanina. Bakit ka kasi nagsend? Dapat pala binura muna kita bago kita binalik sa aking slacks para hindi nadulas ang daliri ko sa send button!

Ginulo ko ang buhok ko at tinignan ang reply niya sa akin.

“Sure, Glenda! I'm going to the bar on Saturday for you!”

Napangiwi ako ng makitang may heart emoticon pa sa text message niya sa akin.

Oh, Lord, mahal niyo naman po ako ‘di ba? Sana panaginip lang itong reply niya sa akin.

Pero, kanina ko pa sinasampal ang aking magkabilang pisngi pero gano'n pa rin. Nandoon pa rin ang reply niya sa akin.

Totoo siya! Hindi ito panaginip! Magme-meet kami sa Saturday!

Saan naman kami pupunta kapag gano'n? Kailangan ko na ba ng tulong mula kay Toni?
Siya lang naman siguro ang makakatulong sa akin kung ano ang dapat kong gawin this Saturday. May experience siya lalo na't ang boyfriend niya ay isa rin namin dating customer.

Pumunta ako sa messenger ko at hinanap agad ang pangalan ni Toni. Naka-online siya. Sana nga lang ‘wag siyang magtanong kung para kanino ko gagamitin niyon.

“Hi, Toni! May I ask something?”

Toni is now typing...

“Hello, Gizzy? About saan? Tara, second day pa lang nag-e-english ka na!”

Napangiwi ako sa kanyang reply. Bakit nga ako nag-english sa kanya? Nahahawa na ako ng Easton na iyon! Panay english kasi siya, ay, hindi pala! Ako pala unang nag-english sa kanya, malay ko ba kasi hindi siya makaintindi ng tagalog.

“Nagpapatanong kasi itong NEW FRIEND ko, paano at ano raw ang unang ginagawa sa first date?”

Ini-emphasize ko talaga ang new friend sa kanya para wala na siyang maitanong sa akin.

Hinihintay ko ang pagtatype niya. Mahaba yata ang ginagawa niyang reply sa akin. Dapat ba nag-video call na lang kaming dalawa?

“Hi, Hmm... Magpakilala ka muna sa ka-date and vice versa. Kasi kapag first time niyong magkita dapat kilalanin niyo muna ang isa't-isa para malaman niyo kung magki-click kayo para naman hindi masayang ang pagkikita niyong dalawa. And, lastly, dapat ipakita mo sa ka-date mo ang totoong ikaw para hindi siya ma-turn-off. Iyon lang, Gizzy, sana makatulong sayo este sa new friend mo.”

Tss.

“Sa new friend ko talaga iyan. Salamat, Toni, ipo-forward ko itong message mo sa kanya.”

Message ko ulit sa kanya.

Lalabas na sana ako sa messenger ng makita ko muli ang reply niya sa akin.

“Just be yourself sa first date mo!”

Gano'n ba ako kahalata?

Eh!

Continue Reading

You'll Also Like

60.6K 633 34
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
25.5M 908K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...