Play Pretend

By nininininaaa

2M 84.1K 18.5K

[OFFICE LOVE AFFAIRS #1] As his personal secretary, Chantal's next task is to marry the president. *** Not ge... More

Play Pretend
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 43

28K 1K 153
By nininininaaa

#OLAPlayPretend

Chapter 43
Lie

Before lunch ay nakarating na kami sa bahay. Nakaayos na si Mama, suot-suot ang bestida na gustong-gusto ni Papa na makitang suot niya. It was a yellow floral dress with puffy sleeves and a front tie.

Muntik na kaming magkapareho ni Mama ng suot dahil naka-dress din ako. I paired the white ruffled strapless mini dress with canvas sneakers. And after seeing me ready, Xaiver quickly changed his black shirt and put on a white polo shirt. Gusto niyang magkakulay ang suot namin.

"Ma, kumain na tayo," aya ko kay Mama.

Abalang-abala siya sa pag-aayos ng hapag nang dumating kami ni Xaiver. I tried helping her, but she wouldn't let me do chores. Ayaw ko siyang napapagod masyado.

"Ito na. Huling putahe na 'to," nakangiting sabi niya at inilapag ang bowl sa gitna ng lamesa.

My mother cooked three dishes. Lahat 'yon ay matagal lutuin. I could only imagine her cooking since early in the morning. Baka nga hindi pa siya nakakain ng umagahan.

"Ma, ang dami naman po ng niluto mo. Baka hindi natin maubos," sabi ko, trying to filter my words. I didn't want to offend or hurt her.

"Babaunin natin sa pantiyon kapag hindi naubos," sabi niya nang naupo. "Saka ito ang unang beses na bumisita kayo sa bahay simula nang ikinasal kayo. Syempre, maghahanda ako."

My lips parted as guilt suddenly crept in. Simula noong nakauwi kami sa honeymoon ay hindi na ako nakabisita sa bahay. Buti na lang ay nailabas ko pa si Mama noong isang sabado na sobrang busy pa ni Xaiver sa trabaho. Kung hindi ay baka tuluyan na akong kinain ng konsensya.

"Sorry, Ma... Hindi kami nakabisita ni Xavi."

Mom chuckled. "Ayos lang 'yon. Naiinintindihan ko naman na maraming inasikaso si Xaiver dahil matagal kayong nawala," sabi niya. "Ayos na akong makita kayong masaya pa ring nagsasama."

Xaiver held my hand. Nilingon ko siya. His genuine smile caught me off guard for some reason.

"Wala po kayong dapat ipag-alala tungkol diyan, Ma. We're more than content and happy," he reassured her with actions and words.

Hindi lang si Mama ang nakatanggap ng reassurance nang dahil doon. Kahit ako ay naramdaman 'yon, and I couldn't ask for more. Kusa niya 'yong binibigay, hindi na kailangang hingin, at lagi niya ring pinaparamdam sa tamang oras.

"Mabuti naman kung gano'n... Masayang-masaya ako..." sabi ni Mama, medyo hinihingal.

Umayos ako ng upo upang matingnan siya nang mas maayos. I got worried when I heard and saw her panting. Parang hinihingal siya dahil sa pagod.

"Ayos lang po ba kayo, Ma?" tanong ko.

"Oo naman." Tumawa siya at aabutin sana ang baso ng tubig, ngunit naunahan na siya ni Xaiver para ibigay 'yon sa kanya. "Salamat, hijo."

"Walang anuman po," agad na sagot ni Xaiver.

Uminom si Mama ng tubig at halos maubos niya agad 'yon. Pagkatapos uminom, medyo umayos na ang paghinga niya. She finally looked hydrated.

"Napagod lang talaga siguro ako sa pagluluto," sabi ni Mama.

"Ngayon lang 'to, Ma, ah. Alam ninyo naman pong hindi maganda sa inyo ang mapagod," paalala ko.

I couldn't reprimand her for preparing a meal for us. Nangyari na at nagawa na. I also didn't want her to feel unappreciated, but I had to keep reminding her not to compromise her health.

Bumalik sa akin ang pag-aalala sa kanya, lalo na't hindi kami araw-araw magkasama gaya ng dati. Hindi ko siya mabantayan kung kumakain ba nang tama. She could sometimes be stubborn and eat foods that are not good for her health. Ayos lang ang tikim pero kapag sobra, nakakatakot na pabayaan.

"What are you thinking?" tanong ni Xaiver sa akin nang makalabas kami sa bahay.

Hinihintay na lang namin si Mama bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Tahimik ako mula kanina dahil sa pag-aalala. I didn't know why it only dawned on me that leaving her alone was a scary thing. Kahit na binibigyan ko naman siya panggastos at pambayad sa bills, hindi sapat 'yon.

"Parang gusto kong ikuha ng personal nurse si Mama..." sabi ko, pero muling pumasok din sa isipan ko ang gastusin. "O kung puwede..."

Hindi ko masabi ang isa pang option na naiisip ko. Nahihiya ako. Kahit na bahay namin 'yong mag-asawa, it's still Xaiver's property. I felt the need to still ask his permission to take my mother with us at doon na patirahin.

"I can help you hire a trusted nurse, but if you want her to live with us, then I have no problem with it," Xaiver told me before I even had the guts to ask for his consent.

"Talaga? Puwede?" Dinig sa aking boses ang pagkamangha. On the other hand, Xaiver was confused to see my reaction.

"Of course. She's your mother, bakit hindi?"

Napangiti ako at niyakap na lamang siya. I would always be thankful for him. He made everything easier for me to handle. He would always help me put things into perspective. If not for him, I might have resorted to doing desperate actions to solve my problems.

Pagkalabas ni Mama ng bahay, hindi na kami nag-aksaya ng oras. Sumakay kami sa sasakyan at agad na bumiyahe papuntang sementeryo. The ride was filled with stories about my stepfather. Seryosong nakikinig si Xaiver na para bang ayaw niyang may makaligtaang kuwento. His laugh was contagious every time my mom would tell him funny stories. He was so eager to know more about me and my family.

Nang makarating sa sementeryo, nauna si Mama na maglakad at nakasunod lamang kami ni Xaiver. She was carrying two medium-sized flower baskets, habang sa amin ni Xaiver ang cake, mga kandila, at ang baon na natirang ulam kanina.

Tama lang ang init kahit na medyo tirik ang araw. Dinig ko ang pagkaluskos ng mga dahon at sanga dahil sa hangin. The trees planted around the memorial park helped make the weather cooler. Kung wala ang mga 'yon, paniguradong parang impyerno na rin dito sa init gaya sa magugusaling parte dito sa Maynila.

"Ayon na ang Papa mo!"

Mama sped up when we reached the block. Medyo nasa looban 'yon ng sementeryo, malayo sa daan kung saan namin ipinarada ang sasakyan. Bumilis din ang lakad namin ni Xaiver para masundan siya.

Nasa itaas ng puntod ni Daddy ang puwesto ni Papa. Kaya tuwing undas, hindi kami nahihirapang bisitahin ang dalawa.

"Nandito na kami..." malambing na anunsyo ni Mama nang makarating kami sa harap ng puntod nina Daddy at Papa.

Habang tinatanggal ni Mama ang basket ng bulaklak sa plastik, Xaiver crouched a little to place the cake on my father's grave. Bago pa niya tuluyang mailagay 'yon, hinawakan ko ang kanyang braso upang pigilan siya.

"Hindi riyan," nakangiting pigil ko.

"Huh?" Xaiver's brows furrowed in confusion. Nilingon niya ulit ang puntod ni Daddy para siguro basahin ang pangalan at hindi naman siya nagkakamali.

Federico Bersales.

He's indeed my father, pero hindi siya ang may birthday. I forgot to tell Xaiver that it was my stepfather's. I couldn't remember if I told him about having one kaya tingin ko ay hindi. Natural lang na malilito siya.

"Si Daddy 'yan..." sabi ko na mas lalo niyang ikinalito. "Nasa taas si Papa. Stepfather ko."

"Stepfather?"

Umayos ng tayo si Xaiver saka nilingon ang puntod ni Papa. Nilapagan na 'yon ni Mama ng basket ng bulaklak bago binigyan din si Daddy sa baba.

"Philip Abisan..." bulong ni Xaiver, namamaos ang boses.

Lumalim ang mga linya sa noo ni Xaiver like he was trying to recall something. He swallowed hard and took a step back. Parang ayaw niyang lumapit. Ibinaba niya rin ang cake. Medyo nanginig ang kanyang kamay dahil sa higpit ng hawak.

"Xaiver?" I was scared to see his reaction. I didn't know what caused him to act strangely.

"Ayos ka lang ba?"

Hindi siya sumagot. Kagat ang aking ibabang labi, hinawakan kong muli ang braso niya upang kuhanin ang kanyang atensyon.

"Hijo." Pati si Mama ay lumapit na sa kanya.

Xaiver finally came to his senses. He snapped his gaze toward my mother before he turned to me.

Napakunot ang noo ko sa inasal niya. "Xaiver..."

"Sorry." Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang magsalita siya. "I spaced out for a moment. May naisip lang."

Umiling si Mama at ngumiti. "Ayos lang. Medyo nag-alala lang kami dahil baka kung napa'no ka."

Tipid na ngumiti si Xaiver pabalik kay Mama. Nanatili akong nababahala sa reaksyon niya. Sandali 'yong nawala nang tinulungan ko si Mama sa pag-aayos.

Xaiver excused himself for a call while we did. Hinayaan ko siya dahil mukhang hindi siya mapakali. I was worried that he might have compromised something very important at work by coming with us.

Pagkatapos ng tawag at pagkabalik niya, doon lamang namin kinantahan ni Mama si Papa. Xaiver didn't participate, though. He soullessly clapped his hands, following the beat of the birthday song. Parang malayo pa rin ang kanyang isipan na dahilan kung bakit mas lumalim ang akin.

Hindi kami nagtagal sa sementeryo gaya ng plano. We ate a slice of cake each. Hindi naubos ni Xaiver ang kanya. Si Mama naman ay nakaramdam ng hilo, possibly because of the rising temperature, kaya nagpasya na rin akong umuwi na kami.

I was getting more and more worried about Xaiver as time passed. Gusto ko nang magtanong kung may problema sa trabaho, ngunit ayaw kong madinig ni Mama kung mayroon man.

"Salamat ulit, Xaiver, sa pagsama sa amin," sabi ni Mama nang huminto ang sasakyan sa harap ng bahay.

"Wala pong problema, Ma," tipid na sabi ni Xaiver.

I could still sense his indifference sa kabila ng pagsusumikap niyang ngumiti. It bothered me a lot, especially when the reason wasn't something I knew about.

Nagpaalam na rin ako kay Mama. I forgot to tell her about my plans to take her home with us. Hindi naman kasi puwedeng kami lang ni Xaiver ang magdesisyon ng pagtira niya sa amin, lalo na kung kaya niyang magdesisyon para sa sarili niya.

Nanaig ang katahimikan sa biyahe pauwi nang kaming dalawa na lang ni Xaiver ang naiwan. The silence echoed inside the car. Natakot akong gumawa ng kahit anong ingay. It reminded me of the first time I rode in a car with Xaiver. Hindi pa ako pamilyar noon sa mga ayaw at gusto niya. And since I had already embraced his identity as my husband—the clingy, loving, and sweet Xaiver Dela Vega—I suddenly felt like I was meeting a stranger or reconciling with a friend that I had not met for years.

"So..."

Umayos ako ng upo nang magsalita si Xaiver. Buong atensyon ang ibinigay ko sa kanya. I wanted to hear his thoughts kaysa manatili siyang tahimik because I would never be able to guess what he was thinking.

"Your stepfather..." Xaiver licked his lips and renewed his grip on the steering wheel. "I didn't know you had one. Your mom remarried?"

Medyo nakahinga ako nang maluwag sa tanong niya. The anxiousness in my heart was lifted. I thought he was about to say something pretty serious. Ayon naman pala ay magtatanong lang siya tungkol kay Papa.

He's just probably curious, and it's normal. Wala pa akong naikuwento sa kanya. It was my fault for not having the initiative to do so. Sa itinagal naming nagsama dahil sa trabaho, madami pa rin siyang hindi alam tungkol sa akin.

"Uh, oo. One-year-old pa lang kasi ako nung namatay si Daddy kaya hindi ko siya nakilala. Wala pa akong muwang sa mundo no'n. Ang stepfather ko ang tumayo at kinilalang tatay ko..." sagot ko. "Pero hindi sila kasal ni Mama. Live in lang."

"That's why she's still a Bersales?"

Tumango ako.

I still didn't know the exact reason why they didn't get married. Siguro ay dahil sa pera at magiging gastos. O baka talagang kuntento na silang magkasama at nakatira sa isang bubong. Hindi na nila naisip na gawing legal ang pagsasama.

Even without making it official and without the papers, they still lived happily together. I could attest to that. Kasama nila ako sa bawat masasayang sandali ng pagsasama nila. Tinuring kong parang tunay na ama si Papa, and I was the precious daughter in his eyes. We were like a real family.

"Noong namatay si Daddy, my mother really had a hard time. Mag-isa niya akong binubuhay. Her job couldn't cover all the expenses. Madalas pa, walang naiiwan para mag-alaga sa akin. Kaya noong pumasok si Papa sa buhay niya, hindi niya na naramdaman ang pagod... ang hirap. She once again found the happiness and love she lost when my father died. Lagi niyang kinukuwento sa akin 'yon."

Habang patuloy ang kuwento ko, nanatiling tahimik si Xaiver upang makinig.

"I treated him like my real father. Minsan parang nagi-guilty nga ako dahil mas napamahal ako sa kanya kaysa sa tunay kong ama," pag-amin ko. "But I guess it couldn't be helped. Siya ang kinamulatan kong ama. Siya ang tumayong haligi ng tahanan namin, and I have no memories of my biological father."

My chest tightened at that thought. Tuwing naiisip ko 'yon, parang ang hirap-hirap dalhin sa dibdib. It felt like betraying my father because I loved my stepfather more.

"Kaya noong namatay rin siya, muling nawalan ng pag-asa sa buhay si Mama. Ganoon na rin ako. I matured earlier because of that. Hindi ko kayang makita siyang walang pahinga at nahihirapan. I wanted to help her as soon as I could kaya pagka-graduate ko ng senior high, naghanap ako ng part-time. I worked while going to college para nakatulong sa mga bayarin."

Alala ko pa noong nagalit sa akin si Mama dahil sa pagpa-part time. Ayos lang sa kanya na magtrabaho ako habang bakasyon, but once the school year started, she wanted me to focus on my studies. She was scared that I might drop out and apply for a regular job.

Gusto niyang makapagtapos muna ako. Kahit hindi mataas ang grade basta makakuha ng diploma ay ayos na sa kanya. Ang kinakatakot niya lang mangyari ay tumigil ako dahil sa kagustuhang tumulong sa mga bayarin.

At sa totoo lang, muntik ko nang gawin 'yon.

During the time she was diagnosed with her illness, I almost did. Hindi namin alam kung saan kami kukuha ng pang-maintenance niya. Ilan lang sa mga niresetang gamot sa kanya ang naibigay ng gobyerno at hindi pa sapat 'yon para sa isang buwan.

Our healthcare system is anti-poor. Parang walang karapatang magkaroon ng magandang sistemang pangkalusugan ang mga mahihirap. Mas madami pa ang mga pribadong ospital kaysa sa pampubliko. Only the upper class has access to quality health services. Ang mga katulad namin ay kailangan pang pumila ng halos buong araw para makakuha ng tiyansa. Sa kabila pa ng pakikipagsapalaran, hindi mo sigurado kung magtatagumpay ka. Napakahirap.

At nakakainis dahil hanggang ngayon, hindi pa rin 'yon naaayos. Ilang administrasyon na ang dumaan at walang pagbabago kahit na ayon dapat ang maging prayoridad at gawan ng solusyon.

We were lucky that we survived, pero paano na lang ang iba?

Xaiver fell silent. He wore a complex expression, possibly pondering the words and experiences I vomited. I believed it was the first time I opened that much and bared my soul to another person. Nahuli pa nga dahil dapat noong una pa lang.

"What's his job?" biglang tanong ni Xaiver nang basagin ang katahimikan.

"Si Papa?"

He nodded. "Your stepfather."

"Taxi driver siya."

Muling tumango si Xaiver. Umayos siya ng upo at tumalim ang titig sa daan. The more I talked about my stepfather, parang mas lalo siyang nahihirapan sa hindi malamang dahilan. Siguro ay namomroblema din siya sa naging sitwasyon namin noon. We had a very different life. Lumaki kami sa magkaibang mundo.

"What's the cause of his death?"

Napaawang ang aking mga labi sa gulat at wala sa sariling umiwas ng tingin. Ayan ang iniiwasan kong tanong. I played with my fingers as anxiety started creeping in again. I didn't know what to say. Natatakot akong sabihin ang totoo.

Bumalik sa akin ang mga panahon na kailangan namin ng makakapitan ni Mama. Our relatives turned their backs on us after knowing what happened. Nagkunwari silang hindi kami kilala. Ni isa ay walang nagtangkang tumulong. No one reached out, not even to simply ask if we were fine. They didn't want to get involved.

We lost everything. If my mother didn't fight for us, hindi ko alam kung saan kami pupulutin. Baka hindi ko rin nakilala si Xaiver.

Ibinalik ko ang mga mata sa mahal kong asawa. His eyes were still on the road while waiting for my answer. My heart broke at the thought of losing him. Hindi pa man nangyayari ay naramdaman ko na ang pagdaloy ng matinding sakit. Hindi ko kaya kung siya ang tatalikod sa akin... sa amin.

Noong una, hindi ko matanggap na gano'n ang inasal ng mga kamag-anak namin. I felt betrayed. I got hurt. Gusto kong malaman kung bakit nila kami tinaboy at tinalikuran, but the answer was right in front of our faces. It was obvious. Para sa kanila ay isa kaming malaking kahihiyan. Kaya kalaunan ay hindi ko na rin pinilit. I let them go and cut them out of our lives like they did to us.

But with Xaiver, ayaw kong mangyari ulit 'yon. I can't just let him go. I don't want to risk it. I don't want to lose the family I have now. I can't afford to lose Xaiver.

If I had to lie to keep him, I would do it. I would protect the happiness I have now. I wouldn't let the dark clouds of the past cover the sun and rain on us.

"Car accident," namaos kong sagot, mahigpit ang kapit ko sa strap ng bag. "Naaksidente siya habang namamasada noon. Hindi ko na maalala ang ibang detalye. It's been y-years... S-sorry..."

I'm really sorry, Xavi.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 157K 52
We tend to build a stigma to those who have done the gravest things solely for the sake of living. Kahit sa anong antas ng kabutihan, nahuhusgahan sa...
2.6M 81.9K 48
The S #2 There are different kinds of love in the world. May pagmamahal para sa pamilya, para sa kaibigan, para sa mga taong malapit talaga sayo, at...
8.3M 196K 33
[SY SERIES #1] He may be cold but it wasn't a hindrance for him to manage melting my heart. Because he did, always. But the only thing is, it is so...
3.6M 100K 42
To love is to sacrifice. Iyon ang paniniwala ni Avis Magdalene Sebastian. She believes that love is doing everything for the people you love, even if...