ALL-TIME FAVORITE: Regina & L...

De AgaOdilag

46.7K 941 114

Tinakasan ni Regina ang kasal nila ni Xander nang matuklasan niya ang tunay na pagkatao nito. Nagtungo siya s... Mais

First Page
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER TEN
EPILOGUE

CHAPTER NINE

3.5K 66 13
De AgaOdilag

"CHARLYN, I want you to meet your grand-
mother," si Luke sa bata at inilahad ang kamay sa matandang babae na nakaupo sa rocking chair.

"How are you, darling?" Inilahad ni Donya Crisanta ang dalawang kamay sa batang alanganing lumapit. "Come and give Lola a kiss, aber."

Sumunod ang bata na sumampa sa rocking chair. Tinulungan ni Luke na maikandong sa ina ang pamangkin. Mahigpit na niyakap ni Donya Crisanta ang bata na gumanti din naman ng yakap. Nakita ni Regina ang pagsungaw ng luha sa mga mata ng matandang babae. Biglang nagsikip ang dibdib ng dalaga. Tingin niya'y napaka-fragile ng matandang babae. Maliit at maputi. Typical sa mga Chinese. Bagaman nasabi na ni Luke sa kanya habang daan na Pilipina ang mama nito dahil sa Pilipinas na ito ipinanganak at lumaki. Ang ama naman ni Luke ay produkto ng mixed marriage sa pagitan ng British at Chinese.

Bahagyang inilayo ni Donya Crisanta ang bata at sinipat nang husto. "Kung naging babae si Charles ay siyang-siya noong bata pa, Luke," wika nito at muling hinagkan ang bata. Hindi itinago ang matinding pananabik.

"Baka makasama sa inyo, Mama, ang sobrang
excitement. Charlyn's staying," mariing wika nito. At pagkatapos ay nilingon si Regina. "And this is Regina, mother. Siya ang sinasabi ko sa inyo." Pakilala nito sa dalawa kasabay ng pag-abot mula sa ina kay Charlyn.

"How are you, hija?" wika ng matandang babae
na itinaas ang kamay. Pinahid ng panyolito ang mga mata at ngumiti sa kanya.

Yumuko ang dalaga nang makitang inilalahad ng matanda ang pisngi nito. She gave her a light kiss. "I'm pleased to meet you, Ma'am."

"Hindi kasing-galak ko nang itawag sa akin ni Luke kahapon na kasama niya ang fiancée niya sa pagtungo rito," patuloy ng matandang babae na nagpasinghap kay Regina. Pagsinghap na hindi marahil narinig ng matanda dahil nagpatuloy ito. "Small world, hija. Luke said he met you in Paris at kailan lang nagkaalaman na may relasyon ka kay Evelyn by affinity nang sabihin mo sa kanyang pupunta ka ng Hong Kong to claim your niece."

"C'mon, Mother," si Luke. "Sobra-sobrang excitement iyan for one day. Baka makasama sa inyo." Tumaas ang tingin nito sa nurse na nasa isang sulok. "Pagpahingahin mo na ang Mama, Nurse."

Napailing ang donya na muling nginitian si Regina. "Ginagawa akong paralitiko ng anak ko, Regina. Sana'y makasanayan mo ang pagiging tyrant niyan," wika nito sa masuyong tono.

"Sanay na siya sa akin, Mama."

"Will you come to Lola this afternoon, Charlyn?" yuko ng matanda sa bata.

"Opo."

"Come, ladies, at ipakikita ko sa inyo ang magiging silid ninyo." Parehong inakbayan ni Luke ang dalawang babae palabas. Ni hindi makuhang pumalag ni Regina.

Sa labas ng silid ay naroon ang mayordomang si Simang at sinamahan si Charlyn sa sariling silid nito. Agad na hinarap ni Regina si Luke.

"Anong fiancée ang pinagsasabi mo sa Mama mo?" asik niya.

"Relax, Regina," nakangising wika ng lalaki. "Kung sinabi ko sa iyo kanina iyan habang patungo tayo rito'y baka hindi ka pumayag na sumama."

"Kaya niloko mo na naman ako? Ano ba talaga ang trabaho mo? You seem to be very expert in
deceiving people!"

"Makinig ka at ipaliliwanag ko sa iyo..." Inakbayan siya nito at inakay sa pasilyo. Pumiksi ang dalaga.

"Of course. Lagi namang may magandang
paliwanag mula sa iyo, di ba? And I will be left speechless. Siguro'y abogado ka rin, ano?"

He laughed. Binuksan nito ang isang pinto at
pinapasok ang dalaga. Hindi makuhang ma-appreciate ni Regina ang kagandahan ng silid dahil sa ngitngit ng loob. Padabog na naupo sa isang pang-isahang sofa.

Isinara ni Luke ang pinto at sumandal doon.
"Matagal nang inuungkat ng Mama na mag-asawa ako, Regina," simula nito. "Nitong mamatay ang Papa at si Charles ay lalo nang naging obsesyon niyang mag-asawa na ako. I can't say no. I don't want to disappoint her."

"Kaya ipinain mo na naman ako sa panloloko mo sa sariling ina mo!"

"Ouch! Ang sakit niyon, ah." He had the grace to wince and looked hurt. Pagkatapos ay sumeryoso ito. "May sakit ang Mama, Regina. Kailangan kong ibigay sa kanya ang dalawang bagay na ikahahaba pa ng buhay niya. Si Charlyn at--"

"Ang paniwalain siyang magkasintahan tayo, ganoon ba?"

"Puwede naman nating totohanin iyon, ah. I like you, Regina. Very much. At alam kong hindi mahirap para sa iyong magustuhan ako. Nararamdaman ko iyon sa tuwing hinahagkan kita. Malakas ang chemistry nating dalawa."

"Huwag mong guluhin ang isip ko, Luke. Mula
nang makilala kita'y hindi ko na alam kung ano ang tama at mali sa mga ginagawa ko. You seem to have controlled everything that I do," galit niyang sabi. "And who cares about scientific terms?"

"Do you know what chemistry means?"

Wala siyang balak sagutin ang kalokohang iyon pero naiirita siya at siguro nga'y nililito na ng taong ito ang isip niya. "I know what it means! The study of elements and the reactions they undergo-there to satisfy you."

Ngumiti ang binata. "So you're not just a pretty
face, huh. You still remember that. At dahil ibinigay mo na rin ang kahulugan ay gusto kong sabihin sa iyo na ang chemistry mo, mixed with mine, I'm sure there would be a mighty explosion sooner or later, lady."

"Damn you, Luke! Find another woman to mix
your chemistry with. I'm not available. Ano man ang alam mo tungkol sa akin mula sa mga nababasa mo'y hindi ako iyon," she said defensively. "I don't go for flings and short affairs and sham relationships."

Bumakas ang iritasyon sa mukha ng lalaki. "Kung walang usok ay walang apoy, Regina," wika nito na ang tinutukoy ay ang hindi niya pagsipot sa kasal nila ni Xander at ang balitang sa flat ni Bruce siya nagpalipas ng magdamag. "Hindi mo kailangang idepensa ang sarili mo sa akin. I don't really care about your past. Ang hinihiling ko lang sa iyo'y para sa matanda. Hindi niya alam ang tungkol sa iskandalong kinasangkutan mo. At least, hindi mananatili sa isip niyang lagi na lang akong walang permanenteng relasyon. At magkatugma tayo sa bagay na iyan. We can enjoy the bliss without the wedded."

"At kung tumanggi ako?" hamon niya. Their eyes clashed and did battle. Una siyang umiwas at marahang nagsalita. "Wala kang pinanghahawakan sa akin, Luke. Nasa inyo na si Charlyn."

"Indirectly, si Evelyn ang sanhi ng kamatayan ni
Charles at ng Papa, Regina-"

"Huwag mong sisihin si Evelyn sa nangyari sa Papa mo!" agap niya sa sasabihin nito. "Ginawa niya iyon sa sarili niya. Paano kung ibalik ko sa iyo ang akusasyon? Na siya ang may kasalanan sa pagkamatay nina Evelyn at Charles."

"Stalemate." Nagtaas ng mga kamay si Luke.
Umiling. "You don't know anything, Regina...." wika nito sa walang emosyong tinig pero ang galit sa mga mata'y naroon pa rin. "Pero ito lang ang masasabi ko, huwag sanang ikaw ang magiging sanhi ng sunod na atake ng Mama dahil....hindi kita patatawarin." Binuksan nito ang pinto at nilingon siya bago lumabas. "Ano ba naman ang iniaayaw mong magkunwang magkasintahan tayo, eh, ang ginagawa nating halikang dalawa ay tinalo pa ang magkasintahang totoo?"

NANG sumunod na mga araw ay nagkalapit nang husto sina Regina at Donya Crisanta. Tulad din ng kung paano itong bumawi ng lakas mula nang dumating si Charlyn na lagi na lang kasama ng matanda. Sa mga pagkakataong napakabait ng matanda'y nakukunsiyensiya siya sa panloloko nila ni Luke dito. Upang pawiin din ang alalahanin na para rin sa matanda kung bakit nila ginagawa iyon.

Linggo ng umaga nang may dumating silang bisita. Pagkababang-baba nito sa kotse'y agad na tumakbo ng yakap kay Luke.

"Oh, Luke, darling!" Tumaas ang mukha nito at
hinagkan sa mga labi ang binata. Umiwas ng tingin si Regina. "I've missed you so much..."

"And I missed you too, Myleen," wika nito at
inakay ang dalaga palapit sa kanila.

So, ito ang Myleen na kasintahan ni Charles. Maliit, hindi kagandahan, pero tsinita at kasingputi ng labanos. So fragile-looking. A Chinese. Anak ng kaibigan ng pamilya, no wonder na ganoon na lang ang galit ng mga Chan sa biglang pagpapakasal nina Charles at Evelyn.

"Hello, hija, kumusta ka na?" masuyong bati ni
Donya Crisanta. Humalik at yumakap si Myleen dito.

"Kayo ang dapat kong kumustahin, Mama,"
masuyong wika ng babae na umangat ang paningin sa kanya at kay Charlyn na nasa tabi niya.

"Si Regina Malvar, Myleen," pakilala ng matandang babae. "Stepsister siya ng asawa ni Charles at si Charlyn, ang apo ko."

Hindi marahil sinasadya ng matandang mabanggit ang relasyon niya sa lalaking nagtalusira rito. Pero ang pagguhit ng galit sa mga mata ni Myleen ay hindi ikinaila sa kanya.

"She's also Luke's fiancée, hija..." patuloy ng
matanda na lalong nagpasingkit sa singkit ng mga mata ng babae.

Subalit saglit lang iyon at agad na lumapit sa binata si Myleen. Kumapit sa mga braso nito at ngumiti. "Nagtatampo ako sa iyo, Luke. Bakit hindi mo sinabing may kasintahan ka na?"

"Gusto kong sorpresahin ang Mama, Myleen,"
matabang nitong sabi. Si Regina ay inakay papasok sa loob si Charlyn nang makitang monopolado na ng babae ang atensiyon ng mag-ina.

ALAS-DIES na ng gabi at hindi siya makatulog. Maliban sa mga kislap ng ilaw sa kapaligiran ay madilim ang paligid. Ang verandang iyon ay nakatanaw sa Taal Lake. Nalalanghap niya ang hanging-dagat mula rito. Ang bahay-bakasyunan ng mga Chan ay nasa labas na ng Tagaytay. Nasa isang modernong subdivision na nakatanaw sa kagandahan ng Taal Lake.

Nasa ganoon siyang ayos nang dumantay sa mga balikat niya ang mga kamay ni Luke. Pagkatapos ay ang pagdampi ng mga labi nito sa sentido niya.

"Sinabi sa ibabang hindi ka naghapunan, sweetheart..."

"Don't call me that," saway niya sa bahagyang
pagtaas ng tinig. Hindi niya maiwasan ang pagbangon ng init sa katawan sa pagkakadantay na iyon sa katawan ng binata.

"Old habits are hard to die, eh?" patuloy nito.
Pumulupot sa katawan niya ang mga braso. "Akala mo'y model ka pa rin at gustong ma-preserve ang slimness..."

"Bakit ngayon ka lang dumating?" Nakapagtatakang nakawala ka sa bisita mong halos hindi ka gustong bitiwan." Hindi niya gustong sabihin iyon pero nanulas sa bibig niya.

Dalawang araw na siyang naiinis sa tuwing
nakikitang laging magkasama ang dalawa. Kalimita'y nagho-horse back riding ang mga ito kung hindi man nag-go-golf. At kanina'y ipinasyal naman daw nito si Myleen sa Puerto Azul.

He chuckled at iniharap siya. Itinaas ang mukha. "Huwag kang tatangging nagseselos..." At paano niya matatanggihan iyon gayong bumaba na sa mga labi niya ang mga labi ng binata? May kapusukang inangkin iyon at siya'y agad na itinaas ang mga kamay sa leeg nito at mapusok ding tinutugon ang mga halik ni Luke.

Sa loob ng dalawang araw na hindi niya ito
napagkikita'y sapat na upang bumigay ang anumang damdaming inaalagaan niya. Na para bang hindi siya ang tumutugon sa mga yakap at halik ng lalaking ito. Makalipas ang ilang saglit ay pinakawalan ni Luke ang mga labi niya at tinitigan siya. Sa bahagyang liwanag mula sa labas ng veranda'y nakita niya ang makahulugang ngiti nito. A primitive kind of half-smile.

Muling bumaba ang mga labing iyon sa kanya. Ang kaibahan lang sa pagkakataong iyon ay umangat siya mula sa sahig at nararamdaman niyang ipinapasok siya nitong muli sa silid niya. Then she felt the bed on her back.

"Luke..." bulong niya nang muli siyang titigan nito at muli ring angkinin ang mga labi niya. His hands moved around her body. Tinatanggal na isa-isa ang mga butones ng cotton nightdress niya.

Natitiyak ni Regina na hindi siya ang hinahagkan ni Luke dahil wala siyang ginagawang pagtutol sa mga ginagawa nito. Sa halip, she was positively enjoying the sensations his hands and lips were arousing.

Muli siyang pinakawalan ni Luke at tumayo mula sa kama. Hinubad nito ang pang-itaas sa panggigilalas niya. Ano ang iniisip gawin ng lalaking ito? Nang ihagis nito ang polo shirt sa ibaba at hubarin ang maong ay nagbuka ng bibig ang dalaga upang isatinig ang pagtutol. Subalit walang lumabas na tinig doon. Nakulong lahat sa lalamunan niya ang tinig.

Sa mismong harapan niya'y ang tila kinurbang
katawan mula sa isang granite ng isang dakilang iskultor.

"Wo hao shang nien ni, Regina...I missed you so much," he said huskily as he joined her again in bed at inalis sa katawan niya ang pantulog. She was too weak to protest. Na para bang gusto niyang magprotesta. "Sa loob ng dalawang araw ay ikaw na lang ang laman ng isip ko. And I've been wanting to do this since I first saw you..."

Gusto ko ring gawin mo sa akin ito... ang gusto
niyang sabihin pero nanatiling tuyo ang lalamunan niya. Nang bumaba ang mga labi ni Luke sa dibdib niya'y  inakala niyang napasigaw siya subalit singhap ang lumabas sa bibig niya na tila nalulunod.

"Don't deny me these, darling..." he murmured as his mouth feasted on her body. Walang bahaging iniwan na hindi dinaanan ng mga labi nito.

And when he poised above her, wala na kahit na anong pagtutol mayroon sa isip ni Regina. She was craving for more...aching for something she had only read in books and heard from friends. Itinaas niya ang sarili upang salubungin ito.

"Regine, darling...darling..." si Luke. Sandali lang itong natigilan dahil hindi niya gustong huminto ito. Alam niyang mapapawi rin ang anumang discomfort. She curled her legs around him and arched her body to meet his. Nagmamadali siyang gustong abutin ang dako pa roon. "Easy, darling...we have all night. I promise to give it all to you," bulong ni Luke sa kanya sa naaaliw na tinig. "I want to prolong the pleasure and delight of this first...even if it kills me."

SHE felt so disappointed nang magising siyang wala na sa tabi niya si Luke. Pero hindi niya ito masisi. Alas-onse na ng umaga. Nagmamadali siyang nagtungo sa banyo. Taglay pa rin sa isip at damdamin ang kaligayahang ipinadama sa kanya ng binata. Wala siyang natatandaang naidlip sila maliban nang maaninag nila sa glass panel ang pagbubukang-liwayway.

Hindi niya mapaniwalaan ang mga bagay na
ipinakilala sa kanya ni Luke tungkol sa sariling katawan. She couldn't believe that she possessed such uncontrollable passion. Hindi lang ang passion niya ang pinukaw nito but Luke unawarely made her realize na hindi niya talaga iniibig si Xander. Dahil kung pag-ibig ang nadarama niya rito noon ay hindi sana siya magkakaroon ng ganitong damdamin kay Luke. She must have been charmed by his gorgeousness... ng pagiging witty nito...ng pagiging debonair. Though she learned later na panlabas na anyo lamang iyon.

It was Luke whom she loved. Natitiyak niya iyon.

Pagkatapos magbihis ay lumabas siya ng silid.
Pababa na siya sa basement kung saan naroon ang pinaka-living room nang marinig niya ang tinig ni Myleen. Nahinto sa pagbaba ang dalaga at sumungaw sa ibaba.

"Bakit kailangang magpakasal kayo, Luke?" si
Myleen. Tears in her voice. "You promised that you will take care of me after what Charles did..."

"I am keeping my promise, Mayleen. Pero
kailangan ko ring pakasalan si Regina..."

"Pero bakit?" Tumaas na ang gumagaralgal nitong tinig. "Bakit sa babaing kapatid pa ng babaing siyang naging sanhi ng trahedya ko at ng pamilya ninyo?"

"Hindi magkapatid si Evelyn at si Regina. Ilang beses ko na bang ipinaliwanag sa iyo?"

"Oh, you're splitting hairs, Luke. Ganoon din iyon. Bakit kailangang sa kanya pa? Higit sa lahat, bakit kailangang magpakasal kayo?"

"Dahil sa Mama at kay Charlyn," mariing sagot
nito na nagpatuwid ng katawan ni Regina. Mula sa itaas ay natatanaw niya ang ibabaw ng ulo ng binata. Si Myleen ay natatakpan ng hagdan.

"Ang alam ng Mama'y magpapakasal kami
at--"

Hindi na hinintay ni Regina ang kasunod na
sasabihin at nagmamadaling bumalik sa silid niya. She was glad na carpeted ang sitting room na tuluy-tuloy sa hagdan pababa.

Naupo siya sa gilid ng kama at naguguluhang pinag-iisipan ang lahat. Pakakasalan siya ni Luke. Hindi nila napag-usapan iyon kagabi. Gusto niyang ikagalak iyon pero hindi ang dahilan kung bakit nito gagawin iyon. Dapat ba niyang gawan iyon ng issue?

Umiling siya. She didn't think so. Hindi siya ganoon kagaga upang hindi mahalatang kahit paano'y naroroon ang pagtatangi ni Luke sa kanya.

If he proposed marriage, tatanggapin niya.

Continue lendo

Você também vai gostar

56.9K 1.7K 23
Brianna was a victim of a failed kidnapping and attack. Iniligtas siya ng isang estrangherong may maiitim na mata na kung tumingin ay halos manuot sa...
58.8K 1.4K 23
Madeline was foolish to have accepted a job from a strange old man. Ang trabaho ay nasa bayang nilisan niya may limang taon na ang nakalipas at ipina...
568K 12.2K 55
Patricia Aurora Ante is said to be the black sheep of the family. Siya ang bunsong anak nina Fedelino at Adel Ante. Walang nakikita ang mga mata ng k...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...