ALL-TIME FAVORITE: Forbidden...

By AgaOdilag

61.3K 1.2K 100

Ipinakasal si Mariel ng kapatid na si Vincent kay Adrian sa Nevada nang labag sa kanyang kalooban. Sa buong b... More

First Page
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
TEN
EPILOGUE

NINE

3.7K 77 13
By AgaOdilag

ANG ika-apat na araw nina Adrian at Vincent sa Hacienda Ramona ay ginugol ng mga ito sa paglilibot sa buong plantasyon.

Si Vincent ay hindi makapaniwala sa lawak ng
lupain. "Why, Adrian, these are worth millions!"

"Mag-iikot tayo sa buong mundo, Vince. We can go to the Tramp casino, sa Monte Carlo..." Nilingon nito ang binata. Nakita ang lungkot sa mga mata nito. "May problema ba?"

"I'm woried about Mariel, Adrian. I know she
will hate me for this. At hindi ka tumutupad sa usapan," akusa nito.

"Humingi na ako ng paumanhin. Nabigla ako and you can't really blame me. Mariel is a very pretty woman," depensa nito. “Anyway, she will live in comfort, Vincent. Divorce is in order, soon," mariing wika nito.

"I hope it will be done bago niya matuklasan ang lahat. At bago pa muling kumawala ang pagpipigil mo," nag-aalalang tumingin ito sa mga berdeng dahon ng mais. “Ayokong masaktan si Mariel, Adrian. Gusto kong pagsisibang pumayag ako sa mungkahi mo, "

"Rubbish! Tinupad ko ang usapan natin. I never
laid a finger on her, Vincent. Maliban sa pangyayari noong isang araw at ilang beses ba akong hihingi ng dispensa? I was tired and tense."

"Would you have consummated your marriage
kung hindi kita binalaang huwag pakialaman si Mariel?"

Ngumisi si Adrian. "She's a pretty little thing."

"Huwag mong susubukan, Adrian, tinitiyak ko sa iyong papatayin kita."

"She's my wife," walang anumang wika nito.
Pumitas ng isang bunga ng mais.

"Sa pangalan lang, tandaan mo. Hindi iyan ang
usapan natin," may galit na sa tinig ni Vincent.

Nagtaas ng dalawang kamay si Adrian. “Alright, alright. Pero, Vince, paano kung hindi pumalag si Mariel? Paano kung payag naman siyang mangyari ang dapat mangyari. Mag-asawa kaming legal. Baka nga mamaya ay nagtataka na iyon kung bakit hangga ngayon ay virgin pa rin siya," giit pa rin ni Adrian. Natanim sa isip ang ginawang paghalik sa asawa.

"Sa nakita kong anyo niya nang lumabas ng silid ninyo ay lhindi mangyayari ang iniisip mo, Adrian. She was shocked. And many times I've seen her cringed sa tuwing madidikit siya sa iyo."

"Iniinsulto mo ako, Vincent," tim-bagang nitong sinabi.

"Wala siyang pag-ibig sa iyo, sinunod lang niya ang utos ko sa pagnanais na tulungan ako. Palabasin mo siya sa gulong ito, Adrian, ng intact pa rin. And let her find happiness with somebody else na mahal niya at mahal din siya. Anyway, napakinabangan mo na ang pagpapakasal niya sa iyo. Malilipat sa pangalan mo ang kalahati ng plantasyon. Pagkatapos ng bilihan, release her."

"Paano kung ayoko, Vincent? Paano kung gusto ko palang manatiling asawa si Mariel? Wala kang magagawa."

Tinitigan nito si Adrian ng matiim. "Don't push your luck, lover boy. Hindi mo kailangan ang kapatid ko."

Huminga nang malalim si Adrian. Nagbaba ng tingin na tila maamong tupa. "You're right."

"Hindi ba niya napupuna na lumalabas ka ng silid ninyo sa gabi?"

"I don't think so. Lagi siyang pagod sa plantasyon," pagkasabi noo'y nagdilim ang mga mata nito. Pumasok sa isip ang lihim na sulyapan ng asawa at ni Brad.

May lihim bang relasyon ang dalawa? Nagtagis
ang mga bagang nito. Knowing Brad, posible. Hindi iilang babae ang naaakit dito, Gaano man kainosente at kamasunurin si Mariel ay hindi ito mai-immune sa charm ng stepbrother.

Maliban na lang marahil kay Faye. But she was foolish. He only took her dahil din kay Brad. Wala kahit katiting na interest sa babaeng iyon si Adrian.

Hindi tulad ni Mariel, her innocence thrilled and excite her. At kung hindi kay Vincent ay noon pa niya inangkin ang asawa.

Asawa. That give him the right.

Hindi siya papayag na sa maraming mga bagay at pagkakataon ay maisahan siya ni Brad. Hindi niya matanggap ang ginawa nito sa kanya.

Si Vincent ay ang kapatid din ang iniisip. Sana'y madaling matapos ang mga papeles'ng bentahan ng Iupa nang sa ganoo'y makabalik na sila ng Nevada.

ALAS-KUWATRO pa lang ng hapon ay gusto nang umuwi ni Mariel. Masakit ang ulo niya. Napakainit ng araw at hindi siya makatagal.

"Si Brad, Javier?" tanong niya sa isang katiwala.

"Nasa gitna, ma'am. Tatawagin ko ho ba?"

"Hindi na. Pakisabing nauna na ako at sumasakit ang ulo ko. Gagamitin ko ang lumang pick-up na panghakot."

"Sasabihin ko po."

Mabuti na nga ring umuwi sya nang naaga upang asikasuhin ang pagkain ng mga lalaki sa bahay. Si Tiya Ramona ay may dinaluhang kasal ngayong hapon at malamang na bahapuning masyado ang uwi.

Ipinarada niya ang Sa sakyan sa garahe at pumasok ng bahay. "Wala pa ba ang Tiya Ramona, Josefa?" tanong niya sa katulong pagkapasok ng kabahayan. Inihagis ang sombrero sa sofa.

"Wala pa po, ma'am."

“Ang Sir Adrian mo?"

"Nasa itaas po sila ni Sir Vincent. Nagbilin pong huwag abalahin kung hindi kami ipatatawag. May inaayos pong mga papeles tungkol sa lupa."

Tumango si Mariel at pumanhik na sa itaas.
Minamadali ng asawa at kapatid niya ang pag-aasikaso sa bilihan ng lupa. Si Brad man ay hapon na nang dumating sa plantasyon at galing din ng bangko upang makakuha ng loan. She dreaded the day na aalis siya ng Hacienda Ramona.

Papasok na lang siya sa silid niya nang maisip na pasukin ang kapatid. Siguro naman ay hindi
confidential ang tungkol sa mga papeles.

Isang warming knock ang ibinigay niya. Boses ni Adrian ang narinig niya.

"Huwag mo kaming abalahin, Josefa!" pagalit
nitong sigaw in a hoarse voice.

Nagkibit siya ng balikat. Hindi siya si Josefa.

Pinihit niya ang door knob. Hindi naka-lock.

Itinulak níya ito kasabay ng pagpasok.

Sabay na lumingon ang asawa at kapatid niya sa pinto. Nanlaki ang mga mata niya. Namanhid ang buong katawan.

Kung bubuka ang hpa at t lalamunin ang buong balhay kasama sila ay nanaisin pa niya.

Ang dalawa'y hindi rin agad nakakilos. Si Vincent ang unang nakabawi Hinablot ang tuwalya sa tabi at itinapis. Mabilis na isinuot ang pantalon.

Mabilis na tumalikod si Mariel at pabagsak na
isinara ang pinto at nagtatakbong palabas.

"Mariel, wait..." si Vincent na akmang hahabulin ang kapatid. Subalit hinawakan ito ni Adrian sa kamay.

"Ako na, Vincent. Papaliwanagan ko siya. Mas
madali niya akong maiintindihan kaysa sa iyo. She will feel betrayed by you." Mabilis itong nagsuot ng pantalon pero hindi na ng pang-itaas at nagmamadaling lumabas ng silid.

Si Vincent ay lumung-lumo. Ang mga sandaling ito ang kinatatakutang dumating ng binata. At dumating na nga!

Matapos ang natuklasan, ang unang tinakbo ni Mariel ay ang pick-up. Subalit wala roon ang susi at nasa loob ng babay. Hindi niya gustong bumalik para kuhanin iyon sa pinaglagyan niya. Lumabas siya ng pick-up at nagtatakbong pabalik sa kung saang bahagi ng plantasyon.

Hilam sa luha ang mga mata niya.

To hell with Adrian! Wala siyang pakialam dito.

Pero si Vincent... the brother she adored so much. Her only family. Ang tanging taong sa palagay niya'y nag-aalala.. nagmamahal sa kanya. Hindi niya kayang tanggapin.

"Mariel, hintay!" Narinig niyang sigaw ni Adrian
na humahabol.

Nilingon niya ito. "Go to hell, Adrian!" sigaw niya habang patuloy sa pagtakbo. Hindi niya gustong abutan nito upang paliwanagan.

Sige sa paghabol si Adrian. Lumihis siya sa maisan ngunit sumunod din ito.

Pagod na siya at nagagasgas ang katawan sa mga dahon ng mais. Inabutan siya ni Adrian at bumagsak sila sa lupa sa ibaba ng mga puno ng mais.

"Bitiwan mo ako! Nandidiri ako sa iyo!" Nagpumiglas siya ng ubod-lakas pero malaki at malakas si Adrian.

"Tumigil ka, ano ba!" sigawni Adrian na dinaganan siya upang hindi siya makakilos. Subalit taliwas sa inaasahan ay iba ang naging epekto nito sa lalaki.

At kahit si Mariel sa kabila ng galit at pagkasuklam ay napuna ang arousal nito. Lalo lang niyang pinilit na kumawala mula sa asawa.

"Hayup ka, Adrian, bitiwan mo ako!"

"Asawa kita, Mariel. Legal. Magagawa ko ang
gusto kong gawin sa iyo, kahit dito at ngayon!" Patuloy ito sa pagpigil sa mga braso niya.

"Over my dead body, Adrian!" malakas niyang
sinabi. "You can't take me and Vincent at the same time, you bastard!"

"Really? Then I'll take you right here and now
darling. At walang magagawa si Vincent, Mariel,  dahil kailangan niya ng pera ko para ipantustos sa bisyo niya!"

Nanlaki ang mga mata ni Mariel.  Hindi magagawa ni Adrian iyon sa kanya! Ang pagsamantalahan siya!

"You're one of the privileged women na nakapukaw sa pagkalalake ko, Mariel. I don't usually go for women, you know," parang baliw nitong sinabi. Kung humihingal si Mariel ay ganoon din ito. "At kung hindi lang sa banta ni Vincent, sa Nevada pa lang ay nangyari na sana ito. Iyon din ang dahilan kaya pinauna kita rito. Sa sulsol ng kapatid mo, sa pag-aalalang baka pag matagal pa tayong nagkasama ay hindi ko mapigil ang sarili ko." Bumaba ang isang kamay nito at inalis ang snap ng pantalon. Habang pigil-pigil ng isang kamay ang kamay niya. Pagkatapos ay ibinaba nito ang zipper ng pantalon.

"This is rape, Adrian!"

"Asawa kita, Mariel. Asawa."

Nagpa-panic na siya. "No, Adrian! Hindi mo
magagawa ito. Nasaan ang delicadeza mo? Ako at si Vincent..."

"Delicadeza?" Tuya nito na bigla siyang siniil ng
marahas na halik. Nagpumiglas at humiyaw si Mariel. Tumaas ang mukha ni Adrian.

"At ikaw. my dear wife, nasaan ang sinasabi mong delicadeza? Baka akala mo ay hindi ko napupuna ang lihim ninyong sulyapan ni Brad? How foolish of me to think na hindi ka papatusin ni Brad dahil asawa kita. And how foolish of me to think na hindi mo gagawing patulan ang lalaking iyon dahil may asawa ka na. And because you're such an innocent and submissive little creature. Pero nagkamali ako." Nag-iigting ang mga bagang nito na tumitig sa kanya.

"Wala kaming relasyon, Adrian, nagkakamali ka. Marangal na tao si Brad. Hindi siya tulad mong..."

"You think so?" Nang-uuyam ang mga mata nito. "Your dear old brother at si Brad ay iisa, Mariel," at bumulalas ito ng nang-uuyam na tawa.

"A-ano ang ibig mong sabilhin?"

Kumislap ang mga mata ni Adrian. “Ano pa ba
ang ibig kong sabihin, Mariel? Do I have to spell it out? Pero huwag na nating aksayahin ang panahon sa walang kuwentang usapang ito," inikot nito ang paningin sa buong paligid. "I never thought na magkakaroon ako ng tsansang makipagtalik sa sarili kong asawa sa ganitong kapaligiran. Kind of romantic, di ba?"

Dinama nito nang marahas ang dibdib ng asawa. Napasigaw si Mariel.

"I haven't taken a virgin yet, Mariel," nakakalokong ngisi nito. "Pero virgin ka pa nga ba? Hindi mo pa ba naibigay kay Brad ang dapat ay sa akin?" Pagalit nitong tanong sabay muling hawak sa dibdib niya,

"I could kill you for these, Adrian!" Hiyaw niya na tinawanan lang ng asawa. Hindi siya makaiyak sa takot at sindak. "Bitiwan mo ak0, Adrian, please. Nakikiusap ako..."

"Pagkatapos kitang angkinin, Mariel..." at muling bumaba ang ulo nito patungo sa kanya pero umíwas si Mariel at sa leeg niya napunta ang mga labi ni Adrian. Kasabay noon ay ang pagpapakawala niya ng malakas na sigaw.

"You're foolish to think na may makakarinig sa atin dito. Malayo ito sa mga nag-aani. Nagpapasalamat ako at dito ka tumakbo. Mura pa ang mga mais na ito at walang mga tao ang dadako sa lugar na ito."

Nakangising wika ni Adrian na tumayo paluhod habang hawak pa rin ang mga kamay niya. Then he was riding her astride at lalo nang hindi nakakilos si Mariel na naipit ang mga binti sa pagitan ng mga binti ni Adrian.

“Adrian, no, please!" At muli siyang sumigaw ng ubod-lakas kasabay ng pagpupumiglas.

This is all a nightmare! Magigising din siya!

Binitiwan ni Adrian ang mga kamay niya at
sinimulang alisin ang snap ng maong niya at ibinaba ang zipper.

Sinamantala ni Mariel ang pagkakawala ng mga kamay niya at kinalmot ang mukha ni Adrian na napangiwi sa sakit.

"You bitch!" wika nito na dinama ng kamay ang
mukhang tinamaan ng mga kuko niya. Nagdilim ang paningin nito nang makita ang dugo sa sariling kamay.

Isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa
kanya.

Kasabay ng pagbaba ni Adrian ng maong sa mga binti niya ay nawalan ng malay si Mariel sa matinding takot, sakit sa dumapong sampal, sindak, pagod, at pagkasuklam sa lalaking asawa niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 46.5K 40
TO BE PUBLISHED UNDER TALKING PAGES Tears Series #4: Audrey Deana Valdez
215K 4K 31
This is not my story. I just want to share what I have read to all my co-readers. All credits to the author.
25.1K 726 13
Si Isabella ang pumalit sa puwesto ng ama nang magkasakit ito. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang hindi makatanggi si Ismael Fortalejo. Intrigued...
133K 2.5K 23
He would be hers... someday Walong taong gulang si Delaney Williams nang iuwi ng kanyang ama ang isang labimpitong taong gulang na lalaki-an orphan...