ALL-TIME FAVORITE: Forbidden...

By AgaOdilag

69K 1.3K 104

Ipinakasal si Mariel ng kapatid na si Vincent kay Adrian sa Nevada nang labag sa kanyang kalooban. Sa buong b... More

First Page
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
NINE
TEN
EPILOGUE

EIGHT

4.2K 94 3
By AgaOdilag

PAGKATAPOS ng pangyayaring iyon ay sinikap ni
Brad na hindi sila magkasama sa trabaho. Alam nitong hindi siya mapipigil na tumulong sa plantasyon kaya minabuti nitong sa magkaibang bahagi ng plantasyon ang bawa't isa.

Pag nagkakaharap silang dalawa sa hapag-kainan ay kaswal silang nag-uusap at parehong nagtatagong pilit ng mga damdamin.

Hustong sa ika-sampung araw ni Mariel sa
plantasyon ay dumating si Adrian kasama si Vincent.

"Vince!" bulalas ni Mariel nang makita itong
kasama ni Adrian. Patakbo niyang niyakap ang kapatid.

Si Brad at si Donya Ramona ay nagkatinginan. Si
Adrian dapat ang sinalubong nang ganoon ni Mariel dahil ito ang asawa at bagong kasal pa lamang.

"Hello, pet? Maliban sa umitim ka'y nakikita kong
hiyang sa iyo ang buhay-probinsiya," ani Vince na hinalikan sa noo ang kapatid.

"Kumusta ka na, Mariel?" si Adrian na hinapit sa
baywang ang asawa nang kumawala kay Vincent. Ginawaran ng damping halik sa labi.

Napapikit si Mariel at sinikap na huwag marehistro sa mukha niya ang tila pagkapaso sa ginawa ni Adrian.

Si Brad ay nagsasalubong ang mga kilay na
minamatyagan ang mga kilos niya.

"Kumusta na Tiya Ramona, Brad..." Pinakawalan
nito si Mariel at hinarap ang tiyahin at stepbrother.

"Welcome back, Adrian," ani Donya Ramona na
hinagkan sa pisngi ang stepson. May kasama ka?"

"Kapatid siya ni Mariel, Tiya Ramona, si Vincent.
Vince, ang Tiya Ramona at si Brad, my stepbrother."

Nagkamay sina Brad at Vincent. Nanunuri ang mga mata ng una sa huli. “Hindi mo sinabi, Mariel, na magkaibigan ang kapatid mo at si Adrian," wika nito na tinitigan ang dalaga. May kung anong hinala ang nasa mga mata.

"Magkaibigan kami ni Adrian, Brad. Longer than
I could remember. Magkasosyo kami sa negosyo sa Nevada. And my dear little sister isn't the talkative type," si Vincent ang sumagot.

Si Donya Ramona ay tinawag ang dalawang
katulong at ipinapanhik sa itaas ang mga bagahe ng mga bagong dating.

"Inilagay ko sa dati mong silid ang asawa mo,
Adrian. Doon mo dalhin ang gamit ni Sir Adrian mo, Josefa,'" wika nito sa katulong. "Iyong dulong guestroom ay ibigay mo kay Vincent."

Nilingon ni Adrian si Mariel. Muing hinapit sa
baywang. "Did you mniss me, sweetheart?" masuyong wika nito.

Hindi magawang salubungm ni Mariel ang tingin ng asawa.

Conscious siya sa presensiya ni Brad na alam niyang sa kanila nakatingin. Itinaas ni Adrian ang mukha niya.

"Still very shy, Mariel. My sweet, Mariel..."

Napilitang magtaas ng mukha si Mariel at tumingin sa asawa. May nabasa siya sa mga mata nit ong hindi niya mawari. Pagkatapos ay nagbawi ito ng mga mata sa kanya at sumulyap kay Brad na umiwas ng tingin.

Tumikhim si Brad. "Gaano kayo katagal dito,
Adrian?"

Bahaw na tumawa si Adrian. "Brad, kararating pa
lang namin. Anyway, alam mo namang hindi ko talaga magustuhan dito sa plantasyon kahit noon pa. Bago kami bumiyahe rito ay tinawagan ko si Attorney de Leon. Inihahanda na niya ang mga papeles sa transter ng mga ari-arian ng Papa na para sa akin."

"And you might be interested to know, dear
stepbrother na ipagbibili ko ito."

Nag-angat ng paningin si Mariel at tumingin kay
Brad at pagkatapos ay sa asawa.

"Bibilhin ko ang share mo, Adrian," determinadong sagot ni Brad.

"May magagawa ka ba kung hindi ko sa iyo ipagbili ang plantasyon, my dear stepbrother" Bigla ang tension sa paligid sa sinabi ni Adrian.

"Kung ipagbibili mo ang share mo sa plantasyon,
Adrian, isn't it wise na kay Brad mo ipagbili?" Si Donya Ramona na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang lalakí.

"Surely, Tiya Ramona, entitled ako sa karapatang
ipagbili ang ari-arian ko sa kung kanino ko man gustong ipagbili," hamon ni Adrian sabay sulyap kay Brad na nag-igting ang mga bagang. “At wala akong intensiyong sa iyo ipagbili ang kalahati ng plantasyon, Brad. Hindi ko ibibigay ang kasiyahang iyon sa iyo."

Si Mariel ay manghang pinanonood ang dalawang lalaki. Hindi niya inaasahang may namamagitang iringan sa dalawa. At sa nakikita niya kay Donya Ramona, ito man ay nabigla rin.

"Kung ganoon, Adrian, hindi mo ginagawa ang
homework mo," ani Brad with a triumphant smile on his lips. "Hindi gusto ng Tiyo Enrique na maipagbili ang alinman sa lupang ipinamana niya sa iyo at sa akin. Pero ganoon pa man ay nagbigay ng option ang Papa mo pagdating ng pangangailangang maipagbili. Ang unang may option to purchase ng ari-arian ay alinman
sa ating dalawa."

Nanlisik ang mga mata ni Adrian. Hindi totoo
iyan!"

Ikiniling ni Brad ang ulo, "You can ask our lawyer," hamon nito.

Laylay ang mga balikat na naupo si Adrian. Sa
pakiramdam ni Mariel ay natatakot kahit huminga ang mga nakapaligid kasali na siya.

"Very well," ani Adrian makalipas ang ilang minuto. "Muli ay nagtagumpay ka, Brad Martinez. Hindi ko maintindihan kung bakit hinati sa atin ng Papa ang mana gayong hindi ka naman niya anak."

"Adrian, asawa ako ng Papa mo, sa akin dapat
iyon maiwan pero minabuti ni Enrique na hatiin na sa inyo ni Brad."

Hindi sinagot ni Adrian ang madrasta. Itinuon ang pansin kay Brad. "I do not have a special prize para sa kamag-anak, Brad. You will buy it kung paano bibilhin ng iba. Sa pinakamataas na halaga."

"Ipahanda mo sa abogado mo ang deed of sale,
Adrian."

"Brad, hijo.." si Donya Ramona. "Ang halaga ng
share ni Adrian ay tulad din ng halaga ng sa iyo. Can we afford to...?"

"Problema ko na iyon, Mama. Hindi ako papayag
na ang lupang minana pa ng Tiyo Enrique sa mga ninumo niya ay mauuwi sa iba. Out of spite and vengeance."

Idinagdag nito ang huling sinabi na muling ikinatingin ng lahat sa binata.

"How sentimental," ani Adrian. "At paano ka
makapagpo-produce ng malaking halaga, Brad? Kahit isanla mo sa bangko ang bahagi mo ay kulang pa rin para maabot mo ang halaga ng share ko.'"

"Nakalimutan mo siguro Adrian na ang silangang bahagi ng lupaing ito'y pag-aari ko. Ang karugtong ng plantasyon. Minana ko ito sa Papa. At ang halaga ng lupang pinagbilhan ng lupain ng Mama sa Bauang ay nasa bangko pa rin hangga ngayon at kumikita ng pera. Ganoon din ang lupang nakapaligid sa bahay na ito na
sa Mama mismo iniwan ng Tiyo Enrique," impormasyon ng binata bagaman walang gaanong conviction ang tinig.

Hindi nito matiyak kung aabot ang mga iyon pag isinanla sa bangko kasali na ang share niya.

Nagkibit ng balikat si Adrian. "Walang problema
kung ganoon, Brad. Ipagbibili ko sa iyo ang lupa at babalik ako ng Amerika pagkatapos ng mga papeles."

Nilingon nito si Vincent. "Magpapahinga na muna kami, Tiya Ramona. Nakakapagod ang biyahe. Vince?"

"Go ahead, Adrian. Gusto kong ikutin ang paligid
ng bahay."

"Ikaw ang bahala," tapos ay tinitigan nito si Mariel. "Samahan mo ako sa itaas, Mariel."

Walang kibong sumunod siya. Nasa baywang niya ang kamay ni Adrian habang pumapanhik. Halos nararamdaman niya sa likod niya ang mga titig ni Brad.

Napapikit si Mariel. Bakit siya naapektuhan ng
ganito? Bakit kailangang makaramdam siya ng ganito kay Brad? Hindi tamang lahat ang nangyayari sa buhay niya. Kahit ang sariling damdamin niya ay hindi tama.

Sa silid ay naghubad ng pang-itaas si Adrian
Kauna-unahang nakita niya mula nang ikasal sila. Adrian is forty pero matipuno ang balahibuhing dibdib nito.

She checked on her feelings. Wala, Negative.
Kumbaga sa kuryente, may power failure.

Nanlumo siyang muli dahil naikumpara na naman niya ang nararamdaman niya tungo kay Brad.

This isn't fair This is all wrong.

Dumapa sa kama si Adrian. “Don't just stand there, Mariel. How about some massage, I'm dead tired sa anim na oras na biyahe patungo rito."

Parang noon lang siya natauhan at naupo sa gilid ng kama at sinimulang masahihin ang likod nito.

"Hmn... that's good. Make it harder, sweetheart..." utos ni Adrian. Makalipas ang ilang sandali ay tumihaya ito. Tmitigan ang asawa. "I should have let you touched me, darling, noong nasa Nevada tayo. I never thought you could arouse me..."

Nabigla si Mariel. Hindi sinasadyang napasulyap
sa ibabang bahagi ng katawan ng asawa at mabilis ding inalis ang tingin.

Si Adrian ay itinaas ang isang kamay at pinaglaro sa mga braso niya na agad niyang iniwas.

"You're still a virgin, darling, aren't you?"
Nakangising tanong nito.

"A-Adrian..."

"Hindi ko naitanong kay Vince iyon. But secing
vou now, yes. How foolish of me." Itinaas nitong muli ang kamay at inabot ang asawa na hindi malaman kung paano kikilos.

"A-Adrian, please..."

Tumawa ang lalaki at marahas siyang hinila patungo rito. Pagkatapos ay siniil siya ng halik sa mga labi.

Sindak na nagpipiglas si Mariel at tumayo. At bago pa nakapagsalita si Adrian ay patakbong lumabas ng silid.

Sapasilyo ay nasalubong niya sina Brad at Vincent na parehong napatingin sa kanya. Parehong nagsalubong ang mga kilay sa sindak sa mukha niya habang ang isang kamay ay ipinapahid sa bibig niyang hinalikan ng asawa.

"Mariel?" si Brad. Nagtatanong ang mga mata.

Tumikhim si Vincent. "May.. sasabihin nga pala
ako kay Adrian, Mariel. Hindi ba tulog ang asawa
mo?"

Wala sa loob na umiling siya. Nanatiling nakatayo na tila estatwa.

"Papasukin ko na at kakausapin si..." hindi nito
naituloy ang sasabihin nang sumungaw sa pinto si Adrian na balak habulin si Mariel. "Oh, there you are. May sasabihin nga pala ako sa iyo," at tuluy-tuloy na si Vince sa silid nila.

"Mariel, bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong ni Brad nang sila na lang ang naroon. "Ano ang nangyari?"

"He... he.." kissed me! ang gusto niyang sabihin
dito. Pero magmumukha siyang gaga. Natural lang nạ halikan siya ni Adrian dahil asawa niya ito.

Magsasalita sana si Brad nang marinig nila ang
malakas na tinig ni Adrian mula sa silid na tila nakikipag-away kay Vincent. Pagkatapos ay muli ring nawala.

Muli siyang tumingin kay Brad. Hindi niya
maunawaan ang nasa mga mata nito. Pagtatanong, pagkalito, galit.. alin na ba roon?

Tumalikod ito at mabilis na bumaba. Nakasalubong nito sa ibaba ng hagdan si Donya Ramona.

"Babalik na ako sa plantasyon, Mama. At
gagabihin siguro ako. Sinimulan na kahapon ang
pagtatali ng mga bawang..."

"T-tutuloy na rin ako, Tiya Ramona..." aniya na
humakbang pababa ng hagdan.

Huminto sa pagbaba si Brad at tiningala siya.

"You can take a break, Mariel. Baka sabihin ng
asawa mo'y nagpapagod ka ng husto sa lupang sa malaon at madali ay mawawala na sa pag-aari niya. Walang nag-uutos sa iyong magtrabaho ka sa plantasyon. You don't have to be that devoted. Soon, babalik ka ng Amerika kasama ng asawa mo," may galit sa tinig nito na ikinatingin ni Donya Ramona sa anak.

"Oo nga naman, Mariel. Nasa itaas ang asawa mo. Hindi ba dapat na magkasama kayo?"

"Sabi nga ni Brad, Tiya Ramona, hindi magtatagal ay babalik na kami ng Amerika o ng Maynila ni Adrian. Hindi ko alam kung saan. At gusto kong samantalahin ang ilang araw sa trabahong gusto ko. Isa pa, may mahalagang pinag-uusapan si Adrian at si Vincent."

"I-ikaw ang bahala, hija." naguguluhang sinundan siya ng tanaw ni Donya Ramona.

Lumakad siya patungo sa sulihiyang divan at
dinampot ang malapad na sombrero na ginagamit niya at nauna nang lumakad kay Brad palabas.

Pasakay na siya sa lumang pick-up nang tawagin siya ng binata. "Sa teritoryo ko na ikaw magtrabaho..." anyaya nito.

"Mahina kang supervisor kung kailangan mo ng
katulong," biro niya. Nag-uumapaw ang dibdib sa galak. Matagal na silang hindi nagkakasama ni Brad and she missed him so much.

"Yeah. Nasanay ang mga taong naroon ka.
Mukhang hindi na gustong maniwala sa akin." Pumanhik na ito sa Strada. "Hop in."

"Yes, boss." Mabilis siyang umikot sa passenger's
seat at sumampa sa pick-up.

"Ano ang ginagawa ni Adrian nang lumabas ka?"
tanong nito sa tonong pilit na itinatago ang galit.

"W-wala.." maikling sagot niya. Hindi siya magbibigay ng impormasyon dito. Bahala itong mag-isip ng kung ano.

Pinatakbo ni Brad ang sasakyan na nakatiim ang
mukha. Kung anuman ang iniisip ay hindi niya maarok Ilang minuto na silang nasa daan nang magsalita siya.

"Can you really afford to buy his share, Brad?"

Lalong tumiim ang mukha ng binata. "Hindi ko
tiyak kung aabot ang mga resources ko, Mariel. Pero hindi ako papayag na mapunta ang lupa sa ibang tao at itaboy ang ibang mga tauhan ko sa bagong nakabili. Ipinangako ko sa kanila na magkakaroon ng dagdag sa sahod nila at kung maganda ang harvest ay may porsiyento sila sa net income. Lupa lang ang pag-aari ni Adrian, hindi ang nakatanim. Tumatanggap siya ng
kaukulang porsiyento para doon pero ang kinikita ng plantasyon ay akin at sa mga tauhan ko. At malaki na rin naman ang naiipon sa kinikita ng plantasyon sa loob ng mga nakaraang taon."

"I really hope you'll buy him out, Brad. A-ayoko
ring mapunta sa ibang tao ang kalahati ng plantasyon."

"You have a misplaced loyalty, sweetheart,"
patuyang wika nito na ginaya ang paraan ng pagbigkas ni Adrian sa endearment.

Malungkot siyang ngumiti. "Hindi ko kakagatin
ang pain mong iyan para mag-away tayo, Brad."

"Damn!" Marahas nitong sinabi sabay apak sa
preno ng sasakyan. Muntik nang masubsob si Mariel.

"Anong..!" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang marahas siyang kabigin ni Brad at yakapin.

"I missed you so bad at sana'y may karapatan
akong angkinin ka at pigiling huwag kang sumamang pabalik kay Adrian sa ibang bansa!" At pagkatapos ay mabilis siyang siniil ng halik sa mga labi.

She wanted him and missed him, too. Pero
banayad niyang itinulak ang binata at sinikap na kumawala dito habang hinahabol ang paghinga.

"B-Brad. malapit lang ang lugar na ito... sa mga
nag-aani ng mais."

Iniuntog ng binata angulo sa sandalan ng pick-up. "Patawarin mo ako, Mariel. I'm losing my head again. Pagdating sa iyo ay nawawala ang matitinong kaisipan ko..."

Hindi siya kumibo at itinuon ang mga mata sa daan. Nagsisikip ang dibdib niya. Sa buong panahong pinanatili niya sa plantasyon ay umasam siyang huwag dumating si Adrian. Na sana'y may mga bagay na magpangyaring huwag na siyang maalala pa nito.

But stupid of her. Darating si Adrian, hindi dahil
naalala siya nito kundi dahil sa bahagi nito sa
plantasyon.

At ibang Adrian ang nakita niya kanina. Hindi iyon ang Adrian na pinakasalan niya. Sweet at walang interest sa pagkababae niya. At natatakot siya rito.

Ano ang gagawin niya? Hindi siya makakatakas
dito sa lahat ng sandali. Lalo na pagdating ng gabi. Mamayang gabi.

Kitang-kita ni Brad ang sindak sa mukha niya.
"Mariel, I'm sorry. Hindi ko dapat ginawa iyon. Alam kong mali at nandito na si Adrian."

Napatitig siya sa binata. Inabot ng kamay ang
mukha nito at buong pagmamahal na hinaplos. "I wanted you to kiss me, Brad, so badly. Kaya lang.."

"Oh, Mariel.." ginagap nito ang palad niya at
maring pinisil. Pagkatapos ay dinala sa mga labi.

Kinagat ng dalaga ang mga labi niya para huwag bumulalas ng iyak.

Bago sila umalis, sasabihin niya kay Brad na mahal niya ito. Na iniibig niya ito. Hindi kailangang mahalin din siya. Sapat na'ng malaman nito ang damdamín niya.

At gusto niyang pasalamatan si Brad sa magandang damdaming idinulot nito sa kanya.

Hindi niya iyon makakalimutan anuman ang
mangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 119 12
Sigurado si Lady sa sariling makakaya niyang paamuin si Vince, ang guwapo pero supladong lalaking kapag nakikita siya'y lumalabas ang gatla sa noo. N...
41.1K 848 14
Hinarang ang sinasakyang bus ni Amanda. Nadagdagan ang sindak niya nang sabihin ng estrangherong nagnganga- lang Mitch sa mga kidnappers na mag-asawa...
23.6K 744 14
Pagkatapos barilin si Leon ng kinikilalang ama ay walang malay siyang inanod ng ilog patungo sa dagat hanggang sa mapadpad sa isang isla. A young and...
22.2K 366 12
"Pag-ibig din ang magdurugtong sa magagandang alaala ng isang lumipas na pag-ibig.." Maligaya si Julie sa piling ng kasintahang si Greg. Subalit tuwi...